Share

Chapter 12: Ang Pagbabalik sa Maynila

Kahit gulong gulo si Aaliyah sa mga pagbabagong nagaganap, pinili na lang niyang iwaksi lahat sa isip niya at patuloy na makisama kay Sandro.

“Kap. Arthur wants to talk to you.”

Napatigil sa pagwawalis si Aaliyah sa living room nang marinig niyang magsalita si Sandro sa likod niya.

“Gosh!” sigaw niya sabay atras.

Sino ba naman ang hindi mapapasigaw kung sa pagharap niya ay tumambad sa kaniya ang topless na si Sandro na tanging boxer shorts lang ang suot.

“What?” naguguluhang tanong ni Sandro habang nakatingin kay Aaliyah na ngayon ay nakatakip na ang mga kamay sa mga mata niya.

Nabitawan niya rin ang hawak niyang walis.

“S-Sandro naman, next time magbihis na ka muna bago ka lumabas ng kwarto,” utal na sabi niya habang nakatakip pa rin ang mga kamay sa mukha niya.

Sandro chuckled. “Don’t tell me you can’t take this view? Araw araw mo naman ‘tong nakikita simula nang dumating ka dito. Bakit hindi ka pa rin sanay?”

Nanlaki ang mga mata ni Aaliyah. Tinanggal niya ang mga kamay sa mukha at
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status