Home / Romance / When Her Eyes Blazed, He Held Her Close / KABANATA 3: Nahuli sa Isang Nunal

Share

KABANATA 3: Nahuli sa Isang Nunal

Author: kaekaewr
last update Last Updated: 2026-01-13 18:03:46

Nakaupo si Propesor Elijah sa may tapat ng bintana. Saktong-sakto ang hubog ng kanyang mukha, malamig pero may lambot ang kanyang singkit na mga mata na sadyang nakakaakit. Mapapansin din ang matangos nitong ilong na nagpadagdag sa kanyang kisig. Sa sandaling iyon, tila ba pati ang sikat ng araw sa labas ay mas pinapaboran siya.

Napasinghap si Ysa ng makita siya.

“Ang gwapo!”

Pero agad niyang naisip na hindi ito ang oras para pagpantasyahan ang propesor. Muling bumilis ang tibok ng kanyang puso at kinakabahang nagsalita, “Professor Elijah...”

Napayuko siya na tila mayroon siyang nagawang kasalanan pero ang totoo ay sinusubukan lang niyang itago ang kanyang pagkakonsensiya.

Kumpara sa kabang nararamdaman ni Ysa, mukhang mas kalmado ang propesor na para bang may mahalaga itong sasabihin. Itinuro niya ang upuan sa harap niya.

“Maupo ka.”

Hindi nangahas na maupo si Ysa at pilit na ngumiti.

“Hindi na po Propesor Elijah, tatayo na lang ako.”

Tumayo na rin ang propesor. Mas matangkad siya kay Ysa kaya kailangan pa siyang tingalain ng dalaga.

“Sabihin mo sa akin, bakit wala ka sa sarili kanina sa klase?”

Normal lang ang tono ng propesor na tila ba nag-aalala lang talaga siya kung bakit hindi nakikinig ang estudyante.

Hindi naglakas-loob si Ysa na sabihin ang tunay na dahilan. Matagal bago siya nakasagot dahil sa kaba.

“Kasi po... hindi po ako nakatulog nang maayos kagabi.”

Pagkatapos ay humingi siya ng paumanhin, “Pasensya na po Propesor Elijah, hindi na po mauulit.”

Hindi sigurado ang propesor kung maniniwala siya sa rason ni Ysa, kaya dumiretso na lang siya sa lagayan ng tsaa. Dahan-dahan siyang nagbukas ng isang plastic ng tsaa at sinalinan ito ng tubig.

Kalmado ang bawat galaw niya. Mahaba ang kanyang mga daliri at napaka-elegante ng kanyang tindig. Habang umaakyat ang usok mula sa mainit na tsaa, ang buong senaryo ay sadyang nakakaakit sa paningin.

“Kakarating ko lang galing abroad, kaya hindi pa ako masyadong pamilyar sa paraan ng pagtuturo dito. Kung boring ba akong magturo, sana ay sabihin mo agad sa akin.”

“Diyos ko, napakahumble naman ng propesor na ito!” bulong ni Ysa sa sarili. Ang ganito kagwapo at kabait na propesor ay "nalapastangan" lang niya. Pakiramdam ni Ysa ay hindi siya makatao dahil sa ginawa niya.

“Hindi po, hindi po! Napakahusay niyo pong magturo, Propesor Elijah,” mabilis na sagot niya.

Kahit hindi siya nakikinig nang maayos kanina, base sa reaksyon ng mga kaklase niya pagkatapos ng klase, mukhang magaling nga itong magturo.

Bahagyang ngumiti si Elijah.

“Mabuti naman kung ganoon.”

Pagkatapos, iniabot niya kay Ysa ang tsaa na tinimpla niya.

Kitang-kita ang hubog ng kanyang mga kamao, at ang kanyang mga kuko ay maayos ang pagkakagupit—malinis at bilugan.

“Ang ibang guro ay nagbibigay nito, dapat ay mahilig uminom nito ang mga bata.”

Sabi niya, "bata" raw siya.

Uminit ang mukha ni Ysa. Iniunat niya ang kanyang kamay para tanggapin ito.

“Salamat po, Professor Elijah.”

Bahagyang mainit ang tasa ng tsaa pero hindi naman nakakapaso. Kasabay ng pag-akyat ng usok ay ang bango nito na pumasok sa kanyang ilong.

Mula nang pumasok siya sa pinto, tensyonado at alerto ang pakiramdam ni Ysa. Pero dahil hindi binanggit ng propesor ang nangyari noong gabing iyon at nakipag-usap lang ito sa kanya ng normal ay tila gumaan ang pakiramdam niya dahil sa bango ng tsaa.

Marahan siyang humigop ng tsa at agad na kumalat ang tamis nito sa kanyang bibig.

Sa sandaling iyon, biglang bumulong sa kanyang tenga ang propesor.

“Ikaw iyong noong gabing iyon, 'di ba?”

Ang mga salitang ito ay parang isang malakas na kulog. Biglang napaangat ang ulo ni Ysa at nagtama ang kanilang paningin.

Tila may kakaibang kapangyarihan ang mga mata ni Elijah na kayang basahin ang lahat.

Kinausap lang pala siya nito at ipinagtimpla ng tsaa para pakalmahin siya at mawala ang kanyang kabang nararamdaman.

“Ahem...”

Halos mabulunan si Ysa sa tsaang iniinom niya.

Parang handa naman ang propesor at maingat siyang inabutan ng tissue.

Mabilis na kinuha ni Ysa ang tissue para punasan ang kanyang bibig. Nang kumalma nang kaunti, agad siyang tumanggi.

“Hindi po... hindi po ako 'yun.”

Nanikit ang mga mata ng propesor at ngumiti.

“Wala pa akong sinasabi tungkol sa gabing iyon at wala pa din akong kahit anong binabanggit.”

Alam ni Ysa na aksidente na siyang nabisto. Agad siyang nag-panic at ang tsaa sa kamay niya ay tila nawalan na ng bango.

“Propesor Elijah, hindi ko po alam ang sinasabi niyo. Pero sigurado po akong hindi ako 'yun, kaya itinatanggi ko po.”

Hindi nagbago ang ekspresyon ng propesor, pero bigla niyang iniunat ang kanyang kamay patungo sa dalaga.

Hinawakan ng kanyang mahahabang daliri ang pulso ni Ysa. Sa oras na magkadikit ang kanilang balat, nanginig ang kamay nito at tila ba napaso.

“Ano ang gagawin niya?” tanong niya sa kanyang sarili.

Parang aakyat sa lalamunan ang puso ni Ysa sa kaba.

“Natatandaan ko noong gabing iyon, may nunal ka sa iyong palad.”

Pagkatapos magsalita ng propesor, agad niyang inalis ang kanyang palad.

Sa gitna ng manipis na palad nito, naroon nga ang isang nunal.

Huli na siya sa akto.

Tumingin si Elijah sa kanya at nagtanong.

“Anong masasabi mo?”

Biglang naramdaman ni Ysa na wala na siyang maitatago pa.

Sa totoo lang, pwede pa siyang magkunwari at itanggi ito dahil hindi lang naman siya ang may nunal sa palad. Pero napakalakas ng aura ng propesor. Bilang guro, may natural itong kapangyarihan na nakakapanghina ng loob ng isang estudyante.

At kahit gaano pa niya ito itanggi, desidido na si Elijah na siya nga iyon.

Bigla na lang nagtubig ang kanyang mga mata, at nagsasalita siya habang naiiyak, “Propesor Elijah, mali po ako... mali po ako. Hindi ko na po uulitin ang makipagtalik sa taong hindi ko kilala. Pwede po bang magkunwari na lang tayo na hindi ito nangyari? Hindi ko na po uulitin, promise po iyon.”

Pakiramdam ni Ysa ay gumuho ang mundo niya. Bago pa man bumagsak ang kanyang mga luha, tumalikod na siya at mabilis na nagtatakbo palabas ng opisina.

Isang malakas na “Bang!” ang narinig mula sa pagsasara ng pinto at naiwang tulala ang propesor.

Wala pa naman siyang sinasabi, pero bakit ito tumakbo?

Pumunta lang naman siya para pag-usapan kung paano aayusin ang sitwasyon. Tutal, ito rin ang unang pagkakataon na nakaranas siya ng ganitong bagay.

May allergy siya sa alak kaya kadalasan ay hindi siya umiinom. Noong gabing iyon, may celebration ang kaibigan niya para sa pagdating niya. Aksidente niyang nainom ang maling baso na may alak pala. Hindi nagtagal ay nilagnat ang buong katawan niya. Gusto lang sana niyang pumunta sa banyo para maghilamos at mahimasmasan pero hindi niya inaasahan na may isang babaeng bigla na lang babagsak sa kanyang mga bisig habang basa ang mga mata.

Nagawa ni Elijah ang pinakamalaking pagkakamali sa buhay niya dahil sa alak. Nawalan siya ng kontrol at nakasama ang isang estrangherong babae. Nang magising siya kinabukasan, wala na ang babae sa tabi ng kama.

Sinubukan niya itong hanapin. Ang bahid ng dugo sa sapin ng kama ay palaging nasa isip niya. Mukhang mas bata sa kanya ang babae kaya kailangan niyang maging responsable at ayusin ang nangyari kahit ano pa man.

Pero hindi niya inaasahan na ang babaeng iyon ay ang sarili niyang estudyante.

Ang impormasyong ito ay sadyang nakakagulantang. Ngayon, mas mukhang kabado at takot pa ang dalaga kaysa sa kanya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • When Her Eyes Blazed, He Held Her Close   KABANATA 7: Unang Hakbang

    Iniunat ni Elijah ang kamay at kinuha iyon. Nang mabasa niya ang mga salitang “early pregnancy in the uterus”, bahagyang naningkit ang kanyang mga mata.Maingat na minamasdan ni Ysa ang kanyang reaksiyon. Nang mapansin niyang matagal lang itong nakatitig sa papel at hindi nagsasalita, bigla siyang kinabahan at dali-daling nagpaliwanag.“Professor Elijah, ang batang ito ay sa inyo. Kayo lang po ang lalaking naka-relasyon ko.”Pagkasabi niya nito, hindi niya napigilang mamula ang kanyang mukha.Sa wakas, inalis ng propesor ang tingin mula sa papel at tumingin sa kanya.Kaya pala mula pa sa simula ay halatang kabado siya.Isang dalawampu’t isang taong gulang pa lamang siyang estudyante sa kolehiyo, walang karanasan sa buhay. Natural lang na mataranta at matakot siya nang malaman niyang buntis siya.Tahimik na minura ni Professor Elijah ang sarili. Isa akong hayop. Isang sandaling pagkawala ng kontrol, at nasira niya ang buhay ng isang inosenteng dalaga.Ipinatong niya ang resulta ng pags

  • When Her Eyes Blazed, He Held Her Close   KABANATA 6: Baka Sakali

    Tumabi si Ysa sa gilid ng sala, bahagyang napanganga, parang may gustong sabihin ngunit walang lakas ng loob na bigkasin. Sa huli, mahina niyang tinawag ang lalaking nakatayo sa gitna ng silid.“Papa…”Sumulyap si Tay Karding sa kanya, isang mabilis at malamig na tingin. Bago naglibot ang mga mata nito sa buong bahay, waring may hinahanap na kulang sa tanawin.“Nasaan ang kapatid mo?” tanong nito, bahagyang kunot ang noo. “Hindi pa ba umuuwi?” dagdag pa niya.Bubuka pa lamang ang bibig ni Ysa upang sabihing hindi niya alam nang maunahan siya ni Nay Stella. Abala ito sa pag-aayos ng mga ulam, ngunit ramdam sa tinig ang pagtatanggol.“Kakatawag ko lang,” sabi nito. “Nagba-basketball pa raw siya kasama ang mga kaklase niya. Katatapos lang at pauwi na.”Isang mapait na ngisi ang sumilay sa labi ng ama.“Basketball nang basketball. Hindi naman nagbabasa nang maayos. Walang patutunguhan ang buhay ng batang iyan” pagalit na sabi nito.Biglang tumigil ang kilos ni Nay Stella. Humarap ito sa a

  • When Her Eyes Blazed, He Held Her Close   KABANATA 5: Dalawang Pulang Guhit

    Nagbayad si Ysa sa isang kanyang pagkakamali. Sa sumunod na ilang araw, wala siya sa sarili at para siyang nawalan ng kaluluwa.Hindi pa siya nakapagtatapos ng kolehiyo at alam niyang hinding-hindi niya maaaring ituloy ang pagbubuntis na ito. Ngunit wala siyang lakas ng loob na sabihin sa kanyang mga magulang. Kailangan niya ng pirma ng pamilya para sa operasyon at kailangan din niyang magpahinga pagkatapos nito.Sa unang pagkakataon sa kanyang buhay, nakaramdam siya ng matinding takot at taranta. Maging ang kaibigang si Trish ay napansin na may mali, kaya nag-aalala itong nagtanong."Ysa, anong nangyayari sa iyo?"Namumutla si Ysa at tila laging nakatulala nitong mga nakaraang araw, parang isang ligaw na multo. Mahina siyang umiling."Ayos lang ako.""Ayos lang? Sabihin mo sa akin kung may problema, hahanapan natin ng paraan 'yan," sabi dito ni Trish. Nakita nitong balisa ang kaibigan kaya nag-hesitate siyang itanong, "Dahil ba ito sa nangyari kay Sebastian?"Ang isyu kay Sebastian a

  • When Her Eyes Blazed, He Held Her Close   KABANATA 4: Hindi Ako ang Pinili

    Habang pabalik ng silid-aralan, nasalubong ni Ysa si Sebastian kasama ang ilang kaibigan nito. Si Sebastian ay higit na mas matangkad sa kanila at dahil sa kanyang angking kagwapuhan, madali siyang makilala sa isang tingin pa lamang.Naglakad ang grupo sa harap ni Ysa ng hindi man lang napapansin ang kanyang presensya."Uy, Sebastian hindi ka yata pinuntahan ng 'little follower' mo bago magsimula ang klase?""Siguro narinig niyang may girlfriend ka na, kaya broken hearted siya.""Kahit sa klase ni Propesor Elijah kanina ay parang lutang siya at wala sa sarili. Siguro dahil sa harap niya kayo nakaupo ni Bianca, kaya hindi siya komportable, hahaha!"Habang naririnig ito, napagtanto ni Ysa na ang tinutukoy nilang "little follower" ay walang iba kundi siya.Pareho silang nasa top 10 ng kanilang klase. Dahil gusto niya si Sebastian, madalas niya itong puntahan para mag-aral silang dalawa. Hindi niya akalain na sa paningin ng mga kaibigan nito, isa lang pala siyang sunud-sunuran o buntot.B

  • When Her Eyes Blazed, He Held Her Close   KABANATA 3: Nahuli sa Isang Nunal

    Nakaupo si Propesor Elijah sa may tapat ng bintana. Saktong-sakto ang hubog ng kanyang mukha, malamig pero may lambot ang kanyang singkit na mga mata na sadyang nakakaakit. Mapapansin din ang matangos nitong ilong na nagpadagdag sa kanyang kisig. Sa sandaling iyon, tila ba pati ang sikat ng araw sa labas ay mas pinapaboran siya.Napasinghap si Ysa ng makita siya.“Ang gwapo!”Pero agad niyang naisip na hindi ito ang oras para pagpantasyahan ang propesor. Muling bumilis ang tibok ng kanyang puso at kinakabahang nagsalita, “Professor Elijah...”Napayuko siya na tila mayroon siyang nagawang kasalanan pero ang totoo ay sinusubukan lang niyang itago ang kanyang pagkakonsensiya.Kumpara sa kabang nararamdaman ni Ysa, mukhang mas kalmado ang propesor na para bang may mahalaga itong sasabihin. Itinuro niya ang upuan sa harap niya.“Maupo ka.”Hindi nangahas na maupo si Ysa at pilit na ngumiti.“Hindi na po Propesor Elijah, tatayo na lang ako.”Tumayo na rin ang propesor. Mas matangkad siya ka

  • When Her Eyes Blazed, He Held Her Close   KABANATA 2: Ang Lalaking Hindi Ko Dapat Makilala

    Paano nga ba itatama ang lahat pagkatapos ng isang one-night stand, lalo na kung nalaman mong ang lalaking iyon ay propesor pala sa sarili mong paaralan?Sa mga sandaling ito, ramdam ni Ysa ang matinding kawalan ng pag-asa.Nang ibaba ng nasasabik na si Trish ang kanyang ulo, nakita niya si Ysa na nakasubsob sa mesa at tila nawalan na ng ganang mabuhay."Ysa, anong nangyayari sa’yo? Bakit para kang pinagsakluban ng langit at lupa?"Kung pwede lang, mas pipiliin na lang ni Ysa na lamunin na lang siya ng lupa."Trish," maluha-luhang sabi ni Ysa, "Tapos na ako. I'm Barbie Q.""Anong problema?" Hindi maintindihan ni Trish ang nangyayari.Sa sandaling iyon, isang malinaw na boses ang narinig mula sa harap."Tahimik."Ang boses na ito ay tumugma sa boses na narinig niya noong gabing iyon. Si Ysa, na umaasa pa ring nagkataon lang ang lahat, ay tuluyan ng nanlumo.Talagang siya nga iyon. Kahit na medyo paos ang boses nito noong gabing iyon, hinding-hindi siya magkakamali sa narinig.Dahil sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status