Share

[25] Falling Leaf

Naglalakad siya nang matanaw niya ang kumpulan ng mga tao. Hindi na sana niya papansinin pero napilitan siyang usisain dala ng matinding pag-uudyok ng kaniyang kuryosidad. Naglakad siya roon papalapit.

“Baka kilala niyo po ‘yung nagpakamatay. Nawawala kasi ang pitaka at cellphone niya kaya hindi pa kami makatawag sa mga kakilala niya para sabihin na patay na siya,” sabi ng isa sa mga pulis. “Hindi rin namin siya makilala dahil wala kaming makuhang ID.”

“Hindi ko masyadong nakita’ yung mukha,” sagot ng isang ale sa pulis. “Pero, parang hindi ko naman kilala ‘yung lalaki.”

Natanaw ni Leaf ang bangkay ng lalaki nang kuhain na siya ng may awtoridad. Hindi man niya makita kung sino ‘yun ay bigla siyang nakaramdam ng kaba. Pamilyar ang hubog ng katawan nito sa kaniya. Tinitigan niya ng maigi habang binubuhat at bigla niyang naramdaman na parang kilala niya ang lalaki na ‘yun kahit pa may kalayuan ito mula sa kinatatayuan niya.

“Suot niya po itong pulseras na ‘to,” ani pulis. Itinaas niya an
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status