Beranda / Semua / Ways To Escape Death / Chapter 01: Living as Elizabeth

Share

Chapter 01: Living as Elizabeth

Penulis: shineberry
last update Terakhir Diperbarui: 2021-06-19 01:49:01

Sophia's POV

Parang kailan lang noong namumuhay pa ako ng normal. May hawak na cellphone habang nagbabasa ng novels na downloaded sa documents ko. Minsan naman nakatambay ako sa social media, o kaya nanonood ng movie sa Netflix. Pero ngayon ...

"Aaaaaah!" Bakit ba hindi pa updated ang technology sa panahon na 'to?

"Lady Elizabeth, ano pong problema?" Dali-daling pumasok si Melrose sa loob ng kwarto ko. Siya ang kaisa-isang lady-in-waiting ng orihinal na Elizabeth. Siya ang nanatili sa tabi nito hanggang kamatayan.

Melrose Homes, nineteen years old. She has brown hair, the color of her eyes is green, her face is small and it is an oval shape. Simple lang siya, hindi naglalagay ng mga kolorete sa mukha. Pormal na rin ang pananamit nito, suot ang uniform na nararapat para sa posisyon niya. Hindi na siya mukhang isa sa mga maid ng mansyon. Hindi katulad noong unang beses ko siyang makita.

Si Elizabeth ay kilala sa pagiging obsessed sa Crown Prince. Sinuman ang may balak na lumandi sa prinsipe ay hindi niya papalampasin. Gano'n din ang sasapitin ng mga makikita niyang babae na malapit sa lokasyon nito.

Pinagbawalan niya rin ang mga babaeng namamasukan dito sa mansyon, na mag-ayos sa kanilang mga sarili. Ang hindi sumunod sa panuntunan niya, makakaranas ng matinding parusa. Sa paningin kasi niya, baka akitin ng mga ito si Lawrence.

Gano'n siya ka-paranoid! Kinikilabutan ako sa mga kahihiyan na pinaggagagawa niya noong mga nakaraang taon, pero hindi ko naman siya masisisi. I do sympathize with Elizabeth but I never wished to be her!

"Lady Elizabeth, tanghali na at nakapang tulog ka pa rin po," alanganin nitong paalala sa 'kin.

Nahalata ko ang panginginig niya sa takot. Siguro akala niya … gagawin ko rin ang pananakit na naranasan niya sa kamay ng dating Elizabeth.

Umayos ako ng upo sa sofa habang nakade-kwatro. Nagulat naman ito nang makita ang kinilos ko. Ang young lady niya ay unladylike na kung kumilos. Well, hindi naman kasi ako si Elizabeth. Ako si Sophia!

"Napakaboring ng buhay dito," tamad na tamad kong puna.

"Hindi mo po ba nais na maghanda ng tea party?" suhestiyon niya.

I groaned. "I don't wanna."

Hindi ko sasayangin ang oras ko para makipag debate sa mga kilalang kababaihan ng Imperyo. Sa pagkakaalam ko, wala namang ibang ginagawa ang mga ito kundi magkalat ng tsismis at ipagyabang ang kani-kanilang talento sa pagbuburda. Trip nila makipag paligsahan sa pagiging ideal wife.

"Kukuhanan na lang po kita ng meryenda," sabi niya habang nakayuko bilang respeto sa 'kin.

"Kausapin mo ako ng hindi pormal, Melrose. Friends tayo 'di ba?" Sinubukan kong pagaanin ang loob niya sa 'kin. Nahalata ko ang pag-aalinlangan niya, hindi malaman kung susundin niya ba ang gusto ko o ang rules of social standing. Nataranta ito nang makita ang aking pagbuntong-hininga.

"Hindi ako nangangagat, Melrose," paalala ko.

"Po?" pagtataka nito sa sinabi ko. Hindi niya siguro na-gets ang ibig kong sabihin.

"You may go. Kumuha ka na ng meryenda," utos ko na may kasamang pagtitimpi para hindi ko siya pagbuntunan ng inis. Yumuko muna ito bago lisanin ang aking kwarto.

Isang linggo na simula ng maging buhay ko ang buhay ni Elizabeth. Bumalik na rin sa normal ang kalagayan ko. Napakahinang nga lang ng katawan ng babae na 'to. Halatang hindi naging active sa physical activities. It is understandable, bilang noble lady kailangan talaga sundin ang etiquette.

Isa sa mga hilig ni Elizabeth ay ang sumabay sa uso. Marami siyang pag-aari na alahas pati dresses at gowns. May collection siya ng branded heels and bags. Nakaayos ang lahat ng iyon sa silid na matatagpuan dito sa loob mismo ng kwarto.

Gusto ko ang naging bago kong buhay, dahil hindi ko na nararanasan ang mamroblema sa pera. Now that I am living as Elizabeth, I must enjoy my life. Pero bago ko ma-achieve ito, kailangan ko munang ilayo ang sarili ko sa kamatayan. Wala akong plano na sundin ang original plot ng novel. Sino ba ang gugustuhin na mamatay? Kung mamamatay ako rito, sure akong sa harap na ni San Pedro ang sunod na gising ko. Hindi ako makakabalik sa dati kong buhay dahil patay na ang katawan ko do'n.

According to Melrose, nilason ko raw ang sarili ko dahil sa sobrang pagka-depress sa dating rumor nina Lawrence at Beatrice. Sa totoo lang, wala akong maalalang scene sa plot na nilason ni Elizabeth 'yong sarili niya. Iniisip ko tuloy na baka kaya nag-transmigrate ako rito, ay para bumalik sa tamang flow ang story. Kung iyon nga ang dahilan, may tendency na hindi ko matatakasan ang kapalaran ni Elizabeth na mamatay sa middle part ng novel.

One month and days walang buhay ang katawan na 'to. Walang makapag paliwanag kung bakit hindi naaagnas ang katawan niya. Ito ang dahilan kaya hindi makapag desisyon ang Duke White sa pagpapalibing kay Elizabeth.

Good thing, hindi siya inilibing agad. Hindi pa ipinapalibing pero naghahanda na sila ng paglilibingan, buti na lang nagising ako.

Naupo ako sa harap ng vanity table para titigan ang sarili ko sa salamin. Maganda naman si Elizabeth. She has healthy black hair, violet eyes, tapos kutis porselana. Artistahin ang itsura at papasa siyang international model sa modern era. Pero bakit niya hinayaang mabaliw sa isang lalaki? Dami-daming lalaki diyan eh! Dapat ang ganitong itsura, ginagamit ng tama.

Kumuha ako ng notebook saka panulat na nakatago sa drawer. Nakaka-frustrate dahil quill ang gamit na panulat dito, walang ball pen! Nakaka-miss tuloy ang buhay 21st century.

Let's start by recapitulating the original plot of the story. Beatrice's Love is a reverse harem genre. There were three male leads: the Crown Prince, Lawrence William, the Greatest Magician, Killian Shou Adir, and the Imperial Knights' commander-in-chief, Francisco White.

Unahin natin ang taong magbibigay ng royal command sa future execution ko. Lawrence William, the protagonist, and husband-to-be of Beatrice. He has blonde hair, mesmerizing blue eyes, a sharp nose, and pinkish lips. He is one of the top handsome guys' living here in the Empire. Ang nag-iisang anak ng Emperor at ng Empress. Dahil wala naman siyang ibang kakompitensya sa trono, siya ang hinirang na Crown Prince.

The Dukedom of White, the second most powerful noble of Empire. Bago pa magkaroon ng royal family sa bansa ay nauna ng nag-exist ang teritoryo ng kanilang pamilya. Dahil dito, understandable para sa lahat ng nobles ang political arrangement sa pagitan ng White Dukedom at ng Imperial Palace.

Sila ang nagdesisyon na ikasal sina Elizabeth at si Lawrence, pagdating ng panahon na sila ay nasa tamang edad na. Oh 'di ba ang gagaling? Tsk! Sila na nagplano ng future ng mga anak nila!

Ito ang connection na nagpatibay sa dalawang partido. Kaya naman nakatatak na sa utak ni Elizabeth na siya lang ang nararapat para sa Crown Prince, at na-obsess siya sa kaisipang 'yon.

Nakabibilib din ang pagka-martyr niya. Kahit halos isampal na sa mukha niya ang katotohanang hindi siya magugustuhan ni Lawrence. Nag-effort pa rin ito ng sobra-sobra. Walang nagbago sa pagmamahal ni Elizabeth hanggang sa bigla na lang umeksena si Beatrice.

"Hindi ko rin maintindihan 'tong babae na 'to. Alam na ngang may fiancé 'yong tao, nakikisawsaw pa! Ako 'yong naba-badtrip eh," I said then heavily sighed.

Tapos si Lawrence pa ang papatay sa 'kin sa huli. Let's go for the operation: cancel the engagement.

Ginuhitan ko ng bilog ang numero unong paraan para makatakas sa kamatayan. Kailangan mawala ang connection ko sa lalaking 'to. Kahit na wala akong balak lasunin si Beatrice katulad ng nasa original plot ng novel, hindi ko naman mababago ang mga masasamang nagawa ni Elizabeth sa ibang tao.

Nakasisiguro akong marami ang nagtatanim ng galit sa 'kin ngayon. Nakakaiyak! Ayokong mamatay ulit!

Tutal kumakalat na ang balita tungkol sa sikretong relasyon nina Lawrence at Beatrice. Wala ng dahilan para ituloy pa ang kasalan! Siguro naman valid reason na 'yon 'di ba? It is time to regain my reputations.

"Lady Elizabeth." Sakto ang pagdating ni Melrose, tulak-tulak nito ang tray na may mga nakapatong na desserts at tea.

"Melrose, ayusan mo ako. Bibisitahin ko ang Duke White sa opisina niya." Sandali itong natulala bago tipid na napangiti at saka yumuko.

"Okay, Lady Elizabeth," she said. She immediately asked for other servants' help, to prepare everything I needed.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Ways To Escape Death   Chapter 81: Final Chapter

    Sophia's POV Panahong wala pa akong ideya na ako pala ay nagbalik sa kung saan talaga ako nabibilang. Tandang-tanda ko ang unang araw ng ma-transmigrate ako sa mundong ito. Sobra akong nasurpresa nang magising sa katawan ng isa sa mga importanteng tauhan ng nobelang nabasa ko. Sa kasamaang palad, ako ay naging si Elizabeth White, ang kontrabidang nakatakdang mamatay para sa progreso ng kwento na binibidahan ni Beatrice. Hindi na mabilang sa daliri ang mga pagkakataong nakaramdam ako ng ilang sa pakikitungo ng mga nakapaligid sa 'kin. Hindi naging madali sa una, lalo pa't marami ang takot kay Elizabeth. Karamihan sa kanila ay mga may mabababang posisyon sa lipunan. Takot ang mga itong makagawa ng kahit konting pagkakamali sa harap niya dahil baka mapagbuntungan sila ng inis ng dalaga. Marami ang naging biktima sa hagupit niya. Lalo na ang mga babaeng hindi niya pinalampas gawa ng selos, at pagka-paranoid

  • Ways To Escape Death   Chapter 80: Her Day

    Sophia's POV Matalas makiramdam si Killian kung may ibang presensya ang malapit sa lokasyon niya. Ngunit sa pagkakataong ito … tila ba ay wala siyang pakialam sa paligid. May sarili silang mundo na nililikha na para lamang sa kanilang dalawa. Niyukom ko ang pareho kong kamao at napakagat ng madiin sa ibabang labi. Hindi ko mapigilang makaramdam ng kuryusidad. Idagdag pa ang unti-unting pag-init ng ulo ko at pagkulo ng dugo sa tuwing naririnig ko ang kanilang hagikhikan. Naramdaman ko ang panginginig ng aking kalamnan. Nanlalabo rin ang paningin ko dahil sa nagbabadyang luha. Dinadaan ko na lang talaga sa inis itong nararamdaman ko ngayon. While staring at them intently, I sharpened my sense of hearing to learn what their conversation is about. "Hindi ko alam no'n kung saan ako magsisimula...buti na lang ay tinulungan mo ko't nanatili ka sa tabi ko," kamot sa batok na

  • Ways To Escape Death   Chapter 79: Exit?

    Sophia's POVI am currently hanging around here in His Majesty's main office, watching them struggling with their businesses while sipping my cup of tea. Ang mga vassal at iba pang opisyal ay hindi magkandaugaga sa dami ng kanilang ginagawa. Bukod sa pagmo-monitor ng resulta sa pagsasagawa ng mga nasirang istruktura sa Asterin—dulot ng nakaraang kaguluhan—inaasikaso rin nila ang mga hinaing at pangangailangan ng mamamayan."Your Majesty, here is the final report prepared by the Finance department. These are the documents that indicate the estimated budget for rebuilding the middle-class area," bungad ni Trisha. She is now working as a secretary of Emperor White.To my surprise, I didn't know she was capable of fulfilling that job. Hindi ko akalaing may knowledge siya sa ganiyang posisyon. Wala rin kasi sa nakuha kong background information niya ang tungkol sa bagay na 'yan kaya wala akong ideya

  • Ways To Escape Death   Chapter 78: Era Of White

    Sophia's POVTahimik sana ang buhay ko ngayon kung hindi lang ikinalat ni Felixander sa buong sambayanan ang tungkol sa naging buhay ko bilang Eliz Sofie."High Priestess! Pakinggan mo ang aming hiling! Ikaw po ang nararapat na mamuno sa Holy Temple!"Hindi ko mapigilang sumimangot sa mga naririnig ko. Nagpakawala ako ng mabigat na buntong hininga at hinilot ang aking sintido."Pakinggan mo ang aming hiling!" sabay-sabay nilang sigaw.Simula ng tanggapin at kilalanin akong muli ng mga tao bilang deity ng bansang ito. Walang araw na hindi nila ako dinumog dito sa mansyon.Gusto nila ako ang mamuno sa templo tapos doon ko ilaan ang buong buhay ko? No way!"Priestess Sophia, pakinggan mo ang hiling ng iyong mga anak!"Kunot noo kong nilingon ang direksyon ng pintuan. Anong mga anak? Argh! Nakaka-stress na talaga silang lahat!

  • Ways To Escape Death   Chapter 77: High Priestess

    Third Person POV"Alam mong hindi tatalab sa 'kin 'yang binabalak mo," wika ng dalaga habang sinasalubong ang titig ni Zero Three.He chuckled and shrugged his shoulders. "But how about them?"Naalerto ang lahat nang maramdaman ang killing intent na nagmula rito. Kinilabutan sila sa tingkad ng pagpula ng mga mata niya. Knowing how his ability works, they started to tremble in fear of losing their life.Umaksyon naman kaagad ang mga Shadow General upang agapan ang mga posibleng mangyari. Tinungo nila ang kinatatayuan ni Zero Three para palibutan ito, and positioned themselves to prepare for a fight. If he ever tries to make a wrong move, they will put an end to him without hesitation."That won't work. Everyone here in this room is currently under my protection." Huminto si Sophia sa kaniyang harapan. "Accept your loss, Zero Three."Umalingawngaw sa silid a

  • Ways To Escape Death   Chapter 76: Turn The Tide

    Third Person's POVMADALI para sa mga elf na paslangin ang demon beasts, kaso dehado naman sila sa shadow soldiers and mages. Bawat wasiwas ng kanilang sandata sa mga anino, tila ba ay hangin lamang ang kanilang natatamaan. Paano nga naman nila malalabanan ang hindi masugat-sugatang kalaban? Hindi sapat ang kanilang lebel ng kapangyarihan para matalo ang mga ito."Growl!" Umalingawngaw ang ingay na likha ng dragon."Aaah!" Nagsipag talunan palayo ang mga elf upang hindi matamaan sa pagbuga niyon ng itim na apoy.Ang mga demon beast na hindi makaiwas sa atake na pinakawalan ni Zero ay instant na nagiging abo.Habang tumatagal ang panonood ni Sophia sa senaryo na nagaganap sa harapan, bumabagal din ang tibok ng puso dahilan niya para mahirapan siyang makahinga ng maayos. Sa bawat kakamping namamatay, may init na bumubuo sa dibdib niya na parang gustong kumawala.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status