Share

Kabanata 52

Author: sweetjelly
last update Last Updated: 2024-03-15 16:31:54
Pero bakit gano’n? Bakit takot na takot ako na mamatay ngayon. Akala ko, handa na ako kung ano man ang mangyari sa akin. Hindi pala. Napadasal na lang ako kasabay ang hagulgol.

“Ba’t ba ang tagal mo! Bilisan mo na nga riyan! Para namang isang balde ang ihi mo!” sigaw uli ng lalaki.

Lumabas ang mahina kong hikbi nang marinig ang salitang ‘yon. Agad din akong dumilat. Hindi pala ako ang nakita ng lalaki. Hindi ako tinatawag niya, kundi kasamahan niya.

Nagsabay ang hagulgol at tawa ko, at muli akong sumilip sa kinaroroonan ni Ancel. Kaharap pa rin niya ang dalawang lalaki.

Si Ancel naman ay nasa likuran na niya ang isang kamay. Alam kong naka-alerto na siya. Alam kong hawak na niya ang baril na nakasuksok sa likuran niya.

“ ‘Andyan na!” sagot ng lalaking pasuray-suray ang lakad. Hindi pa nga nito nagawang ayusin ang belt niya.

“Sir Wyn, una na kami sa inyo,” paalam ng lalaking feeling close. Tinapik na naman kasi nito ang balikat ni Ancel.

“Ancel, ano ba ang ginagawa mo riyan?” nasa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nan
Paano na yan.makaligtas pa kaya Sila mahirap Ng tumakbo si Aya dahil buntis! Makatakas kaya Sila at yong mga kasamaan nila.Ang Naman Ang kanilang pinagdaan baka matamaan Sila Ng bala nakakatakot Ako Rin kinabahan sa maging mangyari sa kanila .
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • When Heart Beats   Special Chapter (Honeymoon)

    Pawis at nag-iinit na ang magkahawak naming kamay ni Ancel. Ayoko kasing bitiwan dahil kung saan-saan na lang dumadapo ang kamay nitong pilyo kong asawa. Dumidilim na rin kasi, baka maisipan pa nitong sumuot kung saan mailabas lang ang init ng katawan. Hindi ko na nga muna siya nilingon. Bahala siyang pumisil-pisil sa kamay ko. Sa paligid ko na muna tinuon ang atensyon ko. Kasalukuyan na kasi naming binabaybay ang daan papunta ng El Canto, at ilang minuto na lang ay masisilayan na naming muli ang bahay-kubo na naging saksi ng pagmamahalan namin ni Ancel. Dito nga kasi niya gustong mag-honeymoon. No’ng una ay nagdalawang-isip ako. Iniisip ko kasi ang iisipin ng mga taga baryo. Bukod sa ang alam nila ay magkadugo kami. Ang alam ng lahat ay nawala ako dahil sumama sa ibang lalaki. Wala ni isang nakakaalam kung ano ba talaga ang nangyari sa akin. At malamang wala rin ni isang nakakaalam na mag-asawa na kami. Hindi naman kasi ugali ni nanay at tatay na makipagtsismisan sa mga kapitb

  • When Heart Beats   Wakas

    “Anak, hindi ka na nanaginip,” pabulong na sabi ni mama, napapangiti pa. Sakto naman kasing lumingon siya sa akin habang napangiwi ako. Kinurot ko kasi ang sarili ko. Sinisigurado ko nga kung hindi ba ako na nanaginip. “Totoo ang lahat ng ‘to, anak, hindi panaginip at hindi gunuguni.” Natiim ko ang labi ko. Nagpipigil maiyak. Pero wala eh, talagang hindi ko kayang pigilin ang mga luha ko. Luha ng saya. “Mahal na mahal ka ni Ancel, anak. Hindi pa naman siya nakalabas ng kulungan ay pinaplano na niya ang lahat.” Bumuga ng hangin si mama. “Hindi ka man naging ma swerte sa amin ng papa mo, naging maswerte ka naman sa lalaking minahal mo. Ang swerte ni Baby Anaya dahil kayo ang mga magulang niya,” madamdamin na sabi ni mama, sabay ang banayad na haplos sa kamay kong nakahawak na sa braso niya.Tipid akong ngumiti at saka, bumuga din ng hangin. Luha ko ay nag-uunahan ng pumatak sa pisngi ko. Halo-halo na kasi ang nararamdaman ko. Saya, lito, basta, para lang naman akong nakalutang sa ere

  • When Heart Beats   Kabanata 59

    “Belle, bilisan mo na! Bakit ba ang tagal mo?” Apura ko sa kaibigan ko na kanina pa nagmumokmok sa kwarto kasama si Baby Anaya. First birthday kasi ni Baby Anaya ngayon, at plano namin ay bibisitahin muna namin si Ancel, saka kami pupunta sa venue ng party. Pero dahil sa kabagalan nitong si Belle ay parang hindi na namin mapupuntahan si Ancel. Thirty minutes na lang kasi ay magsisimula na ang party at hindi kami pwedeng ma-late. Hindi rin pwedeng e-extend ang oras ng paggamit namin sa venue dahil may susunod pa na gagamit. “Ano ba, Belle!” Padabog akong nagpunta sa kwarto, at siya namang pagbukas ng pinto. Bumungad agad sa akin ang napaka-cute na mukha ni Baby Anaya at nakakainis na mukha ni Belle. “Akin na nga si Baby.” Binawi ko kay Belle si Baby. Hindi naman nagreklamo si Belle. Ngiting-ngiti pa nga ito habang sinusundan ako. “Sila Mama at papa?” tanong ko kay Camille. “Nauna na sila sa venue, kasama nila si nanay at tatay,” sagot naman ni Camille, sabay bukas ng pinto ng kotse

  • When Heart Beats   Kabanata 58

    Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o iiyak habang nakatitig kay Ancel na mahimbing na natutulog. Sa wakas ay nagkamalay na siya— sa wakas ay tapos na ang paghihintay ko. Kaya lang, matapos niyang ma-check ng doctor kanina ay nakatulog ulit siya. Hindi niya ako kinausap o ngumiti man lang, tumingin lang siya at saka pumikit ulit. Pero hinayaan naman niya ako na hawakan ang kamay niya hanggang sa makatulog siya. ‘Yon lang ay sapat na sa akin. Kasi naiintindihan ko naman kung bakit siya gano’n, kagagaling nga lang niya sa coma. At ang sabi nga ng doctor, pwedeng maging iritable siya o confused; normal lang daw na magpakita ng ibang emotion—ibang ugali ang mga taong galing sa coma. “Matulog ka lang, mahal ko. Dito lang ako sa tabi mo, hindi kita iiwan, kahit maging hayop o kahit maging demonyo pa ulit ang ugali mo, mamahalin pa rin kita. Alam ko kasi—” Nilapat ko ang palad ko sa dibdib niya. “Na itong puso mo ay mala-anghel naman at ako lang ang tinitibok. Napatunayan ko na kung gaan

  • When Heart Beats   Author's Note

    Namali po ako ng update nito. In review na po ang edited chapter nito, baka bukas pa maayos. "Kabanata 57" kulang-kulang na chapter ang na update ko. Sa mga gustong mabasa ang complete na kabanata 57, paki delete muna sa library n'yo ang story na 'to then add n'yo na lang ulit. Pasensya na po. Malapit na sana matapos, saka naman nagkamali. Maraming salamat sa mga nagbabasa nito, kahit konti lang kayo ay ayos lang, at least may bumabasa. Sana mabasa n'yo rin ang ibang stories ko. May mga completed stories na rin po ako, may ongoing din po, pero slow update. Maraming salamat!

  • When Heart Beats   Kabanata 57

    “Aya, heto na ang maligamgam na tubig at towel,” nakangiting sabi ni Belle, sabay lapag niyon sa bedside table. “Salamat, Belle,” nakangiti ko namang sagot, pero mga mata ko ay hindi na maalis sa kaibigan kong titig na titig sa lantad na katawan ni Ancel. Yes, Ancel survived. Pero in coma pa rin, magdalawang linggo na siyang ganito, at hindi ako nawawalan ng pag-asa. Hindi ko siya susukuan. No’ng araw nga na akala ko ay mawawala na siya ng tuluyan sa buhay ko, hindi ako sumuko, ngayon pa kaya na nakakahinga na siya na walang vintelator—walang life support. Alam ko, nararamdaman at naririnig niya ako, kaya hindi ako nagsasawang kausapin siya. Kinuwento ko sa kanya ang mga nangyayari sa buhay ko nitong mga nag-daang araw. Hindi lang naman kasi si Ancel ang nagpapagaling. Ako rin, nagpapagaling din ako mentally at emotionally. Hindi ko pa rin kasi nakakalimutan ang mga nangyari sa amin. Kahit struggling pa rin ako sa araw-araw kong buhay. Nilalakasan ko naman ang loob ko. Alam ko,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status