Palabas na sila ng tarangkahan ng eskwelahan. Iniisip ni Leaf na hindi naman na siguro maiinis si Elm kung magsasalita ulit siya dahil naging tahimik naman ang pasilyo nang lagpasan nila.
“Ang ganda ng tula mo kanina. Para pala ‘yun sa Mommy mo. Nasaan na siya?”
“Ewan ko. Wala akong pakialam.”
“Sabi mo, bumalik siya?”
“Ano bang pakialam mo?” sabi ni Elm. Saglit siyang tumigil para lingunin ang kaklase at agad rin namang nagpatuloy sa paglalakad.
“Elm?” Isang babae na maputi at kulay rosas ang maliit na mukha ang humarang sa daanan nila. Matangkad rin siya tulad ni Elm. “Anong nangyari sa paa mo, okay ka lang ba?”
Napakamot sa ulo si Elm. “Ah, ito. Wala ‘to. Sorry hindi ako pwedeng sumama sa’yo ngayon kasi may gagawin kaming project, ‘di ba Leaf? Kailangan na bukas.”
Tinapik pa ako ni Elm nang lingunin ako.
“Ah, opo. Kailangan na bukas.”
“Sa sunod na araw na lang.”
May inabot na sobre ang babae sa kaniya. Mababakas ang makapal na laman niyon. “Sabihin mo lang kung kailangan mo pa.”
“Ayos lang. Meron pa naman ako.”
Inilagay na ng babae ang sobre sa kamay niya. “Sige na. Tanggapin mo na.”
“Salamat,” ani Elm. “Tara na, Leaf.”
Naglakad na sila pero nanatili pa rin ang babae sa kinatatayuan niya. Nilingon ni Leaf ang babae bago muling nagtanong kay Elm.
“Siya ba ‘yung Mommy mo?”
“Bakit ba tanong ka ng tanong?”
“Kapag hindi ka nag-open up, ako ang mag-oopen up sa Mommy mo. Tatakbo ako pabalik, gusto mo?”
Napatiim-bagang si Elm sa kaniya. “Oo na. Siya nga ‘yun. Iyong tinutukoy ko sa tula ko.”
“Anong pangalan niya?” Kumunot ang noo ni Elm at tiningnan lang siya ng masama habang patuloy lang sila sa paglalakad. “Alam mo ba sa bilis kong tumakbo, wala pang isang minuto nasa harap na ako ng Mommy mo.”
“Cherry. Cherry ang pangalan niya.”
“Bumalik naman pala siya. Bakit hindi ka sumama na?”
“Para ano? Para iwan ko si Papa?” Umiling-iling si Elm pagkatapos iyon sabihin.
“Bakit ba niya iniwan Papa mo?”
Natigilan si Elm sa paglalakad. Malalalim ang paghinga niya habang inalala ang nakaraan. “Kasi wala daw kwenta si Papa. Nawalan kasi siya noon ng trabaho. Hindi na siya nakahanap ulit. Si Mama, siya ‘yung nagtrabaho para sa amin pero napariwara si Papa at naadik sa pagsusugal. Late na umuwi, minsan lasing pa, at wala nang ginawa sa bahay. Siguro hindi na kinaya ni Mama. Pero, tama bang iwan niya na lang basta si Papa imbes na tulungan niyang umahon sa pagkakalugmok? Ganoon na ba talaga ngayon? Mahal ka lang nila if you are functioning well. Kapag nasira ka na, para kang laruan na wala nang silbi sa kanila kaya itatapon na lang nila.”
“Baka naman napagod lang siya kaya siya umalis. Hinanap niyo ba siya?”
Umiwas ng tingin si Elm. “Sabi niya, babalik siya. Paglipas ng isang taon, may bago na siyang asawa. Mayaman na siya.” Sandaling tumigil si Elm sa pagkukwento. “Pinapadalhan niya ako ng pera at ng kung ano-anong luho pero hindi ‘yun naging sapat para iwan ko si Papa.”
Nagpatuloy siya sa paglalakad kaya sinundan siyang muli ni Leaf.
“Nagbago naman si Papa pero huli na pala ang lahat,” pagdugtong niya sa sinabi. “Alam mo ba pinapadalhan ako ni Mama ng pang-tuition at allowance para diyan ako makapag-aral. Hindi niya alam scholar ako.” Tumawa siya.
“Bakit hindi mo sabihin ‘yung totoo? Bakit kailangan magsinungaling ka?”
“Bakit? Iniipon ko naman ‘yung pera at pinangagastos ko rin sa eskwelahan. May allowance din ako sa scholarship pero di rin ‘yun sapat ‘no.”
Napahaba ang kwentuhan nila at hindi namalayan ni Leaf na nasa tapat na pala sila ng bahay ni Elm. Napagtanto niya lang ito nang kumuha na ng susi sa bag niya si Elm.
“Saan nga pala ‘yung Daddy mo?” tanong ni Leaf.
“Nasa work siya,” ani Elm habang binubuksan ang pinto nila.
“Anong work?”
“Call center.” Nabuksan na niya ang pinto nila. “Gusto mong pumasok?”
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Leaf. “Pwede? Nauuhaw rin kasi ako. Makikiinom lang sana.”
“Pwede naman basta wala kang gagawin sa aking masama.”
“Excuse me.” Dinaanan niya si Elm at dire-direstso ang pasok sa loob.
“Sigurado kang wala kang gagawing masama? Dire-diretso ka.”
Naupo si Leaf sa may sopa ng bahay nila. Nasa gitna kasi ang sala at may hagdanan sa magkabilang gilid na gawa lang sa kahoy. May pintuan sa bandang likuran na sa tingin ni Leaf ay patungo sa kusina at nasa taas naman nila ang mga kwarto.
“Cute ng bahay niyo parang sa amin lang,” ani Leaf, kinakapa-kapa niya ang malambot na upuan. Nakatayo lang si Elm sa pinto at tinitingnan siya. “Mag-isa ka lang dito? Nasaan kapatid mo?”
“Wala akong kapatid. Half sisters lang ‘yung mga bagong anak ni Mama.” Bigla niyang sinara ‘yung pinto at humarap kay Leaf. “Sigurado kang wala ka talagang gagawing masama sa akin?”
“Wala nga. Bakit parang gusto mong meron?”
Naglakad si Elm papalapit sa sofa. “Wala. Ikaw ba, sigurado kang wala akong gagawing masama sa’yo?”
Nakatitig lang si Leaf sa kaniya at walang bakas ng kaba sa mukha.
“Matapang ka. Hindi ka man lang natatakot?” dagdag ni Elm sa sinabi.
“Sinong matatakot sa pilantod na katulad mo? Pantayin ko pa ‘yang pilay mo.” Malapad ang naging ngiti ni Leaf matapos niya iyong sabihin.
“Oo nga pala.” Naupo na siya sa sofa. Sa magkabilang gilid sila naupo. “Pero hindi ako pilantod. May sprain lang ako pero makakalakad pa ako.”
“Alam ko,” sabi ni Leaf. “Ahem! Tubig.”
“E ‘di kumuha ka. Doon ‘yung kusina.”
“Bisita ako dito, ‘di ba?” Inilapit niya kaunti kay Elm ang mukha niya.
“Pilantod ako, ‘di ba?” Inilapit niya rin kay Leaf kaunti ang mukha niya.
Natawa nang saglit si Leaf bago siya tumayo papuntang kusina nila. “Inamin niya rin.”
“Hoy. Pasalamat ka. Masakit ‘yung paa ko.”
“Bakit anong gagawin mo kung hindi?” sigaw ni Leaf para marinig siya nito mula sa kusina. Kumuha siya ng baso at kumuha na rin ng tubig mula sa pitsel na nasa pridyider.
“Baka hindi ka na makalakad pauwi ‘pag ginawa ko sa’yo ‘yun.”
Tinapos muna ni Leaf ang pag-inom ng tubig bago sumagot. “Bakit, ano nga ba ‘yung gagawin mo?”
Lumabas na siya mula sa kusina at naupo ulit sa sofa.
“Secret.” Mapaglarong ngiti ang ipinakita ni Elm sa kaniya bago siya tuluyang makabalik sa harap niya.
“O siya, uuwi na ako. Anong oras ba dadating Papa mo?” Binuhat na ni Leaf ang bag niya.
“Kakaalis nga lang niya tapos uuwi na agad. Madaling araw pa ‘yun uuwi.”
“E ‘di wala ka pa lang kasama dito. Wawa ka naman.” Inasar niya pa si Elm sa pamamagitan ng pagpapakita nito ng ekspresyon na animo’y awang-awa siya kay Elm. “Kung samantalahin ko kaya na pilay ka.” Naglapat ng daliri si Leaf sa baba ng labi niya habang nakatingin sa kawalan. “Oo, tama. Hindi ka makakalaban.”
Nanlaki ang mata ni Elm. “A-anong gagawin mo?”
Biglang tumusok ang mga tingin ni Leaf sa mata ni Elm. “Isang tulak lang bagsak ka na. Mahihirapan ka nang makatayo.”
“Hoy, binabalaan kita.” Sinubukan nang tumayo ni Elm mula sa sopa at paatras na naglakad.
“Tapos ang uwi ng Papa mo, bukas pa. Walang makakaalam. Tatakpan ko lang ‘yung bibig mo,” sabi ni Leaf. Dahan-dahan siyang naglakad papalapit kay Elm.
“Sisigaw ako. Isa.”
Tawang-tawa si Leaf. Napahampas pa siya sa hita sa sobrang galak. “Effective pala sa’yo ‘yung ginawa mo sa akin kanina. Takot na takot. Kala mo naman talaga.”
Humagalpak pa siya ng tawa. Para siyang sinaniban sa lakas ng tawa niya.
“Tama na. Nakakatakot ka na!” ani Elm.
“Okay. Ganito na lang. Tutal wala kang kasama dito. Gusto mo bang sa bahay na lang mag-dinner? Kasi kawawa ka naman mag-isa ka lang. Ang kasama ko naman doon sila Mommy at Daddy lang. Wala rin akong kapatid kasi busy sila at may family planning sila kaya—”
Natigilan siya nang sabihin ni Elm na,” Sige na. Sasama ako.”
Napanganga si Leaf noong una pero ngumiti rin siya.
“Pero saka na kapag magaling na ‘yung paa ko,” dagdag ni Elm sa sinabi.
“Okay, masusunod, Master,” tugon ni Leaf. “O siya, una na ako. See you tomorrow.”
“How to unsee you tomorrow,” bulong ni Elm habang paalis na si Leaf. Napasimangot siya nang sandaling lumabas na ito ng bahay nila. Wala na naman kasi ‘yung ingay. Maliwanag pa pero parang mabilis ang naging pagdilim muli ng paligid para sa kaniya. Naiwan na naman kasi siyang mag-isa.
🍀🍀🍀
Ilang araw ang lumipas na ganoon ang nangyari. Isasabay si Elm ng mga magulang ni Leaf sa paghatid sa kaniya. Magkasama si Clover at Leaf tuwing break time at sasamahan naman ni Leaf si Elm pauwi ng bahay nila. Tatambay siya saglit para magkwentuhan sila at magbiruan pagkatapos ay uuwi na rin siya.
Dumaan ang sabado at linggo na hindi sila nagkita.
Nagtext si Elm:
Huwag niyo na akong ihatid kasabay niyo. Kaya ko naman na. Pasabi na lang sa parents mo, maraming salamat. Sayo din, maraming salamat!
Tamang-tama dahil nasa restawrant sila kumakain kasama ang mga magulang niya nang matanggap niya ang teks. Kaya naman, sinabi na niya ito sa kanila at sinabing sa susunod na mga araw baka sumama na si Elm maghapunan kasama nila.
🍀🍀🍀
Dumating ang araw ng Lunes. Balik na naman sila sa eskwelahan. Breaktime at magkasama ulit si Leaf at Clover sa parehong lugar kung saan sila palaging kumakain—sa labas ng karinderya ng school.
“Napapadalas na ‘yung pagsasama niyo ni Elm. Baka mahulog ka na niyan sa kaniya,” ani Clover.
“Bakit, bestfriends naman na tayo, ‘di ba? Pwede naman na kitang iyakan kapag nangyari ‘yun.”
Napangisi si Clover sa sinabi ng kaibigan. “Basta iinom tayo. Ayos lang.”
“First time kong matatry kung sakali.”
Nang matapos ang break time, ang sumunod na assignatura nila ay Politics at Governance kaya naman halos lahat sila ay hikab ng hikab. Ang guro pa nila ay ‘yung tipong nakaupo lang at nagsasalita habang nakatingin silang lahat sa libro. Ayos naman sana ang pagkakalahad niya ng aralin at malinaw ang kaniyang pagpapaliwanag. Iyon nga lang ay mabagal siyang magsalita, mahina, at walang masyadong sigla dahil may edad na kaya nakakaantok. Isa pa, kakatapos lang nilang kumain mula sa breaktime kaya dumagdag pa ito sa pagtindi ng kanilang pagnanais na makatulog.
Uwian nang lapitan ni Elm si Leaf na nag-aayos pa ng gamit niya sa upuan nito.
“Tara,” aniya kay Leaf.
Sinuot na ni Leaf ang bag niya at tumango. Sabay silang naglakad palabas ng eskwelahan. May bandahe pa rin ang paa ni Elm pero maayos na ang paglalakad niya.
Naglalakad siya nang matanaw niya ang kumpulan ng mga tao. Hindi na sana niya papansinin pero napilitan siyang usisain dala ng matinding pag-uudyok ng kaniyang kuryosidad. Naglakad siya roon papalapit.“Baka kilala niyo po ‘yung nagpakamatay. Nawawala kasi ang pitaka at cellphone niya kaya hindi pa kami makatawag sa mga kakilala niya para sabihin na patay na siya,” sabi ng isa sa mga pulis. “Hindi rin namin siya makilala dahil wala kaming makuhang ID.”“Hindi ko masyadong nakita’ yung mukha,” sagot ng isang ale sa pulis. “Pero, parang hindi ko naman kilala ‘yung lalaki.”Natanaw ni Leaf ang bangkay ng lalaki nang kuhain na siya ng may awtoridad. Hindi man niya makita kung sino ‘yun ay bigla siyang nakaramdam ng kaba. Pamilyar ang hubog ng katawan nito sa kaniya. Tinitigan niya ng maigi habang binubuhat at bigla niyang naramdaman na parang kilala niya ang lalaki na ‘yun kahit pa may kalayuan ito mula sa kinatatayuan niya.“Suot niya po itong pulseras na ‘to,” ani pulis. Itinaas niya an
Kasalukuyang nasa speech room si Leaf kasama ang propesor na si Carob habang nasa harap sila ng iisang laptop. Nakatanggap siya ng tawag mula kay Elm. “Sagutin ko lang po ito,” aniya at itinaas ang telepono para ipakita sa propesor ang tawag. Lumabas siya ng kwarto na iyon at sinagot ang tawag. “Hello, mahal?” Maririnig ang pag-iyak ni Elm mula sa kabilang linya. “Sinugod namin ngayon si Papa sa ospital. Pwede mo ba akong puntahan ngayon dito?” Napalingon si Leaf sa propesor na nasa loob ng speech room. “Elm, may importante kasi akong ginagawa ngayon. Kung mahihintay mo akong matapos ito, pupuntahan kita. Pangako.” “Nagkaroon ng kumplikasyon si Papa mula sa surgery. Kritikal ang kondisyon niya. Kailangan kita dito ngayon, Leaf, pakiusap. Puntahan mo ko.” “Ganto, Elm, kumalma ka lang muna. Magdasal ka. Ipagdasal mo na makaligtas ‘yung Papa mo. Tatagan mo ‘yung loob mo. Susunod ako diyan.” Hindi sumagot si Elm at nagpatuloy lang sa pag-iyak. “Pagtapos ko rito, pupuntahan kita. Pr
Dinala sila pareho sa pinakamalapit na presinto. Nasa magkahiwalay na kwarto dinala sina Elm at Basil at hinihingian ng pahayag. Parehong may mesa sa gitna nila at may kaharap na pulis. Nang matapos ang mga pagtatanong, humiling si Elm na gumamit ng telepono para tawagan si Leaf.Nasa eskwelahan na si Leaf ng oras na iyon. Nasa kalagitnaan siya ng klase niya nang biglang tumunog ang telepono niya. Nagpaalam siya sa propesor na lalabas sandali para sumagot ng tawag. Alam niya kasi na alam ni Elm ang iskedyul niya at hindi ito tatawag basta-basta sa gitna ng klase niya. Sigurado siyang importante ang sasabihin ng kasintahan. Sinagot niya ang tawag.“Hello, Elm. Anong problema?” aniya.“Leaf, nasa presinto ako ngayon. Dinampot ako.”“Huh? Bakit? Anong nangyari?” Napalakas ang boses niya at tahimik siyang humingi ng tawad sa guro na nasa loob ng silid-aralan nila. Napatingin kasi ito sa kaniya. Tumalikod na lang siya mula sa direksyon na iyon.“Yung kasama ko kasi inabutan ako ng droga ta
Nasa loob na sila ng isang restwarant na ang mga mesa ay mahahaba at maraming upuan na nakapaligid bawat mesa. Ang mga pagkain ay iba-iba. Mayroong pang-Pinoy, pang-Mexicano, pang-Italiano, at iba pa. Kumakain na sila nang biglang magtanong si Maple."Ano nga pa lang plano mo, Elm, ngayong naka-gradweyt ka na? Saang eskwelahan ka papasok?"Binitiwan ni Elm ang kutsara bago sumagot. "Hindi po muna ako mag-aaral."Nakatagilid siyang nilingon ni Leaf. "Bakit?"Huminga si Elm ng malalim bago sumagot. "May sakit kasi si Papa. Emphysema.""Naninigarilyo ba siya?" tanong ni Alder.Umiling si Elm. "Secondhand Smoker. Mga smoker ang mga kasama niya sa trabaho kaya po ganoon.""Dapat hindi siya sumasama kapag naninigarilyo sila." Patuloy lang sa pagkain si Alder."Iyon nga po. Hindi ko rin alam. Sinabi nalang niya sa akin. Nagulat na lang rin ako." Nakatingin lang si Elm sa kanila habang sumasagot."May iniinom naman siyang gamot?" tanong ni Maple."Meron ho. Nakapagpa-check up na siya at na-re
"Excuse lang," ani Elm sa mga estudyanteng nakapaligid sa kaniya at lumapit siya kay Leaf. "Uy, Leaf. Pauwi ka na?"Sasagutin na sana siya ni Leaf nang makita niyang nagbubulungan at tinitingnan siya ng mga presman sa likod ni Elm."Siya ba 'yung sinasabi nilang ex?""Siya nga ata. Hindi naman maganda."“Lalampasuhin’ yung ganiyang mukha ng ibang paminta na kilala ko.”“Pero in fairness, gwapo rin naman kahit papaano.”"So, totoo nga ang chismax. Beki nga siya. Pogi rin ang bet." Nagtawanan pa sila ng mahina."Baliw. Hindi siya beki. Attracted pa rin siya sa babae. 'Di ba nga ang chismax naghiwalay sila dahil sa bilatchi.""Huwag mo na silang pansinin. Pauwi ka na ba?" pag-ulit ni Elm sa tanong niya. Gusto niya kasing hilain ang atensyon ni Leaf mula sa mga rinig na bulungan ng mga presman.Pinilit na lang ni Leaf na ngumiti at tumango. "Oo. Ikaw ba?""Tapos na klase ko. Hatid na kita?"Saglit na umiling si Leaf. "Hindi na. Hindi mo naman 'yun kailangang gawin."Napakibit-balikat si E
Tumayo si Elm sa kama niya at inilagay ang nakabuhol na kabilang dulo ng lubid sa leeg niya. Tatalon na lang siya at malalagutan na siya ng hininga. Iniisip niyang ‘pag nangyari iyon ay matatapos na rin ang paghihirap niya. Mawawala na rin ang bigat at sakit na nararamdaman niya. Wala na siyang kailangang intindihin. Matatapos na lahat.Naging malalim ang paghinga niya. Pinagpawisan siya ng malamig.Nakahawak siya sa lubid na nasa leeg niya nang muli siyang napatingin sa pulseras na suot niya. Tinitigan niya ang palawit nito—korte ng luha.Naalala niya ang sinabi ni Leaf sa kaniya.Kung may kakayahan ka na lumuha, umiyak ka. Ilabas mo.Nanginig ang mga kamay niya at nagsimulang kuminang ang mata niya nang may luha na bigla na lang umusbong sa mata niya.“Sinong mag-aalaga kay Papa kapag lumala na ang sakit niya?” tanong niya sa sarili. “Mawawala ang bigat ng nararamdaman ko pero si Papa naman ang mas mahihirapan dahil sasaluhin niya lahat iyon.”Hindi na niya napigilan na umagos mula