Dinala sila pareho sa pinakamalapit na presinto. Nasa magkahiwalay na kwarto dinala sina Elm at Basil at hinihingian ng pahayag. Parehong may mesa sa gitna nila at may kaharap na pulis. Nang matapos ang mga pagtatanong, humiling si Elm na gumamit ng telepono para tawagan si Leaf.Nasa eskwelahan na si Leaf ng oras na iyon. Nasa kalagitnaan siya ng klase niya nang biglang tumunog ang telepono niya. Nagpaalam siya sa propesor na lalabas sandali para sumagot ng tawag. Alam niya kasi na alam ni Elm ang iskedyul niya at hindi ito tatawag basta-basta sa gitna ng klase niya. Sigurado siyang importante ang sasabihin ng kasintahan. Sinagot niya ang tawag.“Hello, Elm. Anong problema?” aniya.“Leaf, nasa presinto ako ngayon. Dinampot ako.”“Huh? Bakit? Anong nangyari?” Napalakas ang boses niya at tahimik siyang humingi ng tawad sa guro na nasa loob ng silid-aralan nila. Napatingin kasi ito sa kaniya. Tumalikod na lang siya mula sa direksyon na iyon.“Yung kasama ko kasi inabutan ako ng droga ta
Kasalukuyang nasa speech room si Leaf kasama ang propesor na si Carob habang nasa harap sila ng iisang laptop. Nakatanggap siya ng tawag mula kay Elm. “Sagutin ko lang po ito,” aniya at itinaas ang telepono para ipakita sa propesor ang tawag. Lumabas siya ng kwarto na iyon at sinagot ang tawag. “Hello, mahal?” Maririnig ang pag-iyak ni Elm mula sa kabilang linya. “Sinugod namin ngayon si Papa sa ospital. Pwede mo ba akong puntahan ngayon dito?” Napalingon si Leaf sa propesor na nasa loob ng speech room. “Elm, may importante kasi akong ginagawa ngayon. Kung mahihintay mo akong matapos ito, pupuntahan kita. Pangako.” “Nagkaroon ng kumplikasyon si Papa mula sa surgery. Kritikal ang kondisyon niya. Kailangan kita dito ngayon, Leaf, pakiusap. Puntahan mo ko.” “Ganto, Elm, kumalma ka lang muna. Magdasal ka. Ipagdasal mo na makaligtas ‘yung Papa mo. Tatagan mo ‘yung loob mo. Susunod ako diyan.” Hindi sumagot si Elm at nagpatuloy lang sa pag-iyak. “Pagtapos ko rito, pupuntahan kita. Pr
Naglalakad siya nang matanaw niya ang kumpulan ng mga tao. Hindi na sana niya papansinin pero napilitan siyang usisain dala ng matinding pag-uudyok ng kaniyang kuryosidad. Naglakad siya roon papalapit.“Baka kilala niyo po ‘yung nagpakamatay. Nawawala kasi ang pitaka at cellphone niya kaya hindi pa kami makatawag sa mga kakilala niya para sabihin na patay na siya,” sabi ng isa sa mga pulis. “Hindi rin namin siya makilala dahil wala kaming makuhang ID.”“Hindi ko masyadong nakita’ yung mukha,” sagot ng isang ale sa pulis. “Pero, parang hindi ko naman kilala ‘yung lalaki.”Natanaw ni Leaf ang bangkay ng lalaki nang kuhain na siya ng may awtoridad. Hindi man niya makita kung sino ‘yun ay bigla siyang nakaramdam ng kaba. Pamilyar ang hubog ng katawan nito sa kaniya. Tinitigan niya ng maigi habang binubuhat at bigla niyang naramdaman na parang kilala niya ang lalaki na ‘yun kahit pa may kalayuan ito mula sa kinatatayuan niya.“Suot niya po itong pulseras na ‘to,” ani pulis. Itinaas niya an
Lasa ng keyk. Mukha ng nakatabi sa bus na ngumiti. Amoy ng pabango. Yakap ng mahal sa buhay. At, mga pangakong sinambit. Bakit kaya sobrang bilis mawala ng mga bagay na nagbibigay ng labis na kasiyahan?Iyon ang mga salitang tumatakbo sa isip ni Leaf habang nakatulala siya sa bintana ng kwarto niya. Kita kasi mula roon ang puno sa bakuran ng kanilang kapitbahay. Pinagmamasdan niya ang mga dahon nito na naglalaglagan dahil sa malakas na Amihan.“Wala talagang permanente. Lahat panandalian,” ang sabi niya sa sarili.“Leaf, anak, matagal ka pa ba riyan? Mala-late ka na,” sigaw ni Maple na rinig ang boses mula sa unang palapag ng bahay nila.“Patapos na po!” sagot pabalik ni Leaf. Hinila niya ang bulaklaking kurtina upang itago ang itsura ng kwarto niya mula sa mga tatanaw nito sa labas ng bintana.Kinuha at isinuot niya ang bag na nakapatong sa pang-isahang tao niyang kama. Humarap siya sa salamin kung saan halos kita ang saktong laki ng kwarto niya na may karaniwang ayos lang tulad ng n
“Isa pang Mr. Reyes. Unang araw ng klase, late ka,” saad ni Mr. Macato.“Sorry, Sir. Galing praktis.” Kaswal lang siyang pumasok sa loob at naupo sa bandang likod.“Sa susunod na ma-late ka pa ulit, tingnan mo, hahalikan talaga kita. Charot lang.” Napa-palakpak pa siya ng kamay habang humahalkhak. “Okay, salamat, Leaf. Pwede ka nang bumalik sa sinapupunan ng iyong upuan.”Napatingin si Leaf kay Elm na sa likod na hilera ng upuan nila naupo bago niya muling ukupahan ang upuan niya.Umurong siya konti para maabot ang tenga ni Clover nang sandaling muli niya itong matabihan. “Kaklase natin siya.”“Oo. Nagulat nga rin ako. Hindi ko rin alam,” bulong ni Clover pabalik. “Saya ka diyan?”“Hindi ‘nu.”“Sus. Kunwari ka pa.” Tinusok niya ang tagiliran ni Leaf kaya napatili siya sabay bungisngis ni Clover. “Baliw ka talaga.” Yumuko na lang si Leaf dahil napatingin ang ilan nilang mga kaklase sa kaniya nang marinig ang matinis niyang tili.“Okay. Magsimula na tayo. Graded recitation agad. Ano pa
Nang matapos ang klase, kinuha ni Leaf ang bag ni Elm.“Seryoso ka talagang babalikan mo siya sa clinic?” tanong ni Clover.Napabuntong-hininga si Leaf. “Kahit papaano kasi nagi-guilty rin ako sa ginawa ko sa kaniya.”“Speaking of guilt, siya ba na guilty sa mga babae at beki na pinaasa lang niya? Dapat lang ‘yun sa kaniya. Huwag mo na siyang tulungan. Deserve niya iyon.”“Hayaan mo na ako, Clover. Hindi mo naman ako kailangang samahan. Pwede ka nang umuwi.”“Hindi talaga noh. Mag-isa ka dyan.” Umalis na si Clover sa harap niya.“Sige na. Bye. Ingat.”Binuhat na niya ang bag ni Elm habang suot naman ang bag niya sa likod. Bumalik siya ng klinika.Pagpasok niya, nakahiga pa rin si Elm sa kama at may bendahe na ang kanang paa niya. Masama pa rin ang tingin niya kay Leaf.“Bumalik ka pa. Hindi naman kita kailangan.”“Anong sabi ng doctor?” Naupo si Leaf sa upuan na nasa gilid ng kama. Ibinaba niya sandali ang mga bag.“E ‘di tanungin mo sila.”“Sprain. One week pa raw siya bago pwede mag
“Para sa’yo ‘to, Elm. Konting tulong lang ‘yan para bumilis ang paggaling mo,” ani Maple at may inabot na sobre. Napatingin pa si Elm kay Leaf bago tinanggap iyon.“Salamat po.”“Ingat kayo,” saad ni Alder.Dahan-dahan nang bumaba ng kotse si Elm. Sumunod naman sa kaniya si Leaf. Sabay silang naglakad papasok sa loob ng eskwelahan. Binagalan lang ni Leaf maglakad para masabayan niya si Elm.“Bakit mo sinabi sa kanila na nagba-basketbol ako?” tanong ni Leaf habang nasa hallway sila. “Nang-aasar ka ba?”“Bakit, hindi ba ‘yun totoo? ‘Di ba sinabi mo naman ‘yun? Gusto mong humawak ng bola kasi gusto mong magbasketbol.”Napatiim-bagang si Leaf. “Hindi nga totoo, okay na?”Tumigil sandali si Elm kaya napilitan rin siyang tumigil. “So, alin ang totoo? Na tinitingnan mo talaga ako sa gym dahil may gusto ka sa ‘kin?”Namula ulit ang tenga ni Leaf. Ilang tao na ang lumagpas sa kanila pero hindi pa rin niya sinasagot ang tanong. Nag-aalangan siya kung sasabihin na ba niya ang totoo kay Elm dahil
Palabas na sila ng tarangkahan ng eskwelahan. Iniisip ni Leaf na hindi naman na siguro maiinis si Elm kung magsasalita ulit siya dahil naging tahimik naman ang pasilyo nang lagpasan nila.“Ang ganda ng tula mo kanina. Para pala ‘yun sa Mommy mo. Nasaan na siya?”“Ewan ko. Wala akong pakialam.”“Sabi mo, bumalik siya?”“Ano bang pakialam mo?” sabi ni Elm. Saglit siyang tumigil para lingunin ang kaklase at agad rin namang nagpatuloy sa paglalakad.“Elm?” Isang babae na maputi at kulay rosas ang maliit na mukha ang humarang sa daanan nila. Matangkad rin siya tulad ni Elm. “Anong nangyari sa paa mo, okay ka lang ba?”Napakamot sa ulo si Elm. “Ah, ito. Wala ‘to. Sorry hindi ako pwedeng sumama sa’yo ngayon kasi may gagawin kaming project, ‘di ba Leaf? Kailangan na bukas.”Tinapik pa ako ni Elm nang lingunin ako.“Ah, opo. Kailangan na bukas.”“Sa sunod na araw na lang.”May inabot na sobre ang babae sa kaniya. Mababakas ang makapal na laman niyon. “Sabihin mo lang kung kailangan mo pa.”“Ay