Share

[21] Is There A World Where I Am Yours

"Excuse lang," ani Elm sa mga estudyanteng nakapaligid sa kaniya at lumapit siya kay Leaf. "Uy, Leaf. Pauwi ka na?"

Sasagutin na sana siya ni Leaf nang makita niyang nagbubulungan at tinitingnan siya ng mga presman sa likod ni Elm.

"Siya ba 'yung sinasabi nilang ex?"

"Siya nga ata. Hindi naman maganda."

“Lalampasuhin’ yung ganiyang mukha ng ibang paminta na kilala ko.”

“Pero in fairness, gwapo rin naman kahit papaano.”

"So, totoo nga ang chismax. Beki nga siya. Pogi rin ang bet." Nagtawanan pa sila ng mahina.

"Baliw. Hindi siya beki. Attracted pa rin siya sa babae. 'Di ba nga ang chismax naghiwalay sila dahil sa bilatchi."

"Huwag mo na silang pansinin. Pauwi ka na ba?" pag-ulit ni Elm sa tanong niya. Gusto niya kasing hilain ang atensyon ni Leaf mula sa mga rinig na bulungan ng mga presman.

Pinilit na lang ni Leaf na ngumiti at tumango. "Oo. Ikaw ba?"

"Tapos na klase ko. Hatid na kita?"

Saglit na umiling si Leaf. "Hindi na. Hindi mo naman 'yun kailangang gawin."

Napakibit-balikat si E
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status