Share

Chapter 13: The Storm

“Ija, ready ka na ba?”

Isang pilit na ngiti ang isinagot ni Aaliyah nang tanungin siya ni Kap. Arthur. Kasalukuyan silang pasakay ng speedboat na gagamitin nila para pumunta sa Maynila.

Walang paglagyan ang kaba na nararamdaman ni Aaliyah dahil alam niya na ilang oras lang ay mapupunta na siyang muli sa impyernong mundo na pilit niyang tinatakasan.

“Kap., sure ka bang hindi tayo aabutan ng bagyo sa dagat? Sobrang kulimlim ng langit.”

Tiningnan ni Aaliyah ang nagsalitang si Sandro na nasa speedboat na ngayon habang inaayos ang mga gamit. Napatingin din siya sa langit at napansing makulimlim nga ito simula pa kaninang umaga. Alas-tres na nang hapon, palakas na rin nang palakas ang hangin.

“Kung aalis na tayo ngayon, siguro naman ay hindi na tayo aabutan. Wala namang naiulat na paparating na bagyo,” sagot ni Kap.

“Yes Kap!” sigaw naman ni Sandro.

Napapikit si Aaliyah, “Jusko, sana maabutan na lang kami ng malakas na bagyo dito para hindi na kami matuloy,” mahinang dasal ni Aaliyah.

“Oy,
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status