Share

Chapter 6: After Party

Alas-siyete ng gabi sila nakarating sa party. Kagaya ng sinabi ni Jairus, napakalaking party nga nito dahil punong puno ng tao ang lugar sa tabi ng beach. Hindi na masabi ni Aaliyah kung sino sa mga tao ang turista at hindi. Dinadayo daw kasi ng marami ang party na ‘to kada taon.

“Pre, nasa’n na kaya si Vanessa?” tanong ni Jairus habang tumitingin tingin sa paligid.

“Ano?!” malakas na tanong naman ni Sandro. Sa sobrang lakas kasi ng tugtog hindi na niya marinig ang boses ng kaibigan.

Samantalang si Aaliyah ay nasa gitna lang nilang dalawa. Beach party ito kaya naman nakasuot siya ng ring croptop at maiksing maong na shorts. Kahit simple lang ang suot niya compare sa ibang babae na nasa paligid na nakasuot ng two-piece, kitang kita pa rin ang ganda ng katawan niya.

“SABI KO NASA’N NA KAYA SI VANESSA! HINDI KO SIYA MAKITA!” sumigaw na rin si Jairus para magkarinigan sila.

Pakiramdam ni Aliyah para siyang bata na napagigitnaan ng dalawang malalaking tao na nakasuot lang ng swimming trunk
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status