Unti unti kong inimulat ang aking mga mata at napa upo galing sa pagkakahiga. Ang sakit ng buong katawan ko, marahil sa pag bagsak ko ito sa bisikleta, tuluyan ko nang minulat ang aking mga mata. Pakiramdam ko galing sa ako mahabang pagtulog, sa tuluyang pagmulat ng aking mata unang bumungad sa akin ay ang kakaibang silid. Napa kurap ako ng ilang beses, hindi ba nasa tulay lang ako kanina? May tumulong ba sa akin upang dalhin ako sa hospital? Klarong klaro sa isipan ko ang huling nangyari sa akin.
Hindi ko alam kung nasaan ako, ngunit masasabi 'kong wala ako sa isang ospital dahil gawa sa nipa ang aking nakikitang bubong ng silid at ang kama na hinihigaan ko gawa sa kawayan, sino naman kaya ang mag dadala sa akin rito? Mayroon pa bang ganitong uri ng tahanan sa kasalukuyang panahon? Bakit ganito? Napatingin ako sa paligid ko, purong gawa sa kawayan ang naturang pader ng silid, wala ng iba. Habang pinag papatuloy ko ang pag libot ng aking mata ay nagulat na lamang ako dahil may naka tayo pa lang isang babae sa gilid na kama na aking kinahihigaan . Hindi ko siya napansin kaagad, bakas sa mukha niya ang pagkasiya at pag aalala. Isa pa sa napansin ko sa kanya ay naka h**o ito, ibig sabihin ay wala itong suot na pang itaas. Tama ba ang nakikita ko?
"Mabuti naman at nagising na kayo bae arami, labis ang aming pag aalala sa iyong kalagayan." Napa kunot noo naman ako.
"Huh? Sino ka? Nasaan ako?" Tanong ko sa kanya na labis na nagugulohan, nanaginip lamang ba ako? Bakit tila nasa ibang planeta na ata ako, hindi ko maintindihan. Napa hawak ako sa aking ulo at pilit na inaalala ang mga nangyari dahil baka may nakalimutan ako at baka kapag maalala ko iyon ay iyon ang magiging kasagutan sa kababalaghang ito.
"Nasa iyong silid ka bae arami, may iba kabang nararamdaman?" Tanong ng babaeng nasa harapan ko. Napa iling iling ako sa kanyang sinabi dahil tila nag aalala ito ng labis.
"Maari ko bang malaman ang iyong ngalan?" Tanong ko muli, napa kunot noo naman siya ngunit napa tango.
"Ako po si andula, ang iyong uripon." sabi niya sabay bahangyang napa yuko sa akin. Napa tango tango ako sa kanyang sinabi at napag pasiyahang bumaba sa naturang kama na gawa sa kawayan. Okay, siya si andula. Nasaan nga ba talaga ako? Teka isang uripon? Ano iyon.
"Uripon, ikaw ang aking uripon."
"Tama po kayo, isa niyo po akong utusan." Napa ahh naman ako, utusan? As in utusan ko talaga siya? Ano ba talagang nangyayari sa mundo at ngayon may naka h**o na akong utusan?! Napa lakad naman ako pabalik balik sa sahig habang gulong gulo ang isip.
"At bakit mo naman ako pinagsisilbihan?"
"Dahil ikaw po si Arami, anak po kayo ni datu lipayon, at bana niyo po ang isang makisig na ginoo, ang anak ng ating rajah. Dahil isa po kayong maharlika"
"Maharlika?!" Hindi ko mapigilang saad, ahhh mas lalo akong nagulohan! Pero teka, rajah? Tila narinig ko na ang salitang iyon. Diba ibig sabihin non ay isang hari? Napa kunot noo muli si Andula.
"Makinig ka andula, marami akong itatanong sa iyo. At nais kong sagutin mo lahat ng iyon." Nakita ko naman na napa lunok laway si Andula at napa tango tango.
"Masusunod po bae Arami." Magalang niyang saad, napa buntong hininga naman ako.
"Ano ang ibig sabihin mo sa aking bana?" Una kong tanong.
"Ang inyong bana ay iyong abiyak, kasama sa buhay at iyon ay si Ginoo Makisig! Hindi niyo po siya nakikilala?" Saad niya. Napa kamot na lang ako sa batok ko. Woah! May asawa na ako? Kabiyak sa buhay? At kailan pa ang funny huh?
"Okay, susunod na tanong. Nasaan ako, saang bansa?"
"Nasa banwa po kayo ni Rajah mabagsik." Wait, ano raw? Banwa ? Hindi bansa?
"Sunod na katanungan. Ano bang nangyari sa akin at tila tuwang tuwa ka dahil nagising ako?" Kanina ko pa napapansin iyon, kung kaya hindi ko mapigilang magtaka.
"Nakita po kayo ni ginoo makisig sa baybayin! Naka higa po kayo doon, at iba po ang kasuotan. Balak nga po nila kayong paslangin sa pag aakalang isa kayong kalaban, mabuti na lamang at nakilala kayo ng inyong bana. Ano bang nangyari sa pagdalaw mo sa inyong banwa?" So balak nila akong pata-- wait whoot? Patayin as in dedo? Dapat ba ako mag pasalamat dahil niligtas nitong bana ko ang aking buhay? Teka ibang kasuotan ibig sabihin napunta ako rito na iba sa kanila ang aking kasuotan? Mas lalo itong nagiging kakaiba! Weird as in napaka weird nitong nangyayaring ito, panaginip ba ito? Kailangan kong malaman kung nasaan ako. Mabilis kong ikinilos ang sarili at akmang lalabas na sa may pintuan ng may naalala ako. Sabi niya iba ang aking kasuotan ibig sabihin ay dala dala ko ang bag ko at teka...
"Who is the fuck undress me?" Tanong ko sa kanya, nanlaki naman ang kanyang mata at tila hindi maintindihan ang sinabi ko. Pansin 'kong iba na rin ang kasuotan na suot suot ko, magkaparehong kulay na kahel na gawa sa makintab na tela (silk) ang suot suot kong baro't saya. May suot suot din akong alahas sa aking leeg at pulsohan.
"H-Hindi kopo kayo maintindihan bae Arami patawad" Napa buntong hininga ako.
"Ang sabi ko sino ang pangahas na nagbihis sa akin?"
"Paumanhin ngunit ako pa ang may gawa, wala po kasi ang ginoo ngayon, sinusundo niya ang babaylan sa kanilang balay." mahinahong saad niya. Kaya napa sigh relief ako, mabuti na lang.
"May huli pa akong tanong andula, patawad sa aking paraan ng pagsasalita ngunit nasaan ang aking dala dalang bag?" Tanong ko, tila hindi niya muli akong maintindihan kaya naman inilarawan ko ang hitsura ng bag ko sa kanya. Kung tama ang pagkakaalam ko ay kasama ko ang bag ko, na pangalawang buhay ko na rin. Kinuha naman iyon kaagad ni Andula kung kaya kaagad 'kong tinanggap.
Agad ko iyong kinuha at binuksan, binaliktad ko iyon sabay binuhos lahat ng laman sa kama. Kumpleto pa rin, makeup kit ko, lotion, facial mask, band aid, mga gamot (para pag nasugatan ako sa laban may pang gamot agad ako), dagdag mo pa ang pinamili kong groceries. Pinasok ko ang mga iyon muli sa bag ko, napa lingon ako sa paligid at napag pasiyahang itago iyon sa may ilalim ng kama. Babalikan ko iyan kapag alam ko na kung paano ako makaka uwi at malaman ko kung nasaan banda ako ng pinas.
Hindi na nagtagal ay kaagad kong tinahak ang daan papalabas ng naturang silid, naka sunod sa aking si Andula ang uripon ko kuno at tinatawag ako nito sa ibang pangalan.
"Bae Arami, saan po kayo paparoon?"
"Kailangan kong malaman kung nasaan ako." Anas ko sa kanya, paglabas ko ng tuluyan ay nakita ko na hindi lamang si Andula ang naka h**o. May nakita akong mga kalalakihan na tanging maliit na tila lamang ang suot suot, at may mga tattoong naka balot sa kanilang balat.
Napa tingin sa akin ang mga tao at parang nataranta sila at agad na lumayo sa akin. Huh? Mabaho ba ako? Inamoy ko ang aking sarili, hindi naman.
"Arami! Saan ka patutungo?" Rinig kong tawag ni Andula, napa tingin naman ako sa kanya na may pagka irita. Nagulat ako dahil sa isang iglap lang ay lumuhod ito sa aking harapan, teka! Anong ginawa ko?
"Patawad, ititikom ko na po ang aking bibig. Huwag niyo po akong pag buhatan ng kamay" saad niya na tila takot na takot. At bakit ko naman gagawin iyon?
"Hindi ako masamang amo para gawin iyon ano, kaya tumayo ka na ng matuwid at tahimik na sumunod sa akin." Anas ko, napa tango naman siya at kaagad na sumunod sa akin ng tahimik.
Namangha naman ako nang may nakita akong dagat sa aking harapan, oo nga pala sabi niya sa akin ay nakita nila ako sa karagatan. Wait, Hindi kaya nahulog ako sa ilog at nati anod papunta dito?! Hindi ko muna pinansin ang tumatakbo sa aking isipan at mabilis na ikinilos ang aking sarili. Tumakbo ako papunta sa baybayin, hindi ko pinansin ang grupo ng kalalakihan na naglalakad pasalubong sa akin. Aksidenteng nag tama ang mata namin ng isa sa lalaking na nasa pinaka unahan na nag lalakad pasalubong sa akin, tila ito ang pinuno.
Nag iwas kaagad ako ng tingin at akmang lalampasan ko na ang grupo ng mga kalalakihan ng bigla kong naramdaman na may humawak sa aking balikat galing sa likod, at dahil sa ginawa niyang iyon ay nagulat ako at kusang gumalaw ang aking katawan at hinuli ang kanyang kamay na humawak sa akin at buong lakas siyang binuhat paitaas sa era sabay binalibag papunta sa lupa. Mabilis ang naging pangyayari, at napa kurap na lang ako sa aking ginawa sabay binitawan kaagad ang kanyang pulsohan na aking hawak hawak. Tila hindi lang ako ang nagulat sa aking ginawa pati na rin ang taong naka paligid sa amin. May narinig pa akong napa singhap.
"Ginulat mo ako, kasalanan mo iyan!" Mabilis kong saad, narinig ko ang kanyang mahinang d***g at unti unting napa tayo. Akmang tutulungan ko siya sa pag tayo ng may nararamdaman akong bagay sa aking leeg, natigilan ako sa paggalaw. Nakapalibot silang lahat sa akin at tila handa na akong paslangin..
"Isang lapastangan!" Sigaw ng binata sa akin, masama ang tingin at hindi na ako nagtataka kung bakit.
"Pugutan siya ng ulo!" Galit na saad niya, napa taas kilay ako. Bakit parang kasalanan ko pa? Siya kaya itong biglang nang hahawak! Napa tingin ako kay andula na lumuhod sa may lupa.
"Patawarin niyo nawa ang iyong asawa ginoong Makisig, hindi na po sinasadya ang kanyang ginawa." Teka, tama ba narinig ko? Asawa? Asawa ko ang lalaking ito! Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, pang makatarungan ah! Hindi na masama ang kanyang hitsura, pantay ang kulay morenong balat nito at may makisig itong pangangatawan. Dinaluhan ko naman si Andula at iginaya siyang tumayo, dahil hindi niya dapat ginagawa ang pag hingi ng tawad lalo na at wala naman siyang ginawang masama.
"Isa kang lapastangan, hindi ka dapat na mabuhay pa. Wala kang galang sa susunod na magiging rajah ng banwa!" Saad ng isa sa grupo na naka palibot sa akin.
"Hindi niyo dapat sa akin isisi ang nangyari, hindi dapat bastang hahawakan ng isang ginoo ang katawan ng kababaihan! Kung kaya tama lamang ang aking ginawa." Wika ko.
"Aba't! Sino ka upang mangatarungan?!" Saad ng ginoo at itinaas niya ang kanyang kampilan para hiwain ako. At itinutok iyon sa akin, napa taas kilay ako at walang kahit anong takot ang naramdaman. Akmang ilalapat na niya ang talim ng kanyang kampilan sa akin nang may biglang dumating na isang ginang. Isang babaeng may bakas na nasa mataas ang katayuan sa lugar na ito. Puno ng kanyang katawan ng mga alahas. May suot suot itong malaking korona sa kanyang ulo, kulay pula ang suot nitong kanga, at ayon sa paraan ng kanyang tindig ay masasabi kong isa itong maharlika. Sa likod nito, may mga alalay siya na nagdadala ng kanyang panangga ng araw at nagpapaypay sa kanya.
"Anong kaguluhan ito" tanong niya na naka kunot noo. Tuluyan naman ng nakatayo na si Andula at sabay bumulong ako sa kanya habang may naka tuktok pang kampilan sa aking leeg.
"Sino siya?"
"Siya ang mahal na hara, ang iyong biyenan mahal na bae at iloy ng mahal na ginoo." Bulong niya pabalik. Napa tango tango ako, hindi naman niya siguro ako pababayaan mamatay hindi ba?
"Ibaba niyo ang inyong mga kampilan, hindi niyo dapat tinatakot ang asawa ng ginoo!" Kaagad naman nilang sinunod ang sinabi ng hara maliban sa anak nitong ginoo, napa ngisi ako.
"Ibaba mo ang inyong mga kampilan makisig, hinahanap ka na ng iyong ama. Nais ka niyang batiin sa iyong tagumpay" Saad ng hara, at wala itong nagawa kundi sundin ang kanyang nais. Masama niya akong tinignan na tila sinasabi nitong alamin ko ang aking lugar, at kinatatayuan. Hindi ako makapaniwala na ito raw ang aking asawa, talaga lang ha?
"Masusunod iloy..." Anas niya sabay nag patuloy sa pag lalakad at tinalikuran kami. Napa tingin naman ako sa hara at bahangyang yumuko.
"Maraming salamat hara." Anas ko, malamig niya akong tinignan.
"Hindi na ito dapat maulit pa, dahil wala itong magiging kasunod." Napa tango ako sa kanyang paalala ngunit kaya ko namang ipagtanggol ang aking sarili pag nagkataon.
"Sabihin mo nga sa akin. Bakit ko naging asawa ang lalaking iyon? "Naka kunot nuong tanong ko, bakit naman kasi nila ako bibigyan ng asawa na tulad ng isang iyon? Mataas ang tingin sa sarili at tila walang paki alam sa iba."Hindi ko po kayo maintindihan, hindi po pa ba batid?" Anas ni Andula,bumalik kami sa loob ng kubo kung saan ako nagising kanina at ngayon ay pabalik balik ako sa aking pag lalakad at pilit na ina analyze ang pangyayari. Talaga bang naanod ako papunta rito? Bakit tila wala na ako sa kasalukuyan? Lahat ng nakikita ko ay pang nakaraan, tulad ng kinatatayuan ko na lang ngayon."Magtatanong ba ako sayo Andula 'kong alam ko?" Napa ngiwi si Andula sa pag susungit ko."Masama pa rin ba ang inyong loob sa inyong nasagap na balita kung kaya nagawa niyong baliwalain ang ginoo
Lumabas na kami ni Andula, suot suot ang napili niyang kasuotan para sa akin. I am wearing a skirt made of silk for my upper body na tinatawag ni Andula na baro at sa pang ibaba na gawa sa makukulay na tela na naka tapis sa aking bewang na tinatawag na sarong o patadyong. Wika ni andula mahalaga ang iyong kasuotan lalo pa sa mga maharlika. Gamit kasi ng kasuotan ay nalalaman mo kung ano ang antas ng isang tao sa kanilang banwa, kung isa ba itong alipin o maharlika. Masaya ako at sinasagot ni Andula lahat ng aking mga katanungan kahit nag tataka ito, at hindi niya maintindihan kung ano ang aking intensyon."Malapit na ba tayo Andula?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman siya sabay tinuro niya ang isang bahay na gawa sa kawayan ang mga dingding at nipa naman ang bobong. Mas malaki ang bahay na iyon kesa sa aking tinutuluyan ko ngayon. Hindi na ako nagtataka dahil isang rajah ang na nakatira
Kahit anong pag pupumiglas ko ay hindi ko kayang makawala sa kanyang pag kakahawak at sa isang iglap lang ay narating na namin ang silid at padabog niya akong ibinagsak sa kama. Naramdaman ko ang sakit sa aking likod kung kaya napangiwi ako, ano bang problema ng lalaking ito? Umupo ako sa pag kakahiga at masamang tinignan si Makisig, bakit ba iniibig ito ni Arami?"Hindi mo naman ako kailangan ihatid ginoo, kaya ko namang maglakad pauwi at maglakad ng maayos papunta rito sa balay." Sarkasmong saad ko sa kanya. Nakatayo siya sa gilid ng kama at pinag mamasdan ak, napa taas kilay naman ako at ini inda pa rin ang sakit na aking nararamdaman."Anong tinitingin tingin mo dyan?" Maangas na asik ko sa kanya, sabay umirap."Akala koba nag usap na tayo? Na hindi mo ako ilalaglag kila iloy
Binantayan ko ang kanyang bawat galaw, nakita ko ang kanyang pag bunot ng sandata. Naka tingin sa akin si Andula na may pag aalala."Bae Arami hindi niyo naman kailangan gawin ito, maayos lamang ang aking kalagayan." Anas niya sa akin, ngunit napa iling iling ako. Kahit ano pa ang kasalanan niya ay hindi siya dapat pag buhatan ng kamay, napa kuyom ako sa aking kamao."Ngunit magaling na mandirigma ang timawa ni Ginoo Makisig." Napa tingin ako kay makisig, kaya naman pala mayabang."Wala ka ng panahon upang umatras bae Arami kung kaya naman ay bibigyan kita ng tyansa, isang kamay lamang ang aking gagamitin." Anas sa akin ng timawa, tinaasan ko siya ng kilay ngunit ano pa ba ang aking magagawa?"Kung gayon tinatanggap ko ang iyong kabut
Pinilit ko ang sarili ko na matutong maghabi ng tela dahil sa boryong boryo ako, hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Dalawang araw ang nakaraan matapos ang hamunan na pangyayari, at dalawang araw na rin hindi ko nakikita si Makisig pero wala naman akong paki alam sa kanya. Sa loob ng dalawang araw ginugol ko ang sarili ko sa paghahanap ng naturang matanda na nagbigay sa akin ng singsing ngunit hindi ko siya makita, malakas ang loob ko na siya ang nag dala sa akin sa taong ito. Ngunit bakit? Sa anong dahilan? Napa buntong hininga na lamang ako, at dumapa sa sahig sabay nag simulang mag push up pampalipas oras."10, 12, 13, 14, 15, 16, 17, 18, 19, 2---""Bae!" Biglang sumulpot sa aking harapan si Andula at sa aking gulat ay napa igting ako at sa isang iglap ay napa subsub ang baba ko sa sahig na gawa sa kawayan.
Pagod kong ibinagsak ang aking katawan sa aking kama sabay dumapa, sa wakas ay tuluyan ng bumaba ang lagnat ng hara kung kaya naman maaari na akong makapag pahinga. Lumabas si Andula upang kumuha ng pagkain, alas singko na ng hapon at ramdam ko ang gutom at pagod sa buong araw na kakatayo. Talagang seryoso ang rajah sa pag pugot sa aking ulo kapag hindi gumaling ang hara, hayst! Wala naman akong magawa dahil ako mismo ang nag presenta sa aking sarili na tulungan ang hara, ayoko ng magka utang na loob sa iba lalo na sa hindi ko kilala. May masama akong karanasan sa utang na iyan, kung kaya naman ay ayoko ng magka utang pa kahit kailan.Lumabas ako sa silid ng hara upang handaan siya ng lugaw kanina at palitan na rin ang tubig at tela na aking ginamit para ipunas sa kanya. Nag kasalubong kami ni Makisig ngunit hindi ko na lamang siya pinansin, at nag patuloy sa pag lalakad. Nabalitaan niya
Napatingin ako sa lalaking katabi ko at napasimangot, hindi ko akalain na seryoso pala talaga siya sa pagtabi sa akin sa pagtulog buong magdamag ang buong akala ko ay aalis siya pag sapit ng madaling araw ngunit nagkakamali ako. Tila seryoso talaga siya sa pagtupad ng kanyang binitawang salita sa kanyang ina, wala naman siyang ginawang masama at hindi kanais-nais kung kaya naman walang naging problema ang buong magdamag sa aming pagtulog. Napagpasyahan kong bumangon at hinawi ang kumot na nasa aking harapan, napatingin mukha ako sa mukha ni Makisig. Mahimbing siyang natutulog na tila walang paki alam sa kanyang katabing kanyang kinamumuhian.Kung ako lang si Arami marahil nag sitalonan na ako sa tuwa dahil malaya kong napag mamasdan ang kanyang mukha, akmang bababa na ako sa naturang kama ng bigla na lamang may humila sa aking kamay. Nanlaki ang aking mata at hindi makapaniwala hawak haw
May dala dala akong kalasag na gawa sa kahoy at kawayan, isang pana at palaso. Pansin kong may mga uri silang sandata na ginagamit nila sa pakikipag laban sa pag hahanap ng mga pagkain at pag alam ko ang mga iyon. Kris o kalis ay may mag kabilaang talim at maaaring tuwid ang paggawa nito o kiwo-kiwo salitang ibig sabihin ay paliko liko.Kampilan kapag ang isang sandatang sundang ay isa lamang ang talim at mas mahaba ito sa kalis, kapag bago ang labanan binabalot nila ang mga ito ng lason. Nagulat ako ng bigla na lamang lumapit sa akin si Makisig ay pinasout sa akin ang uri ng kanilang batuti it's padded armor and carabao-hide breastplates."Ginoo narito ang kupya!" Anas ng isang timawa sabay bigay ng isang malaking helmet kay Makisig at sinuot iyon sa aking ulo. Napa kunot noo naman ako dahil sa may kabigatan ang mga iyon.