Bigla na naging malungkot ang mukha ni Irish. Mayamaya ay tinungga nito ang alak sa baso. Ngunit nagulat si Adrian ng tinitigan siya nito. "I already love someone Adrian. I don't want to lose her."Tumaas ang kanyang kilay. "Her?"Ngumiti si Irish sa kanya. "Silly boy, until when you keep on pretending that you doesn't know anything about me?"Hinawakan niya ang ulo ni Irish. Hindi alam ng kanilang mga magulang na kilala niya ito mula pa noong kabataan nila. Alam niya na lesbian ito, ngunit pilit lang nitong tinatago dahil wala pa itong lakas ng loob na magtapat sa mga magulang nito. Ang ipinagtaka niya kung bakit pilit pa rin silang ipagkasundo ng mga ito.Bago natapos ang gabing iyon. Nagkasundo sila na aminin ni Irish ang totoong pagkatao nito sa mga magulang. Hanggang ngayon pala ay tinatago pa rin nito ang tungkol sa katauhan nito. Nais niya itong tulungan na ipaintindi sa mga magulang nito, dahil alam niya na mahirapan sila na tanggapin ang katotohan.Araw ng lunes, maaga palan
Nakasuot si Irish ng pants at t-shirt nang bumaba ito sa hagdan. "Adrian!" Tuwang-tuwa ito nang makita si Adrian na nakaupo sa sala habang may hawak na cup ng tea. Ngumiti si Ingrid sa nasaksihan. Mayamaya dumating si Zack ang ama ni Irish. Magkasama silang lumapit sa dalawa. "Adrian iho, I'm happy to see you." bati ni Zach kay Adrian.Nagmano naman si Adrian sa ama ni Irish saka sabay-sabay silang umupo sa malawak na sala. College palang si Adrian mula noong huling bumisita siya sa bahay ng pamilya ni Irish. Pagkatapos kasi ng high school, lumipad patungong America ang kaibigan upang doon na mag-aral ng kolehiyo. Siya naman dahil sa pagiging loyal sa kanyang mga kaibigan na sina Zedric, Kyle at Carlo pinili niyang dito nalang sa Pilipinas mag-aral. Ngunit sa kanilang barkada si Kyle ay nag-aral sa UK dahil nais ng ama nito na subukin ang anak, baka sakaling magbago raw ang kanyang kaibigan sa pagiging playboy nito. Kaya ngayong successful na silang lahat halos magkakasama na sila
Nag-aalalang umakyat si Luna sa opisina ng Manager. Kakarating lang niya sa restaurant ngunit pinatawag na kaagad siya sa taas. Hindi mapakali na nagpalakad-lakad siya sa harap nang opisina nito. Wala siyang lakas nang loob dahil sa pag-aalalang patalsikin siya sa trabaho. "Oh, Luna, bakit hindi ka pa pumasok hinihintay ka ni Sir Jason." Puna sa kanya ni Ricky nang mabungaran siya nito sa harapan ng pintuan. "Ahh-ee kakatok na sana ako!" Sagot niya sa kinakabahang tono. "Bakit mukhang kinakabahan ka? Kung wala kang ginawang masama, relax lang hindi ka niya kakainin." Biro nito sa kanya saka tuluyang umalis pabalik sa baba. Naiwan nitong bahagyang nakabukas ang pintuan kaya sumilip muna siya sa loob kung galit ba ang mukha nang kanilang manager. "Pumasok ka na ano pa ang sinisilip-silip mo diyan." Narinig niyang saad ni Jason. Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa mesa nito. Bitbit pa niya ang kanyang bag, dahil pagdating niya agad siyang pinaakyat dito. "Sir, I'm sorry for
Dalawang linggo na ang nakaraan mula noong nag-umpisa si Luna namasukan sa kompanya ng kanyang ama. Dahil walang bakante sa ibang department, na-asign siya bilang secretary ng President. Nagtaka siya dahil mula noong inilipat siya rito, hindi pa niya nasisilayan ang mukha ng Presidente ng kompanya. Kaya ang nangyari hindi siya masyadong abala dahil naging assistant lang siya ng dating secretary ng kanyang ama. Habang nakaupo sa kanyang cubicle, hindi niya mapigilan na magtanong sa kasamang si Lucy. "Lucy, pwede bang magtanong?"Napatingin ito sa kanya. "Yes, ano iyon?" "Ito lang ba ang gagawin ko rito?" Tanong niya rito.Tumaas ang isa nitong kilay. "Siguro, dahil anak ka ng dating may-ari kaya gano'n." "Anong ibig mong sabihin, special treatment gano'n?" Hindi mapigilang bulalas niya. "Maybe, bakit hindi mo tanungin sa HR?" Nahalata ni Luna na iba ang tono ng salita nito.Hindi na siya umimik pa, dahil ipinangako niya sa kanyang sarili na hindi na siya maghahanap nang gulo lalo n
Dahan-dahan at nanginginig ang kamay na pinihit ni Luna ang seradura ng pintuan sa morgue. Ngunit sa ilang beses na tinangka niyang buksan, wala siyang lakas nang loob. Sumandal siya sa pintuan, habang umiiyak na nakatitig kay Adrian. "I can't!" Palahaw niyang iyak. "You can, Luna. Subukan mong tanggapin na wala na ang iyong ama, dahil wala ka nang magagawa, hindi na natin maibalik ang buhay niya." Naaawang wika ni Adrian sa dalaga na halos namumula na ang mukha sa kakaiyak. "Wala na akong karamay, wala na akong masandalan. Sir Adrian, this is all my fault, hindi ko siya inalagaan noon, makasarili ako. Hindi ko man lang alam na matagal na pala siyang nagtitiis sa sakit niya." Hindi na napigilan ni Adrian ang sarili, ikinulong niya sa kanyang mga bisig ang dalaga. Hinaplos niya ang likod nito upang kumalma. "Kaya mo yan Luna, palakasin mo ang iyong kalooban. Isipin mo na mas mabuti na rin iyon at makapagpahinga na siya. Hindi na niya maramdaman ang sakit, mapayapa na siya ro
2 months laterNapatingala si Luna sa napakataas na building. Dalawang buwan palang siyang nagtatrabaho sa kompanya ng kanyang ama, ngunit ngayon ay inilipat siya dito sa main building, ng De Vera Holdings. Pagpasok niya sa main entrance, namangha siya sa nabungaran. Pang-world-class ang dating ng building na'to. Para tuloy siyang nanliit sa suot niyang simpleng brown box pleated skirt at white peasant sleeve. Nakalugay ang kanyang lampas balikat na dark brown straight na buhok, at kunting lipstick sa labi. Kompara sa mga empleyadong nakita niya malayong-malayo ang kanyang suot sa mga ito. Mula noong binenta niya ang kanyang mga branded na mga gamit, nawala na rin ang kanyang sense sa fashion. She take a deep breath bago humakbang patungo sa limang receptionist na mukhang flight attendant ang mga suot maging ang make-up ng mga ito. "Hi! Good morning, ako nga pala si Luna Marie, bago lang ako rito. May I know where is the office of the President?" kinakabahang tanong niya. Napansin
Sampung minuto nang naghihintay si Adrian sa ini-arrange na lunch date ng kanyang ina. Sa kauna-unahang pagkakataon na pinahintay siya ng ganito. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang ina. "Son, how is your date?" bungad nitong tanong sa kanya. "Mom, please don't do this again next time without my consent. Marami akong trabaho sa opisina, para hintayin ang babaeng sinasabi mo. Kung gusto mo talaga akong mag-asawa, let me choose mom, hindi yung kani-kanino mo lang ako niririto para lang magkaapo ka." masama ang loob niyang sagot. "I'm sorry, son. Promise this is the last okay? Hanggang ngayon ba wala ka pa ring natitipuhan?" napaupo siya nang matuwid dahil sa tanong nito sa kanya. "Actually, meron mom, but...hindi pa niya alam ang tungkol sa nararamdaman ko para sa kanya. Kaya please, stop doing this kasi ayaw kong maging bastos sa mga babaeng 'to" paliwanag niya rito. Ngunit nagulat siya sa biglang pagsigaw nito sa kabilang linya, tinatawag nito ang kan
Nagulat si Luna ng may dumating sa kanya na maraming delivery. Kakarating niya lang sa kanyang inuupahang kwarto nang kinatok siya ni Tita Mel sa kwarto. "Iha, may mga delivery para raw sa'yo." saad nito at itinuro pa ang mga dalang bag ng delivery boy. "Po? Naku, hindi po ako nag-order niyan tita baka nagkakamali po ang nag-deliver." naguguluhang sabi niya. Ngunit tumanggi ang lalaki, dahil Luna Marie Salvacion daw ang nakalagay sa card. Binasa ito ni Luna. Pangalan niya nga ang nakalagay sa card. "Paki-receive nalang po maam." napatingin siya kay Tita Mel. "Pirmahan mo nalang iha, para makauwi na rin yang nag-deliver kasi magtakip-silim na." wala siyang nagawa kundi pirmahan ang papel na binigay ng lalaki.Pagka-alis ng delivery boy, napatuwid siya nang tayo habang nakatingin sa maraming bag na nasa kanyang harapan. "Sure ka ba iha na hindi ka um-order online? Baka nakalimutan mo lang." tanong sa kanya ni Melissa. "I'm pretty sure po. Nasa office po ako the whole d