Share

Chapter Seven -Traitor

MAY kakaibang dala ang samyo ng sabon na gamit nitong tila nang-aakit sa kanyang p*********i. Todo rin ang pagtitimpi niya ng lumabas itong tanging tuwalya lang ang nakatabing sa katawan mula sa banyo.

“Damn you, Lara. How dare you put me in this situation.”  pansariling usal niya.

Upang mataboy ang mga pagnanasa sa asawa ay naghahanap siya nang maaaring balingan ng atensyon. Sakto naman na naroon ang librong hindi niya matapos-tapos basahin noon pa. 

Ang librong “IKIGAI” na naglalaman ng pawang kaalaman kung paano hanapin ang purpose sa buhay. Nagtagumpay siyang ma wakli ang marumi niyang  iniisip hanggang sa lumapit ito sa kanya.

Ngayon naman ay naka pajama na ito ngunit may kanipisan iyon at ang malambot na tela nito’y humahapit sa sexing katawan nito.

Pakamot-kamot pa ito ng batok na lumapit sa kanya upang tanungin kung sino sa kanila ang matutulog sa sofa ngayong gabi. Tumikhim siyang parang may bara sa kanyang lalamunan pero hindi siya agad sumagot dito.

Oo nga pala. Nalimutan niyang short-tempered ito. Bago pa man maka-alpas ang sagot niya ay padabog na itong naghakot ng unan at kumot.

 Pinagmasdan lang niya itong nagdadabog, pasalampak na nahiga sa sofa. Napalunok siya sa sunod na ginawa nito. Hinubad nito ang bra at sinampay sa sofa. Swerteng naka-iwas siya ng tingin bago pa napadako sa direksyon niya ang mga mata nitong naka-irap.

Kung alam lang nitong hindi siya komportableng nasa iisang espasyo sila dahil sa kagandahan nito habang ito ay nagpupuyos sa inis. Anong magagawa niya, lalaki lang siya at may kahinaan. Kahit pa ganoon ay  gentleman siyang maituturing kung makakapag pigil siya at rerespetuhin ang pagka babae ni Lara. 

She's in her phone for quite a while na sa hula niya ay bumibisita sa mga social media accounts nito. Napapangiti at may mga mahihinang bulong pa ito sa sarili na hindi niya maranig ng mabuti. 

Ilang sandali pa ang lumipas ay banayad na ang paghinga nito habang hawak-hawak pa rin ang cellphone na may naka-play na ASMR video for deep sleep. Tumayo siya at mas lumapit sa sofa. Saglit niya pang pinagmasdan ang maamong mukha ni Lara.

Hindi niya alam na nanonood pa pala ito ng mga ASMR videos para makatulog. Napabuntong-hininga siya.

"You're a stubborn witch with an angelic mask, Lara." mahinang usal niya.

Napa-atras siya ng umingos ito at marahang umayos sa pagkakahiga. Alam niyang hindi ito komportable doon kaya marahan niya itong pinangko at hiniga sa kama. 

"I hope you sleep and rest well. You did good today, Lara."

Papungas-pungas si Lara ng magising siya kinabukasan. Kinapa niya ang cellphone upang makita ang oras ngunit wala ito roon. All she could remember is that she is watching ASMR video to sleep. Nang lumingon siya ay nasa bedside table ito at napabalikwas siya ng bangon nang mapag tanto na na-late siya ng gising matapos tingnan ang oras. 

Wala na si Dion sa loob ng silid at sa huli'y namalayan niyang nasa kama siya. Kunot ang noong napa-isip siya kung paanong nakatulog siya roon. 

"All I could remember is, I sleep in there" pabulong na sambit niya at tinuro pa ang direksyon ng sofa. 

"Ah! Ewan ko ba, I should get ready to go home." Pagkuway wika niya at patakbong pumasok na sa banyo. 

Habang nasa kalagitnaan ng pagligo ay kumatok mula sa labas si Dion. "Lara, get down after you're ready. Ready na rin ang breakfast natin sa komedor." 

"Uhmn. Yeah, I'll be there after a while." tugon niya. 

Nag-ayos muna siya ng kanyang sarili, inisa-isa ang kanyang skin-care routine at ilang beses pa niyang sinipat ang sarili sa salamin bago bumaba. 

Bago siya dumiritso sa komedor, naisipan niyang dumaan muna sa harden upang batiin si Lola Cecillia na kasalukuyang nagpa pahangin kasama ang therapist nito. 

Nakakunot ang noo ng matanda habang siya ay papalapit pa lamang at dahan-dahan itong napangiti ng sa huli ay makilala siya. 

"Hija, ikaw pala." Nakangiting sabi nito na hinawakan ang kamay niya at marahang pinisil iyon. 

"Opo Lola, hindi kmi nakatuloy kagabi eh. Mamaya po ay ihahatid ako ni Dion." 

"Aba'y mabuti naman at matutuloy na kayo ngayon. Mag-iingat kayong dalawa at sipagan niyo na rin para maka buo na" ani ng matanda na nag-joke pa. 

Bahagyang uminit ang kanyang pisngi dahil sa sinabi ng matanda. Ewan ba niya pero ang joke na iyan ay parang may pareho pa rin na epekto sa kanya kahit pa ilang beses na iyan nababanggit simula noong maikasal na siya. 

Siguro marahil ay hindi sila sexually active tulad ng inaakala ng mga ito kaya ganoon na lang ang reaksyon niya. 

Sandali pa siyang nakipag-kwentuhan kay Lola Cecilia bago pumunta ng komedor. Doon siya dumaan sa likuran ng mansyon upang mas madali niyang marating ang pakay na parte ng bahay. 

Akma na siyang hahakbang paliko ng marinig niya ang kanyang pangalan na pina-uusapan. Boses iyon ni Dion at ng ama nito.

Bumangon ang kaba sa kanyang dibdib at sa pagnanais niyang malaman kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito ay huminto siya sa sulok kung saan malinaw sa kanyang pandinig ang boses ng mga ito. 

"Mas mabuti kung mas maaga ay makuha mo ang loob ng asawa mo, Dion." boses iyon ng kanyang father-in-law.

"Ginagawan ko naman ng paraan, Papa. Talagang hindi lang madaling pa-amuhin yang anak ni Tito Ellias"

Unti-unting lumalakas ang pintig ng kanyang puso habang patuloy na nakikinig sa usapan ng mga ito. 

"Mabuti nga at naitali na natin sa pamilya ang anak ni Ellias. Mas may proteksyon na tayo at mas magagamit natin ang asawa mo kapag magkaroon man ng gipitan." 

Bumuntong hininga si Dion, "Pero sana huwag na to umabot sa gipitan, Papa." 

"Huwag kang mag-alala anak, hindi rin naman kita ilalagay sa alanganin. Pero salamat at sinunod mo pa rin ang paki-usap ko. Kung okay lang sana ay mas mabuting magka-anak rin kayo ni Lara." Dagdag pa nito

Kagat ang labi na nagpipigil ng galit si Lara matapos marinig iyon. Gusto niyang lumabas at magpakita sa mga ito at komprontahin o usigin kung ano ang mga plano ng mga ito pero alam din niya delikado. Hindi niya lubusang kilala ang mga ito at hindi rin niya alam kung anong pweding gawin ng mga ito.

"How dare you, Dion! Pinagkatiwalaan ka ng pamilya ko, mga traidor kayo!" hiyaw ng utak ni Lara habang nangangalaiti naman sa galit ang kanyang kalooban.  

"Basta sikapin mong manalo sa eleksyon si Ellias. Pagbutihan mo para mas bigyan ka niya ng tiwala." Dagdag pa na tugon ng kanyang father-in-law. 

Tumikhim ito, "Hindi ko pa alam ang bagay na iyan, Papa pero kung sa tiwala lang ni tito Ellias, sisikapin ko. " 

"Ikaw ang bahala, Dion. Anyway, mag-agahan na kayo upang maka-uwi na rin kayo ng asawa mo sa Tarlac." 

Nag-panic siya ng marinig niya iyon. Nilibot niya ang paningin upang maghanap ng posibleng daanan ngunit ang tanging opsyon ay bumalik o di-kaya ay magtago sa likod ng malaking paso ng halaman sa gilid. 

Kung tatakbo siyang pabalik ay mahuhuli siya sa loob lamang ng ilang segundo kaya mas pinili niyang magtago sa gilid ng life size na paso. 

Parang gusto niyang kastiguhin ang sarili ng muntikan na siyang madulas. She could only wish na hindi siya naka-gawa ng ingay. 

Pigil ang paghinga habang nakayakap siya sa kanyang tuhod ay dalangin din na sana'y hindi siya makita ng mag-ama. 

HABANG masinsinan na kinaka-usap ni Dion ang kanyang ama ay may narinig siyang mahinang kaluskos mula sa malapit.

Malakas ang pakiramdam niyang may taong nakikinig sa sekretong usapan nila pero hindi niya ipinahalata iyon sa kausap. 

Hanggang saglit pa ay pinaalahanan siya ng kanyang ama na uuwi pa sila ng Tarlac. 

Sakto naman na gumayak sila patungong komedor ay may nakita siyang bakas ng nadulas na paa. Ang pagkakahawi ng mga damo ay isang palatandaan rin na may taong matagal na nakatayo roon.

Ang bakas na iyon ang nag-kumperma sa hinala niyang meron ngang nakikinig sa usapan nila ng kanyang ama. 

Tiim-bagang niyang nilibot ang paningin sa paligid habang walang kamalay-malay ang kanyang ama sa kanyang mga hinala. 

Hanggang sa sulok ay may nakita siyang nakayuko at nakatago sa likod ng malaking paso ng halaman. May suot itong pearl beaded na hair clip. Kung sino iyon, sisiguraduhin niyang makilala iyon bago pa ito ang bumulgar sa mga plano niya. 

Kung may hinala man siya, iisang tao lang ang alam niya. Maaring ang chismosa nilang kasambahay o si Lara. Kung ang kasambahay lang naman nila, hindi ito gaanong problema dahil may pinirmahan ang mga itong hindi sila maaaring magpalabas ng kahit na anong impormasyon mula sakanilang pamamahay.

Ang tsismis sa loob ay mananatiling sa loob lamang. Ang sinuman lumampas sa batas ng kanyang ama ay mananagot sa batas o sa kamay ng kanyang ama.

NANG makarating na sila sa komedor ay agad niyang hinanap ang asawa ngunit hindi niya mahagilap ito. 

Nilibot niya ang paligid at nakita niya itong tulak-tulak ang wheelchair ni lola Cecilia. Agad niyang tiningnan ang buhok nito upang kumpermahin kung may hairpin itong beaded pearl ngunit malayang nakalugay lamang ito, walang kahit na anong palamuti roon.

Nang mapadako ang tingin niya sa paa nito ay doon na lamang siya nakahinga ng maluwag. Walang rin bakas ng putik ang sapatos nito. 

Matamis ang ngiti nito ng mapansin siyang papalapit sa direksyon ng mga ito. "I've been looking for you, Dion. Kanina pa ako nakahanda para umuwi na ng Tarlac." Ani nitong namamawis.

"Why are you all sweaty, Sweetheart?" tanong niya rito na naka-kunot ang noo.

"Ah, sa kakatulak niya sa wheelchair ko apo. Kanina ka pa nito hinihintay dito habang sinasabayan akong magpa-init" wika ni Lola Cecilia

Tumango-tango naman sa kanya si Lara ng nakangiti.

"Let's have our breakfast then, sabay na natin si Lola. Akala ko kasi hindi ka pa tapos mag-ayos" wika niya at sumang-ayon naman ang mga ito sa suhestiyon niya.

Kinuha niya ang wheelchair dito at siya na ang nagtulak patungong komedor. 

"Kung aalis kayo, kailan naman kaya kayo babalik muli dito?" tanong ng kanyang lola.

"Huwag po kayong mag-alala dahil lagi ka namin babalikan dito." ani Lara

"Haynako. Pero dapat mas unahin niyo pa rin ng makabuo ng aking magiging apo." tudyo nitong natatawa pa. 

Ang positibong mood ni Lola Cecilia ay parang nakakahawang naging dahilan din ng kanilang pagtawa. 

"Huwag kang mag-alala Lola, lalaki siyang makikilala ka pa niya." 

Ikinagulat niya ang sinabing iyon ni Lara. Marahil ay nasanay na ito sa mga ganoong usapan simula pa noong ikinasal silang dalawa.

Nagpatuloy na lamang siya sa pagkain at hinayaan na ang asawa at si Lola Cecilia na magkwentuhan tungkol sa kung anu-anong bagay habang kumakain.

Bumaba naman si Brent noong nasa kalagitnaan na sila ng pagkain. Mukhang napuruhan ang mukha nito sa bardagulan kahapon at sandali siyang nakaramdam ng pagka habag nang maalalang dinagdagan pa niya ng suntok ang mukha nito kagabi.

"Oh, Brent! Oh, look at you parang mas lalong namaga ang mukha mo." naka kunot ang noo at puno ng pag-aalala ang rumihistro sa mukha ni Lara ng sabihin iyon.

"I already called a doctor to check him again today." malakas na napabuga ng hangin ang kanyang ina na nakasunod kay Brent. May dala itong cold compressor para sa namamagang pasa ni Brent. Maging ito ay alalang-alala na parang hindi nawawala nag lungkot sa mata

"Sino ba ang gumawa niyan sa apo ko?" tanong ng kanyang lola Cecilia na nagayon ay napatuwid sa upuan.

"Nako Dion ha, tawagan mo yang si Paulo. Sabihin mo gusto ko din maka-usap ang Mommy at Daddy niya." naiiritang wika ng kanyang ina.

Nagkatinginan silang tatlo nina Lara at Brent. Alam nilang kung uusisain nito si Paulo, malalaman nitong maging siya ay kinastigo rin ang kanyang kapatid at alam niyang ayaw ni Brent ang malaman ng mga ito ang gulong pinasok nila ni Paulo. 

"That Paulo? Brent's bestfriend?" paninigurong tanong ni Lola Cecilia.

"Oh, that was just a  misunderstandings between two bestfriends, and M-Mama kami na po ang pupunta kina Paulo.Opo." Agap na sabi ni Lara na halatang pinagtatakpan sila ni Brent.

"Yes mama. Just be with Brent. Mas sobra pa nga yung nangyari kay Paulo last night. If you think kawawa si Brent, mas kawawa ang mukha nun." pagsisinungaling niya

"Is that true, Brent?" galit na tanong ng kanyang ina sa batang kapatid.

"Y-Yeah Mom."

"Argh! I don't know what I'm going to do with you, Brent! Kung susgudin ko pala yun, mas mapapahiya ako sa ginawa mo!? napaka-gago mo talaga."

"Don't worry Mama, kami na bahala umayos nito sa parents ni Paulo. We are actully planning to buy some gifts for them bago pumunta doon. right Dion?" untag ni Lara sa kanya na parang pinipilit siyang sumang-ayon at sumunod sa agos.

"Yeah! So Mama don't worry ok?" Agap na salo niya sa usapan.

Tumango-tango naman ang kanyang ina.

PAGKATAPOS nilang mang-agahan ay agad silang umalis ni Lara. Bago pa man nila tinahak ang daan patungong Tarlac ay nakipagsunduan nila ni Lara na bumili na muna ng maaring dalhin as peace offering for Paulo's family.

Bumili ng isang bouquet ng bulaklak si Lara at Isang Basket ng mga mamahalin at maituturing na luxury fresh picked fruits. Habang namimili ito ng bulaklak ay panay ang singhot nito sa mga bulaklak na naroon.

Napapa-iling siya "Mauubos na ang mga bango ng bulaklak diyan. Inubos mo nang singhot, halos wala nang matitira sa susunod na bibili." sabi niya rito.

Nilingon siya nito at inirapan. "Just shut up, Dion."

"Ay Sir, bulaklak po para sa girlfriend niyo. Ito po naka bouquet na rosas." ani ng tindero ng bulaklak sa kanya.

Sandali siyang na blangko lalo na noong lingunin siya ni Lara at binigyan ng nakaka-suyang ismid.

"Maybe this is my time to make your heart flutter a bit, Lara" nasa loob-loobang sambit niya,

Tumikhim siya, "Boss, wala pa kayong peonies or Tulips dito? Yan kasi ang paboritong bulaklak ng misis ko" tanong niya sa tindero at marahang iginapang ang kamay sa beywang ni Lara.

Ramdam niya ang pagsinghap nito matapos niyang gawin iyon. The gesture he did and the thought na naalala niya ang paboritong bulaklak nito ay dalangin niyang naka-first base na siya sa pakay na pa-alugin ang damdamin nito.

"Your hands, Dion." matigas at mariing untag ni Lara sa kanya perong parang wala siyang naririnig.

Sunod  niyang naramdaman ang pagsiko nito sa tagiliran niya. "Cash?" sunod na sabi nito sabay dantay ng kamay nito sa harapan niya.

They really are a lovely couple kung titingnan sa kilos at pag-arte nila. Aware naman kasi si Lara na kilala sila ng mga tao roon. Na anak siya ng isang Gobernador at bagong kasal sila. Even in the public ay kailangan nilang magpanggap.

Agad din naman niyang inabot ang pero mula sa wallet niya at bilang anak ng politiko sa nalalapit na eleksiyon ay kailangan nilang maging galante at mapagbigay.

"Keep the change boss. Salamat!" sabi niya sa tindero ng bulaklak matapos bayaran ang pumpong ng puting rosas na napili ni Lara.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status