LOGINSandro Villanueva, a professional, handsome and hot diver accidentally saw a mysterious beautiful woman floating in a coast area. Si Aaliyah Garcia ang babaeng ‘yon, galing siya sa isang napakamayamang pamilya pero dahil sa pagpilit ng kaniyang mga magulang na magpakasal siya sa isang lalaking hindi naman niya mahal ay napilitan siyang tumakas na humantong sa sa muntik na niyang pagkalunod sa dagat nang tumaob ang speed boat na sinakyan niya. Laking pasasalamat niya sa pagkakasagip sa kaniya ni Sandro. Dahil sa kagustuhan niyang hindi bumalik sa poder ng kaniyang mga magulang ay minabuti niyang magpanggap na may amnesia. Minabuti ni Sandro na kupkupin muna ang babae hanggang sa bumalik na ang ala-ala nito at dahil na rin na-love at first sight siya sa taglay nitong kagandahan. Aaliyah wanted to change her life, at nakita niyang matutulungan siya ni Sandro para isakatuparan ito. They fall in love with each other, pero hindi magtatagal ang inaakala nilang masaya at tahimik na buhay nila sa isla. Aaliyah’s secrets will hunt her, this will shake their relationship. Will he still manage to look at her the same way after knowing everything or he will fight for their love?
View More“Ija, ready ka na ba?”Isang pilit na ngiti ang isinagot ni Aaliyah nang tanungin siya ni Kap. Arthur. Kasalukuyan silang pasakay ng speedboat na gagamitin nila para pumunta sa Maynila.Walang paglagyan ang kaba na nararamdaman ni Aaliyah dahil alam niya na ilang oras lang ay mapupunta na siyang muli sa impyernong mundo na pilit niyang tinatakasan.“Kap., sure ka bang hindi tayo aabutan ng bagyo sa dagat? Sobrang kulimlim ng langit.”Tiningnan ni Aaliyah ang nagsalitang si Sandro na nasa speedboat na ngayon habang inaayos ang mga gamit. Napatingin din siya sa langit at napansing makulimlim nga ito simula pa kaninang umaga. Alas-tres na nang hapon, palakas na rin nang palakas ang hangin.“Kung aalis na tayo ngayon, siguro naman ay hindi na tayo aabutan. Wala namang naiulat na paparating na bagyo,” sagot ni Kap.“Yes Kap!” sigaw naman ni Sandro.Napapikit si Aaliyah, “Jusko, sana maabutan na lang kami ng malakas na bagyo dito para hindi na kami matuloy,” mahinang dasal ni Aaliyah.“Oy,
Kahit gulong gulo si Aaliyah sa mga pagbabagong nagaganap, pinili na lang niyang iwaksi lahat sa isip niya at patuloy na makisama kay Sandro.“Kap. Arthur wants to talk to you.”Napatigil sa pagwawalis si Aaliyah sa living room nang marinig niyang magsalita si Sandro sa likod niya.“Gosh!” sigaw niya sabay atras.Sino ba naman ang hindi mapapasigaw kung sa pagharap niya ay tumambad sa kaniya ang topless na si Sandro na tanging boxer shorts lang ang suot.“What?” naguguluhang tanong ni Sandro habang nakatingin kay Aaliyah na ngayon ay nakatakip na ang mga kamay sa mga mata niya.Nabitawan niya rin ang hawak niyang walis.“S-Sandro naman, next time magbihis na ka muna bago ka lumabas ng kwarto,” utal na sabi niya habang nakatakip pa rin ang mga kamay sa mukha niya.Sandro chuckled. “Don’t tell me you can’t take this view? Araw araw mo naman ‘tong nakikita simula nang dumating ka dito. Bakit hindi ka pa rin sanay?”Nanlaki ang mga mata ni Aaliyah. Tinanggal niya ang mga kamay sa mukha at
Niyakap ng mahigpit ni Jairus si Aaliyah sa oras na matapos siyang magkuwento tungkol sa naaalala niyang nakaraan.“I’m sorry, A.” Bulong ni Jairus kay Aaliyah habang nakayakap ito sa kaniya.Naguluhan si Aaliyah, mayroong kung anong emosyon sa boses ni Jairus na hindi niya maipaliwanag. Pansin rin niya ang pagiging seryoso ng mukha nito habang nagku-kuwento siya kanina.“Bakit ka nagso-sorry?” tanong niya kay Jairus.Kumalas ng yakap si Jairus. Kinuha niya ang dalawang kamay ni Aaliyah at hinawakan ang mga ‘yon.“I’m sorry you have to experience that, you don’t deserve that, A. At yung kagabi, kung nabantayan ka lang namin at hindi hinayaang maiwan mag-isa hindi mo dapat mararanasan yon. Alam kong dumagdag lang ‘yon sa trauma na meron ka,” paliwanag niya.Ngumiti lang si Aaliyah. Sa isip niya ay hindi naman kailangang mag-sorry ni Jairus. Pero masaya siya dahil sa lahat ng kabaitang ipinapakita sa kaniya ng binata.Mas hinigpitan niya ang hawak sa mga kamay ni Jairus.Alam niya sa sar
“It’s 8 am, bakit hindi pa rin gising si Sandro?” reklamo ni Vanessa habang binubuksan ang pinto ng bahay ni Sandro.“Alam mo namang may nangyari kagabi. Kailangan nilang magpahinga,” saad naman ni Jairus.Napaismid lang si Vanessa at saka bumulong, “whatever.”Maaga silang pumunta sa bahay ni Sandro para kumustahin sila dahil sa nangyari kagabi. Dahil may access naman sila sa bahay ni Sandro, madali silang nakapasok at napansing wala pa sina Sandro sa kusina oh sala kaya naisip nila na tulog pa ang mga ito.---Naalimpungatan si Aaliyah mula sa pagkakatulog. Sobrang bigat pa rin ng ulo niya dahil sa matinding pag-iyak. Niyakap niya ng mahigpit ang unan na nasa tabi niya nang bigla na namang maalala ang mga nangyari kagabi.Tital bigla na namang nanariwa ang takot na naramdaman niya. Nasa isip niya na mabuti na lang dahil palaging dumadating si Sandro para iligtas siya sa kapahamakan.Nanatili siyang nakayakap sa unan niya nang mayamaya lang ay bigla siyang natigilan. Para siyang nabu
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.