Share

CHAPTER 2: BAGONG BUHAY SA ISLA

Isang lingo na ang nakalipas nang matagpuan ni Sandro si A. Tatlong araw siyang namalagi sa ospital, nang masigurado ng doctor na magiging ok na siya, umuwi na rin siya kasama ni Sandro sa tinutuluyan niyang bahay.

Sandro took care of her, nag-hire rin siya ng makakatulong sa pag-aalaga sa kaniya no'ng palagi lang siyang nakahiga at halos hindi makatayo at makakain mag-isa dahil nanghihina pa yung katawan niya. Hindi kasi masyadong nags-stay ang binata sa bahay tuwing umaga. Aalis rin ito pagkatapos mag-almusal.

Madalas nahihiya siya rito dahil hindi naman niya kilala si Sandro pero casual at maganda ang pakikitungo nito sa kaniya.

Tutok na tutok ang tingin niya sa malawak na dagat at mahinahon na alon. Alas-singko pa lang ng umaga pero gising na gising na ang diwa niya. Simula nang maging mabuti na ang pakiramdam niya, palagi na siyang maagang magising pero hindi siya lumalabas ng kwarto. Gusto niyang mapag-isa at taimtim na tumitig sa karagatan. Her room is facing the sea, gusting gusto niyang pinapanood ang pagsikat ng araw.

Sa sobrang ganda ng view para siyang nahihipnotismo, the rising of sun always cast a rosy hue across the morning sky. Minsan pa nga, ang pagtawag sa kaniya ni Sandro para mag-almusal ang nagpapabalik sa kaniya sa reyalidad.

Kasabay ng paghampas ng mga alon sa buhangin ay ang pagbalik ng nangyaring trahedya kung paano tumaob ang speedboat na sinasakyan niya at mawalan ng malay habang inaanod sa malawak na karagatan. The accident that almost killed her. The accident that brought her to this beautiful island.

"A?..." bumalik siya sa reyalidad nang bigla niyang marinig ang mga katok sa pinto ng kwarto kung nasaan siya at ang pagtawag ni Sandro sa kaniya.

Siguradong tinatawag na siya nito para kumain.

"A, gising ka na ba?" ulit na tanong niya sa labas.

"Bukas 'yan," sagot niya saka umayos ng upo sa kama. Inayos niya 'yung blonde and wavy niyang buhok na hanggang balikat na hindi pa niya nagagawang suklayin.

Bumukas ang pinto, pumasok si Sandro na halatang kakagising lang. Wala itong saplot pang itaas at tanging itim na boxer shorts lang ang pang ibaba. Hindi na siya nabigla dahil palaging ganito ang tagpo nila tuwing umaga.

"Kumusta na pakiramdam mo?" tanong niya habang hinahawi ang itim niyang buhok na medyo basa, halatang kakatapos lang niyang maghilamos.

She smiled, "Mabuti na, tingin ko bumalik na rin yung dating lakas ko."

"Mabuti naman, magluluto na ako ng breakfast, bumaba ka na lang kapag ready ka na," sabi niya sabay tingin sa suot niyang pantulog.

Napangiti na lang siya, hindi pa rin siya nakakapagpalit ng damit. Lumabas na sa pinto si Sandro kaya naiwan na ulit siyang mag-isa sa kwarto.

She's so thankful to him, Sandro gave all the necessities that she needs simula nang tumira siya sa bahay niya. Palagi rin siyang pinagluluto nito, medyo nagulat pa siya dahil hindi talaga halata sa awra at muka ni Sandro na sobrang sarap niyang magluto. Bukod kay Sandro, palagi rin siyang dinadalaw ni Kap. Arthur para kumustahin siya.

Habang inaalala niya lahat ng kabutihang ginawa sa kaniya ng mga tao dito, hindi niya maiwasang makaramdam ng guilt. Simula pa lang nagsinungaling na siya sa kanila, hindi totoong walang siyang naaalala. Sinabi lang niya 'yon para hindi nila malaman ang totoo niyang pangalan at hindi bumalik sa totoo niyang pinanggalingan.

"I'm Aaliyah, Aaliyah Garcia," mahinang bulong niya sa sarili.

Huminga siya ng malalalim at tumingin sa malaking stand mirror na nasa tapat ng malaking kama niya. Pinilit niyang iwinaksi ang lahat ng 'yon sa utak niya, kailangan niyang panindigan kung ano man ang nasimula niya at siguraduhing walang makakaalam ng totoo niyang katauhan.

"Mukhang tamang tama lang yung dating ko, ah."

Tahimik na kumakain ng breakfast si Sandro at Aaliyah nang biglang sumulpot si Jairus.

"Hi, A! Kumusta?" masiglang bati agad sa kaniya ni Jairus.

Nginitian niya 'to saka sumagot, "Ok na 'ko, magaling na. Gusto mong kumain? Ikukuha kita ng plato." Akmang tatayo na sana siya pero pinigilan siya ni Sandro.

"Hayaan mo siyang kumuha ng plato niya, hindi naman 'yan bisita."

"Oo nga, saka syempre hindi ako tatanggi sa libreng pagkain." Agad na kumuha ng plato si Jairus at naupo sa mesa. Magkaharap sila ni Aaliyah, nasa gilid naman nila si Sandro.

The table is good for four people, kahit na napakalaki ng bahay ni Sandro, maliit lang ang mesa niya dahil madalas mag-isa lang siya kumakain o silang dalawa lang ni Jairus.

Madalas din niyang nakikita si Jairus dahil palagi 'tong bumibisita sa bahay at magkasama sila ni Sandro. Nalaman niyang magbestfriend pala sila. Pero dahil sa sobrang kulit ni Jairus masasabi niyang mas close sila. Kahit kasi si Sandro ang lagi niyang kasama, hindi siya madalas kausapin nito.

"Teka, bakit si A lang yung binati mo? Sa pagkakaalam ko ako yung bestfriend mo dito." birong reklamo ni Sandro sa kaniya.

"'To naman, ang bilis magtampo," natatawang sagot ni Jairus habang nagsasandok ng kanin sa plato niya.

Napangiti lang si Aaliyah habang pinagmamasdan sila. Namamangha talaga siya sa sobrang pagiging close ng dalawa.

"Teka, kung magaling ka na ibig sabihin puwede ka nang lumabas," baling sa kaniya ni Jairus bago sumubo ng pagkain.

"Talaga?" May halong excitement yung boses niya.

Hindi kasi siya pinapalabas no'ng hindi pa siya ok para mas mabilis siyang gumaling. Halos hindi rin naman siya makatayo kaya wala ring pag-asa na makalabas siya ng bahay.

"Yes, puwede kang mag-gala gala sa labas. Pero 'wag kang mayadong lalayo, hindi mo pa kabisado ang pasikot sikot." Paalala sa kaniya ni Sandro. Malapit na rin siyang matapos kumain.

"Eh kung isama na lang kaya natin siya?" suggestion ni Jairus.

Lalong nakaramdam ng exciement si Aaliyah sa narinig. Sa wakas, malalaman na niya kung saan pumupunta at anong ginagawa nilang dalawa kapag umaalis sila.

Pero biglang naglaho yung excitement niya nang makita niya ang biglang pagkunot ng noo ni Sandro habang nakatingin kay Jairus, "mabo-bored lang siya do'n, wag na natin siyang isama."

"Ok lang..." mabilis na singit niya. "Ok lang kahit ma-bored ako."

Tumayo na si Sandro, tapos na siyang kumain kaya kinuha na niya yung plato niya at dinala sa lababo.

"Bago pa lang gumaling 'yang mga sugat mo, mas mabuting sa labas ka nalang muna maglakadlakad," aniya nang makabalik ulit sa mesa.

"O-Okay." Mukhang wala na talaga siyang magagawa, maiiwan na naman siyang mag-isa. Hindi na kasi pumupunta yung nag-aalaga sa kaniya simula nang maging better ang pakiramdam niya.

"Next time, baby A. 'wag ka na malungkot," bulong sa kaniya ni Jairus sabay kindat. Napansin niya kasi ang biglang pagsimangot ni Aaliyah.

Pagkatapos nilang kumain nagpalit lang si Sandro at Jairus ng mga swimming trunks nila saka umalis. Katulad ng dati naiwan na naman siyang mag-isa pero this time, puwede na siyang lumabas.

Aaliyah changed into a floral jumper. All her clothes came from Kap. Arthur, they literally provided her everything that she needed that makes her guiltier.

Paglabas pa lang niya ng pinto, napa-wow siya sa sobrang ganda at aliwalas ng lugar. Marami ring mga tao na sigurado siya na halos lahat ay turista. Tanaw na tanaw rin ang dagat.

Nasa loob ng resort ang bahay ni Sandro kaya naman nagdadaanan din ang mga turista malapit dito.

Madalas naman niyang makita ang lugar sa labas ng bintana niya, pero hindi niya akalaing mas maganda pala mismo kapag nasa labas na siya mismo.

Nag-umpisa na siyang maglakad lakad. Nakasemento ang pathway papunta sa iba pang ludging houses sa loob ng resort.

"Hi," Hindi pa man malayo ang nalalakad niya may biglang lumapit sa kaniyang isang hindi katandaang babae. Nakapusod ang itim niyang buhok at hindi katangkaran. Mukhang nasa 30 years old pa lang ito at sobrang laki ng ngiti sa kaniya.

"Hello po," sagot niya dito at ginantihan rin ng ngiti.

"Hindi ba, ikaw yung sinagip ni Sir Sandro?" tanong nito sa kaniya.

Tumango lang siya bilang sagot.

Saka lang niya napansin ang suot ng babae. Isa 'tong color blue jumpsuit na parang uniform. May hawak rin siyang white gloves na parang basa pa at kakatapos lang gamitin.

"Ako nga pala si Lorna, ate Lorna nalang ang itawag mo sakin. Empleyado ako dito sa resort, taga linis ng mga kwarto ng mga turista," sabi ulit nito.

"Hi, po. Nice to meet you po, ako po si..." pigil niya sa sasabihin na parang nag-aalangan. "A po, A ang tawag nila sakin.

Nanatili pa ring nakangiti sa kaniya ang babae.

"Oo nga..." simula nito saka nagsimula na ring maglakad ng dahan dahan sa direksyon kung saan papunta si Aaliyah kanina. "Narinig ko nga na nagka-amnesia ka kaya hindi mo alam yung pangalan mo. Alam mo, Nakita na kita nitong mga nakaraang araw. Naglilinis rin kasi ako ng bahay ni Sir Sandro, kaso palagi ka nung tulog dahil hindi ka pa magaling." patuloy nito.

"Ganon po ba, saying naman po kung ganon," sagot niya.

Nakatingin lang siya sa dinadaanan nila.

"Siguradong mag-e-enjoy ka dito sa isla, maganda dito at mababait ang mga tao. Sana kahit bumalik na ang ala-alala mo at makauwi sainyo eh bumisita ka pa rin dito."

Tanging ngiti lang ang naisagot niya. Halatang mabait at friendly ang babae.

The thought of going home is the least thing that she wants to think right now.

Saglit na nagkaroon ng katahimikan sa kanilang dalawa. Hindi na alam ni Aaliyah kung sa'n pa sila papunta.

"Pero nako, mag-ingat ka lang diyan kay sir Sandro ah," basag ni Lorna sa katahimikan.

"Bakit naman po?" taking tanong niya.

"Eh may pagka-playboy kasi yan, hindi ko na idedetalye pero, nako, magaling yan magpaikot ng mga babae."

"Hindi naman po siguro, mabait naman siya sakin eh." Parang gusto niyang matawa, simula nang tumira siya kay Sandro wala pa siyang ibang babaeng nakikita na kasama niya. Mukha rin naman siyang walang girlfriend.

"Siguro, pero mag-ingat ka pa rin. Hindi malabo, tingnan mo, ang ganda ganda mong dalaga." Pagkasabi niya no'n ibinaling niya ang tingin kay Aaliyah at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

"Kahit sino yata rito, eh, magkakagusto sa'yo, ija."

Napakamot lang siya sa batok.

"O siya, kailangan ko nang magtrabaho. Kung kailangan mo ng makakausap, o may kailangan ka, katabi lang ng bahay nyo ang employer's room. Pwede mo akong katukin do'n." Paalam niya.

"Sige po, thank you po ate Lorna."

They waved goodbye to each other. Nagpatuloy lang sa paglalakad si Aaliyah pero nang mapansin niyang malapit na siya sa dagat, minabuti na niyang bumalik.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status