KINABUKASAN maaga akong nagising para ayusin ang mga gamit namin. Excited akong i-arrange ang lahat ng gamit na niregalo at binili nila Mama at Mommy Karen para samin.
Kumain muna ako ng breakfast. Buti na lang pala may malapit na convenient store dito. Binilhan ko na din si Lorenzo at siguradong gutom na ito.
Pagkatapos kumain ay inumpisahan ko na ang pagbukas ng mga box. Meron kaming Microwave, Blender, Plate with spoon and fork, Oven and iba pang kitchen utensils.
Lumipat naman ako ng pwesto kung saan nakalagay ang iba pang box.
Ang dami pala nito.
Napalingon ako ng marinig ko ang yabag na nanggaling sa hagdan. Gising na si Lorenzo.
Nang magising kasi ito kaninang madaling araw ay pinalipat ko ito sa kwarto para mas makatulog siya ng maayos. Hindi kami tabi natulog dahil alam kung hindi yon magugustuhan ni Lorenzo. Kahit na mas gusto ko iyon.
HINDI ko na nagawang kausapin si Lorenzo ngayong himbing na himbing ang tulog nito. Bukas ko na lang siguro ito kakausapin.Naisipan kong kumuha na lamang ng kumot at hayaang dito na lang ito matulog dahil hindi ko kayang buhatin ito sa sariling kwarto.Inayos ko ang pagkakalagay ko ng kumot at siniguradong hindi ito lalamigin. Akmang tatayo na ako ng biglang magmulat ang mga mata ni Lorenzo at titigan ako. Nagulat ako ng bigla na lamang akong hinila nito pahiga at yakapin. Pansamantalang hindi ako nakahinga sa ikinilos nito.Napaka-higpit ng yakap nito na para bang mawawala ako pag bumitiw ito. Ilang sandaling hindi muna ako gumalaw. Hinintay ko munang maging steady na ang paghinga nito at dahan-dahang inangat ang braso nito na nakadantay sa aking baywang. Pigil ang aking paghinga habang inaangat ko ito pero nagulat ako nang kusang bumalik ang braso nito sa aking baywang. Hindi na ako nakakilos pa lalo na't ramdam na ra
MATAPOS ang pag-uusap namin ni Lorenzo ay nagbago na ang lahat. Bumalik na ito sa dati. Madalas na ulit itong nakangiti at makipag-asaran sa akin.Kakatapos ko lang mag-ayos ng sarili nang may marining ako na parang may masayang nag uusap sa aming sala. Pababa pa lang ako ay naririnig ko na ang mga tawanan nila Lorenzo at tawa ng isang bata.Bata? may bata sa bahay?Nanlaki ang aking mga mata nang marealized ko kung sino ang taong nagtatawanan sa baba. Binilisan ko ang paghakbang sa hagdan. Pagdating ko sa kusina ay di ko inaasahan kung sino ang nakita ko."Ate Carla!" Sigaw ko."Kara, nice to see you again."Agad akong lumapit dito at niyakap ito. "OMG! I missed you, Ate. Buti naman bumisita ka dito." I'm so happy na binisita kami nito."Pagkadating na pagkadating ko ay kayo agad ang naisip ko na una kong bisitahin." masayang paliwanag n
PAGKTAPOS kumain ay napagdesisyunan muna namin na mag stay sa bahay nila. Alam ko kasing namiss din ni Lorenzo ang bahay kung saan siya lumaki."Mommy, pinalawakan n'yo pala ang garden? Maganda.""Yes. Recently kasi may mga nadiscovered kasi akong mga flowers na talaga naman ang ganda sa paningin. So I told your dad about this."Napangiti ako sa mag-ina. Ang sarap nilang tingnan. They are catching up."Oh, wait your dad is calling." Sinagot agad nito ang tawag."Oh, hello Hon! Your son is here together with his wife." Lumingon naman ito sa kanila at masayang nagkwento.Lumingon sa akin si Lorenzo."Are you bored?" Tumabi ito sa akin."No. Actually namiss ko din 'tong house n'yo." Nakangiting sagot ko."My house is your house too." Saglit itong napaisip. "Come on let's go upstairs."Hinila ako nito para t
"KARA I'm sorry talaga at naabala ko kayong dalawa." kalalabas lang nito ng sasakyan."It's okay Ate Carla, Come in."Napatingin naman ako sa cute na cute na si Dylan. Nakatitig lang ito sa mommy niya. Parang pinakikiramdam ang nangyayari. Medyo nakakunot ang noo nito, mukhang kakagising lang.Naku, sana maganda ang gising nito.Bumalik ang tingin ko kay Ate Carla."Wala kasing tao ngayon sa bahay. Gustuhin man isama ni mommy si Dylan sa pupuntahan nila, hindi naman pwede kasi mapapagod si Dylan sa byahe." Inhiga ni Ate Carla si Dylan sa sofa at hinarangan ng mga unan.Lumabas si Lorenzo na may dala-dalang tinapay galing sa kusina."Ate, I have prepared breakfast. Sumabay ka na muna samin." Alok niya.Saglit itong tumingin kay Lorenzo bago nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit ni Baby Dylan."Hin
6:30 PM nang magising ako sa tunog ng door bell. Hindi ko na malayan na pati pala ako ay nakatulog. Nilingon ko ang paligid ko at dumako ang tingin sa dalawa.Mulat na mulat na ang mata ni Baby Dylan pero tahimik lang nitong pinaglalaruan ang kamay, samantalang ang babysitter nito ay tulog pa rin. Pinigilan kong matawa at baka magising ito.Tumunog ulit ang door bell."Looks like your mother is here Baby Dy." mahinang pinisil ko ang pisngi nito.Agad akong lumabas para buksan ang gate. Sumalubong sa akin sila Ate Carla at Kuya Mikee."I'm sorry Kara napatagal kami.""No worries ate, nakapagbonding ng husto ang magtito." Natatawang sabi ko dito."Told you hon, practice na rin yan sa kanila para alam na nila gagawin once magkababy na sila." Nakangiting sabi ni Kuya Mikee.Natatawang iniwas ko ang tingin sa mga ito at in
TODAY is Friday and we are now on the way to airport. Tumawag sakin si Maricar kanina na doon na lang kami magkikita-kita. Medyo maaga ang flight namin kaya naman ramdam ko pa ang pamimigat ng talukap ng mata ko. Napansin ito ni Lorenzo kaya inabot nito sa akin ang U-shaped Neck pillow. "Here. Matulog ka muna, gigisinging na lang kita pag nakarating na tayo sa Airport." Tumango ako dito. "Thanks." One thing na napansin ko ay pagiging caring ni Lorenzo. Talagang tinotoo nito na he'll try to work it out this marriage. Natutuwa akong makita siyang ganito. It really makes my heart flutter. Nagising ako when I felt someone tapping my shoulder. "Nandito na tayo." Nang masiguro ni Lorenzo na gising na ako ay binuksan nito ang backseat para kunin ang mga gamit namin. Pagkatapos ay pumasok na kami. Natatanaw ko sila Mama at Papa kasa
"SHEENA?" Gulat na tawag ni Lorenzo sa pangalan nito. Alam mo 'yung pakiramdam na nabitin ka sa isang bagay na dapat ay malalaman mo na pero mapuputol dahil may dumating na asungot. 'Yan ang pakiramdam ko ngayon. Paano nakarating ang babaeng ito dito? Sheena is wearing a seductive red bikini that showcase her sexy curves. Gumamit lang siya ng manipis na tela para ilagay sa baywang, pero parang wala rin naman itong silbi dahil hindi naman kayang takpan ng tela ang ibabang bahagi ng katawan nito. "Lorenzo, what a coincidence! You're also here, right Dad?" Masayang kumapit ito kay Lorenzo. Kung nakakamatay lang ang tingin matagal ng bulagta sa buhangin ang babaeng ito. Lumipat ang tingin ko sa kasama nito na siyang ama ni Sheena. Siya pala si Mr. Jose Corpuz. May Edad na rin ito, may karamihan na rin ang puting buhok. Mukha rin itong mabait hindi katulad ng anak nito na parang linta kung makadik
MAGKAHAWAK ang mga kamay na naglalakad kami ni Lorenzo. Hindi ko alam kung saan ako nito dadalhin."Saan tayo pupunta?" Tanong ko. Lumingon lang siya saglit sa'kin at ngumiti pero hindi niya sinagot ang tanong ko. Tahimik na sumunod na lang ako sa kanya.Napatingin ako sa magkahawak naming kamay.Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Pasimple kong kinurot ang braso ko para makasigurado na hindi nga ako nananaginip, nang makaramdam ako ng sakit saka ko lang napatunayan na totoo ang lahat ng ito. Madalas lang ako noon mag-day dream pero ngayon abot kamay ko na siya. Ang sarap pala sa pakiramdam na malaman na mahal ka rin ng mahal mo. Para akong lumulutang sa saya. Hindi ko mapigilan ang pagngiti ko kapag naaalala ko ang mga linya ni Lorenzo. Sana pala nirecord ko.Napatigil ako sa paglalakad ng biglang tumigil at humarap sa akin si Lorenzo. Nagtaka ako nang maglabas ito ng panyo mula sa kana