"Hoy! Laura..." Tawag ni Lea sa akin.
Bago ako lumingon sa kanya, hinilot ko muna ang sentido ko. Sumasakit ang ulo ko, pakiramdam ko parang mabibiyak na dahil sa hirap ng lesson namin kanina sa major subject. 1st year college na kami ni Lea—Business Administration ang kinuha ko, habang siya naman ay nasa Accountancy. "Ayos ka lang? Grabe, ang hirap ng exam kanina," sabi niya habang prenteng nakaupo sa tabi ko. "Mahirap nga..." sagot ko habang iniligpit ang mga gamit ko sa desk. "Sana talaga hindi na lang ako nag-Accountancy... Ang hirap! Buti na lang at kaklase kita sa subject na ’to," natatawang sabi ni Lea habang kinukuha rin ang gamit niya. Napagpasyahan naming pumunta muna sa cafeteria para makakain, total break time naman. May klase pa ako mamaya, samantalang siya ay tapos na kaya siguradong mauuna siyang pupunta sa mansion, lalo na’t may bilin si Madam Isa kahapon. Kumuha lang ako ng dalawang toasted sandwich at isang can ng orange juice sa counter. Kinuha ko na ang pera ko para bayaran ito nang biglang may umagaw ng kamay ko sa ere. "Ako na..." Nagulat ako nang makita si Lukas—nakasuot siya ng jersey at pawisang T-shirt, halatang kagagaling lang sa laro. Hinihingal pa siya habang kinukuha ang wallet niya at inabot ang bayad sa tindera. "Thanks, Lukas... pero may pambayad naman ako," sabi ko habang kinukuha ang tray sa counter. "Sorry... G-gusto lang kitang ilibre," nahihiyang sagot niya. Hindi ko na sana siya papansinin, pero sumunod agad siya sa akin. "A-anong oras ka pala pupunta mamaya?" tanong niya. Binalingan ko siya saglit habang kinakagat ang sandwich ko. "Ah... Mamaya pagkatapos ng last subject ko." Tumango siya, tila may sasabihin pa, pero biglang may umakbay sa kanya kaya hindi niya naituloy. "Oy bro... Dumidiskarte ka na pala ah? Wag mo naman akong unahan kay Laura..." Pabirong sinuntok ni Lukas sa tiyan ang nagsalita—si Darren Sarmiento, isa sa matalik niyang kaibigan. Napatawa si Lukas, halatang nahihiya, saka bumaling sa akin. May mga mata na agad nakatuon sa amin. Si Lukas, bukod sa pagiging varsity player, ay isa sa mga hinahangaan sa campus. Mayroon siyang mapungay na brown eyes, medyo may pagka-chinito, matangos ang ilong, at manipis ang labi. His tan complexion defines his features even more. Hindi lang siya gwapo—magaling din siya sa academics, sports, at halos lahat ng bagay. Bigla kong naramdaman ang kamay ni Lea na nakaangkla sa braso ko. Yakap-yakap niya ang snacks niya habang marahang hinihila ako palayo kay Lukas at Darren. "H-hoy! Teka, ang KJ mo naman, Lea! Hindi pa nga ako nakakaporma kay Laura!" Napalakas ang boses ni Darren, dahilan para mapatingin sa amin ang ibang estudyante sa canteen. Narinig ko na ang bulungan ng ibang babae, tila may mga tsismis na namang nabubuo. "Stop it, Darren. You're making it worse, tsk!" Naiiritang sabi ni Lea bago bumaling kay Lukas. "Mauna na kami, Lukas. Kita na lang tayo mamaya." Tumango si Lukas habang nakatingin sa akin. Si Darren naman ay napailing at tumalikod pabalik sa counter. "I really hate that Darren Sarmiento! Do you see? Halos nagbubulungan na naman ang iba sa canteen! Kesyo playing hard to get ka raw at nag-eenjoy sa atensyon ng mga varsity at ibang lalaki sa campus. And that's really super annoying!" Sunod-sunod na reklamo ni Lea habang naglalakad kami papunta sa mini garden ng school. Tahimik dito, malayo sa ingay ng cafeteria, at mahangin din kaya gustong-gusto kong mag-aksaya ng oras dito kapag break. "Hayaan mo na... Hindi ko naman sila pinapansin," sagot ko. Napakunot ang noo ni Lea bago nagbuntong-hininga. Umupo siya sa tabi ko at pinag-cross ang mga braso sa dibdib. Kitang-kita sa mukha niya ang pagkainis. Si Lea ay anak-mayaman. Ang ama niya ay isang politiko, at ang ina niya naman ay isang negosyante sa Costa Fuego. May sarili silang warehouse dahil ang negosyo ng mama niya ay isang malaking retail store. Kahit mayaman, gusto niyang patunayan sa sarili na kaya niyang bumili ng mga gusto niya nang hindi humihingi ng pera sa magulang. She was raised to be independent, at kahit privileged siya, gusto niyang maranasan ang buhay ng mga kagaya kong hindi lumaki sa yaman. Ilang sandali pa, nagpaalam na si Lea sa akin dahil mauuna na raw siya sa mansion. Ako naman ay may last subject pa. Sa klase, tahimik lang akong nakinig at nagsulat ng notes. Walang binigay na assignment si Prof. Gomez kaya naging maayos ang buong oras namin. Matapos ang klase, nilagay ko ang mga libro at gamit sa locker. Palabas na sana ako nang biglang may bumangga sa akin, dahilan para mawalan ako ng balanse at maupo sa sahig. "Hays! Ang lamya mo naman..." Galit akong napatingin sa kaklase kong si Beatrice—isa sa mga cheerleader ng campus. Suot niya ang red mini skirt at black crop top, may hawak na pom-pom sa kaliwang kamay. Sa likod niya ay ang dalawa niyang kaibigan—sina Amethyst at Brianna, na kaklase ko rin sa ibang subjects. Tumayo ako at pinagpagan ang nadumihang damit ko mula sa mga ginupit na tela ng pom-pom niya. "What a waste... Bakit ba maraming nagagandahan sa’yo?" Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa, saka napailing. "Eh, ang losyang mo naman tignan, diba, girls?" Nagtawanan agad ang dalawa niyang kaibigan, dahilan upang mapatigil ang ilang estudyante sa hallway at mapatingin sa amin. Ramdam ko ang mga matang nakatutok sa amin, pero hindi ko na lang pinansin. Ayaw ko na sanang patulan ang pangbu-bully ni Beatrice, kaya tinangka kong lumagpas na lang sa kanila. Ngunit bago ko pa magawa iyon, hinawakan ako ng dalawa niyang kaibigan—si Amethyst at Brianna—at sapilitang ipinihit paharap kay Beatrice. "Geez! How dare you turn your back on me?!" galit niyang sigaw bago ako bigyan ng isang malutong na sampal. Napapikit ako sa sakit, at ramdam kong nag-iwan iyon ng marka sa pisngi ko. "Nagsasalita pa ako, di ba?! Don't you dare turn your ugly face on me! Hindi ka maganda!" dagdag pa niya, puno ng pang-iinsulto ang kanyang boses. Napahawak ako sa pisngi ko, pero pinilit kong hindi ipakita ang sakit. "Ano bang kasalanan ko sa’yo? Wala naman akong ginagawa sa’yo..." mahina kong sabi. Muli na namang nagbulungan ang mga tao sa paligid. Wala ni isa sa kanila ang naglakas-loob na lumapit o sumaway. Siguro'y takot silang kalabanin si Beatrice—anak ng governor, mayaman, makapangyarihan. Sa mundong ginagalawan namin, kahit mali ang ginagawa niya, parang nagiging tama ito sa paningin ng iba. "Kasalanan?" Napangisi siya bago lumapit pa lalo sa akin. "Of course, may kasalanan ka! You're a bitch! Una si Lukas, tapos ngayon naman si Darren, at halos lahat ng varsity players ikaw ang pinag-uusapan! Nakakairita na marinig ang pangalan mo kahit saan!" Hindi ako agad nakapagsalita. Hindi ko alam kung matatawa ako sa pagiging childish niya o maiinis sa walang basehang galit niya sa akin. "Hindi ko naman hiningi na pansinin nila ako, Beatrice..." mahinahon kong sagot. "Kaibigan ko lang si Lukas, at—" "Wag kang sumagot, filthy bitch! I don't need your reasonings!" sigaw niya bago muling iangat ang kamay niya para sampalin ako. Ngunit bago pa niya ako matamaan, may pumigil sa kamay niya sa ere. Napatingin ako at nakita kong si Lukas iyon. Ang mukha niya'y puno ng galit, at mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Beatrice. Halos hindi niya ito pinakawalan. Nakakunot ang noo niya, at halatang pigil ang galit sa kanyang boses nang magsalita siya. "Bea, what's wrong with you?" Nanatili siyang kalmado, pero ramdam ang bahid ng paninita sa kanyang tono. Hindi niya binitiwan ang braso ko, na para bang nais tiyakin na hindi na ako masasaktan pa ni Beatrice. "Leave Laura alone," madiin niyang sabi. "Kung hindi, ako mismo ang makakalaban mo." Halos hindi makapagsalita si Beatrice. Nangangatal ang labi niya habang nakatingin kay Lukas. Pero nang magtama ang mga mata namin, mabilis siyang napairap. "Who cares?! Ang pangit ng taste mo, Lukas! What a waste!" bulalas niya bago tumalikod. "Let's go, girls!" Agad namang sumunod sa kanya sina Amethyst at Brianna, at mabilis silang naglaho sa hallway. Napabuntong-hininga ako. Ramdam ko pa rin ang hapdi sa pisngi ko, pero hindi ko gustong bigyan ito ng pansin. "Are you okay?" mahina at puno ng pag-aalalang tanong ni Lukas. Ngumiti ako kahit bahagya pa akong nanginginig. "Ah... Oo. Salamat, Lukas," sagot ko, sabay ayos ng buhok ko para maitago ang pamumula ng pisngi ko. Ngunit hindi nakalagpas kay Lukas ang marka ng sampal. Muling dumilim ang ekspresyon niya, at nagdilim ang kanyang mga mata. Bago pa siya kumibo inunahan ko na, tinapik ko ang balikat niya at pilit na ngumiti. "Tara na, baka hinahanap na tayo ni Madam." Hindi na siya kumibo, pero sinundan niya ako palabas. Sa labas ng campus, pumara kami ng tricycle papunta sa mansion. Sa buong biyahe, tahimik lang si Lukas. Ramdam kong gusto niyang magsalita, pero pinipigilan niya ang sarili niya. Sa halip, panay ang sulyap niya sa akin, para bang isa akong babasaging vase na kailangan niyang protektahan. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiilang sa tingin niya, kaya inilayo ko na lang ang paningin ko at itinuon ito sa tanawin sa labas—sa asul at payapang dagat na kumikislap sa ilalim ng sikat ng araw.The air between us was thick, suffocating, as if the universe itself held its breath. Archival’s eyes burned into mine—wild, dark, consuming. He looked like a man on the edge, like a predator who had finally cornered his prey.His hands cupped my face, his thumb tracing my trembling lips. "Fuck," he murmured, his voice low, husky, dangerous. "You drive me insane. Years, Laura... years of wanting, searching… and ngayon nandito kana sa harapan ko."His lips crashed onto mine—urgent, desperate, like a man claiming what was always his. His kiss wasn’t soft; it was punishing, full of rage and longing all at once. I felt my back hit the wall, his body pressing against mine, solid, unyielding, inescapable."Tell me to stop," he growled against my lips, his breath hot against my skin as his hands roamed, tracing the curves he once memorized. "Tell me you don’t want this."Pero hindi ko kaya. Instead, my fingers tangled into his hair, pulling him closer, pressing myself against him like I nee
I cleaned myself up and put on the clothes he gave me, pero hindi ako mapakali.I knew he had figured it out, lalo na’t carbon copy niya ang anak ko. And knowing him, I was sure alam na niya. I couldn’t keep pretending na hindi ako si Luara.I brushed my hair and looked at my reflection. Without makeup, my face was bare—still holding the same angelic features I despised the most.Lumabas na ako ng comfort room, wearing the oversized T-shirt he lent me. He also gave me a pair of shorts, but they were far too big for my frame. His shirt like a length of dress for me, kaya nagdesisyon akong huwag na lang isuot ang shorts.The sound of heavy rain filled the air. Hindi ko inakalang uulan pa ngayon. My eyes wandered to Riley, who was now awake and playing with Archival.They were playing chess.Napairap ako. My son is smart—I know that all too well. But it still amaz
Papunta kami sa maliit na villa na nadaanan ko kanina.Riley was holding the tip of his shirt while Archival carried me in his arms—just like a bride.His bride.I couldn’t shake off that thought. This could have been my man. My child’s father. My own family. Pero nakakatawa mang aminin, I wished na ganito na lang sana. But I knew it was impossible. He was married—to the very woman who had hurt me the most. I didn’t even know if kasabwat siya sa nangyari 4 years ago. The bitterness was overwhelming, knowing that this man was holding me now as if I were the most fragile woman in his life.Muli kong naalala ang panahon kung kailan kinarga niya rin si Lea ng ganito noong nahimatay siya. A sudden wave of irritation and frustration surged through me."I can walk… you can drop me now," I said, my voice laced with annoyance.He met my eyes, his gaze unwavering. "I told you… I’ll kiss you if you don’t shut your pretty mouth.""May I remind you, Mr. Del Fuego, you’re married, and I am not the
Halos isang oras na kaming naglalakad at palipat-lipat ng lugar, pero hindi pa rin namin makita si Riley. My heart is pounding so hard, and my hands are shaking as I keep shouting his name. "Find him!" Sigaw ko, halos sumisigaw na sa takot. "I paid all of you, bakit hindi niyo napansin ang anak ko?!" My voice cracked, and tears streamed down my face. I was furious, but more than that, I was terrified. I fumbled with my phone, trying to call Lukas and Papa Lucio, but no signal. Wala sila sa Costa Fuego ngayon—nasa Maynila sila para sa isang importanteng pagtitipon para sa mga business partners ng aming Azucarera. I was supposed to be there, pero dahil sa nangyari, sila na lang ang nag-representa. I feel so helpless. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. This is my fault. Sana hindi na lang ako lumabas kasama ang anak ko..."Lord! Please, not Riley… wag niyo siyang kunin sa akin," naiiyak kong bulong haba
Pagkagising ko, agad kong iginala ang aking mga mata, trying to figure out where I was. Ilang segundo akong tulala bago ko napansin ang anak ko na mahimbing na natutulog sa tabi ko. His small chest gently rose and fell with each breath, looking so peaceful. Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko knowing he was safe beside me. Pero ako? I felt terrible. My whole body was weak, and my head felt so heavy—parang may malaking semento na nakapatong dito. Sobrang bigat sa pakiramdam, para bang ilang araw akong hindi nakakain. Even breathing felt exhausting. Muli kong iginala ang paningin ko, looking for Lukas, at hindi niya ako binigo. Nakita ko siyang nasa sulok, nakasandal sa pader habang nakaupo, his arms crossed, his head slightly tilted to the side. His face looked so exhausted, as if he had stayed awake for too long before finally dozing off. "Anong nangyari?"
Saglit akong natigilan bago ako tuluyang tumayo at sinimulang pulutin ang nagkalat na mga papel sa sahig. Agad namang kumilos ang butler ko upang tumulong sa akin. Hindi ko na lang pinansin ang presensya ni Archival na nakatayo ngayon sa harapan ko. "Ano na naman kaya ang sadya nito? Their products are now successfully shipped sa Italy..." bulong ko sa sarili ko habang patuloy sa pag-aayos. Napahinto ako nang sabay naming damputin ang parehong papel. His hand slightly brushed against mine, and for a moment, everything felt still. Nagtagpo ang aming mga mata. Those damn sleepy, jet-black eyes hypnotized me again, pulling me into a trance, that I didn’t ask for. Napalunok ako, pilit na pinakalma ang sarili, at bahagyang tumikhim upang basagin ang namumuong kaba sa dibdib ko. "Thank you, Mr. Del Fuego..." I muttered, trying to regain my composure bago ako umupo sa aking swivel chair. "Ano an