Share

[6] Truth or Lie

last update Huling Na-update: 2023-03-06 19:28:45

Sumakay sila ng traysikel papunta sa bahay nina Leaf. Pagdating nila doon, pinaupo sila ni Maple sa may mesa habang hinahanda pa niya ang hapunan nila.

“Alam mo buti naisip ni Leaf na dito ka na lang mag-dinner,” ani Maple. “Ang lungkot kaya kapag mag-isa lang.”

Sumulyap si Elm kay Leaf at ngumiti. “Opo, tita. Kaya nga pumayag din ako.”

“Para tuloy dalawa ang anak ko. Okay din pala ang dalawang anak, ano? Sana nagpadagdag pala ako sa Daddy mo, Leaf.” Tinakpan pa niya ang bibig habang tumatawa. “Family planning kasi kami. Anyway, maiba ako. Elm, nakausap mo na ba ‘yung Mommy mo?”

“Nag-uusap naman po kami kapag bibigyan niya ako ng pera. Hindi ho kami madalas na nag-uusap. Medyo busy rin kasi ako,” saad ni Elm.

“Alam mo. Hindi naman sa nangingialam pero siguro payo na lang rin. Nasa'yo na kung pakikinggan mo o hindi. Kami kasing mga nanay, hindi naman kami perpekto. Nagkakamali rin kami pero hindi ibig sabihin nun, hindi na namin mahal ang mga anak namin. Lagi kaya kayong nasa isip namin. Lagi naming kayong iniisip kung anong ginagawa niyo, kung ayos lang ba kayo, o naalala niyo rin kaya kami. Kaya sana, huwag ka nang magalit sa Mommy mo. Sana dumating rin ‘yung panahon na mapatawad mo rin siya.”

Sandali silang nabalot ng katahimikan dahil yumuko lang si Elm at hindi na sumagot.

“I’m home,” biglang sabi ni Alder pagpasok ng pintuan. “Andito ka pala, Elm. Tagal kang inaantay ni Leaf na sumabay na sa amin mag-dinner.” Ibinaba niya ang bag niya sa sopa. “Naglalaro ka ng basketbol, ‘di ba? Papawis tayo minsan. Nanghihina na kasi tuhod ko. Alam mo naman. Para kay misis.” Humalakhak siya. Maging si Elm ay natawa sa kaniya.

Pinalo naman siya ng mahina ni Maple. “May mga bata. Ikaw talaga.”

“Wala pong problema,” sagot ni Elm.

“Pwede niyo ko isali,” sabi ni Leaf.

Lumapit sa tenga niya si Alder at tinapik siya sa balikat. “Ipag-cheer mo na lang siya, ‘nak.”

“Oo nga pala, Elm. Gusto mong humiram muna ng damit kay Leaf. Baka kasi madumihan ‘yang uniporme mo,” ani Maple.

“Hindi na ho. Tatanggalin ko na lang ho. May sando naman ako sa loob.”

“Nako. Baka hindi na mag-dinner si Leaf niyan.” Natawa si Alder sa sinabi. Nakitawa naman sa kaniya ang asawang si Maple. “Biro lang, ‘nak.”

Masama na ang tingin sa kaniya ni Leaf.

“Sigurado ka, Elm? Marami namang malalaking damit dyan si Leaf. Kasya sa’yo.”

Umiling si Elm. “Hindi na po, Tita. Magpapalit din naman ako pag-uwi kaya okay lang ‘to madumihan.”

Tinanggal na lang ni Elm ang uniporme niya at ipinatong muna ito sa sala nila Leaf. Sando na lang ang suot niya.

Nakahanda na ang pagkain sa mesa. Isa-isa na silang nagsandok. Hindi mapigilan ni Leaf na tumingin sa braso ni Elm habang kumakain sila.

“Sarap ba, nak?”

“Ng alin, daddy?” mabilis na sagot ni Leaf. Mabilis rin ang paglingon niya sa ama nang marinig iyon.

“Ng luto ni Mommy mo. Ano ba pang ibang masarap?”

“Huh?” Napaiwas si Leaf ng tingin. “Itong tubig. Masarap kasi mineral.” Uminom naman siya para bawasan ang kaba.

Tumango-tango si Alder. “Okay. Sabi mo, e.”

Nagpigil naman ng ngiti si Elm at napailing-iling konti.

Nang matapos kumain, nagpahinga lang sila saglit habang masayang nagkwe-kwentuhan. Nagpaalam na rin si Elm pagkatapos.

“Thank you po, tita. Ansarap po ng luto niyo. Sobra. Nabusog po ako.” Hinawakan pa niya ang tiyan niya na parang binilog-bilog gamit ang palad niya.

“Ikaw talaga.” Humampas pa si Maple sa hangin. “Huwag kang mahihiyang bumalik dito... kahit bukas agad. Tatlo lang kaming kumakain pero laging sobra ang pagkain.”

“Kahit araw-araw ka pa rito mag-dinner, walang problema,” ani Alder.

“Salamat ho. Sige ho. Mauuna na ako.”

“Hatid ko lang sa labas,” sabi ni Leaf.

Nagtinginan ang mag-asawa at nag-ngitian. Sinamaan naman sila ng tingin ni Leaf.

Kinuha na ni Elm ang uniporme niya at isinukbit na lang ito sa balikat niya. Binuhat na rin niya ang bag niya at sabay na silang naglakad palabas.

“Gusto mo magtraysikel na lang? Ako naman magbabayad,” ani Leaf paghakbang nila palabas ng pinto.

“Hindi na,” tugon ni Elm. “Kaya kong makipagsapakan kapag may gagong mag-aamok diyan.” Bahagya siyang natawa.

“Kung may baril? E ‘di wala ka.”

Tumingala siya sa kalangitan. “Hindi pa naman malalim ang gabi. Huwag mo na akong intindihin. Pina-dinner niyo na nga ako, hingi pa ako pamasahe. May pera ako pero gusto ko lang talagang maglakad.” Ibinalik niya ang tingin kay Leaf. “Para na rin bumaba ‘yung kinain ko.”

“Ako naman nag-aya sa’yo dito. Buti nga napapayag pa kita. Kaya, I insist, magtraysikel ka na.” Dumukot na siya sa bulsa niya at iniabot iyon kay Elm.

“Hindi na, Leaf.” Itinulak niya pabalik ang kamay ni Leaf.

“Sige na. Tanggapin mo na.”

“Bakit ba ginagawa mo lahat ‘to?” nakangiting sabi ni Elm.

Ibinalik na lang ni Leaf sa bulsa ang pera.

“Wala. Magkaibigan tayo. Hindi ba normal naman ‘to?” Sandaling nakatitig lang si Elm sa kaniya. Hindi naman siya makatingin ng diretso sa kaklase. “Ganito talaga ang magkakaibigan.”

“Gusto mo ba ako?” diretsahang tanong ni Elm na nagpapula ng tenga ni Leaf.

Sandali ring nakatitig lang si Leaf sa kaniya at hindi agad nakasagot. Lumakas ang kabog ng dibdib niya na parang mabangis na hayop na ikinulong at gustong kumawala.

Nagbuntong-hininga si Leaf para subukang pakalmahin ang sarili. “Kaya ba tanong ka ng tanong niyan para kapag sinabi kong oo, sabihin mo tayo na ‘tas marami pala kami.”

Umiling siya. “Nagbago na ako, Leaf. Hindi na ako ganoon.”

“So, bakit gusto mong malaman kung gusto kita?”

“Para alam ko.”

“Bakit nga kailangan alam mo? Importante ba ‘yun sa’yo?”

“Para alam ko ‘yung gagawin ko kung sakali.”

Parang dahon na unti-unting nalaglag mula sa isang puno ang pakiramdam ni Leaf. Nakatitig lang siya sa mga mata ni Elm at pilit sumusuong sa kalaliman ng mga tingin nito sa kaniya. Gusto niyang alamin kung sinsero ba talaga ang kaklase.

“Sige, sasagutin ko ‘yan. Pero, ito muna sagutin mo. Bakit ginagawa mo ‘yun dati sa mga taong nagco-confess sayo?”

Nagkibit-balikat si Elm. “Para more chances of winning.” Ngumiti siya ng malapad.

Seryoso lang ang mukha ni Leaf. “Niloloko mo ba ako? Hindi ako nakikipagbiruan sa’yo.”

“Ako din.” Naging seryoso muli ang hilatsa ng mukha ni Elm. “Ginawa ko ‘yun sa pag-asang may isa sa kanila na magti-tiyaga na i-pursue ako, na kumbinsihin ako at kuhain ang loob ko. Pero wala. Lahat na nga sila ginawa kong girlfriend pero wala pa rin. Inuna nila isipin iyong katotohanan na marami sila kaysa magpursige silang kunin ako. Lahat sila umatras.”

“Bakit kasi aasahan mo na sila gagawa nu’n? Hindi ba lalaki ka? Ikaw dapat ang gagawa nu’n?”

“Bakit ako ba ‘yung may gusto sa kanila?” tanong ni Elm na magkasalubong na ang kilay. “Ako, hindi ko pa sila gusto. Sila, gusto na nila ako. Wala na akong kailangang gawin para magustuhan nila ako. Sila, kailangan nilang mag-effort para mapansin ko sila o makuha nila ako.” Kasabay ng pagpapaliwanag niya ay ang paggalaw ng kamay niya at madalas na pagturo niya sa sarili niya. “Hindi sa pagmamayabang. I hope hindi siya tunog mayabang. Pero, ganoon siya magwo-work para sa akin.”

Napatingin sa malayo si Leaf at napatango-tango. “Sabagay. May point.”

“See. At saka, ikaw nga nagawa mo. Bakit sila hindi?”

Lumingon si Leaf sa kaniya pabalik nang tanging mata lang ang gumalaw. “Anong ibig mong sabihin? Na-appreciate mo ‘yung mga ginawa ko sa’yo?”

Huminga muna si Elm ng malalim bago dahan-dahan na tumango. Ngumiti rin siya ng matipid.

“Bakla ako, Elm. Hindi ka tunay na mai-inlove sa katulad ko,” ani Leaf. “Iyon ang totoo.”

Paalis na sana siya nang sabihin ni Elm na, “Hindi ko maipaliwanag pero ayos lang sa ‘kin. Walang problema sa akin, Leaf, kung bakla ka.” Malalim ang mga paghinga ni Elm. “Ngayong nasagot ko na lahat ng tanong mo, pwede bang iyong tanong ko naman ang sagutin mo?” May sandali siyang pagtigil. “Gusto mo ba ako?”

Ramdam ni Leaf na nanlalamig ang mga palad niya. Kahit titig na titig ang mata nila sa isa’t-isa, pinag-iisipan niyang mabuti ang iisagot niya. “Hindi.”

Tumango si Elm. “Okay. Salamat sa sagot mo.”

Paalis na si Elm nang bigla siyang magsalita ulit.

“Hindi na lang kita basta gusto.”

Dahan-dahan siyang humarap kay Leaf. “Anong ibig mong sabihin?”

“Tingin ko, mahal na kita.”

Nakatitig lang si Elm sa kaniya matapos niyang sabihin iyon. Ilang sandali pa, sumagot na rin siya. “Tingin ko... mahal na rin kita.”

Nanlaki ang mga mata ni Leaf sa narinig. Hindi niya inasahan na maririnig niya ito mula kay Elm. Pakiramdam niya’y nasa loob siya ng isang napakagandang panaginip. Nagawa niya pang kurutin ang sarili para lang masiguradong totoo ang lahat.

“Totoo ba ‘to? O pinaglalaruan mo lang ako?” tanong ni Leaf. Medyo galit ang tono niya dahil gusto niyang makasigurado.

“I told you. Nagbago na nga ako. Hindi ko na ‘yun gagawin.”

Sinubukan muna ni Leaf na hindi maniwala dahil baka sinasabi lang iyon ni Elm. Inaalala niyang baka ganitong-ganito rin ang ginawa niya kina Clover kaya umasa sila ng sobra. Hinayaan niyang sapawan ng pangamba ang saya na nararamdaman niya. Alam niyang dapat siyang maging maingat at hindi basta-basta maniwala. Sa ngayon, nagdesisyon siyang sakyan lang muna ang trip ni Elm kung trip nga lang ba talaga ang ginagawa niya. Kahit papaano kasi’y umaasa siya na sana totoo na lang talaga lahat ng iyon.

“Kung totoong nagbago ka na, patunayan mo.”

Inabot ni Elm ang kamay ni Leaf. “Papatunayan ko.”

“Bakit hindi mo simulan sa paghingi ng tawad sa mga taong nasaktan at pinaasa mo?”

Napabitaw siya sa kamay ni Leaf. “Hindi madali ang ipinapagawa mo. Masyado silang madami. Hindi ko na matitiyaga ‘yun.”

“Kung totoo kang nagbago na talaga, gawin mo ‘yun. Kahit paisa-isa, gawin mo. Kahit tumagal ng ilang taon, gawin mo. Hindi naman kailangan sabay-sabay o isang araw lang lahat. Ang mahalaga, magawa mo.”

Sandaling tumingin si Elm sa kawalan bago tumango. “Sige. Gagawin ko. Maniwala ka lang na hindi na ito katulad ng ginagawa ko dati. Gagawin ko basta maniwala ka lang na talagang nagbago na ako.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • When A Leaf Falls On Your Head   [25] Falling Leaf

    Naglalakad siya nang matanaw niya ang kumpulan ng mga tao. Hindi na sana niya papansinin pero napilitan siyang usisain dala ng matinding pag-uudyok ng kaniyang kuryosidad. Naglakad siya roon papalapit.“Baka kilala niyo po ‘yung nagpakamatay. Nawawala kasi ang pitaka at cellphone niya kaya hindi pa kami makatawag sa mga kakilala niya para sabihin na patay na siya,” sabi ng isa sa mga pulis. “Hindi rin namin siya makilala dahil wala kaming makuhang ID.”“Hindi ko masyadong nakita’ yung mukha,” sagot ng isang ale sa pulis. “Pero, parang hindi ko naman kilala ‘yung lalaki.”Natanaw ni Leaf ang bangkay ng lalaki nang kuhain na siya ng may awtoridad. Hindi man niya makita kung sino ‘yun ay bigla siyang nakaramdam ng kaba. Pamilyar ang hubog ng katawan nito sa kaniya. Tinitigan niya ng maigi habang binubuhat at bigla niyang naramdaman na parang kilala niya ang lalaki na ‘yun kahit pa may kalayuan ito mula sa kinatatayuan niya.“Suot niya po itong pulseras na ‘to,” ani pulis. Itinaas niya an

  • When A Leaf Falls On Your Head   [24] Tired

    Kasalukuyang nasa speech room si Leaf kasama ang propesor na si Carob habang nasa harap sila ng iisang laptop. Nakatanggap siya ng tawag mula kay Elm. “Sagutin ko lang po ito,” aniya at itinaas ang telepono para ipakita sa propesor ang tawag. Lumabas siya ng kwarto na iyon at sinagot ang tawag. “Hello, mahal?” Maririnig ang pag-iyak ni Elm mula sa kabilang linya. “Sinugod namin ngayon si Papa sa ospital. Pwede mo ba akong puntahan ngayon dito?” Napalingon si Leaf sa propesor na nasa loob ng speech room. “Elm, may importante kasi akong ginagawa ngayon. Kung mahihintay mo akong matapos ito, pupuntahan kita. Pangako.” “Nagkaroon ng kumplikasyon si Papa mula sa surgery. Kritikal ang kondisyon niya. Kailangan kita dito ngayon, Leaf, pakiusap. Puntahan mo ko.” “Ganto, Elm, kumalma ka lang muna. Magdasal ka. Ipagdasal mo na makaligtas ‘yung Papa mo. Tatagan mo ‘yung loob mo. Susunod ako diyan.” Hindi sumagot si Elm at nagpatuloy lang sa pag-iyak. “Pagtapos ko rito, pupuntahan kita. Pr

  • When A Leaf Falls On Your Head   [23] Always By Your Side

    Dinala sila pareho sa pinakamalapit na presinto. Nasa magkahiwalay na kwarto dinala sina Elm at Basil at hinihingian ng pahayag. Parehong may mesa sa gitna nila at may kaharap na pulis. Nang matapos ang mga pagtatanong, humiling si Elm na gumamit ng telepono para tawagan si Leaf.Nasa eskwelahan na si Leaf ng oras na iyon. Nasa kalagitnaan siya ng klase niya nang biglang tumunog ang telepono niya. Nagpaalam siya sa propesor na lalabas sandali para sumagot ng tawag. Alam niya kasi na alam ni Elm ang iskedyul niya at hindi ito tatawag basta-basta sa gitna ng klase niya. Sigurado siyang importante ang sasabihin ng kasintahan. Sinagot niya ang tawag.“Hello, Elm. Anong problema?” aniya.“Leaf, nasa presinto ako ngayon. Dinampot ako.”“Huh? Bakit? Anong nangyari?” Napalakas ang boses niya at tahimik siyang humingi ng tawad sa guro na nasa loob ng silid-aralan nila. Napatingin kasi ito sa kaniya. Tumalikod na lang siya mula sa direksyon na iyon.“Yung kasama ko kasi inabutan ako ng droga ta

  • When A Leaf Falls On Your Head   [22] A Year After

    Nasa loob na sila ng isang restwarant na ang mga mesa ay mahahaba at maraming upuan na nakapaligid bawat mesa. Ang mga pagkain ay iba-iba. Mayroong pang-Pinoy, pang-Mexicano, pang-Italiano, at iba pa. Kumakain na sila nang biglang magtanong si Maple."Ano nga pa lang plano mo, Elm, ngayong naka-gradweyt ka na? Saang eskwelahan ka papasok?"Binitiwan ni Elm ang kutsara bago sumagot. "Hindi po muna ako mag-aaral."Nakatagilid siyang nilingon ni Leaf. "Bakit?"Huminga si Elm ng malalim bago sumagot. "May sakit kasi si Papa. Emphysema.""Naninigarilyo ba siya?" tanong ni Alder.Umiling si Elm. "Secondhand Smoker. Mga smoker ang mga kasama niya sa trabaho kaya po ganoon.""Dapat hindi siya sumasama kapag naninigarilyo sila." Patuloy lang sa pagkain si Alder."Iyon nga po. Hindi ko rin alam. Sinabi nalang niya sa akin. Nagulat na lang rin ako." Nakatingin lang si Elm sa kanila habang sumasagot."May iniinom naman siyang gamot?" tanong ni Maple."Meron ho. Nakapagpa-check up na siya at na-re

  • When A Leaf Falls On Your Head   [21] Is There A World Where I Am Yours

    "Excuse lang," ani Elm sa mga estudyanteng nakapaligid sa kaniya at lumapit siya kay Leaf. "Uy, Leaf. Pauwi ka na?"Sasagutin na sana siya ni Leaf nang makita niyang nagbubulungan at tinitingnan siya ng mga presman sa likod ni Elm."Siya ba 'yung sinasabi nilang ex?""Siya nga ata. Hindi naman maganda."“Lalampasuhin’ yung ganiyang mukha ng ibang paminta na kilala ko.”“Pero in fairness, gwapo rin naman kahit papaano.”"So, totoo nga ang chismax. Beki nga siya. Pogi rin ang bet." Nagtawanan pa sila ng mahina."Baliw. Hindi siya beki. Attracted pa rin siya sa babae. 'Di ba nga ang chismax naghiwalay sila dahil sa bilatchi.""Huwag mo na silang pansinin. Pauwi ka na ba?" pag-ulit ni Elm sa tanong niya. Gusto niya kasing hilain ang atensyon ni Leaf mula sa mga rinig na bulungan ng mga presman.Pinilit na lang ni Leaf na ngumiti at tumango. "Oo. Ikaw ba?""Tapos na klase ko. Hatid na kita?"Saglit na umiling si Leaf. "Hindi na. Hindi mo naman 'yun kailangang gawin."Napakibit-balikat si E

  • When A Leaf Falls On Your Head   [20] Light Through Small Hole Is Still Hope

    Tumayo si Elm sa kama niya at inilagay ang nakabuhol na kabilang dulo ng lubid sa leeg niya. Tatalon na lang siya at malalagutan na siya ng hininga. Iniisip niyang ‘pag nangyari iyon ay matatapos na rin ang paghihirap niya. Mawawala na rin ang bigat at sakit na nararamdaman niya. Wala na siyang kailangang intindihin. Matatapos na lahat.Naging malalim ang paghinga niya. Pinagpawisan siya ng malamig.Nakahawak siya sa lubid na nasa leeg niya nang muli siyang napatingin sa pulseras na suot niya. Tinitigan niya ang palawit nito—korte ng luha.Naalala niya ang sinabi ni Leaf sa kaniya.Kung may kakayahan ka na lumuha, umiyak ka. Ilabas mo.Nanginig ang mga kamay niya at nagsimulang kuminang ang mata niya nang may luha na bigla na lang umusbong sa mata niya.“Sinong mag-aalaga kay Papa kapag lumala na ang sakit niya?” tanong niya sa sarili. “Mawawala ang bigat ng nararamdaman ko pero si Papa naman ang mas mahihirapan dahil sasaluhin niya lahat iyon.”Hindi na niya napigilan na umagos mula

  • When A Leaf Falls On Your Head   [19] Attempt

    Natapos ang kinakanta ng banda na naabutan nila pagpasok nila. Ang sunod na kanta ay isang malungkot na awitin. Sakto sa mga sawi na nagpunta ng bar ng oras na iyon. Sakto sa nararamdaman ni Leaf. Ramdam niya rin iyon kaya naman hindi niya maialis ang mata niya sa entablado. Tutok na tutok siya sa pakikinig hanggang sa lumipad na ang isip niya at naalala na naman niya ang ginawa sa kaniya ni Elm. Muling tumulo ang luha mula sa mata niya.Agad siyang napansin ni Clover kaya hinaplos niya ang likod ng kaibigan para subukang pakalmahin siya.“Ano bang nangyari?” tanong ni Clover. Bigla na lang siyang niyakap ni Leaf. Hindi sumagot si Leaf kaya muli siyang nagsalita. “Ayos lang. Ilabas mo iyan. Ikwento mo. Makakatulong ‘yan para pagaanin ang loob mo.”“Nag-cheat siya sa akin. Nahuli ko sila ni Hazel.”Namilog ang mga mata ni Clover. “Nagawa sa’yo ‘yun ni Elm? Akala ko pa naman nagbago na talaga siya.”Kumalas na sa pagkakayakap si Leaf. “Parang wala lang sa kaniya lahat ng pinagsamahan na

  • When A Leaf Falls On Your Head   [18] Old Habits Will Never Grow Old

    Hindi nakapasok ng eskwelahan si Hazel kinabuksan. Naisip ni Elm na marahil ay nagpapahinga siya dahil masama nga ang pakiramdam kahapon pa.Pagkatapos ng mga klase ni Elm, pinuntahan niya si Leaf sa may silid-aralan nila. At ‘di tulad kahapon, si Leaf naman ang may ginagawang aktibidad kasama ang mga kagrupo niya sa loob ng silid-aralan nila. Tahimik silang nagkukumpol-kumpol sa nag-iisang laptop na mayroon sila. Kumaway si Elm at tumayo naman si Leaf sa kinauupuan niya nang mapansin niya si Elm na nakatayo sa labas ng pintuan. Lumapit siya sa kasintahan.“Antayin na kita. Matagal ba ‘yan. Yayain sana kita pumunta sa bahay,” ani Elm. Hinawakan niya sa kamay si Leaf at hinalikan siya dito. “Miss na rin kasi kita.”Nilingon ni Leaf saglit ang mga kasama sa loob. “Mukhang matatagalan pa kasi kami rito. Tapos kung pupunta pa ako sa inyo, baka late na ako makauwi. Sige na. Umuwi ka na. Huwag mo na akong antayin. Kita na lang tayo sa ibang araw. Ingat,” saad ni Leaf na wala man lang sigla.

  • When A Leaf Falls On Your Head   [17] The Desperate

    Nilagpasan na lang ni Leaf si Hazel at hinanap na ang silid-aralan niya.Alam na niyang hindi na niya kaklase si Elm dahil naging labo-labo ang paglalagay ng eskwelahan ng estudyante sa bawat seksyon. Paulit-ulit niya pang tiningnan noon ang listahan na ibinigay sa kanila ng eskwelahan nila. Mabuti na lang at kaklase pa rin niya si Clover.“Mabuti na lang at nakita na kita,” ani Leaf nang makitang nakatayo si Clover sa pasilyo at nakikinig ng tugtog mula sa pang-ulong hatinig na nakasalpak sa tenga niya.Pinatay na ni Clover ang tugtog at tinanggal ang pang-ulong hatinig na suot niya. “Bakit? Anong nangyari?”“Nasalubong ko si Hazel. Hindi talaga maganda pakiramdam ko sa pagbabalik ng babaeng ‘yun sa eskwelahan na ‘to.” Lumingon pa siya pero wala na si Hazel sa kung saan niya ito nakasalubong kanina.“Nako. Kaya ikaw, bantayan mo ‘yang si Elm. May mga desperada talaga na gagawin ang lahat maiputan ka lang sa ulo. Bantayan mo kung anong sa’yo. At saka kung mahal ka naman talaga ni Elm

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status