Laura Isabelle Villacampo is no stranger to hardship. Raised by her mother in the shadows of Costa Fuego, she's never had the luxury of a perfect life or the comfort of knowing her real father's name. Despite the rumors, she's far from a pampered rich girl. But when she starts working as a part-time maid in the mansion of one of the wealthiest families in Costa Fuego, the Del Fuegos, she crosses paths with Eng. Archival-the intimidating, cold-hearted eldest son of the family. A man whose world seems light-years away from hers... until she unexpectedly finds herself drawn to him. What happens when a woman, hardened by life's struggles, falls for the very thing she's been taught to resent? Will love be her salvation or her deepest hatred? Deep-rooted hate, life-changing truths, and a thirst for revenge, can their love survive the test of time and betrayal? Or will the fire between them burn everything to ashes? #Romance #Revenge #ForbiddenLove #EnemiesToLovers #CostaFuego #Plotwist #heartbreak
View More"Laura, dali! Tignan mo ito!" tawag ni Lea sa akin, sabik na ipinapakita ang mga shells na napulot niya sa dalampasigan.
Agad akong ngumiti at lumapit sa kanya, bitbit ang isang paper bag na pinaglagyan ko rin ng mga shells at batong nakuha ko kanina. "Ang ganda naman nyan..." Namamangha kong sabi habang siya naman ay ngumiti nang abot-tenga. Inabot niya sa akin ang isang malaking pulang shell na may hugis-puso. Napansin kong may biyak ito sa gilid, marahil dahil sa hampas ng malalaking alon sa dagat. Gayunpaman, hindi pa rin nawala ang ganda nito, lalo na sa kakaibang kulay na taglay nito. "Sayo na yan, Lau..." Napatingin ako sa kanya, bahagyang nagulat. "Alam kong mahilig ka sa mga ganyan. At isa pa, hindi naman ako mahilig sa mga... alam mo na," sabi niya, sabay kibit-balikat. Hindi na ako nagdalawang-isip at agad ko itong kinuha mula sa kanya, masayang ngumiti. Matagal ko nang kinahihiligan ang mamulot ng shells dito sa dalampasigan ng Costa Fuego—ginagawa ko itong bohemian jewelry at palamuti sa kurtina. "May sabi-sabi raw na uuwi na silang Don Anton at Donya Mathilda mamaya... o baka bukas," biglang sabi ni Lea. Natigilan ako at agad siyang hinarap. Ngunit sa halip na seryoso, ngumisi lang siya at patuloy sa panunukso. "At syempre, kasama raw si Sebastian... Diba crush mo yon, Laura?" Biglang uminit ang pisngi ko at napayuko. Humagikhik lang si Lea at inakbayan ako. "Naalala pa kaya tayo niya? Halos isang taon rin silang hindi naka-uwi dito sa Costa. Naalala ko pa dati—parati ka lang nakatingin sa kanya sa malayo tuwing bibisita siya dito!" "Siguro hindi na..." mahinahon kong sagot. "At tsaka crush lang naman ‘to. Simpleng paghanga lang dahil ang bait niya sa atin." Pabirong tinulak ako ni Lea at nag-roll ng mata. "Ang sabihin mo, mabait at gwapo!" aniya, sabay kindat. "At sa ganda mong ‘yan? Sigurado akong naalala ka niya. Sa dami ng manliligaw mo, si Senyorito Sebastian lang naman ang nakakuha ng interes mo. Kaya kung ako sa’yo, ako na ang gagawa ng first move. Malay mo, Laura, ikaw pala ang hinihintay niyang mapangasawa!" Bago pa ako makasagot, isang malakas na sigaw mula sa itaas ng cliff ang pumukaw sa aming pansin. "Lea! Laura?! Hinahanap na kayo ni Madam Isa!" sigaw ng aming kaibigan, si Lukas, habang kumakaway sa amin. Lea leaned closer at bumulong, "Alam mo, isa pa yang si Lukas... Matagal ka na rin niyang gusto, kaso ang torpe lang." "Bakit ba ang dami mong sinasabi?" natatawang sagot ko, sabay hila sa kanya patakbo paakyat sa hagdan kung saan naghihintay si Lukas. Pagdating namin sa likod ng mansion ng mga Del Fuego, agad naming nakita si Madam Isa. Nakakunot ang noo niya at bakas ang iritasyon sa mukha. "Saan kayo galing?" mariing tanong niya, hindi na naghihintay ng sagot. "Ngayon o bukas darating silang Don at Donya Mathilda kasama ang mga Senyorito! Tumulong nga kayo o sisibakin ko kayong dalawa!" galit niyang sigaw. Napayuko ako at itinabi ang paper bag na naglalaman ng mga napulot kong shells. Doon ko rin inilagay ang wallet ko, dahil wala akong bulsa. "B-Break pa po kasi namin, Ma’am..." depensa ni Lea, pero hindi na siya pinakinggan ni Madam Isa. Sa halip, nagmartsa ito papunta sa hardin at muling sumigaw. "Laura, diligan mo ito! Ikaw, Lea, doon ka sa harap ng mansion! Lukas, ikaw naman sa mga kabayo! Magsikilos na kayo at natataranta na ako!" Wala kaming nagawa kundi sumunod. Kahit pa masungit at mahigpit si Madam Isa, malaki pa rin ang pasasalamat namin sa kanya. Siya ang tumulong sa pamilya namin at nagbigay ng trabaho sa amin dito sa mansion ng mga Del Fuego—ang isa sa pinakamakapangyarihan at pinakamayayamang pamilya sa Batangas. Pagkatapos kong diligan ang mga halaman, winalis ko ang natirang tuyong dahon sa Bermuda grass. Halos 6PM na, kaya malapit na akong mag-out. Matapos linisin ang aking area, sinigurado kong wala nang naiwan na gamit sa hardin bago lumapit kay Madam Isa. "Madam, tapos na po ako..." Tiningnan niya ako bago sinipat ang hardin sa likuran ko. Sumimangot siya, saka tiningnan ang oras sa kanyang relo. "Pwede ka nang umuwi. Pero bukas, kailangan mong mag-early in. Baka maging abala tayo sa pagdating ng mga amo natin." Tumango ako at nagpaalam kina Lukas at Lea, pero hindi pa sila pinayagan umuwi dahil hindi pa sila tapos sa kanilang gawain. Habang naglalakad pauwi, naisip kong hindi na dumaan sa dalampasigan tulad ng nakasanayan ko. Dahil sa pagod, dumiretso na lang ako sa bahay. "Ma?" tawag ko pagpasok. Tahimik ang loob, kaya dumiretso ako sa kwarto niya at maingat na kumatok bago pumasok. Mahimbing siyang natutulog. Inayos ko ang kumot niya at hindi na siya ginising. Matapos magbihis, nagluto ako ng hapunan at kumain. Pagkatapos, agad akong pumunta sa kwarto upang mag-aral. Biglang sumagi sa isip ko ang paper bag na naiwan ko sa hardin—pati na rin ang wallet ko! Napakamot ako sa noo nang maalala ito. Agad akong nagbihis at kinuha ang jacket ko. Saktong pagbukas ko ng pinto, nakita kong palabas din si Mama mula sa kwarto niya. "Kanina ka pa?" tanong niya. Tumango ako at kumuha ng pinggan para sa kanya. "Kumain ka na?" tanong ulit niya. "Opo, Ma." Umupo siya sa mesa at muling tumingin sa akin. "Saan ka pupunta, Laura?" "S-Sa mansion lang po, Ma. Naiwan ko kasi ang wallet ko sa hardin..." "Uh-huh? Gabi na, ipagpabukas mo na lang ‘yan, hija." "Pero nandoon po ang allowance ko, Ma... Baka masali sa basura." Napabuntong-hininga siya, pero sa huli, tumango na lang. "Fine. Basta mag-ingat ka." Ngumiti ako at hinalikan siya sa noo. "Opo, Ma! Kain ka po ng marami," masaya kong sabi bago nagmadaling lumabas. Malamig ang simoy ng hangin habang naglalakad ako pabalik sa mansion. Dahil manipis lang ang jacket ko, niyakap ko ang sarili at binilisan ang hakbang. Sa likuran ako dumaan at nakita ko sina Manong Tonyo at Manong Pedro na nagbabantay sa gate. "Laura? Hija, gabi na ah. Bakit ka pa nandito?" tanong ni Manong Pedro. "Manong, naiwan ko po kasi ang wallet ko sa loob. Pwede ko bang kunin saglit?" Pinayagan naman nila ako. Pagdating sa hardin, madilim na, tanging mga lampshade at LED lights mula sa fountain ang nagbibigay-liwanag. Nang makita ko ang paper bag kung saan ko ito iniwan kanina, agad akong napabuntong-hininga. "Hayss... Buti na lang at hindi ka napagkamalang basura ng mga taga-linis dito sa mansion," mahina kong sabi, ramdam ang ginhawa. Napatingin ako sa fountain at hindi ko napigilang lumapit. Ang linaw ng tubig, ang elegante ng disenyo, at ang liwanag mula sa mga ilaw sa paligid ay nagbigay dito ng halos mahiwagang itsura. "Grabe ang ganda..." wala sa loob kong nasambit habang pinagmamasdan ang tubig na tila sumasayaw sa ilalim ng mapusyaw na ilaw. Napatingin ako sa paligid, siniguradong walang ibang tao maliban kay Manong Pedro na nagroronda sa labas. May naisip akong gawin. Mabilis kong kinuha ang isang barya mula sa wallet ko at marahang pumikit. "Wishing well naman siguro ‘to," bulong ko sa sarili, bago ihinulog ang barya sa tubig. Pinanood ko itong lumubog, at napansin kong parang ako lang yata ang unang nagtapon ng barya dito. "Bakit kaya?..." Napakagat-labi ako. "Baka bawal?" Saglit kong tiningnan ang paligid, pero wala namang nagmamasid. "Ah, bahala na. Di naman siguro nila ako papagalitan kung malaman nilang nag-wish lang ako." Papasok na sana ako para kunin ang paper bag ko nang biglang mapansin kong may taong nakatayo sa kabilang banda ng fountain. Natabunan ng anino mula sa poste ang kalahati ng kanyang mukha, dahilan para hindi ko siya agad makilala. "Who are you?..." His cold, baritone voice sent shivers down my spine. Nanlamig ang kamay ko at bigla akong naging alerto. Nakita kong humakbang siya palapit kaya napaatras ako nang bahagya. "What are you doing here, lady?" he asked icily. Napakunot ang noo ko. Suot niya ang isang simpleng white T-shirt, pero kahit sa bahagyang liwanag, kita ang matipuno niyang pangangatawan. Dahil nakatayo siya sa medyo madilim na bahagi ng fountain, hindi ko maaninag nang buo ang mukha niya. Pero base sa kanyang taas at tindig, naisip kong baka isa siyang bagong guwardiya ng mansion. Malalapad ang kanyang balikat, matigas ang panga, at halatang iritable sa hindi ko pagsagot. Humugot ako ng malalim na hininga bago nagsalita. Hinigpitan ko ang hawak sa aking paper bag at tumingin sa kanya. "Ah... M-may naiwan lang po ako... sir," nauutal kong sagot. "S-sige po, lalabas na po ako... P-pasensya na po, hindi na po mauulit." Mabilis akong tumalikod at halos patakbong bumalik sa gate kung saan nakabantay sina Manong Tonyo at Manong Pedro. Hindi na ako nagpaalam nang maayos dahil sa kaba. Pagkalabas ko ng mansion, ramdam ko pa rin ang mabilis na tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit gano’n na lang ang naging reaksyon ko sa lalaking iyon. His low, cold baritone voice really crept into my bones. Parang ngayon ko lang narinig ang ganoong klaseng boses—sobrang intimidating, sobrang nakakapanindig-balahibo.The air between us was thick, suffocating, as if the universe itself held its breath. Archival’s eyes burned into mine—wild, dark, consuming. He looked like a man on the edge, like a predator who had finally cornered his prey.His hands cupped my face, his thumb tracing my trembling lips. "Fuck," he murmured, his voice low, husky, dangerous. "You drive me insane. Years, Laura... years of wanting, searching… and ngayon nandito kana sa harapan ko."His lips crashed onto mine—urgent, desperate, like a man claiming what was always his. His kiss wasn’t soft; it was punishing, full of rage and longing all at once. I felt my back hit the wall, his body pressing against mine, solid, unyielding, inescapable."Tell me to stop," he growled against my lips, his breath hot against my skin as his hands roamed, tracing the curves he once memorized. "Tell me you don’t want this."Pero hindi ko kaya. Instead, my fingers tangled into his hair, pulling him closer, pressing myself against him like I nee
I cleaned myself up and put on the clothes he gave me, pero hindi ako mapakali.I knew he had figured it out, lalo na’t carbon copy niya ang anak ko. And knowing him, I was sure alam na niya. I couldn’t keep pretending na hindi ako si Luara.I brushed my hair and looked at my reflection. Without makeup, my face was bare—still holding the same angelic features I despised the most.Lumabas na ako ng comfort room, wearing the oversized T-shirt he lent me. He also gave me a pair of shorts, but they were far too big for my frame. His shirt like a length of dress for me, kaya nagdesisyon akong huwag na lang isuot ang shorts.The sound of heavy rain filled the air. Hindi ko inakalang uulan pa ngayon. My eyes wandered to Riley, who was now awake and playing with Archival.They were playing chess.Napairap ako. My son is smart—I know that all too well. But it still amaz
Papunta kami sa maliit na villa na nadaanan ko kanina.Riley was holding the tip of his shirt while Archival carried me in his arms—just like a bride.His bride.I couldn’t shake off that thought. This could have been my man. My child’s father. My own family. Pero nakakatawa mang aminin, I wished na ganito na lang sana. But I knew it was impossible. He was married—to the very woman who had hurt me the most. I didn’t even know if kasabwat siya sa nangyari 4 years ago. The bitterness was overwhelming, knowing that this man was holding me now as if I were the most fragile woman in his life.Muli kong naalala ang panahon kung kailan kinarga niya rin si Lea ng ganito noong nahimatay siya. A sudden wave of irritation and frustration surged through me."I can walk… you can drop me now," I said, my voice laced with annoyance.He met my eyes, his gaze unwavering. "I told you… I’ll kiss you if you don’t shut your pretty mouth.""May I remind you, Mr. Del Fuego, you’re married, and I am not the
Halos isang oras na kaming naglalakad at palipat-lipat ng lugar, pero hindi pa rin namin makita si Riley. My heart is pounding so hard, and my hands are shaking as I keep shouting his name. "Find him!" Sigaw ko, halos sumisigaw na sa takot. "I paid all of you, bakit hindi niyo napansin ang anak ko?!" My voice cracked, and tears streamed down my face. I was furious, but more than that, I was terrified. I fumbled with my phone, trying to call Lukas and Papa Lucio, but no signal. Wala sila sa Costa Fuego ngayon—nasa Maynila sila para sa isang importanteng pagtitipon para sa mga business partners ng aming Azucarera. I was supposed to be there, pero dahil sa nangyari, sila na lang ang nag-representa. I feel so helpless. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. This is my fault. Sana hindi na lang ako lumabas kasama ang anak ko..."Lord! Please, not Riley… wag niyo siyang kunin sa akin," naiiyak kong bulong haba
Pagkagising ko, agad kong iginala ang aking mga mata, trying to figure out where I was. Ilang segundo akong tulala bago ko napansin ang anak ko na mahimbing na natutulog sa tabi ko. His small chest gently rose and fell with each breath, looking so peaceful. Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko knowing he was safe beside me. Pero ako? I felt terrible. My whole body was weak, and my head felt so heavy—parang may malaking semento na nakapatong dito. Sobrang bigat sa pakiramdam, para bang ilang araw akong hindi nakakain. Even breathing felt exhausting. Muli kong iginala ang paningin ko, looking for Lukas, at hindi niya ako binigo. Nakita ko siyang nasa sulok, nakasandal sa pader habang nakaupo, his arms crossed, his head slightly tilted to the side. His face looked so exhausted, as if he had stayed awake for too long before finally dozing off. "Anong nangyari?"
Saglit akong natigilan bago ako tuluyang tumayo at sinimulang pulutin ang nagkalat na mga papel sa sahig. Agad namang kumilos ang butler ko upang tumulong sa akin. Hindi ko na lang pinansin ang presensya ni Archival na nakatayo ngayon sa harapan ko. "Ano na naman kaya ang sadya nito? Their products are now successfully shipped sa Italy..." bulong ko sa sarili ko habang patuloy sa pag-aayos. Napahinto ako nang sabay naming damputin ang parehong papel. His hand slightly brushed against mine, and for a moment, everything felt still. Nagtagpo ang aming mga mata. Those damn sleepy, jet-black eyes hypnotized me again, pulling me into a trance, that I didn’t ask for. Napalunok ako, pilit na pinakalma ang sarili, at bahagyang tumikhim upang basagin ang namumuong kaba sa dibdib ko. "Thank you, Mr. Del Fuego..." I muttered, trying to regain my composure bago ako umupo sa aking swivel chair. "Ano an
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments