Share

2

Author: Cerene Writes
last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-13 16:09:00

TWO

BREANNA DE VERA

"Hoy Baks, ano 'to? Bumalik lang si ex sa buhay mo, balik ka rin sa tulala era mo?"

Halos mapapitlag ako sa biglang bagsak ni Venny sa menu ng café namin sa harap ko. Kanina pa ako nakaharap sa laptop ko, sinusubukan magsulat ng kahit isang sentence manlang bilang panimula sa librong sinusulat ko, pero paulit-ulit lang akong nawawala sa focus ko at muling bumabalik sa direct massages ng dalawa kong social media. Pati sa mga comments sa mga post ko ay napabalik ako, pati sa mga likers.

Nandito ako ngayon sa Cafe na pagmamay-ari ko. Weekdays ngayon at bandang alas nuebe ng umaga, konti lang ang tao dahil karamihan ay kung hindi nasa opisina ay nasa eskuwelahan naman ang mga karaniwan naming customers. May mga ilang mukha lang nagde-date at mga nagpapalipas ng oras na siyang inaasikaso ng dalawa naming tao. Isa sa counter at isa naman sa floor. Self-serving kami rito kaya naman hindi namin kailangan ng maraming tao, usually ay kami-kami lang din ni Venny ang nagtatrabaho, depende kung gaano karami ang customers. Pero dahil nga oras ng office hour ay kahit kanina pa ako nakatanga ay okay lang. Wala rin naman sa akin pumapansin sa sulok bago ako guluhin ni Venny.

"Baks, ang rude ko ba? Na sa lahat ng achievements ko he was there to congratulate me, pati sa mga occasions, but I just ignored him, never ko rin siyang nabati sa mga achievements niya," tanong ko na tila ba sobrang kong miserable, hindi pinansin ang mga sinabi niya.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Venny at nagtatakang sumilip sa screen ng laptop ko. Nakabukas na ang I*******m ni Ash kung saan maraming post tungkol sa mga best-selling books niya, may mga promotion din ng mga books na under sa kaniya, pati mga magagandang comments or reviews tungkol dito. May mga literature awards na rin siya, pati ang promotion niya from author to become an editor ay naroon. Niisa sa mga iyon ay hindi ko manlang siya nabati, samantalang sa lahat pala ng mga post ko tungkol sa mga achievements ko ay lagi siyang bumabati sa akin. Direct message or comments.

"Bakit hindi mo nakita iyan noon? Kung ako 'yan ay malamang comments or react niya sa post ko ang lagi kong babantayan. Naglupasay na siguro ako niyan sa kilig!" anya na umaktong hihimatayin.

Si Vincent or Venny ang best friend kong mas malandi at malambot pa sa akin pero ang katawan ay akala mo siga. Siya ang business partner ko sa cafe na itinayo ko, siya rin ang mas madalas na tumatao rito kapag kailangan kong mag-focus sa libro ko. High school pa lang ay best friend ko na siya, kaya naman malaki ang tiwala ko sa kaniya pagdating sa pera at pati na rin sa usapang puso. He knew about Ashley, mula nang mahulog ako sa kaniya hanggang sa nag-moved on ako.

"I muted him."

Naubo siya na para bang nasamid sa sarili niyang laway. "Ay, ang rude mo nga. Bakit mo naman ni-mute?"

Sumimangot lang ako. Naaalala ko pa, it was my birthday and he messaged me to greet me. I was hurting that time and desperate to forget him. Alam kong kapag nakita o nakausap ko siya uli ay babalik lang uli ako sa umpisa, paulit-ulit. That's when I decided to cut off all of my connections to him. Nagpalipat ako sa fantasy department, at ni-mute ko siya sa lahat ng accounts ko. Good thing ay hindi niya na rin ako kinulit. I don't even know if he  noticed that, not until he commented about me not acknowledging him being promoted. That was a week ago at hanggang ngayon ay binubulabog pa rin ako ng bagay na iyon.

Sinara ko ang laptop ko at naiinis na hinagod ko ang buhok ko. "That was 2 years ago. Tama pa ba na iniisip ko ito?"

Tinapik nya ang balikat ko. "Ayos lang 'yan, sa dalawang taon naman na nag-moved on ka ay nagtagumpay ka naman yatang alisin siya sa sistema mo. Normal lang na maisip mo iyan ngayon dahil bumalik siya sa buhay mo. Kung may hindi man ngayon normal, iyon ay kung hindi mo pa rin siya ina-unmute."

Tumaas ang kilay ko. "Hindi normal 'yon?"

Natawa siya sa reaksyon ko. "Syempre! Editor mo siya, at hindi ka na rin naman affected, bakit ayaw mo pa rin siyang makita sa newsfeed mo? Or else..."

"Matagal na akong moved on."

"So na-unmute mo na?"

Hindi ako nakasagot na ikinahalakhak niya. "It's been a week mula nang maging official editor mo siya, hindi ninyo manlang iyan napag-usapan?"

Ngumuso ako at umiling. Huling beses ko siyang nakausap ay iyong araw din na unang beses uli kaming nagkita. Matapos namin mapag-usapan ang mga plano ko sa libro ko ay umuwi na ako, matapos niyon ay hindi na uli ako bumalik sa office. Hindi naman dahil iniiwasan ko siya, I just don't feel the needs to go back in the office because up until now I still don't have the chapter one that I promised.

"Wait... You mean naka-mute pa rin siya...?"

Kumunot ang noo ko. "Dapat paulit-ulit? Oo nga."

"Ohh now I get it."

"Get what?"

Nang tingnan ko siya ay napansin kong hindi na siya sa akin nakatingin, kundi sa may bandang gilid ko kung nasaan ang anggulo ng glass door ng café. Nagtatakang nilingon ko iyon at handa na sana siyang pagalitan dahil mukhang nakakita na naman siya ng guwapo, ngunit sa halip ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang tinitingnan niya.

"Ashley?"

"Ashley!"

Sabay naming bulalas ngunit sa magkaibang tono. Kung ako ay gulat, siya naman ay tila kinikilig na nakakita ng artista. Hindi ko alam kung dahil sa past namin o dahil guwapo. Nakangiting sinalubong siya ni Yna, ang nakatoka ngayon sa floor, may sinabi siya rito na hindi ko dinig dahil bukod sa malayo sila ay may music din kami na tumutugtog sa speaker. Bago pa ako makakilos ay naituro na ako ni Yna at kaagad naman bumaling sa akin si Ashley. Ngumiti siya sa akin at kumaway.

"Diyos ko, sorry kung minsan kitang na-judge dahil nahulog ka sa kaniya at hirap maka-move on. Ang guwapo naman pala kasi ng ex mo!" sabi niya habang binabangga ng siko nya ang balikat ko.

Tumayo ako at tinapik siya para sitahin. "Hindi ko siya ex," sabi ko na halos hindi gumagalaw ang bibig.

Hindi na siya nakasagot nang nakalapit na sa amin si Ashley. Nagpamulsa si Venny at umayos ng tindig na akala mo ay barako. Nang balingan ko si Ashley ay polite lang siyang tumango kay Venny at bumaling sa akin.

"Hi, Bree. I'm sorry for the surprise visit, I'm trying to contact you but you're not responding, kaya nagpasya na akong puntahan ka."

Bahagya akong napangiwi. Of course, hindi ko talaga makikita kung kino-contact niya ako dahil naka-mute nga siya sa akin. Saglit akong pumikit para mag-isip ng alibi. "Sorry, hindi ko napansin. Abala kasi ako sa pagsusulat, iwas distraction kaya hindi ako nagbubukas ng accounts ko."

Tumango-tango siya at nagpamulsa. "Tamang-tama, actually nandito talaga ako para diyan. Can I have a moment?"

Napatanga ako. Maling alibi yata ang nagamit ko. A week without distractions pero wala pa ring naisusulat? Shit!

Napatingin kami pareho kay Venny nang bigla siyang tumikhim. "Excuse me, Pare. Ako si Vincent." Nilahad niya ang kamay sa paggitan nila ni Ashley na kaagad naman nitong tinanggap. "Kaibigan ako ni Bree. Nagtatrabaho kasi kami e, kaya puwede bang malaman kung bakit mo siya hinihiram?"

Tumaas ang kilay ko habang nakatingin sa mga kamay nilang hindi pa rin bumibitiw sa shakehands nila. I counted five seconds saka ko inagaw ang kamay ni Ashley. Mukhang nagulat siya kaya hindi niya na nasagot ang tanong ni Venny.

Peke akong ngumiti. "Oo, siya si Vincent. Boss niya ako so I can excuse myself whenever I want," sabi ko at minatahan si Vincent. "'Di ba?! Dumadami na 'yong tao, Ven-Vincent, tulungan mo si Jk sa counter." May sinabi pa si Venny bilang protesta pero hindi ko na siya pinakinggan at basta na lang pinagtulakan paalis. Nang muli kong balingan si Ashley ay nakita kong natatawa siya kahit mukhang naguguluhan din sya sa nangyayari. Gusto ko sanang sabihin na tsina-tsansingan lang sya ng kaibigan ko, pero mas minabuti kong huwag na. Sumenyas pa na parang kinikilig si Venny habang nasa likod siya ni Ashley, pero pinanlakihan ko lang siya ng mga mata ko. Nang mapansin iyon ni Ashley ay lilingon sana sya pero pinigilan ko siya at hinawakan sa braso. "Usap tayo? Tungkol saan nga uli? Tara maupo ka," sunod-sunod kong sabi at hinila sya paupo na kaagad niya namang sinunod. Tuluyan na ngang nakaalis si Venny nang hindi ako napapahamak.

"Yeah! About the book." Tumango lang ako bilang tugon. "The production team is asking about your second book. Nasa process na kasi sila ng pagsusulat ng script and they want to make sure na hindi makasisira o makakaapekto sa second book mo 'yong mga isusulat nila, at mga babaguhin. Also, they want you to be part of the writing process so they're asking me kung kailan tayo available."

"Tayo?"

Tumango siya. "As your editor, sa akin manggagaling ang approval para sa lahat ng plano ninyo tungkol sa libro at sa movie. Don't worry, my job is to make sure that everything is aligned, but the rest is up to you."

Naikagat ko ang labi ko. Alam ko naman na makakasama ko siya sa bago kong journey sa pagsusulat bilang siya ang bago kong editor, nasabihan na ako ni Sir Josh at tinanggap ko rin naman siya. But for some reason ay kinakabahan pa rin ako knowing na mas madalas ko siyang kailangang makasama.

"Breanna?"

Napakurap ako nang tawagin niya ang pangalan ko. Hindi ko namalayan na lumalim na ang iniisip ko. Tumikhim siya.

"Are you still not comfortable with me?"

Nanlaki ang mga mata ko. Malumanay lang ang mga tingin niya at nag-aalala. "What do you mean by 'not being comfortable?" Am I being too obvious?

Direkta nya akong tiningnan sa mga mata. Naiilang ako kaya gusto kong iwasan iyon pero hindi ko magawa.

"I don't know what happened to us 2 years ago, Bree. But if we want to work this out, if we want to work together, we have to set set aside whatever reasons why we grew apart." Tumayo na siya. "Just send me a message if your chapter is ready, kahit outline lang ng chapter one, or if you're available to see the production team..." Tumigil siya at maigi akong pinagmasdan. "Or if you want to replace me as your editor. I can help you giving reasons to Sir Josh. Just let me know."

Bumuka lang ang bibig ko pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Seconds passed before he turned his back and left me. I'm still finding words, but my own throat is choking me to say nothing.

Of course, he doesn't have any idea what happened to us 2 years ago, but how can say that it is because I fell in love with him?

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • We're Worse than Exes   2

    TWOBREANNA DE VERA "Hoy Baks, ano 'to? Bumalik lang si ex sa buhay mo, balik ka rin sa tulala era mo?" Halos mapapitlag ako sa biglang bagsak ni Venny sa menu ng café namin sa harap ko. Kanina pa ako nakaharap sa laptop ko, sinusubukan magsulat ng kahit isang sentence manlang bilang panimula sa librong sinusulat ko, pero paulit-ulit lang akong nawawala sa focus ko at muling bumabalik sa direct massages ng dalawa kong social media. Pati sa mga comments sa mga post ko ay napabalik ako, pati sa mga likers. Nandito ako ngayon sa Cafe na pagmamay-ari ko. Weekdays ngayon at bandang alas nuebe ng umaga, konti lang ang tao dahil karamihan ay kung hindi nasa opisina ay nasa eskuwelahan naman ang mga karaniwan naming customers. May mga ilang mukha lang nagde-date at mga nagpapalipas ng oras na siyang inaasikaso ng dalawa naming tao. Isa sa counter at isa naman sa floor. Self-serving kami rito kaya naman hindi namin kailangan ng maraming tao, usually ay kami-kami lang din ni Venny ang nagtat

  • We're Worse than Exes   1

    ONEBREANNA DE VERA"Bakit mo kasi ginalingan na naman sa romance arc, nalipat ka tuloy ng genre department," halos humalakhak na sabi ni Julie habang pinapanood akong nililigpit ang mga gamit kong nasa table, such as pencils, any kind of pens, notebooks, etc. Nilalagay ko iyon isa-isa sa box na sakto lang ang laki para madali kong mabuhat. "Is it my fault na nakakakilig ang mga characters ko?" nakasimangot kong sinabi at nagkunwaring nagdadabog.I'm Breanna De Vera but also known as Bree Vera, my Pen name. I'm 23 years old at tatlong taon na akong nagsusulat para sa isa sa mga big publishing company sa Pilipinas. I'm good at writing fantasy, doon ako mas nakilala at hanggang ngayon ay iyon ang sinusulat kong genre. It wasn't hard for me since everything in fantasy genre could be unrealistic, everything in my story just all came out from my head. Unfortunately, last week ay nakatanggap ako ng balita na mataas daw ang sales at ratings ng last published kong book, it was a fantasy roma

  • We're Worse than Exes   Prologue

    PROLOGUE BREANNA DE VERA:"Published author na ako!" sigaw ko habang itinataas ang first copy ng librong isinulat ko. Malawak ang ngiti ko habang dinadama ang hampas ng malakas na hangin dito sa rooftop na kinaroroonan ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. From an online writer mula 16 years old pa lang ay pinangarap ko na noon pa na makapag-publish ng libro. Apat na taon na akong nagsusulat, pero sa tuwing nagsusumite naman ako sa mga publishing companies ay palagi naman akong nare-reject. Sa totoo lang ay ilan beses ko nang ginustong sumuko, pero hindi ko ginawa dahil ayokong isuko ang passion ko. Kaya naman kahit mahirap ay sinabay ko pa rin ang pagsusulat ko sa pag-aaral. And finally, after 4 years, hawak ko na ang pinapangarap ko. A novel written by Bree Vera, titled Unbreak Us is finally here! Pakiramdam ko ay walang mapaglagyan ang kagalakan sa puso ko. Halos matigilan ako nang marinig ko ang pag-click ng camera mula sa likod ko. Dinig ko iyon kahit na medyo

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status