AGAD akong napatingin sa phone ko nang mag-ring ito. Napangiti ako dahil kay Lorenzo nanggaling ang message. Ang sabi sa message niya ay namimiss niya na ako agad kahit na kakaalis niya pa lang sa bahay. Natatawang nagreply ako sa kanya.
Naisip ko na hindi muna umuwi dahil may mga gamit ako sa kwarto na gusto kong dalhin. Pumayag naman si Lorenzo at sinabing susunduin ako mamaya after his work. Ilalapag ko na sana ang phone ko nang mag-ring ulit ito. Excited na binuksan ko ito pero napatigil ako nang mabasa ang message.
Sender: Unregistered Number
Kara, can we talk? It's me Cristine.
Nakagat ko ang aking labi at nag-isip. Hindi ko alam kung handa na ba akong harapin si Cristine. Oo, nagalit ako sa ginawa niya pero in the first place alam kong ako ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay kahit na hindi namin expected ang mga nangyari.
Hindi ko alam ang gagawin.
&
NAKAHINGA ako ng maluwag matapos ang araw na 'yon. It's like everything is on the right places. Parang malaya ko ng nagagawa ang lahat. Malaya ko ng mahalin si Lorenzo ng walang pangamba na any minute ay mawawala siya at maiiwan akong mag-isa. Pero hindi ko na naiisip 'yan ngayon. In fact, sa sobrang saya ko ay palagi kong inaaya na kumain sa labas si Lorenzo. Kapag busy naman siya ay si Maricar naman ang ginugulo ko. Kagaya ngayon, kasama ko si Maricar pero hindi dahil ako ang nagyaya kundi siya. Nang makarating ako sa Mall kung saan kami magkikita ni Maricar, I saw her inside the Starbucks sipping her coffee. Lumapit ako rito at umupo sa harap niya. "So, anong meron at inaya mo ako?" May nakita akong chips sa table kaya naman kumuha ako. "Bagong sahod ka ba? Manlilibre ka?" Pero nang lumingon ako sa direksyon niya ay tulala lang ito. Hindi rin 'ata nito napansin na nandito na ako sa tabi niya.
HINDI ko mapigilan ang malungkot nang makita ang dahan-dahang pagbaba ng kanyang kabaong. Inilibot ko ang paningin. Lahat ay naluluha at nagluluksa sa kanyang pagkawala. Akala ng lahat ay payapa lang itong natutulog. Nakangiti at walang bahid ng pangamba ang kanyang mukha pero nagulat na lang kaming lahat nang hindi na ito gumising pa.Itinigil ng dalawang lalaki ang pagbaba sa kabaong para sa pagbibigay ng bulaklak. Isa-isang lumapit ang mga tao at nagbaba ng puting rosas.Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na siya. Parang kahapon lang kausap ko pa siya at masayang nagpaplano sa mga bagay na nais niyang gawin kasama ako.Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko kaya naman napatingala ako para hindi ito tuluyang bumagsak. Napatingin ako sa katabi ko nang maramdaman ko ang pagtapik niya sa balikat ko."Lorenzo, it's your turn."Tumango ako at lumapit dala ang isang tangkay ng puting rosas. Bawat hakbang ay pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko.Tumigi
"MA, bakit ka naman pumayag doon sa blind date na 'yon? mapapahiya ka lang doon dahil hindi ko naman sisiputin 'yon." Naiinis kong sabi. Aba'y nagset ba naman ng blind date nang hindi niya alam."At bakit naman hindi mo sisiputin aber? Kara, anak ng amiga ko yun kelangan mong siputin 'yun. saka blind date lang yun anak. Kakain lang naman kayo sa labas o kaya manonood ng sine." Mas lalong namilog ang aking mata sa narinig. Ba't ba big deal sa mama niya na wala pa rin siyang boyfriend."Ma eh hindi ko nga po kilala yung anak ng amiga n'yo tapos gusto mo kaming magdate. No Ma. Ayoko po." Tinaas niya pa ang kamay at pinag-cross ito. Ayos naman ako kahit walang boyfriend. I am free to do whatever I want without asking someone's permission."Anak naman hindi ka na bumabata. 25 kana dapat sa edad mong yan ay nagpaplano ka ng mag-settle down." Hindi ko na napigilang matawa, kung kanina ay paghahanap ng boyfriend lang ang p
"KAINIS, kainis, kainis! Bakit kasi ang bait niya? hindi ko tuloy magawang magalit sa kanya.""Ano?! nabaliw ka na ba d'yan?" Lumingon ako sa kaibigan ko. Si Maricar.Nakilala niya si Maricar nung minsan siyang isama ng mga katrabaho niya dito sa bar kung saan nagtatrabaho ito bilang waitress. Actually Restobar ito. Restaurant sa umaga, Bar naman sa gabi.Mahina kasi ang tolerance ko sa alcoholic drinks kaya nalasing agad ako nung time na iyon. Sa sobrang kalasingan naming lahat inabot na kami ng closing. Si Maricar ang nag asikaso sa'kin, ginamit din nito ang phone ko para tawagan si Lorenzo na siyang nasa speed dial. Naalala ko galit na galit si Lorenzo nang malaman nitong nakainom ako. Wala kasi akong natatandaan pagkatapos ko uminom. Kaya naman alalang-alala si Lorenzo. Doon din nagkakilala sila Lorenzo at Maricar. Napagbuntunan kasi ni Lorenzo si Maricar at inakalang siya ang kasama kong mag-inom.
"MARICAR wala ba talaga akong ginawa o sinabi nung gabing nalasing ako? para kasing meron eh."Tanong ko kay Maricar.Tinitigan lang ako ni Maricar habang nagpupunas ito ng baso.Nandito ako sa Restobar na pinagtatrabahuhan nito at kung saan din siya huling naglasing. Makikigulo muna siya dito tutal maaga pa naman kaya wala pa gaanong customer."I swear Kara, don't ever drink again." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nito."Edi may ginawa nga ako? Shit! anong ginawa ko? Tell me." Lumapit ako kay Maricar at niyugyog ito.Sinasabi ko na eh! may nangyari talaga eh."Teka nga. Aray ko Kara." Itinigil ko ang pagyugyog sa kanya.Itinigil nito ang ginagawa at tinitigan si Kara, naalala niya ang huling sinabi ni Lorenzo ng gabing iyon."Don't tell her anything about her confession.""Bakit?" Hindi maiwas
NAGISING ako sa ingay na nanggagaling sa baba. Rinig na rinig ko ang halakhak ng kanyang ina. May bisita ba kami?Pagkatapos maligo at mag-ayos ay bumaba na ako. Nasa hagdan pa lang ako ay napansin ko na agad ang mga tao sa baba."Oh anak! come here, I will introduce you to my friend."Lumapit ako sa mga ito. May kasamang babae ang kanyang ina na hindi nalalayo sa edad nito. Nakaupo ito sa pang-isahang sofa."Kara I want you to meet my dearest friend, Micaela Buenavista. Mica this is my only daughter, Kara."Ngumiti ako sa babae at nakipag beso-beso. "Nice to meet you po, tita.""Me too, iha. Gina, you have a beautiful daughter. I wish i have a daughter like you iha."Ngumiti ako sa ginang. She's so humble."Thank you po."Humarap ako kay Mama. "Ma, i'll go ahead na. Nice
HINDI ko magawang tumingin kay Josh dahil nasaksihan nito ang pag-iyak ko. Nakakahiya man ang nangyari kanina, pero gumaan ang pakiramdam ko.Namumula pa rin ang pisngi ko pero tumigil na ang pagtulo ng luha ko. Dinala ako ni Josh sa isang park malapit sa Restaurant. Malawak ito at may nagtatayugang mga puno na siyang nag papalamig sa lugar. Dumagdag pa ang malakas na hangin kaya lalo pang lumamig ito.Napatingin ako sa lalaking umupo sa tabi ko. Inabot ni Josh sakin ang Icecream na binili nito."Ayos ka na ba?"Tumango ako dito at napatingin sa Icecream. Chocolate Flavor."Salamat.. salamat dahil sinamahan mo ko. Kahit na pinagtitinginan na tayo kanina dahil sa kakangawa ko." Bahagya naman akong natawa sa sarili. Siguro iniisip ng mga tao na pinaiyak ako ni Josh. Hindi nila alam na ito pa ang nga ang nagpapatahan sa'kin.Ngumiti ito sa'kin. "Paano ba ako mak
"CRISTINE, anong ginagawa mo dito?" Lumakad ako palapit dito.Hindi ko alam kung paano ko pakikiharapan si Cristine. Hindi naman kasi kami close. Ako lang ang nagmistulang messanger nilang dalawa ni Lorenzo. Kaya nagkakapagtaka kung bakit ito nandito."Pasensya na at nakaabala pa ako. I'm just so excited to talk to you."Kuno't noo'ng tiningnan ko siya. "Talk to me? bakit ano bang sasabihin mo?"Hindi maganda ang pakiramdam ko dito ah, may kutob ako na hindi ko magugustuhan ang ano mang sasabihin nito. Sana mali ang naiisip ko na tungkol kay Lorenzo ang sasabihin niya. Pero ano pa bang ibang sasabihin nito bukod kay Lorenzo. Naging konektado lang naman ako sa babae ng dahil kay Lorenzo."I want you to be the first one to know. Since you're one of the reason why i met Lorenzo." Hindi ko na gusto pang marinig ang mga sunod pa nitong sasabihin pero hindi ko naman mapatigil ito sa pa