Share

[23] Always By Your Side

Dinala sila pareho sa pinakamalapit na presinto. Nasa magkahiwalay na kwarto dinala sina Elm at Basil at hinihingian ng pahayag. Parehong may mesa sa gitna nila at may kaharap na pulis. Nang matapos ang mga pagtatanong, humiling si Elm na gumamit ng telepono para tawagan si Leaf.

Nasa eskwelahan na si Leaf ng oras na iyon. Nasa kalagitnaan siya ng klase niya nang biglang tumunog ang telepono niya. Nagpaalam siya sa propesor na lalabas sandali para sumagot ng tawag. Alam niya kasi na alam ni Elm ang iskedyul niya at hindi ito tatawag basta-basta sa gitna ng klase niya. Sigurado siyang importante ang sasabihin ng kasintahan. Sinagot niya ang tawag.

“Hello, Elm. Anong problema?” aniya.

“Leaf, nasa presinto ako ngayon. Dinampot ako.”

“Huh? Bakit? Anong nangyari?” Napalakas ang boses niya at tahimik siyang humingi ng tawad sa guro na nasa loob ng silid-aralan nila. Napatingin kasi ito sa kaniya. Tumalikod na lang siya mula sa direksyon na iyon.

“Yung kasama ko kasi inabutan ako ng droga ta
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status