Share

1

Author: Cerene Writes
last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-13 16:08:24

ONE

BREANNA DE VERA

"Bakit mo kasi ginalingan na naman sa romance arc, nalipat ka tuloy ng genre department," halos humalakhak na sabi ni Julie habang pinapanood akong nililigpit ang mga gamit kong nasa table, such as pencils, any kind of pens, notebooks, etc. Nilalagay ko iyon isa-isa sa box na sakto lang ang laki para madali kong mabuhat.

"Is it my fault na nakakakilig ang mga characters ko?" nakasimangot kong sinabi at nagkunwaring nagdadabog.

I'm Breanna De Vera but also known as Bree Vera, my Pen name. I'm 23 years old at tatlong taon na akong nagsusulat para sa isa sa mga big publishing company sa Pilipinas. I'm good at writing fantasy, doon ako mas nakilala at hanggang ngayon ay iyon ang sinusulat kong genre. It wasn't hard for me since everything in fantasy genre could be unrealistic, everything in my story just all came out from my head. Unfortunately, last week ay nakatanggap ako ng balita na mataas daw ang sales at ratings ng last published kong book, it was a fantasy romance. But for unknown reasons or let's just say na unintentionally, mas naging highlights niyon ang love story ng mga characters. Kaya naman napagpasyahan ng Editor in Chief namin na ilipat ako sa romance genre at ang department na iyon na ang magha-handle ng second book ng trilogy ko.

Gusto ko sanang tumanggi dahil pakiramdam ko ay lalamunin lang ako sa department na iyon dahil hindi naman ako hopeless romantic, well, at least in my genre of writing. Ang kaso ay hindi ako isang ordinaryong writer na isusulat lang kung anong gusto naming isulat. I'm an exclusive writer of this company, at sila ang sinusunod ko sa gusto nilang mangyari sa books ko. Kaya naman kapag sinabi nilang ilagay ko sa romance genre ang trilogy ko, wala akong magagawa.

"Hayaan mo na, B, balita ko naman e maraming pogi roon," mapang-asar na singit naman ni Criza at tinulungan na akong magligpit.

"Uy agree! Mga romance writer mga 'yon, siguro mga romantic din sila?" Pumangalongbaba pa si Julie at umakto na para bang nangangarap siya ng gising. Mukha siyang character na nerd sa movie whenever they're imagining their imaginary male leading man.

"Magaling magsulat ng romance, ibig sabihin magaling din sa romansa!" kinikilig na sabi ni Criza at pinatalsik pa ang mahaba nyang buhok. Nag-apir pa silang dalawa na tila ba pareho silang kinikilig sa sarili nilang imahinasyon.

Tumaas ang kilay ko. "Excuse me, mukha ba akong naghahanap ng romance sa life ko? Kaya nga ako naging author ng fantasy books, dahil hindi ako mahilig sa kilig!"

"Hmm kahit naroon si ex?" mapang-asar na tanong ni Julie.

"Ex ka dyan, worst! Hindi naman sila naging mag-ex!" Sarkastiko ko lang silang nginitian at tinalikuran.

Pagkatalikod ko ay hindi ko napigilan ang pagbagsak ng ekspresyon ng mukha ko. Sa katunayan ay kaya ko naman talagang magsulat ng romance dahil doon naman talaga ako nag-umpisa. Yes, I became one of the known authors in the Philippines because of my Fantasy books, but my first published book was romance. Nagpalit lang naman ako ng genre after ng first heartbreak ko. Let's just say na naging bitter ako pagdating sa love, and I realized that stories is so much easier if the journey or adventure won't be mixed with love, it's just gonna be a distraction. But to be honest, it's not just out of bitterness. I decided to changed my genre was because I need to move on, and a way to leave that department.

Napakurap ako nang tumunog ang elevator at kasunod niyon ay ang pagbukas ng steel door. Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na namalayan na nakarating na ako sa 5th floor kung nasaan ang romance department. Nilibot ko kaagad ang paningin ko. Bumungad sa akin ang maaliwas na cream and black theme na kabuuan ng office. The room is filled with low cubicle. Every cubicle has their own tables and computers. May maluwag naman na daanan sa gitna, at mula roon ay nasilip ko ang mahabang table sa dulo at mga bakanteng upuan. Hindi lahat ng cubicle ay may taong nakaupo, 'yong iba naman ay alam ko lang na may tao dahil sa mga tuktok ng ulo na tanging nakikita mula sa mabababa nitong dividers. Bukod sa tunog ng ilang mga keyboard ay halos tahimik ang buong office. Lahat ba sila rito ay seryoso? Parang nahiya tuloy akong pumasok. Kung hindi lang magsasara ang lift ay hindi talaga ako aalis sa kinatatayuan ko.

Napansin kong may ibang sumilip mula sa mga cubicle nila nang tuluyan na akong pumasok. May ilang pinag sa walang bahala ang pagdating ko at muling nagtago sa cubicle, marahil bumalik na lang sa mga pinagkakaabalahan nila. May iba namang nanatili ang tingin sa akin at tila inoobserbahan kung ano ang pakay ko rito o kung sino ako. That seems rude, that no one actually approach me. But I had to remind to myself that they're all writers or book lovers, and most of us are introverts who don't actually doing the first move to talk to people. I'm not of them, though. I'm in the middle of extrovert and introvert, kaya sanay na akong mag-adjust. Isang lalaki ang tumayo para salubungin ako. Meztiso at chinito, tama lang ang height nya sa average ng pinoy. Well, maliit lang din naman ako kaya matangkad na siya sa paningin ko.

"Hi, Miss. Ikaw ba 'yong bago naming writer sa department? I'm Mikael." He extended his arm for a handshake. Tiningnan ko iyon at alanganing napangiti. Gusto ko kasing tanggapin ang kamay niya pero dahil sa hawak kong kahon ay hindi ko iyon magawa. Halos mamilog naman ang singkit niyang mga mata nang mapansin iyon.

"Sorry, that's so ungentleman of me. Let me help you." Bago pa ako makatanggi ay kinuha niya na ang box na dala ko. Hinayaan ko na lang din siya dahil nabibigatan na rin naman ako. Bukod kasi sa box ay may dala pa akong laptop bag at shoulder bag na usually kong dala. Dinala niya ako sa isang bakanteng cubicle, malinis at nakapatay ang computer doon, may empty cup na lalagyan ng mga pens, kaya naman alam kong wala talagang gumagamit nito. "Umalis na ang nakaupo rito, nag-focus na sa regular job," anya tila nabasa ang nasa isipan ko.

Ipinatong niya sa desk ang box, ganoon din ang ginawa ko sa mga bitbit ko, saka ko siya hinarap at nilahadan ng kamay at binigyan ng magiliw na ngiti.

"Hi, I'm Breanna, but you can call me Bree."

Lumabas ang dalawa niyang dimples at tinanggap ang handshake ko. "Welcome sa department naming mga hopeless romantic, but I hope this time ay hindi na hopeless," anya sabay kindat. Natawa lang ako at otomatikong napahawak sa manipis kong bangs, it's my mannerism whenever I feel awkward with people or in the situation. Ito na ba 'yong sinasabi nila Julie kanina? Na magaling ang mga tao rito sa romance kaya ang straightforward niya masyado?

Nagulat ako nang biglang may tumikhim sa gilid namin, kaya naman napabitiw ako sa kamay niya at nilingon iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko iyon.

"Sir Josh!" Sa excite ko ay halos mapatili ako, pero natabil ko rin ang bibig ko kaagad dahil may ilang napalingon sa akin at baka nakaistorbo ako sa momentum nila sa pagsusulat, kaya nag-sorry kaagad ako at muling binalingan si Sir Josh at niyakap. Kung si Mikael ay sakto lang ang tangkad kumpara sa akin, si Sir Josh naman ay masyadong mataas at medyo malapad, giant siya para sa akin na 5'4 lang.

"Kumusta ka na? It's been a while. Magmula nang lumipat ka sa ibang department hindi na kita naka-bonding." Hindi niya inalis ang kamay sa balikat ko nang bumitaw na kami sa yakap.

Kinamot ko ang hindi ko naman nangangating batok. "Naging abala lang po, after ko kasi maka-graduate ay sa business ko naman po ako na-busy."

"Oo nga, balita ko nga hindi ka raw regular sa office."

Tumango ako. I own a coffee shop. Nakatapos ako ng business course ko last year, at dahil alam ko kung gaano kahirap pagsabayin ang pagtatrabaho at pagsusulat, sa halip na maghanap ng trabaho ay pinasya kong magtayo na lang ng sariling business. Good thing ay tinulungan ako ng dad ko sa puhunan at kaibigan ko naman ang tumutulong sa akin sa pagha-handle kapag wala ako. With that ay hindi ko kinailangan na bitiwan ang passion ko kagaya ng karaniwang mga manunulat na kilala ko.

"Sir Ash, good morning po."

Halos natigilan ako nang marinig ko ang ilang boses na bumati pagkatunog ng lift. Isa roon si Mikael.

"Finally, you're here!" ani Sir Josh at iniwanan ako para lapitan iyon na nasa bandang likuran ko.

Nagbilang ako ng lima kasabay ng ilang paghinga. Kahit hindi ko iyon tingnan ay malakas ang kutob ko kung sino ang bagong dating. Well, kahit saang department din kasi ay kilala siya bilang Editor Ash. Hinanda ko naman na ang sarili ko sa muli naming pagkikita, pero hindi ko alam na makakaramdam pa rin ako ng kaba. Gayunpaman ay hindi ko iyon maaring ipakita. Kaya naman matapos kong bumilang ng lima ay umikot ako upang harapin sila, nang may polite na ngiti. At hindi nga ako nagkamali, it's him. May binubulong sa kaniya si Sir Josh nang napatingin siya sa akin.

"Bree!" Lumayo siya kay Sir Josh at lumapit sa akin. He opened his arm to welcome me with a hug, and I tried my best to hide my second thought of accepting it, I did hug him anyway.

Ang kaninang napipilitan ko lang na puso ay tila natunaw nang yakapin niya ako. Magmula nang iniwasan ko siya ay ang tangi ko na lang gusto ay ang hindi siya makita, I haven't realized how much I wanted to see him again and how much I miss his embrace. Nang bahagya siyang bumitiw sa akin para tingnan ang mukha ko ay nginitian ko siya. Ilan beses kong inisip kung paano ako magpapanggap na masaya akong makita siya sa oras na magkaharap kaming muli, but seeing him now making it easy for me to give him a genuine smile. Sa lapit niya sa akin ay kahit nakasuot pa siya ng salamin ay kita ko pa rin ang giliw sa mga mata niya. His genuine smile is touching my heart softly. I missed him.

"Kumusta ka na?"

Nagkibit-balikat ako. "Feel good. Ikaw?"

Tumikhim si Sir Josh. "Alam kong masaya kayong magkasama na uli kayo sa iisang department, pero pahiram muna ng moment ah, I need to talk to the both of you."

Bahagya kaming natawa kay Sir Josh. Sinama niya kami patungo sa long table na may kalayuan sa mga cubicle. Nakuha ko pang magpaalam kay Mikael bago tuluyang sumama. Nadama ko ang nagtatakang tingin ni Ash, pero dahil hindi naman siya nagtanong ay hindi ko na lang iyon pinansin. Itinuro ni Ashley sa akin ang isang upuan na pinakamalapit sa swivel chair na nakapuwesto sa dulo ng long table. Naupo roon si Sir Josh at naupo naman sa tabi ko si Ash. Hindi na nakapagtataka na doon ang puwesto niya. Noong nakilala ko si Sir Josh ay editor lamang siya, editor namin siya ni Ash, at 2 years ago ay naging head editor siya sa romance department. Habang nabalitaan ko naman last year na from an exclusive writer ay na-promote na rin si Ashley bilang editor. No wonder, kasi ilan beses na sa akin nakuwento noon ni Sir Josh kung gaano kalinis sa manuscript niya si Ash, halos hindi na raw kailangan ng editing at revision. Minsan nga raw after proofread ay ready na kaagad sa printing dahil wala nang kailangang ayusin. Kaya't di na nakapagtataka na editor na rin siya ngayon. I even benefited with that once.

"So, Ash, you know that Bree was a fantasy author, kaya naman gusto kong tulungan mo siya step by step sa next book nya. Hindi natin maaring biguin ang buong editorials team, especially that her book will be on a movie adaptation," pasimula ni Sir John. "Usually ay ayokong pinaha-handle sa editor ang ka-closed niyang author, nang sa ganoon ay walang conflict na mangyari at maging professionals lang kayo sa work, but I chose you Ash for her because she needs more adjustments than the others, kaya mas minabuti ko nang sa taong komportable na si Bree ko siya ipaha-handle, para sa terms of writing na lang siya mag-adjust at hindi pati sa presensya ng new editor. Isa pa, may tiwala naman ako sa 'yo na kahit mabuti kayong magkaibigan ay magiging professional pa rin kayo sa isa't isa. Makakaasa ba ako sa iyo?" tanong ni Sir Josh kay Ash.

Nagkatinginan na muna kami bago siya muling bumaling kay Sir. "Makakaasa po kayo."

Tumango si Sir Josh saka bumaling sa akin. "Will that be okay with you? He will guide you for your next book and probably will be helping you with the process of the movie, since ang gustong mangyari ng production team ay makasama ka sa script writing for the movie."

Yes, the first part of my trilogy is now on the works for the adaptation. Isa iyon sa dahilan kung bakit nilipat nila ako sa romance department, dahil ang gusto ng management at producer ay mag-focus sa love story kaysa sa adventure. Kahit medyo taliwas iyon sa kagustuhan ko bilang masaya ako sa fantasy genre, isa pa rin sa pinangarap ko ang maging isang pelikula ang aking mga gawa, kaya naman tinanggap ko pa rin ang offer. Kasama rin naman ako sa buong proseso kaya naman sigurado akong magugustuhan ko pa rin ang kakalabasan.

"Of course, Sir. It's an honor to work with him again," nakangiti kong sinabi at binalingan pa si Ashley. Gumuhit lang ang labi niya sa akin bilang tugon. Hindi ko alam kung tama ako, pero base sa ekspresyon ng mukha ni Ashley ay para bang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. Gayunpaman ay binalewala ko iyon at tinuon ang atensyon kay Sir Josh nang bigyan niya ako ng konting summary sa kung anong inaasahan ng production team sa second book kong hindi pa man nasisimulan ay kinokontrata na nila para gawing pelikula. Hindi nagtagal ay iniwan na rin kami ni Sir Josh dahil may meeting pa raw siya. Naiwan kami sa long table ni Ashley nang tahimik.

I want to talk to him, pero hindi ko alam kung saan ko sisimulan. Kukumustahin ko ba siya? O magpapaalam na lang akong babalik ako sa desk kung saan ko iniwan ang mga gamit ko? Puwede naman, pero parang ayoko. Mas gusto ko siyang kausapin pero hindi ko alam kung saan sisimulan. Pero mukhang hindi ko na kailangang mag-isip ng sasabihin dahil una na siyang tumikhim at bumaling sa akin habang magkadikit ang mga palad sa ibabaw ng mesa.

"Thank you kasi pumayag kang maging editor ako."

Nagtaas ako ng dalawang kilay, naguguluhan. "Bakit naman hindi?"

Nagkibit-balikat siya. "You've heard his reasons. Hindi niya naman kasi alam na matagal na tayong hindi nag-uusap, nawalan ng connections sa isa't isa, kaya nag-a-assume siya na out of all editors here, sa akin ka magiging pinaka komportable."

Dito ako hindi handa, ang dahilan kung bakit kinakabahan akong makita siya. Dahil ayokong mapag-usapan kung anong nangyari at bigla na lang akong umiwas.

Muli siyang tumikhim. "But don't worry, I'll do my best to help you with this projects. Congratulations din sa 'yo dahil napili ang libro mo para sa adaptation. From best-selling book to soon to be movie. This is another milestone for you. I'm really proud of you."

Muli ko siyang tiningnan. His gentle smile giving me comfort. I can feel how genuine he is, and also it's making me me feel that I don't need to explain why I stayed away, na para bang alam niyang ayokong pag-usapan at nirerespeto niya iyon.

"Ako rin, proud din ako sa 'yo, Ash. Alam kong pinangarap mo ito, ang maging editor ng isang kompanya. Well, hindi naman ako nagulat dahil noon pa man ay alam ko nang magaling ka."

Totoo ang sinabi ko. Minsan nya na sa akin nabanggit noon na pangarap niyang maging isang editor, kaya nga very passionate siya sa ginagawa niya. At nang sinabi niya iyon ay buo na agad ang paniniwala kong matutupad niya iyon pagdating ng araw. At heto na nga iyon. He is now one of the in demand editors in the company.

"Salamat, akala ko hindi mo napansin na editor na rin ako, e. Anyway, let's work this out."

Bago pa ako makapag-react ay tumayo na siya. May kung ano sa tono niya nang sinabi niya iyon, na para bang sa achievement niyang iyon ay hinihintay niya palang makita ko iyon. Assuming ba ako o iyon talaga ang gusto niyang iparating?

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • We're Worse than Exes   2

    TWOBREANNA DE VERA "Hoy Baks, ano 'to? Bumalik lang si ex sa buhay mo, balik ka rin sa tulala era mo?" Halos mapapitlag ako sa biglang bagsak ni Venny sa menu ng café namin sa harap ko. Kanina pa ako nakaharap sa laptop ko, sinusubukan magsulat ng kahit isang sentence manlang bilang panimula sa librong sinusulat ko, pero paulit-ulit lang akong nawawala sa focus ko at muling bumabalik sa direct massages ng dalawa kong social media. Pati sa mga comments sa mga post ko ay napabalik ako, pati sa mga likers. Nandito ako ngayon sa Cafe na pagmamay-ari ko. Weekdays ngayon at bandang alas nuebe ng umaga, konti lang ang tao dahil karamihan ay kung hindi nasa opisina ay nasa eskuwelahan naman ang mga karaniwan naming customers. May mga ilang mukha lang nagde-date at mga nagpapalipas ng oras na siyang inaasikaso ng dalawa naming tao. Isa sa counter at isa naman sa floor. Self-serving kami rito kaya naman hindi namin kailangan ng maraming tao, usually ay kami-kami lang din ni Venny ang nagtat

  • We're Worse than Exes   1

    ONEBREANNA DE VERA"Bakit mo kasi ginalingan na naman sa romance arc, nalipat ka tuloy ng genre department," halos humalakhak na sabi ni Julie habang pinapanood akong nililigpit ang mga gamit kong nasa table, such as pencils, any kind of pens, notebooks, etc. Nilalagay ko iyon isa-isa sa box na sakto lang ang laki para madali kong mabuhat. "Is it my fault na nakakakilig ang mga characters ko?" nakasimangot kong sinabi at nagkunwaring nagdadabog.I'm Breanna De Vera but also known as Bree Vera, my Pen name. I'm 23 years old at tatlong taon na akong nagsusulat para sa isa sa mga big publishing company sa Pilipinas. I'm good at writing fantasy, doon ako mas nakilala at hanggang ngayon ay iyon ang sinusulat kong genre. It wasn't hard for me since everything in fantasy genre could be unrealistic, everything in my story just all came out from my head. Unfortunately, last week ay nakatanggap ako ng balita na mataas daw ang sales at ratings ng last published kong book, it was a fantasy roma

  • We're Worse than Exes   Prologue

    PROLOGUE BREANNA DE VERA:"Published author na ako!" sigaw ko habang itinataas ang first copy ng librong isinulat ko. Malawak ang ngiti ko habang dinadama ang hampas ng malakas na hangin dito sa rooftop na kinaroroonan ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. From an online writer mula 16 years old pa lang ay pinangarap ko na noon pa na makapag-publish ng libro. Apat na taon na akong nagsusulat, pero sa tuwing nagsusumite naman ako sa mga publishing companies ay palagi naman akong nare-reject. Sa totoo lang ay ilan beses ko nang ginustong sumuko, pero hindi ko ginawa dahil ayokong isuko ang passion ko. Kaya naman kahit mahirap ay sinabay ko pa rin ang pagsusulat ko sa pag-aaral. And finally, after 4 years, hawak ko na ang pinapangarap ko. A novel written by Bree Vera, titled Unbreak Us is finally here! Pakiramdam ko ay walang mapaglagyan ang kagalakan sa puso ko. Halos matigilan ako nang marinig ko ang pag-click ng camera mula sa likod ko. Dinig ko iyon kahit na medyo

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status