Share

CHAPTER 1: 'A'

"What happened?" Humahangos si Jairus papalapit kay Sandro na nakaupo sa waiting area sa labas ng emergency room.

Agad na napatingala si Sandro na kanina ay nakayuko sa kararating lang niyang kaibigan. Alalang alala si Jairus dahil nang marinig niya ang balitang sumugod sa ospital si Sandro, buong akala niya na may nangyaring masama sa matalik na kaibigan.

"Pre." Tumayo si Sandro sa pagkakaupo. "Bakit ganyan ang itsura mo?" takang tanong niya.

"Anong bakit? Pre, akala ko kung napa'no ka na. Ano bang nangyari?" humihingal pa rin siya pero medyo kumalma na siya nang makitang ok naman ang kaibigan.

"Long story, may nakita akong babaeng palutang lutang sa batuhan malapit sa pampang. Dinala ko siya agad dito." Paliwanag niya.

"Babae? Sino? Taga rito ba?" Sumenyas siya kay Sandro na maupo na ulit sila habang nagtatanong.

"I don't know, ngayon ko lang nakita 'yung mukha niya. Pero may pakiramdam ako na hindi siya taga rito sa isla." Napahawak ulit sa ulo si Sandro habang nagsasalita. Hanggang ngayon kasi gulat pa rin siya sa mga nangyari.

"Kanina pa sila sa emergency room, hindi pa lumalabas 'yong doctor, parang hindi na siya humihinga kanina. Maybe she's dead," patuloy niya.

"'Wag naman sana." Nang sabihin 'yon ni Jairus ay sakto ring paglabas ng doctor mula sa loob ng emergency room.

Sabay silang napatayo.

"Doc, kumusta po?" tanong agad ni Sandro.

"She's stable now, maraming tubig ang nainom niya at marami rin siyang natamong galos dahil sa pagkakahampas niya sa mga bato. But she'll be fine. We will transfer her to her room." Pagkatapos 'yon sabihin ng doctor ngumiti siya sa dalawa saka nagpaalam na may kailangan pa siyang puntahang ibang pasyente.

Kailangan pa nilang hintayin na mailipat siya sa kwarto kaya minabuti na lang muna nilang umuwi. Nakatira si Sandro sa isang lodging house sa loob ng Foxx Resort dito sa isla, may kalakihan ang bahay na tinutuluyan niya at halos puwede na ring maging accommodation 'to ng mga turistang pumupunta sa resort pero minabuti niyang bilhin 'yon at tumira mag-isa.

"Grabe, habulin ka talaga ng mga babae, biruin mo pati babaeng palutang lutang sa dagat, eh, lumalapit din sa'yo," natatawang saad ni Jairus habang nagpapalit siya ng suot niyang swimming trunks.

Sa sobrang pagmamadali niya kasing pumunta sa ospital kanina, ni hindi na siya nakapagpalit pa ng suot niyang damit galing sa pagsu-surfing.

"That's the only situation I don't ever want to happen again," sagot ni Sandro habang nagsusuot naman ng puting fitted t-shirt. Mas lalong lumabas ang mga muscles sa braso at dibdib niya.

Magkasama sila ngayon sa bahay ni Sandro. Madalas kasi na sa bahay din niya natutulog si Jairus sa tuwing kailangan niya ng kasama kaya meron na rin siyang mga damit na puwede niyang magamit anytime.

Naupo si Jairus sa kama pagkatapos magbihis, "Pero pre, maganda ba?" tanong niya sa kaibigan na nagpapalit na rin ng pang-ibaba.

Hindi agad siya nakasagot, muling nanariwa sa isip niya ang itsura ng babae. Ang halos hubad nitong itaas na katawan, ang sobrang puti nitong mga balat at mala-diwatang mukha kahit na may konting sugat at galos ang mukha nito.

"I'll take that silence as a yes," sabi ulit ni Jairus saka malakas na binato ng unan si Sandro sa mukha dahilan para mabalik siya ulit sa reyalidad.

"Aray! malakas na d***g niya pero mabilis nang nanakbo papalabas ng pinto si Jairus.

They eat their late breakfast at sabay nang pumunta ulit sa ospital para bisitahin ang babaeng nakita ni Sandro sa pampang. Sa tuwing may nakakasalubong silang mga tao mula sa isla, tinatanong nila kung kumusta na 'yung babae, sinasabi lang niya na ok na ito at buhay sa awa ng Diyos.

Bukod kasi kay Sandro, ang ibang mga lokal na residente rin ang tumulong sa kaniya para madala sa ospital ang babae. Mabuti na lang dahil hindi rin gaanong malayo ang nag-iisang ospital sa isla kaya naisalba agad nila ang buhay ng hindi kilalang babae.

Nang buksan nila ang pinto ng kwarto kung saan sila itinuro ng nurse, bumungad sa kanila ang babaeng natutulog nang mahimbing. Nakasuot na ito ng green na hospital dress. May mga prutas sa side table malapit sa hospital bed niya at isang komportableng sofa naman sa gilid. This is a private hospital kaya naman maganda ang facilities at naaasikaso ang mga pasyente. Hindi rin kasi gaano karami ang mga residente rito sa isla, dumadami lang dipende sa dami ng mga turistang napunta.

"Kelan kaya siya magigising?" pabulong na tanong ni Jairus nang tuluyan na nilang masarado ang pinto.

Sobrang tahimik sa loob ng kwarto.

"The heck..." simula ni Jairus nang tuluyan silang makalapit sa natutulog na dalaga, "tama ka nga, sobrang ganda niya."

Parehas lang silang nakatitig sa dalaga, para itong anghel na natutulog. May nakalagay na oxygen mask sa bibig niya. Nalinis na rin ang mga sugat sa mukha niya pati sa mga braso niyang nakalitaw. Napansin ni Sandro ang letter A na tattoo ng dalaga sa wrist sa kaliwang kamay niya. May mga bandage siya do'n pati na rin sa kaliwang parte ng noo niya.

Nanatili sila sa gano'ng posisyon na walang nagsasalita. Nang bigla na lang bumukas yung pinto kaya sabay silang napalingon doon.

"Kap." sabay na anas nila.

Bumungad sa kanila ang isang matangkad, moreno, at may katabaang lalaki. A middle-aged man with a sophisticated look. Nakasuot ito ng white long-sleeve polo at black slacks. Isa siya sa matataas na opisyal sa isla. Kap. Arthur ang tawag sa kaniya ng marami dahil dati siyang kapitan sa kabilang isla na pinanggalingan niya.

Parehong ka-close ni Sandro at Jairus ang opisyal dahil sa tagal nila sa isla kaya naman alam na alam na niya ang bawat kalokohan nilang dalawa. Katulad ni Sandro, isa ring half American si Kap. Arthur kaya naman simula nang mapadpad siya sa isla, parang tatay na ang turing niya sa kaniya.

"Are you in trouble again, Sandro?" tanong niya agad sa kaniya.

"Grabe naman kayo," dipensa niya at umaktong parang nasasaktan. "Kapag ba pinatawag kayo automatic nang may kalokohan akong ginawa?"

Natawa lang si Jairus sa tabi niya. Siniko siya ni Sandro dahil sa do'n.

"Bakit, hindi ba? Sanay na 'kong palaging pinapatawag sa tuwing may kalokohan ka," dagdag pa ni Kap. Arthur.

Sinamaan siya ng tingin ni Sandro kahit alam naman nilang tatlo na nagbibiro lang ito.

Kinuwento ni Sandro ang nangyari mula nang makita niya ang babae na palutang lutang sa tubig hanggang sa maisugod niya ito sa ospital. Kahit si Kap. Arthur hindi rin namumukhaan ang dalaga, sa tingin niya ay galing ito sa ibang isla o isang turista mula sa syudad base sa physical appearance niya.

"Pa'no 'yan, saan siya tutuloy kapag nakalabas na siya dito sa ospital?" curious na tanong ni Jairus. Nakaupo siya sa sofa katabi si Kap. Arthur samatanlang nanatiling nakatayo si Sandro. Medyo matagal na rin silang nagkukuwentuhan.

"Habang nagtatanong tanong ako sa posibleng pagkakakilanlan niya puwede muna siya-"

"N-Nasaan... nasa'n ako..."

Naputol sa pagsasalita si Kap. Arthur nang bigla nilang marinig ang isang mahina at magandang boses ng babae.

Pare-parehong nanlaki ang mga mata nila at nagkatitigan silang tatlo. Pagkalipas ng ilang segundo, sabay sabay nilang nilingon ang babaeng nasa kama na natutulog kanina pero ngayon ay mulat na mulat at nakatingin sa kanilang tatlo na may pagtataka. Wala na rin ang oxygen mask na nakakabit sa kaniya kanina. Agad silang lumapit sa kaniya.

"Kumusta ang pakiramdam mo, ija? Ayos ka lang ba?" tanong ni Kapt. Arthur sa kaniya.

"Jai, tawagin mo yung doctor," mabilis namang utos ni Sandro kay Jairus kaya dali dali siyang lumabas ng kwarto.

"N-Nasaan ako... sino kayo?" mahinang tanong niya. Halatang nanghihina pa siya at may konting panic sa boses niya.

"Nasa ospital ka, ija. Nakita ka niya na nakalutang sa tubig," he referred to Sandro kaya lumipat ang tingin ng magagandang mata ng dalaga sa binata.

"Pero 'wag kang mag-alala, maayos na ang kalagayan mo. Kailangan mo lang magpahinga at magpagaling para makauwi ka na sa inyo kapag na-contact na naming ang mga kamag-anak mo. By the way, ija, anong pangalan mo?" patuloy niya.

Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa loob ng kwarto. Tanging malamig na titig lang ang sinagot sa kanila ng dalaga hanggang sa tuluyan na siyang magsalita.

"Pangalan... Sino..." utal na simula niya. Napapikit siya na parang hindi alam ang sasabihin, at sa oras na dumilat siya, tumulo ang mga luha mula sa mga mata niya.

"Hindi ko alam kung sino ako... hindi ko alam kung anong pangalan ko, wala akong... wala akong natatandaan," she continued between her sobs.

Parehong napahinga ng malalim si Kap. Arthur at Sandro nang marinig 'yon.

Hindi nagtagal dumating na yung doctor. Kasama si Jairus at dalawang nurse. Lumabas muna silang tatlo habang chini-check ulit ng doctor ang lagay ng babae.

"Her head injury might be the reason for her amnesia," bungad ng doctor sa kanilang tatlo nang lumabas ito sa kwarto.

"Babalik pa ba yung ala-ala niya?" tanong ni Kap. Arthur sa doctor.

"Yes, hindi malala ang head injury niya base sa ginawang lab tests. Kaya sigurado akong temporary amnesia lang ang mararanasan niya. She'll be fine, nakatulog na siya ulit at kasalukuyang nagpapahinga." The doctor assured before leaving.

Tumango lang si Kap. Arthur at nagpasalamat. Bumalik siya sa waiting area kung saan nakaupo si Sandro at Jairus.

"Paano natin siya mababalik sa pinanggalingan niya?" tanong ni Jairus habang nagkakamot ng ulo.

"Kapag wala akong nakuhang impormasyon, wala tayong ibang choice kung hindi patuluyin muna siya dito sa isla at siguraduhing ligtas siya hanggang sa bumalik ang ala-ala niya. Narinig nyo naman yung sinabi ng doctor, pansamantala lang ang amnesia niya."

"She can stay at my house," suhestyon ni Sandro.

Agad na napatingin sa kaniya ang dalawa na parang hindi makapaniwala sa narinig nila.

"What? Anong mali sa sinabi ko?"

Tinapik siya sa balikat ni Kap. Arthur, "ijo, hindi mo ba narinig yung sinabi ko? We'll make her safe, at hindi ko siguradong magiging safe siya sa'yo."

Halos hindi na mapigilan ni Jairus ang pagatwa sa gilid niya kaya sinamaan din niya 'to ng tingin.

"I'm serious, besides, malaki naman yung tinutuluyan ko. Pwede siyang umalis kapag ok na siya. It's ok with me, ako rin naman yung nakakita sa kaniya, it's all fine."

Saglit niyang hinintay ang sagot ni Kap. Arthur.

"Fine, but take care of her. I'll watch you, Sandro. Don't do anything stupid."

Kahit na parang anak na ang turing ni Kap. Arthur kay Sandro, hindi pa rin niya magawang mangamba dahil kilala niya ang binata, at alam niya kung paano niya tratuhin ang mga babaeng dumadaan sa buhay niya. But he still has his hope to him and trust him anyway. He's just a real father who trusted his child over and over again despite of their bad actions.

Mabilis na tumango si Sandro. "I'll make sure of that, Kap."

Hindi niya rin alam kung bakit ba siya nagprisinta na patuluyin sa bahay niya yung babae. Pero simula nang makita niya 'to, parang may iba siyang naramdaman na hindi niya maipaliwanag. Kahit ang pagi-stay niya ngayon sa ospital eh parang isa ring himala, dapat wala na siyang pakealam pagkatapos niyang madala dito sa ospital yung babae pero may kung anong nagsasabi sa kaniya na 'wag umalis hanggang sa maging ok na 'to.

He used to be care less at most things, but this is different to him.

Tinapik ulit siya nito sa balikat saka naupo sa tabi nila.

Ilang sandal pa, bigla ulit nagsalita si Sandro. "By the way, since wala siyang pangalan, she has a tattoo on her left wrist. Let's call her A."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status