Beranda / Romance / When Her Eyes Blazed, He Held Her Close / KABANATA 2: Ang Lalaking Hindi Ko Dapat Makilala

Share

KABANATA 2: Ang Lalaking Hindi Ko Dapat Makilala

Penulis: kaekaewr
last update Terakhir Diperbarui: 2026-01-13 17:57:17

Paano nga ba itatama ang lahat pagkatapos ng isang one-night stand, lalo na kung nalaman mong ang lalaking iyon ay propesor pala sa sarili mong paaralan?

Sa mga sandaling ito, ramdam ni Ysa ang matinding kawalan ng pag-asa.

Nang ibaba ng nasasabik na si Trish ang kanyang ulo, nakita niya si Ysa na nakasubsob sa mesa at tila nawalan na ng ganang mabuhay.

"Ysa, anong nangyayari sa’yo? Bakit para kang pinagsakluban ng langit at lupa?"

Kung pwede lang, mas pipiliin na lang ni Ysa na lamunin na lang siya ng lupa.

"Trish," maluha-luhang sabi ni Ysa, "Tapos na ako. I'm Barbie Q."

"Anong problema?" Hindi maintindihan ni Trish ang nangyayari.

Sa sandaling iyon, isang malinaw na boses ang narinig mula sa harap.

"Tahimik."

Ang boses na ito ay tumugma sa boses na narinig niya noong gabing iyon. Si Ysa, na umaasa pa ring nagkataon lang ang lahat, ay tuluyan ng nanlumo.

Talagang siya nga iyon. Kahit na medyo paos ang boses nito noong gabing iyon, hinding-hindi siya magkakamali sa narinig.

Dahil sa kanyang pananahimik, biglang tumahimik ang buong silid-aralan, yung tipong kahit pagbagsak ng karayom ay maririnig mo sa sobrang tahimik.

Ang kaaya-ayang boses ng lalaki ay umalingawngaw sa mikropono hanggang sa bawat sulok ng silid.

"Hayaan ninyong ipakilala ko ang aking sarili. Ako si Elijah Velasco at ako ang magiging propesor niyo sa Anatomy simula ngayong araw."

"Wow!" "Wow!"

Kasunod ng mga salitang iyon ay ang malakas na hiyawan ng mga estudyante.

Sa sandaling ito, malinaw na naramdaman ni Ysa na ang saya at lungkot ng tao ay hindi talaga magkapantay. Lalo na’t si Trish ay sumisigaw sa sobrang tuwa at halos mabingi na ang kanyang tenga.

Sumenyales si Elijah sa harap para patahimikin ang lahat at agad namang sumunod ang klase.

"Simulan na natin ang ating klase at tingnan ang ating paksa ng para sa araw na ito."

May PPT sa entablado. Si Elijah ay parang isang matikas na puno sa gitna ng taglamig, nakatayo nang tuwid, may likas na dignidad at kalmado.

"Ang Anatomy ay pangunahing agham na nag-aaral sa istraktura ng katawan ng tao, sa pamamagitan ng direktang pagtingin, mikroskopyo, at imaging; ang anyo, posisyon, ugnayan, at batas ng pag-unlad ng iba't ibang organo at tisyu ng katawan ng tao..."

Ang mahinahong boses ay narinig sa buong silid, at bawat estudyante sa kolehiyo ay nakikinig nang mas masusi pa kaysa noong nasa senior high school sila.

Maliban kay Ysa.

Para siyang nakalutang sa ere sa buong oras ng klase; wala siyang maintindihan sa itinuturo.

Napansin ni Trish ang kanyang kalagayan at bumulong.

"Utot mo ba 'yan? May almoranas ka ba? Bakit malikot ka?"

Bakit ba ganito kagaslaw magsalita ang taong ito? Sabi niya sa kanyang isip.

Si Ysa na kanina pa nakayuko at hindi man lang makatingin sa harap ay napilitang ituwid ang kanyang upo dahil sa sakit ng likod.

Sino ang mag-aakala na sa sandaling tumingala siya, tila itinadhana na magsalubong ang kanyang paningin at ang mga mata ni Elijah na nasa harap.

Dahil dito nakaramdam ng pagkabahala ang utak ni Ysa.

Kasabay nito, si Elijah na nagtuturo sa harap ay napatigil at tumingin ng diretso sa kanyang direksyon.

"Anong nangyayari?" "May problema ba kay Propesor Elijah?"

Nagkaroon ng bulung-bulongan sa silid-aralan.

Hinila ni Trish ang damit ni Ysa at maingat na nagtanong.

"Bakit parang nakatingin sa’yo si Propesor Elijah?"

Si Ysa ay biglang natauhan, siya ay  nagkunwari at tumingin sa kanyang likuran: "Paano mangyayari 'yon? Baka may tinitingnan siyang nag-iingay sa likod ko."

Ang mga mata ni Elijah ay nagkaroon ng bahagyang pagbabago isang pambihirang pagkakamali sa kanyang kilos ngunit mabilis siyang nakabawi, tumingin sa malayo na parang walang nangyari, at nagpatuloy sa kanyang sinasabi.

Walang nakakaalam na ang mga kasukasuan ng kanyang kamay na humahawak sa laser pointer ay namumuti na sa higpit.

Nakilala kaya niya ako? Hindi naman siguro, 'di ba?

Hindi sigurado siYsa.

Kasabay nito, umaasa siya na sana ay hindi siya matandaan ni Propesor Elijah.

Please, please, Lord.

Nagdaop ng mga kamay si Ysa at nagdasal sa langit, hanggang sa marinig niya ang boses ng propesor sa harapan.

"Kung gayon, hayaan nating ang ikalimang babae na naka-gray na jacket sa kanan, sa ikatlong row mula sa likod ang sumagot sa tanong ko."

Ganoon katumpak ang pagkakalarawan niya, parang katumpakan ng mga numero sa pi pagkatapos ng decimal point.

Nagtataka ang lahat at sabay-sabay na tumingin sa kanya.

Pagtingala niya ulit, sinalubong niya ang malalim na titig ni Propesor Elijah.

Huli na ba para hubarin niya ang kanyang gray na jacket?

Tumayo siya nang parang wala sa sarili.

Si Propesor Elijah, na isang huwarang guro, ay ngumiti ng banayad.

 "Pakisagot ang tanong ko."

Hindi alam ni Ysa kung ano ang tanong kanina pa siya wala sa sarili simula nang magsimula ang klase. Nablangko ang kanyang isip.

 "Ano... ano po ang tanong?"

May mahinang tawanan sa paligid.

Tila naging pasensyoso si Elijah.

 "Ang pinakakaraniwang paraan ng staining para sa paraffin slices, kakasabi ko lang nito ilang minuto ang nakalipas."

Ibinaba ni Ysa ang kanyang tingin at humingi ng tulong kay Trish, pero hindi ito nangahas na magsalita bagkus itinikom lang nito ang bibig na parang gustong sabihin ang sagot sa pamamagitan ng tingin.

Malungkot ang mukha ni Ysa.

"Hindi ko po alam."

Tumingin sa kanya ang propesor ng mahinahon.

"Anong pangalan mo?"

Tapos na, tapos na talaga.

Hinala ni Ysa na ang pagpapasagot sa kanya ay isang pagkukunwari lang at ang pagtatanong sa kanyang pangalan ang tunay na pakay.

Halos masambit niya ang kanyang palayaw pero wala siyang lakas ng loob kaya napilitan siyang sumagot ng "Ysabelle”.

Nagliwanag ang mga mata ni Elijah.

"Ysabelle, tama."

Hindi nangahas siya na tumingin dito at tila namanhid siya.

"Hindi ka nakikinig sa unang klase ko. Pumunta ka sa opisina ko pagkatapos ng klase."

Umiiyak na ang puso ni Ysa sa narinig.

"Opo, Propesor Elijah."

Sa wakas ay nakaupo na rin si Ysa sa bench at sa sandaling ito, pakiramdam niya ay katapusan na niya.

"Ysa, huwag kang matakot. Mukhang mabait naman si Propesor Elijah at siguradong wala siyang gagawing masama sa’yo," bulong ni Trish para pagaanin ang loob niya.

Hindi gumagalaw si Ysa.

Ha? Mabait? Hindi siya mabait sa kama.

"Tsaka, pwede ka ring pumunta sa opisina ni Propesor Elijah para magkaroon ka ng chance na makausap siya ng personal. Swerte mo nga, eh."

Sino ba ang may gusto ng ganitong pagkakataon? Siya, hinding-hindi niya ito gusto.

Sa wakas ay natapos na rin ang nakakasakal na klase at lumabas na ang kanilang propesor.

Biglang nagkaingay sa classroom at pinag-uusapan ng lahat kung gaano kagwapo ang bagong propesor at kung gaano kaganda ang boses nito.

Kung walang nangyari noon, siguradong isa rin si Ysa sa kanila.

Pero ngayon, hindi niya man lang makuha ang ngumiti.

"Trish", seryosong kinuha ni Ysa ang kamay nito.

"Kung may mangyaring masama sa akin, tandaan mong sunugin ang ending ng 'One Piece' para sa akin."

Pagkatapos sabihin iyon, lumingon siya at umalis.

Naguguluhang tiningnan siya ni Trish mula sa likuran.

“Hindi ba’t magkikita lang naman sila ng propesor?” tanong ni Trish sa kanyang sarili.

Bakit parang may pakiramdam na may isang magiting na bayaning pumanaw na?

Bibigyan ka lang naman ng propesor ng ilang sermon, hindi ka naman kakainin niyon.

Sa tapat ng opisina, nakatayo si Ysa dala ang kaba sa kanyang dibdib. Ang kamay na itataas sana para kumatok ay pabalik-balik na ibinababa.

Matapos itong ulit-ulitin nang ilang beses, nagpasya na siya.

Kahit ano pa ang mangyari, haharapin niya ito. "Buhay man o patay, maaga ring isisilang muli," sabi niya sa sarili. Isa pa, hangga't hindi siya umaamin wala namang ebidensya si Elijah na siya nga ang babae noong gabing iyon.

Huminga siya nang malalim at kumatok sa pinto.

Maya-maya, narinig ang malambing na boses ng propesor mula sa loob.

"Pasok."

Nang itulak niya ang pinto, hindi na makontrol ang bilis ng tibok ng kanyang puso.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • When Her Eyes Blazed, He Held Her Close   KABANATA 82: Distansyang Halos Wala Na

    Hindi inaasahan ni Ysa na ang mga kaswal niyang salita, na para bang itinapon lamang sa hangin ay sasagutin ni Elijah nang ganoon kaseryoso.Sa mundo, maraming tao ang sanay tumingin sa iba na parang manonood lamang. Nakatingin sa entablado, pumapalakpak sa galing ng iba, ngunit hindi nakikita ang sariling liwanag. Madalas, mas malinaw pa sa kanila ang kagandahan ng iba kaysa sa sarili nilang kakayahan. Hindi rin naiiba si Ysa.Hindi niya kailanman naisip na espesyal siya.Para sa kanya, siya ay tahimik. Minsan, tinatawag na suplada. Madalas ay nakayuko sa libro. Wala halos alam kundi magbasa, magsulat, at manahimik.Noong panahong pinili ni Sebastian si Bianca, may parte sa puso niyang nagtanong.“May kulang ba sa akin?”“Mas maganda ba si Bianca? Mas mabait? Mas kaaya-aya?”Nang mga panahong iyon, kahit si Trish ay minsang nagsabi nang pabiro, “Ysa, you should at least try to smile more. You look too unapproachable.”At si Bianca, sa isang pagkakataon, ay tila nagbulong sa hangin, “

  • When Her Eyes Blazed, He Held Her Close   KABANATA 81: Matang Hindi Mapanghusga

    Sa sala na nababalutan ng malambot na dilaw na liwanag, nakahiga pa rin si Ysa sa ibabaw ng carpet. Nakatingin siya sa kisame, ngunit tila wala naman talaga siyang nakikita. Parang hindi pa siya lubos na nakakabalik sa sarili matapos ang sunod-sunod na halik ni Elijah.Ang hangin sa paligid ay tila mas mainit kaysa kanina. O baka siya lamang ang mainit. Ang mukha, ang leeg, pati ang dulo ng mga tainga.Mula sa kusina, lumabas ang isang matangkad na pigura. May hawak itong baso ng tubig at dahan-dahang naglakad palapit sa kanya.Sa ilalim ng ilaw, mas luminaw ang anyo ni Ysa. Makinis ang balat na tila perlas, maliit ang ilong, at ang malalambot na labi ay bahagyang makintab. Mapula pa ang paligid ng mga ito, parang pinintahan ng marahang kulay-rosas.Alam ni Elijah kung bakit.Siya ang may gawa niyon.Palagi siyang kalmado. Palaging kontrolado. Ngunit kanina, para bang may pumutol sa huling hibla ng pagpipigil niya. Ilang beses niya itong hinalikan, marahan sa simula, halos nagtatanong

  • When Her Eyes Blazed, He Held Her Close   KABANATA 80: Pag-amin

    Sa isang malinaw at maayos na tono, agad niyang ibinaba ang tawag matapos magsalita.Namanhid ang anit ni Ysa.Napaka-kilala ng boses ni Elijah. Kahit sino na minsang nakarinig nito ay tiyak na makikilala iyon. Malalim, kalmado, at may likas na awtoridad. Hindi ba’t sa simpleng pagsagot pa lamang niya sa telepono ay para na rin nilang ibinunyag ang relasyon nila?Sa kabilang linya, tulala si Sebastian habang nakatitig sa screen ng kanyang telepono. Parang hindi pa siya nakakausad mula sa sandaling iyon.“Did I just hear… Professor Elijah?” bulong niya sa sarili, halos hindi makapaniwala.Magulo ang isip niya.Samantala, hindi pinansin ni Elijah ang gulat sa mukha ni Ysa. Kalmado niyang isinilent ang cellphone at inilapag iyon sa mesa, parang walang anumang kakaibang nangyari.Sa mga susunod na sandali, ayaw na niyang may manggambala pa.Pagkatapos ay muli niyang itinuon ang tingin kay Ysa.Nakatitig pa rin ito sa kanya, tila hindi pa lubos na nakakaahon sa nangyari. Namumuo ang damdam

  • When Her Eyes Blazed, He Held Her Close   KABANATA 79: She's Not Available

    Napansin ni Ysa na tila may kakaiba kay Elijah habang kumakain sila.Sa unang tingin, maayos naman ito. Tuwid ang upo, tahimik, at gaya ng dati ay kontrolado ang bawat kilos. Ngunit habang tumatagal, may bahagyang pagbabago sa anyo nito na hindi niya maipaliwanag.Ang dati nitong maputing balat, malamig at halos tila marmol ay bahagyang namumula ngayon. Para itong puting bato na tinamaan ng manipis na liwanag, may nakatagong init sa ilalim ng makinis na ibabaw. Ang mga tainga nito ay may mapusyaw na kulay rosas, at maging ang gilid ng leeg ay tila may apoy na gumagapang pataas.Ilang ulit siyang napatingin dito.Sa huli, hindi na niya napigilan ang sarili.“Professor Elijah… ayos ka lang ba?”Kalmado ang mukha ni Elijah nang tumingala ito. Ngunit nang magsalita, may kakaibang gaspang ang boses, bahagyang paos, mas mababa kaysa karaniwan.“Ayos lang.”Hindi siya nakumbinsi.May kung anong hindi maipaliwanag na kaba ang umakyat sa dibdib niya. Kusang umangat ang kamay niya upang dampian

  • When Her Eyes Blazed, He Held Her Close   KABANATA 78: Unaware

    Halos mamula nang todo ang mukha ni Ysa, na para bang bulkan na kahit ano mag oras ay handa nang pumutok.“Hindi ganong klaseng tao si Professor Elijah,” depensa niya. Mahina ang boses, ngunit mariin ang paninindigan. Para niya iyong ipinagtatanggol hindi lamang sa kaibigan kundi pati sa sarili.Umiling si Trish, sabay taas ng kilay at pag-krus ng mga braso.“No, no, no, Ysa,” sabi niya, tila eksperto sa paksa. “You don’t understand men. Kahit gentleman si Professor Elijah, he still has desires. Tao lang din siya. Otherwise, paano nagkaroon ng baby sa tiyan mo? You two are one in mind.”“……”Parang biglang lumamig ang hangin sa paligid ni Ysa.Kinabahan siya, hindi dahil sa sinabi ng kaibigan, kundi dahil sa alaala na kusang sumingit sa isip niya.Ilang buwan na ang lumipas.Ngunit malinaw pa rin sa kanya ang unang gabing nagtagpo sila ni Elijah.Ibang-iba ito noon. Hindi ito ang mahinahon, kontrolado, at laging may malinaw na lohika sa bawat salita. Noong gabing iyon, mabigat ang tin

  • When Her Eyes Blazed, He Held Her Close   KABANATA 76: Lamig na Iniiwasan

    “Anong problema?”Bahagyang gulat ang tinig ni Ysa habang nakatingin kay Professor Elijah na nakatayo sa harapan niya.Sa ilalim ng puting ilaw ng kisame, mas lalong luminaw ang hubog ng kanyang mukha. Ngunit ang mga mata nitong karaniwang banayad at kalmado ay tila mas maitim ngayon, mas malalim. May kung anong hindi mabasa roon, isang bagay na hindi niya maipaliwanag ngunit malinaw na may ibig sabihin.Bago pa tuluyang maunawaan ni Ysa ang titig na iyon, nagsalita na si Elijah.“Sa palagay ko,” mahinahon niyang wika, “hindi mahalaga kung maayos man o hindi ang heater sa silid na ito.”Bahagyang nakataas ang manggas ng kanyang kaliwang braso, at sa ilalim ng liwanag ay kitang-kita ang maputi at makinis niyang pulso. Ang mahahaba at maayos niyang mga daliri ay hawak ang remote control na kanina lamang ay nasa kamay ni Ysa.Napakurap ang dalaga.“Kung sabay-sabay nating bubuksan ang heater sa iba’t ibang silid,” dugtong niya, “tataas ang bayarin sa kuryente. Kapag ipinanganak ang anak

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status