Share

Kabanata:IV From me to you

"Sabihin mo nga sa akin. Bakit ko naging asawa ang lalaking iyon? "Naka kunot nuong tanong ko, bakit naman kasi nila ako bibigyan ng asawa na tulad ng isang iyon? Mataas ang tingin sa sarili at tila walang paki alam sa iba.

"Hindi ko po kayo maintindihan, hindi po pa ba batid?" Anas ni Andula,bumalik kami sa loob ng kubo kung saan ako nagising kanina at ngayon ay pabalik balik ako sa aking pag lalakad at pilit na ina analyze ang pangyayari. Talaga bang naanod ako papunta rito? Bakit tila wala na ako sa kasalukuyan? Lahat ng nakikita ko ay pang nakaraan, tulad ng kinatatayuan ko na lang ngayon.

"Magtatanong ba ako sayo Andula 'kong alam ko?" Napa ngiwi si Andula sa pag susungit ko.

"Masama pa rin ba ang inyong loob sa inyong nasagap na balita kung kaya nagawa niyong baliwalain ang ginoo at saktan?"

"Hindi kita maintindihan." Wika ko.

"Batid kong iniibig niyo ng labis ang ginoong makisig kung kaya labis na lamang na sama ng loob ang inyong kinikimkim, at hindi ko kayo masisi lalo na at hindi kayo nito dinadalaw man lamang."

"Ano sabi mo? Iniibig ko iyong ga--- errr lalaking este bana kong iyon?" sabay turo ko sa labas. Tumango naman siya.

"Tama kayo ng sinaad bae, iniibig niyo ang ginoo. At ito ay iyong sinaad sa akin , na sa unang pag lapat ng iyong mata sa ginoo ay inibig mo naito." Napa kamot batok ako? At kailangan naman iyon nangyari?

"Paano ko naging bana ang ginoo?" Tanong ko.

"Matalik na mag kaibigan ang inyong baba kung kaya naman ay pinag kasundo kayo na mag pakasal. At hiningi rin ng ginoo ang inyong kamay bilang binukot."

"Binukot?"

"Isa kayong anak ng isang datu kung kaya naman ay isa kayong dating binukot na inihanda sa kanilang magiging asawa at kahit ang lupa ay hindi dapat kayong madampi. At dahil na rin doon ay nahulog ang inyong loob sa ginoo, dahil ito ang dahilan kung bakit kayo naging malaya sa pag lalakad sa baybayin na inyong pangarap na mapuntahan." Ibig bang sabihin nito ay may saysay kahit papaano ang pagiging bana ni Arami kay Makisig? Pansin kong tinatawag ako ni Andula sa ibang pangalan, hindi kaya pinag kakamalan lamang nila ako?

"Makinig ka na mabuti Andula, sa tingin ko hindi ako ang nilalang na iyong inaakala. Hindi ako si Arami!"

"Hindi ko maintindihan bae, kilala kita at walang duda na ikaw ang aking pinag sisilbihan na panginoon." Paano ko ba sasabihin sa kanya na naligaw lang ako? At inanod ng ilog papunta sa kakaibang lugar na ito.

"Ang dahilan kung bakit iba ang aking kasuotan ng makita niyo ako dahil hindi ako taga rito, inanod lamang ako ng tubig ng ilog." Anas ko sa kanya, tila nahihiwagaan naman siya sa sinasabi ko.

"Ilog? Kung gayon nga ang inyong sinabi ay maaring hindi na kayo humihinga ng makita kayo ng ginoo bae. Dahil wala akong nababalitaan malapit na ilog sa paligid ng banwa." Napa isip naman ako sa kanyang sinabi, may punta siya. Imposible nga naman na mapadpad ako rito gamit ang ilog, at hindi ko naalala na nahulog nga ako sa tulay. Kung gayon paano ako napunta rito? Sa kakaibang lugar na ito? Napa upo ako sa may sahig habang naka taas ang isang paa at nag simulang mag isip kung paano ko nga ba malalamaan kung ano itong nangyayari sa akin. Hindi nag salita si Andula at hinintay lamang ako, bigla kong naalala ang tingin ng mga tao sa akin kanina.

"Oo nga pala andula, may nagawa ba akong kasamaan upang iwasan ako ng mga tao?" Napa iling iling naman kaagad si Andula at tila nagulat sa aking katanungan. Napa iling naman siya ng ilang beses kaya mas lalo akong nakurso. Tila natatakot itong sumagot sa akin at natatakot na mag kamali.

"Huwag kang mag aalala, hindi ako magagalit." Balewalang saad ko. Napa kagat labi naman siya.

"Ngunit bae ara--" Hindi ko siya pinatapos mag salita ng sumabat ako.

"Pangako hinding hindi talaga ako magagalit." Saad ko sa kanya alinlangan naman siyang ngumiti sa akin.

"K-Kung gayon ay sasabihin ko sa inyo ang aking nalalaman, m-madalas po kayong manakit ng mga katulad kong uripon sa kadahilanang hindi kayo binibisita ng inyong bana na ibubuntong niyo sa amin ang inyong galit." Nakita ko ang kamay ni Andula na nanginginig, kung kaya naman tumayo ako sabay lumapit sa kanya. Palagi ba siyang sinasaktan ni Arami? Inangat ko ang aking kamay at nakita 'kong bahangya siyang napa atras. Dahan dahan kong inilapat ang aking palad sa kanyang ulo at mahina inyong tinapik.

"Patawarin mo nawa si Arami." Anas ko sa kanya at umupo pabalik at pinag patuloy ang pag tanong sa kanya ng katanungan.

"Saan namamalagi ang ginoo pag sapit ng dilim?" Tanong ko.

"Sa bahay aliwan po, gabi gabi po siyang andoon. Kahit pa pa nung hindi pa siya nag aasawa ay nandoon po siya palagi na mamalagi, ang aking nalalaman hindi iyon alam ng mahal na rajah Dahil ang batid nito ay katabi mo siya gabi-gabi." Biglang may namumuong idea sa utak ko.

"Bakit hindi ko siya sinusumbong?" napa lakas ata iyong pag kasabi ko kaya narinig ni andula.

"Kasi po, mahal niyo siya. At hindi mo gustong mapa hamak siya." Saad nito. Napa irap na lang ako sa kawalan.

"Ganun?" sabi ko at tumayo sabay tiningnan ang kabuohan ng silid. Napa tingin ako sa may bintana at galing sa kinatatayuan ko ay nakikita ko ang mga taong abala sa kani kanilang buhay. Kaunti na lamang talaga ay mababaliw na ako sa kakaisip kung nasaan lupalop ako parte ng mundo, kakaiba ang aking natatanaw. Hindi katulad ng mga ordinaryong tao ang narito, kakaiba ang kanilang kasuotan na tila pang sinauna pa ito. Pansin ko rin sa kasuotan ni Makisig kanina ay may kapareho ito sa kasuotan ng pinaka unang bayani ng pilipinas na si Lapu-lapu. Ngunit imposible naman na nasa taon niya ako, kailangan kong alamin kung nasaan ako upang makabalik ako sa maynila. Alam kong imposibleng naanod ako sa ilog papunta rito ngunit iyon lamang ang tanging naisip 'kong paraan kung bakit ako napadpad rito.

Habang abala ako sa pag iisip ay bigla na lamang narinig ko ang malakas na pag tunog ng aking katawan, napa hawak ako sabay napa ngiwi.

"Maari mo ba akong bigyan ng makakain?" Anas ko kay Andula, napa tango siya sabay kaagad na nawala sa aking harapan. Bumalik siyang may dala dalang pagkain at isang matanda na may kasuotang katulad sa matandang nakita ko ilang araw na ang nakakaraan. Hindi kaya may kinalaman siya sa nangyayari sa akin? Napa iling ako. Hindi naman siguro, hindi ko dapat isisi sa kanya ang nangyari sa akin.

"Narito na ang babaylan bae Arami upang tignan ang inyong kalagayan." Anas ni Andula, ginalaw ko naman ang katawan ko kung may masakit ba sa akin ngunit tila hindi naman ako nagkaroon ng bali ng buto.

"Hindi na kailangan Andula, maayos lamang ako." Anas ko sa kanya sabay napa iling iling, pero imbis na makinig ay nagulat na lamang ako ng may biglang pumasok na tatlong kalalakihan at sa isang iglap lamang hinawakan ako ng mga ito. Teka, hindi ba nila ako narinig o naintindihan? Huwag mong sabihing pinadala sila ng makisig na iyon upang parusahan ako?

"Patawad aming bae, ngunit pinadala kami ng inyong bana upang masigurong maayos ang iyong kalagayan." At hindi ko na nga sila napigilan.

Nakatingin lang ako sa tela na nakasabit sa ibabaw ng aking kama. Naka sabit ito sa kawayan na nasa itaas naka buklat na naka hati sa gitna dahilan upang maging hugis tatsulok ito. Nagsisilbi rin itong pang sangga sa mga lamok, at ano pang alikabot sabi ni Andula sa akin. Pagod akong naka higa sa aking kama, mabuti na lamang at umalis na ang babaylan na iyon, hindi ako makapaniwala sa ginawa niya sa akin. Sa ilang taon kong pakikipag laban sa underground ngayon lang ako nakaramdam ng labis na takot, ayoko na muling maramdaman ang torture na naramdaman ko sa kamay ng punong babaylan na iyon. Iniisip ko palang nanayo na balahibo ko, lintik lang walang ganti sa makisig na iyon. Sinabi lang naman nito sa babaylan na nasapian ako ng isang laon, hindi ko alam kung ano iyon ngunit tila para sa kanila isa iyong masamang espiritu.

Mag gagabi na at hindi pa umuuwi si Andula, hindi ko alam kung saan siya nag tungo. Basta bigla na lamang siyang nawala kanina na parang bula, and speaking of andula nakita ko siya na biglang sumulpot sa pintuan at humahangos ito kaya naman na pa salubong ang kilay ko. Ano nanaman kaya ang dala dala niya?

" Bae Arami pinapatawag po ng rajah ang lahat na mamamayan dito sa kanyang banwa. Kung kaya kailangan mong mag ayos upang dumalo sa piging.

"Piging?"

"Isa po iyong kasiyahan." Tugon niya, pinag masdan ko naman siyang nag lakad papunta sa gilid ng silid sabay binuksan ang isang baul.

"May nais po ba kayong suotin Bae Arami?" Tanong niya sa akin, napa kunot noo naman ako at lumapit sa kanya. Napa tingin ako isa isa sa mga damit at wala akong nakitang ordinaryong damit gaya ng t-shirt kaya napa kamot ako sa batok ko.

"Wala, ikaw na ang bahala sa pamimili Andula." Anas ko sa kanya, nakita ko naman ang kislap ng kasiyahan sa mga mata ni Andula.

"Kung gayon bae Arami ako na ang bahala." Anas niya.

"At isa pa nga pala bae Arami, Ipagpatawad niyo sana ngunit hindi kayo masusundo ng mahal na ginoo. Gaya ng palagi niyong tinatanong at ninanais." Dagdag na wika ni andula habang namimili ng damit na maari kong suotin, napa ngiwi ako.

"Huwag kang mag alala hindi ko na siya inaasahan." Balewalang wika ko, bukod sa damit may nakita akong mga alahas sa loob ng baul kung kaya naman ay kinuha ko ang isang pulseras at kinagat iyon. Mukhang purong ginto ah? Puwede ko kayang nakawin 'to para pambayad sa utang na kailangan kong pag bayaran?

"Andula maari bang akin na 'to?" Sabay pinakita ko ang pulseras na hawak hawak ko.

"Anong sinasabi niyo aking panginoon, pag mamay ari niyo ang lahat ng narito." Napa kurap ako ng ilang beses at napa tingin sa mga alahas.

"Ey?" Anas ko sabay kinuha ang mga iyon at isa isang sinuot ngunit sa huli ay hinubad din dahil hindi ko halos maigalaw ang aking katawan sa bigat Tinawanan pa ako ni Andula dahil sa paraan ng aking pag galaw pero tinulungan din akong hubarin ang mga iyon. Nag patuloy ako sa pamimili ng alahas upang suotin sa piging, hirap pa akong mamili dahil sa maganda at makintab lahat ng mga ito. Naramdaman ko ang pag titig sa akin ni Andula.

"Bakit?" Tanong ko, napa iling naman siya.

"Natutuwa lamang ako bae Arami dahil ngayon lamang kita nakitaan ng kasiyahan sa mukha tuwing piging ay palagi kayong nalulumbay dahil dahil hindi kayo magawang sunduin ng ginoong makisig, tila hindi ikaw ang panginoon na aking kilala at hindi ko alam kung anong nangyari sa pag dalaw niyo sa banwa ng inyong ama ngunit masaya ako sa iyong pagbabago." Hindi ko alam kung anong klaseng tao si Arami ngunit tila hindi naging masaya ang karanasan ni Andula sa kanya. Ngayon lamang ako makakapunta sa isang party kung kaya nais kong maranasan iyon dahil mukhang masaya at exciting isa pa upang malaman kung ano pa ang meron sa lugar na ito at mapagtanto kung nasaan ba talaga ako.  

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status