Share

Chapter Five -Trophy Wife

Pagkatapos ng hapunan ay dinala siya ni Dion sa isang silid kung nasaan ang lola nito.

"You were both young when I first met you in a political gathering,Hija. Now look at you, you are so fine, and beautiful!" masayang wika ni Lola Cecilia matapos siyang ipakilala at magmano rito.

"T-Thank you po, Lola." nangingiting wika niya sa matandang nasa otsyenta na ang edad.

Naalala niya ito maraming taon na nakaraan noon. Magiliw at mabait ito. Hindi nga lang ito nakasama sa kasal nila dahil hindi na nito kaya ang bumyahe ng matagal. Ngayon ay nasa bahay lang ito at may naka stay-in na physical therapist. 

"Sana naman ay maka-buo kayo kaagad para makita ko pa ang aking apo sa tuhod bago pa man ako mawala sa mundo." sa huli'y wika nito.

Tumikhim ang kanyang asawa at yumuko sa lebel ni Lola Cecilia na naka-upo sa wheelchair. Sunod nitong ginagap ang kamay ng matanda at nag-wika, "Kapag may magandang balita Lola, ikaw ang pinaka-unang makaka-alam. Sa ngayon magpagaling kayo para lumakas na ulit ang pakiramdam mo."

"Maaasahan ko ba yan?" paniniguro pa nito

"O-Oo naman, Lola. Di'ba sweetheart?" sunod na baling ni Dion sa kanya.

Wala siyang nagawa kundi ang pilit na ngitian at tanguan din ang matanda.

"Opo, Lola." wika niya kahit alam niyang salungat iyon sa posibleng mangyayari.

NABABAGOT na si Dion sa pagpapalipas ng oras sa Gazebo. Lumalalim na ang gabi at panay na rin ang bulong ng mga lamok sa tainga niya kaya nag-desisyon na siyang bumalik sa kwarto.

Tanaw niyang konting liwanag na nagmumula sa kwarto niya, marahil ay tulog na ang babaeng hindi napapagod pasakitin ang ulo niya. Tama nga ang kaibigan, masusubok ang pasensya niya sa kapatid nito dahil bukod sa maarte ay mataray pa ito.

Maybe that is what he gets from marrying a strong willed woman. Wala itong kinakatakutan at may paninindigan.

SAMYO niya ang mabangong sabon na gamit nito pagpasok pa lamang niya sa pintuan. Kahit nakabukas ang lampshade sa bed side table ay binuksan niya pa rin ang ilaw. Naka-higa ito sa gitna ng kama at alam niyang gising pa ang diwa nito dahil gumagalaw pa ng bahagya ang talukip ng mata nito.

"Ikaw naman ang mahiga sa sofa, nanakit na ang katawan ko." sabi niya rito pero wala itong imik. "I know you're still up. Kung tulog ka, hindi gagalaw yang talukap ng mata mo." dagdag pa niya.

Nagmulat ito ng mata at inirapan siya, "I'm closing it so that I can't see your ugly face!"

Pagak siyang napatawa sa sinabi nito, "Talaga lang ha, pasmado pala yang dila mo Miss Ma'am."

Sunod siyang naghubad ng damit at  naka-boxer shorts na lamang. Ikinatuwa niya ang pagtalukbong ng kumot ni Lara upang hindi makita ang bahagya niyang kahubdan. Nanalo na naman siyang pa-inisin ito sa ganoong paraan.

"Kung di ka matutulog dun sa sofa, let's share the bed then. Pagpasensyahan mo na lang kung hindi ko matutupad ang no strings attached agreement natin kung sakaling di ako makapagtimpi."

Sa sinabing iyon ni Dion ay napabalikwas ng bangon ang kanyang asawa at padabog na hinakot ang unan at kumot sa sofa. Hindi ito nagtapon ng tingin sa kanya ngunit halatang-halata ang pagpupuyos ng damdamin nito base sa mukhang hindi maipinta.

Kumportable siyang nakahiga sa kama samantalang panay balikwas naman ang isa sa sofa. Patuloy niya lang itong pinakiramdaman hanggang sa unti-unting banayad na itong himihinga at nahimbing.

"So, this is how to tame you, Lara." nakakalokong usal niya sa sarili.

ALAS-SYETE ng umaga ay naghanda silang mag-asawa upang pumunta sa Law Firm Office nito. Mataman siyang tinititigan ni Dion mula ulo hanggang paa nang makalabas siya mula sa banyo. Pagkuwan ay lumapit ito sa kanya.

 "What!?" asik niyang tanong rito

He smirked then said, "You can't wear that. Change it to something else." 

Isang nakakasuyang tingin ang binaling niya rito, "Huh! What? You don't have the right to tell me what I should wear or not."  wika niya at nilampasan lang ito

Isa, dalawa,tatlong hakbang pa ay halos wala nang espasyo sa pagitan nila. Hindi ito nagsasalita bagkus naniningkit lang ang mata nitong tinititigan siya. Ikinagulat niya ang sunod na ginawa nito. 

Hinaplos nito ang pagitan ng cleavage niya gamit ang likod ng palad nito habang hindi inaalis ang titig sa kanyang mata. Agad siyang napa-atras at pinag-salikop ang tela ng damit upang matakpan ang parte ng hinipo nito. 

"Go change your blouse with something not revealing." mahinahon ngunit puno ng awtoridad ang boses nito.

Namumula at nanginginig siya sa galit. Ramdam niya ang nangingilid ng kanyang luha sa kanyang mga mata pero pinipilit niya ang pagpatak nito. 

"How dare you touch me?! Didn't we agree to this na walang pakialamanan?!"

Parang wala lang itong narinig sa kabila ng mga sinabi niya. "We're getting late into my appointment, Lara." 

Sa pagkakataong ito ay tuluyan nang umagos ang mga luha niya. "This marriage is hell! Bastos ka, Dion Montefalco. Who told you you can do this to me?! Huh?! All I want is privacy, and respect! Kahit yun na lang!" Hysterical na pakiusap niya rito ngunit imbes na lumambot ito ay marahas siyang hinawakan sa magkabilang braso at mariin iyong piniga. 

Napapikit na lamang siya sa sakit na dulot nito sa kanyang kalamnan. 

"Not until you learn to respect me as well, Lara!" He said as he grinned his teeth.

"NOT until I tame the dragon in you, Lara." sambit ni Dion sa kalooban. 

Nasasaktan ito sa marahas niyang kilos at pakikitungo. Hindi siya bato upang hindi mahabag para dito kaya agad din  naman niya itong binitawan. 

Nag-tangis lang ang mga luha nito ngunit kagat ang pang-ibabang labi upang pilit na gapusin ang tunog ng paghikbing nagpupumilit na maka-alpas . Matatalim ang mga mata nitong sinasalubong ang titig niya. 

"Please, change that blouse, Lara. I'm getting late.Pagkatapos nito ay ihahatid na kita sa Tarlac, o sa bahay mo. Anywhere you want to go." ngayon ay malumanay nang wika niya.

Naniningkit ang mata nitong bakas ang pagkamuhi na sinagot siya, "The only place that I want to go is somewhere without you!"

"Sandali nga, Lara. We both agreed to this pero bakit parang ako lang ang may dahilan ng kamalasan sa buhay mo?"

"Dahil traidor ka, Dion. I heard you and your father talking in the gazebo last night. You planned that night to happen!" she smirked " huh! Ano na lang kaya ang iisipin ng Daddy at ng Kuya ko sakaling malaman nilang mga ahas pala kayong klase ng kaibigan?"

Alam niya kung ano ang tinutukoy nito sapagkat ito lamang ang bagay na napag-usapan niya kasama ang kanyang ama kagabi sa gazebo.

Lumakas ang pintig ng puso niya pero pilit niya iyong itinago kay Lara. "What it is exactly, sweetheart?"

"Pwedi bang huwag ka nang magmaang-maangan pa? Makakarating 'to sa Daddy ko."

"Sabihin mo na'rin sa Daddy mo na maganda ang takbo ng sosyong negosyo ng pamilya natin, Lara. Maiiintindihan niya kung ano ang ibig kong sabihin."

Nag-iba ang ekspresiyon ng mukha nito, "What did you say?" Naiiling na itong hindi makapaniwala sa pagkakataong ito. "Magkasosyo kayo ng ama ko sa illigal na gawain niyo?"

"For God sake Lara, enough! Saan mo ba narinig yan? Kung sa taong bayan lang naman, that is fake news. Now mag-bihis kana bago ako pa maghubad niyan para palitan!"

"Malalaman ko rin ang totoo,Dion. Pagsisisihan niyang binigyan niyo ako ng acces sa bahay na 'to." wika nito sa mariing pagkakasabi.

Matatapos sabihin iyon ay padabog itong nag-martsa pabalik sa closet para magpalit ng damit. Sinundan na lamang niya ito ng tingin at napabuga ng hangin habang pilit na pinahaba ang pasensiya.

SA tikas at tindig ng kanyang asawa, hindi kaila na marami ang mahuhumaling dito. Kahit nga ang best friend niyang si Bernadeth ay halos araw-araw sumasama sa kanila pagkagaling nila sa eskwela dati lalo na kapag naroon si Dion sa bahay nila noong high School pa sila.

Ngayong nasa Law firm office siya ng kanyang asawa ay pansin niya ang panay tingin sa kanya ng mga collegue nitong sa palagay niya mga baguhan pa lang, at mas bata kaysa sa kanila. 

“Atty. Dion, woah, Welcome back!” tinig na nagmula sa likuran nila habang nananghalian sila sa foodcout ng building. 

Matamis ang ngiting tumango ang kanyang asawa sa bumati. “Atty. Gerochi, meet my wife.” ginagap nito ang kamay niyang nakapatong sa mesa “My lovely wife, Lara Estrella.” 

Hindi na niya kailangan pa ang lingunin ang kausap ng asawa dahil nasa harap na niya ito.

 Ang malambong na mga mata nito, ang matatamis na ngiti na palaging naka-paskil sa labi nito, at maging ang biloy nitong hindi maitago. Si Jude Gerochi! Ang dating ka MU niya noong high school.

Her first love and her first heartbreak at the same time! Sa katunayan never pa siyang nakapag-nobyo dahil sa lalaking ito. Her almost.

Maging ang eskpresiyon nito sa mukha ay napalitan ng galak at di makapaniwala nang makilala siya. “Lara? Is it really you!?” masayang palatak nito

Ngumiti siya rito at sunod-sunod na tumango. “Jude! Y-Yeah it’s me, how are you!?” tanong niyang hindi kuntento ay tumayo pa siya upang makipag-beso rito. 

Hindi nakatakas sa paningin niya ang naguguluhang ekspresyon ng kanyang asawa habang pinagmamasdan sila.

“Well, I am fine, Lara. Wow!” napapa-iling ito habang kausap siya “You’re one lucky man, Atty. Montefalco. Kung sakaling nakita ko siya ulit ng maaga, who you ka talaga.” sunod na sabi nitong binalingan si Dion. 

“Wait, so magkakakilala kayo?” maang na tanong ni Dion at ngiti lang ang tinugon niya rito bago ibinaling muli ang tingin kay Jude.

“Oo, school mates kami noong high school. You know sabi ko dati sayo na taga-Tarlac talaga ang roots ng family namin.” 

“It’s a long story Dion, but parang ganoon na nga.” 

“Nice seeing you again, Lara. Dalaw ka dito sa workplace paminsan-minsan kapag di ka naman busy.” pagtapos sabihin iyon ay sunod niyang binalingan sa Dion

“Bro, ingatan mo si Lara, okay? Isa lang talaga masasabi ko, maswerte ka.” 

Nakita niya kung paano kumunot ang noo ni Dion sa huling sinabi ni Jude, “So my wife is the same Lara you are talking about?” tanong nito

“Sadly, Yes. See you around guys.”

“Wait, You too were talking about me?” agap niyang tanong pero ilang hakbang na ang inilayo nito sa kanila. Nag-salute pa ito bago tuluyang tumalikod.

Madilim na ang ekspresyon sa mukha ni Dion nang balikan niya ito ng tingin.  

“Seems like you’re too happy seeing Jude again.” sabi nito

“Oh, no. Just good to see few good people na dating kakilala.” nakangiting sagot niya na pakiramdam niya ay dahilan pa ng lalong pagdilim ng ekspresiyon nito. 

Hindi na ito muling nagsalita pa kundi nagpatuloy na lamang ito sa pagkain. 

Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain ng muli itong magsalita. “Ihahatid sundo kita sa trabaho mo sa mga susunod na buwan pagkabalik ko rito sa manila after ng eleksiyon.” 

Tumikhim siya, “No need, mag-reresign na ako dun. I don’t know pero pag-iisipan ko pa ulit.”

“Bakit?” Kunot-noong tanong nito

“I was suspended within a month for failing a student.” bumuntong-hininga siya “wala naman sa rule yun at hindi na ako nakapag-file ng dispute kasi natyempong natanggap ko yung memo just in-time na aalis na ako para sa kasal natin.” 

“Let me fix that matter for you-” alok nito 

“No need. Don't bother yourself, and I’m perfectly able to do the things I used to do.

Hindi na ito nagsalita pa pero ang mga titig nito’y parang nanghahamon. Nagkibit-balikat na lamang siya lalo’t wala siya sa kundisyon na makipag-away rito.

“IHAHATID na kita sa Tarlac mamayang alas-syete tayo aalis.” untag ni Dion sa kanya habang nag-eenjoy siyang humihigop ng kape sa veranda ng kwarto nila. 

It was a long day. Ang samahan ang asawa niya sa mga lakad nito. They even go to his house in Alabang kaya naman parang deserve niya talaga ang makapag-kape.

“Pero pwedi bang mag-paalam ka muna kay Lola para hindi na niya uuli-ulitin ang pagtatanong at hanapin ka.” wika nito ulit nang hindi pa siya nakakasagot.

Parang nawiwili na kasi ang matanda sa kanya simula kahapon dahil sa dami nilang napg-usapan.

Kumakamot ito ng batok habang nakatingin sa sahig ng malingunan niya. Hindi niya alam pero natatawa siya sa ayos nito ngayon. Kaninang umaga lang ay parang tigre itong magalit samantalang ngayon ay parang ang lambot ng puso nito. 

“He must’ve love her Lola so much” sambit niya sa sarili. 

Marahan siyang bumuga ng hangin, “No problem. Aayusin ko na lang rin ang mga gamit kong dadalhin pauwi.”

NAKAPAG-PAALAM na sila kay lola Cecilla at mukhang na program na rin naman sa memorya ng matanda na hindi niya makikita ang mga ito ng ilang araw pa. 

Lulan ng sasakyan ni Dion, binabagtas na nila ang daan papuntang Tarlac. Pareho lang silang tahimik, Nabalot ng katahimikan ang buong byahe ng bigla ay may tumawag sa cellphone nito. Sinagot nito iyon ng naka speaker-mode.

“Hello?”

“Kuya Dion, si Brent po eh may nakaaway dito sa Computer Shop” ani ng tumawag na marahil kaibigan ito ni Brent.

“Hindi ba’t may pasok kayo ngayon?” takang tanong ng asawa

“Ah-eh, sorry po nag-cutting po kasi kami para maglaro ng tournament, kaso napikon yung ka-tournament namin.”

“Nasaan na namang shop yan?!” galit na tanong ni Dion sa kausap

“Dito po sa Makati, isesend ko po yung exact address. Parang may baril po kasing dala ang naka-alitan niya.”

Matapos niyang marinig iyon ay agad itong humarurot pabalik. 

“Dion! Dahan-dahan lang baka maaksidente tayo!” takot na sigaw niya pero para itong bingi na walang narinig. 

Patuloy lang ito sa pagpapatakbo ng matulin habang mga mata nito ay naka-focus sa daan. 

mahigit sampung minuto lang ang nagdaan ay naroon na sila sa lugar kung saan naglalaro ng tournament ang mga ito. 

Nadatnan nila ang kapatid nitong putok na ang kabilang labi at may pasa sa bagang. Sinubukan niyang kausapin na huminahon ang asawa ngunit tiim-bagang nitong hinablot ang kapatid at iginiya sa labas ng building. 

"What do you think you are doing with your life,huh!?" galit na sigaw nito sa nakababatang kapatid at sunod niyang narinig ang isang kalabog. 

Humandusay ito sa lapag dahil sa sapak na inabot mula sa kuya nito.

"Dion! Stop it!" awat niya sa nanginginig na galit niyang asawa.

"Wait for me in the car, Lara. Huwag kana makialam dito." Utos nito sa kanya ngunit hindi siya tumalima.  

"No! Tingnan mo nga ang ginawa mo! Nasaktan na yan, sinaktan mo pa ulit!" tukoy niya kay Brent na naka-upo sa gilid ng paso na nasa labas ng building. Nagdudura at nagpupunas ito ng dugo sa labi na dulot ng malakas na suntok ni Dion. 

"Brent? Are you okay? Let's go, umuwi na tayo. Pag-usapan niyo na lang to ng kuya mo sa bahay." sinubukan niyang inalo ito

"You have your last warning, Brent! How many times do I have to tell you na tumino ka? This is supposed to be your last period class pero anong ginagawa mo? Nag-cutting kayo at naki basag- ulo ka dito!?" patuloy na pangaral ng kanyang asawa.

"The Law School, kuya? Huh! Pangarap niyo lang ni Papa yun! Hindi akin yun!" 

Tuluyan nang nag-dilim ang paningin ng kanyang asawa at walang salitang hinablot pataas ang kwelyo ng kapatid. Handa na nitong suntukin muli ang kapatid ng buong lakas niyang pinigil ang braso nito. 

"Dion, tama na! Please."  Sa pagkakataong ito ay pumagitna na siya sa asawa at kapatid nito. 

Nakaharap na niyakap niya ang asawa upang pigilin ang pwersang pwedi nitong maibato kay Brent.  

Sunod niyang binalingan  si Brent. "Come on, Brent. Get in the car, now." utos niya at agad din namang lumuwag ang pagkakahawak ng asawa sa kwelyo nito. 

Napahinga siya ng malalim matapos magkalas ang dalawa. 

"Now, let's go home, please." Nahihingal na paki-usap niya habang naka-tingin sa dereksiyon ni Dion. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status