Sophia's POV
"Napakaganda mo po talaga, Lady Elizabeth." Pareho kaming nakatitig sa whole body mirror. Para akong buhay na manikang naka-dress up. Bagay naman sa 'kin 'yong suot kong gown, kaso nga lang nahihirapan akong makahinga dahil sa corset. I looked like one of those Disney Princesses. Ang suot ko ay maihahalintulad sa kasuotan nina Snow White, Cinderella, at Belle. My gown is color purple with black laces. I am wearing black gloves, na ang haba ay aabot sa siko ko. My jewelries are black tourmaline, and I wore black high heels.
Should I just call myself a villain princess? Because I looked like one.
Mas lalo ako naging mukhang maldita dahil sa suot ko. Lahat ng damit ni Elizabeth ay puro dark colors. Hindi ko rin gusto ang designs. Siguro dahil galing ako sa modern era kaya iba ang taste ng fashion standards ko.
"May sarili ba akong designer?" walang kabuhay-buhay kong tanong. Nawawalan ako sa mood habang sinusuri ang kabuuan ko.
"Yes, milady. Updated niya po lagi ang mga dress at gown mo," she explained while smiling at me.
I frowned. "Set an appointment with my designer. Tell him we are going to have discussions regarding sa designs na gusto ko."
"Okay, milady," she responded respectfully.
Naglakad kami palabas ng kwarto. Marami ang nahinto sa kanilang mga ginagawa para magbigay paggalang sa 'kin. Hindi nila ako matingnan dahil sa takot. Medyo nakakailang pero wala akong magagawa. Mahihirapan akong masanay sa pagtrato nila sa 'kin. Hindi ko naman sila masisisi, dahil minsan na sila naging biktima ng galit ni Elizabeth.
I guess I needed to fix things everything in here first. Aasikasuhin kong mapagaan ang kalooban nilang lahat sa 'kin, kapag natapos na ang problema ko sa engagement ko.
"Announce my attendance," I said to the head butler standing in front of Duke's office.
"He's expecting for you, milady," tugon nito habang nakayuko bago ako pagbuksan ng pintuan.
"Thank you." Gulat ang kaniyang expression na nakatitig sa 'kin. Hindi siguro siya makapaniwala na naging grateful ako sa assistance niya.
Naiwan sa labas ng pinto si Melrose para maghintay. Bumungad naman sa harap ko ang Duke na busy sa pag-asikaso ng paper works.
"I greet you, milord," I greeted him properly. Buti na lang, I owned the memories of Elizabeth. Kaya lahat ng etiquette lesson na natutunan niya ay naikikilos ko rin ng perpekto.
I still can't get used to his appearance. Kahit nasa mid 30s na siya, mukha lang siyang kuya ko.
He's so damn hot! He has black hair like mine, a sharp look and dark blue eyes, a pointed nose, and sexy lips. He let his hair down and slightly messy. His cold aura makes him more attractive.
Nahinto siya sa ginagawa para pagtuunan ako ng pansin. "What do you wish to discuss with me?" he said, wearing his usual cold expression.
Sa sobrang cold, tipong magdadalawang isip kang magsalita. If I were the real Elizabeth, I already got into cold feet here, like a scared cat. Eh, hindi ako siya. The difference between me and her, I have the confidence to speak my thoughts and opinions, loud and clear.
According to the novel, Duke White neglected his daughter ever since she was born. His wife died because of complications during labor. He never showed love and affection towards his daughter. Kahit na nag-i-effort si Elizabeth para i-acknowledge siya ng papa niya, all he does is to give her the cold shoulders. He only fulfilled his responsibility by giving her money for a living, that's all. No one treated her like family, even her brothers.
Sila ang may kasalanan kaya naging pariwara si Elizabeth. Hindi niya natutunang pahalagahan ang sarili niya, dahil walang nagparamdam nito sa kaniya.
"I am here to suggest the cancellation of my engagement with the Crown Prince," I said straightforwardly.
He silently stares at me. Parang chini-check niya kung determinado ba ako o hindi. Later on, may envelope siyang kinuha sa drawer.
"Here." Nilapag niya 'yon sa ibabaw ng table. Lumapit ako sa direksyon niya para tingnan ang nilalaman nito. As I read its contents, I felt myself smirking because of satisfaction. I thought It would be hard to obtain these papers. Mas mapapadali na ang pag-move forward ko, salamat sa mabilis niyang kooperasyon.
"I don't have extra time to take care of that matter. Work it on your own, talk to the Crown Prince by yourself and ask for his cooperation."
"I will. Thank you, milord." I bowed my head to give him my respect.
"You may go," he said without taking a glance in my direction.
I silently leave the office then directly return to my room. "Woooh!" I lie down on my bed while looking happily at the documents.
The signature and stamp of the Duke were visible. It was also granted by the Emperor. All that is left for me to do is to sign it. Kailangan nga lang din ng pirma ni Lawrence bago simulan ang proseso ng pagpapawalang bisa ng engagement namin. Kahit na ayaw ko siyang makita, wala akong magagawa kundi puntahan siya't hingin ang kaniyang kooperasyon.
Matatanggal na ang harang sa relasyon nilang dalawa ni Beatrice kaya sure akong good news din 'to sa kaniya. Kailangan ko na lang magpadala ng request for audience sa Crown Prince.
"Melrose, bigyan mo ako ng pinakamagandang papel natin diyan," nakangiti kong utos.
Hindi maalis-alis sa mukha ko ang saya dahil para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Kapag naging mabisa ang annulment of agreement, ang poproblemahin ko na lang ay si Killian.
"Yes, Lady Elizabeth."
Pansin ang pagtataka niya kung bakit good mood ako. Hindi ko na lang iyon idineklara para maiwasan na rin ang pag-ulan niya ng tanong.
Binigay niya naman kaagad sa 'kin ang mga kailangan ko. Kinuha ko sa ilalim ng unan ang libro na binabasa ko nitong nakaraang araw, para gawing patungan ng papel.
Tahimik kong sinimulan ang paggawa ng request na ipapadala ko sa palasyo. Ilang minuto lang ay madali ko ring natapos ang pagsulat ng magiging laman nitong liham ko para kay Lawrence.
I handed over the letter to her. "Melrose, please deliver this letter to the Imperial Palace. This is for my dearest fiancé."
She carefully takes it from my grasp before leaving me here alone.
Nakahinga ako ng maluwag. If this goes smoothly, then that's a good sign.
Sophia's POV Panahong wala pa akong ideya na ako pala ay nagbalik sa kung saan talaga ako nabibilang. Tandang-tanda ko ang unang araw ng ma-transmigrate ako sa mundong ito. Sobra akong nasurpresa nang magising sa katawan ng isa sa mga importanteng tauhan ng nobelang nabasa ko. Sa kasamaang palad, ako ay naging si Elizabeth White, ang kontrabidang nakatakdang mamatay para sa progreso ng kwento na binibidahan ni Beatrice. Hindi na mabilang sa daliri ang mga pagkakataong nakaramdam ako ng ilang sa pakikitungo ng mga nakapaligid sa 'kin. Hindi naging madali sa una, lalo pa't marami ang takot kay Elizabeth. Karamihan sa kanila ay mga may mabababang posisyon sa lipunan. Takot ang mga itong makagawa ng kahit konting pagkakamali sa harap niya dahil baka mapagbuntungan sila ng inis ng dalaga. Marami ang naging biktima sa hagupit niya. Lalo na ang mga babaeng hindi niya pinalampas gawa ng selos, at pagka-paranoid
Sophia's POV Matalas makiramdam si Killian kung may ibang presensya ang malapit sa lokasyon niya. Ngunit sa pagkakataong ito … tila ba ay wala siyang pakialam sa paligid. May sarili silang mundo na nililikha na para lamang sa kanilang dalawa. Niyukom ko ang pareho kong kamao at napakagat ng madiin sa ibabang labi. Hindi ko mapigilang makaramdam ng kuryusidad. Idagdag pa ang unti-unting pag-init ng ulo ko at pagkulo ng dugo sa tuwing naririnig ko ang kanilang hagikhikan. Naramdaman ko ang panginginig ng aking kalamnan. Nanlalabo rin ang paningin ko dahil sa nagbabadyang luha. Dinadaan ko na lang talaga sa inis itong nararamdaman ko ngayon. While staring at them intently, I sharpened my sense of hearing to learn what their conversation is about. "Hindi ko alam no'n kung saan ako magsisimula...buti na lang ay tinulungan mo ko't nanatili ka sa tabi ko," kamot sa batok na
Sophia's POVI am currently hanging around here in His Majesty's main office, watching them struggling with their businesses while sipping my cup of tea. Ang mga vassal at iba pang opisyal ay hindi magkandaugaga sa dami ng kanilang ginagawa. Bukod sa pagmo-monitor ng resulta sa pagsasagawa ng mga nasirang istruktura sa Asterin—dulot ng nakaraang kaguluhan—inaasikaso rin nila ang mga hinaing at pangangailangan ng mamamayan."Your Majesty, here is the final report prepared by the Finance department. These are the documents that indicate the estimated budget for rebuilding the middle-class area," bungad ni Trisha. She is now working as a secretary of Emperor White.To my surprise, I didn't know she was capable of fulfilling that job. Hindi ko akalaing may knowledge siya sa ganiyang posisyon. Wala rin kasi sa nakuha kong background information niya ang tungkol sa bagay na 'yan kaya wala akong ideya
Sophia's POVTahimik sana ang buhay ko ngayon kung hindi lang ikinalat ni Felixander sa buong sambayanan ang tungkol sa naging buhay ko bilang Eliz Sofie."High Priestess! Pakinggan mo ang aming hiling! Ikaw po ang nararapat na mamuno sa Holy Temple!"Hindi ko mapigilang sumimangot sa mga naririnig ko. Nagpakawala ako ng mabigat na buntong hininga at hinilot ang aking sintido."Pakinggan mo ang aming hiling!" sabay-sabay nilang sigaw.Simula ng tanggapin at kilalanin akong muli ng mga tao bilang deity ng bansang ito. Walang araw na hindi nila ako dinumog dito sa mansyon.Gusto nila ako ang mamuno sa templo tapos doon ko ilaan ang buong buhay ko? No way!"Priestess Sophia, pakinggan mo ang hiling ng iyong mga anak!"Kunot noo kong nilingon ang direksyon ng pintuan. Anong mga anak? Argh! Nakaka-stress na talaga silang lahat!
Third Person POV"Alam mong hindi tatalab sa 'kin 'yang binabalak mo," wika ng dalaga habang sinasalubong ang titig ni Zero Three.He chuckled and shrugged his shoulders. "But how about them?"Naalerto ang lahat nang maramdaman ang killing intent na nagmula rito. Kinilabutan sila sa tingkad ng pagpula ng mga mata niya. Knowing how his ability works, they started to tremble in fear of losing their life.Umaksyon naman kaagad ang mga Shadow General upang agapan ang mga posibleng mangyari. Tinungo nila ang kinatatayuan ni Zero Three para palibutan ito, and positioned themselves to prepare for a fight. If he ever tries to make a wrong move, they will put an end to him without hesitation."That won't work. Everyone here in this room is currently under my protection." Huminto si Sophia sa kaniyang harapan. "Accept your loss, Zero Three."Umalingawngaw sa silid a
Third Person's POVMADALI para sa mga elf na paslangin ang demon beasts, kaso dehado naman sila sa shadow soldiers and mages. Bawat wasiwas ng kanilang sandata sa mga anino, tila ba ay hangin lamang ang kanilang natatamaan. Paano nga naman nila malalabanan ang hindi masugat-sugatang kalaban? Hindi sapat ang kanilang lebel ng kapangyarihan para matalo ang mga ito."Growl!" Umalingawngaw ang ingay na likha ng dragon."Aaah!" Nagsipag talunan palayo ang mga elf upang hindi matamaan sa pagbuga niyon ng itim na apoy.Ang mga demon beast na hindi makaiwas sa atake na pinakawalan ni Zero ay instant na nagiging abo.Habang tumatagal ang panonood ni Sophia sa senaryo na nagaganap sa harapan, bumabagal din ang tibok ng puso dahilan niya para mahirapan siyang makahinga ng maayos. Sa bawat kakamping namamatay, may init na bumubuo sa dibdib niya na parang gustong kumawala.