"Aya! ’Yong kambing mo, gumala na naman!"Nagising ang diwa ko nang marinig ang sigaw ng kambing… ay este, si Cambelle. Matalik kong kaibigan na malakambing din ang bunganga kung makasigaw.Tinawag ko ang alaga kong kambing na agad namang lumapit sa akin."Naku naman, Aya. Hindi mo pet ang kambing na ’yan para pangalanan mo, at lalong hindi mo kambing ’yan. Tagapag-alaga ka lang. Ibebenta rin ni Mang Eban ’yan!" saway sa akin ng kaibigan ko.Bahagya akong natawa. Tama siya, tagapag-alaga ako. Iyan nga ang magandang tawag sa akin. Imbes na nurse sana, nauwi sa tagapag-alaga ng mga hayop. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, eh di sana nag-veterinarian na lang ako.Dalawang taon na ang lumipas mula noong tumakas ako sa sarili kong mga magulang. Ganoon na katagal, ngunit sariwa pa rin sa alaala ko. Nandito pa rin sa puso ko ang hinanakit sa magulang ko.Pero kahit na ganoon ang ginawa nila, hindi pa rin sila mawaglit sa isipan ko. Magulang ko pa rin kasi sila, kahit hindi ko pa nar
Read more