Chapter: KABANATA 150: A Mother's Love"Nasabi mo na ba ito sa asawa mo?"Bahagyang natahimik si Elijah sa kabilang linya. Hindi agad siya sumagot, tila maingat na pinipili ang mga salitang bibitawan."Hindi pa," mahina niyang tugon pagkaraan ng ilang segundo. "Sasabihin ko sa kanya kapag may sagot na ako mula sa'yo. Just in case..."Hindi na niya kinailangang tapusin ang pangungusap.Matagal na silang magkaibigan ni Andrew upang hindi nito maintindihan ang ibig niyang sabihin."Sige," sagot ni Andrew. "I'll try my best."Napapikit sandali si Elijah."Thank you.""No problem."Natapos ang tawag, ngunit hindi agad ibinaba ni Elijah ang telepono. Saglit siyang tumayo roon, nakatanaw sa malayo, bago dahan-dahang ibinalik ang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon.Mula sa kinauupuan niya, tahimik siyang pinagmamasdan ni Ysa.Hindi niya narinig ang laman ng pag-uusap dahil sadyang lumayo si Elijah bago sumagot sa tawag. Gayunpaman, ilang ulit niyang nahuling napapatingin ito sa kanya habang may kausap.At iyon ang dahilan kung
최신 업데이트: 2026-05-31
Chapter: KABANATA 149: HopeHindi alam ni Ysa na maraming bagay na pala ang naasikaso ni Elijah habang siya ay walang malay. Sa kabila ng katahimikan ng ospital, sa likod ng mga puting dingding at tuloy-tuloy na tunog ng mga makina, tila maraming mundo ang gumalaw nang hindi niya namamalayan.Parang naiintindihan ni Elijah ang iniisip niya, kaya ipinaliwanag nito, “Ang mga magulang ko ang humawak ng lahat ng ito. Noong panahong iyon, wala na akong lakas para asikasuhin pa ang iba.”Sa simpleng paliwanag na iyon, ramdam ang bigat ng mga araw na lumipas na hindi niya nasubaybayan. Si Elijah na laging mukhang kalmado, ngayon ay tila may mga gabing hindi natutulog, mga desisyong kailangang harapin nang mag-isa.Nagliwanag ang mga mata ni Ysa. Nakaupo siya sa kama, bahagyang yumuko pasulong at niyakap si Elijah. Parang sa yakap na iyon niya hinahanap ang seguridad na hindi niya maipaliwanag nang direkta.Hinaplos ni Elijah ang kanyang likod, dahan-dahan, parang sinasabing nariyan lang siya.“Ang pamilya ni Amarah ay
최신 업데이트: 2026-05-24
Chapter: KABANATA 148: Baby's HerePakiramdam ni Ysa ay muli na naman siyang nahulog sa isang mahabang panaginip.Ngunit hindi ito tulad noong huling beses na napanaginipan niya ang pagkawala ng kanyang lola.Sa pagkakataong ito, nakatayo siya sa gitna ng makapal na hamog. Isang walang katapusang kaputian na tila nilamon ang buong mundo. Walang langit. Walang lupa. Walang ibang tao.At sa gitna ng nakakabinging katahimikan, iisang tunog lamang ang malinaw niyang naririnig.Ang iyak ng isang sanggol.Mahina.Malayo.Ngunit sapat para durugin ang kanyang puso.Tulala siyang tumayo roon habang umiikot ang kanyang paningin sa kawalan. Unti-unting lumalayo ang tunog ng pag-iyak hanggang sa biglang sumikip ang kanyang dibdib sa matinding takot.“Baby…”Paos ang kanyang tinig.“Baby…”Nanginig ang kanyang katawan bago siya nagsimulang tumakbo sa direksyon ng iyak. Habang tumatakbo siya ay lalo lamang lumalayo ang tunog, na para bang may kung anong pilit inaagaw ang kanyang anak mula sa kanya.“Please… don’t take my baby away…
최신 업데이트: 2026-05-21
Chapter: KABANATA 147: The Last FallNagsimula ang matinding gulo nang may isang hindi kilalang account ang nag-post ng isang mitsa ng iskandalo sa forum ng unibersidad. Mabilis na kumalat ang larawang iyon na kuha sa loob ng madilim na laboratoryo, kung saan malinaw na makikita sina Amarah at Professor Villalobos. Sa mismong ibabaw ng lab table, nakapatong ang katawan ng propesor habang marahas nitong pinipigilan at tila ginigipit ang dalaga. Bagamat may suot silang mga damit at walang hubad na balat na makikita, sapat na ang mapangahas at kahina-hinalang posisyon nilang iyon para mag-isip ng malisya ang sinumang makakakita.Agad na dinaluyong ng sunod-sunod na komento ang thread, puno ng panghuhusga at pambabatikos mula sa mga estudyante.“Grabe, ang tindi nito!”“Uso na ba ngayon ang ganitong gawain ng mga propesor sa mga estudyante nila?”“Sino ba ang babaeng ‘yan? Ngayon ko lang siya nakita rito. Hindi naman siya maganda, tapos ang baduy at ang tacky pa ng salamin niya.”“Modus ba naman ito ng mga may asawa na para
최신 업데이트: 2026-05-20
Chapter: KABANATA 146: BosesSa gabing iyon, mahina ngunit malinaw na kumatok si Amarah sa pinto ng opisina ni Elijah. Tahimik ang pasilyo ng gusali; tanging ang mahinang ugong ng ilaw at ang tunog ng kanyang sariling paghinga ang kanyang naririnig.Nang bumukas ang pinto, bumungad agad sa kanya ang kalmadong mukha ni Elijah.“Professor Velasco…” kinakabahang bati ni Amarah.Mahigpit niyang hinawakan ang laylayan ng kanyang damit. Halatang nag-aalangan siya, na para bang may kung anong mabigat na desisyon na pinipilit niyang panindigan. Saglit siyang sumilip sa likod ng balikat ni Elijah.Naroon si Ysa.Bahagyang tumango si Amarah sa kanya bilang pagbati.“Come in,” mahinahong sabi ni Elijah habang bahagyang tumabi upang magbigay-daan.May likas na kapayapaan sa kanyang tinig, isang uri ng kalmadong awtoridad na nakapagpapagaan ng loob ng sinumang kausap niya.Dahan-dahang pumasok si Amarah sa loob ng opisina.“Amarah, maupo ka,” dagdag ni Elijah.Agad na lumapit si Ysa. Walang pag-aalinlangang hinawakan niya ang
최신 업데이트: 2026-05-18
Chapter: KABANATA 145: Dapat Noon PaBahagyang nanginig ang mga labi ni Amarah, at mula roon ay marahang kumawala ang mga pigil na hikbi. Para bang matagal nang kinikimkim ang sakit na iyon sa loob ng kanyang dibdib, at ngayon lamang ito nagkaroon ng pagkakataong makawala.Lumapit si Ysa sa kanya.Hindi siya nagmamadali. Hindi rin siya nagsalita agad.Dahan-dahan niyang tinanggal ang salamin ni Amarah, saka kumuha ng tissue mula sa kanyang bag. Maingat niyang pinunasan ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa pisngi ng dalaga, parang inaalo ang isang batang matagal nang nasaktan ng mundo.Sa sandaling iyon, may kung anong kumurot sa puso ni Ysa.Para niyang nakita sa harapan niya ang dati niyang sarili.Isang batang babae na tila naliligaw sa gitna ng makapal na ulap—hindi makita ang daan, hindi alam kung saan patungo, at hindi rin alam kung sino ang dapat lapitan.Hindi naman sa ayaw nitong magbago.Sadyang hindi lang nito makita ang direksyon.“Amarah,” marahang sabi ni Ysa, ang boses ay kalmado ngunit puno ng pag-unawa.
최신 업데이트: 2026-05-17