Home / Romance / When Her Eyes Blazed, He Held Her Close / KABANATA 4: Hindi Ako ang Pinili

Share

KABANATA 4: Hindi Ako ang Pinili

Author: kaekaewr
last update Last Updated: 2026-01-13 18:06:09

Habang pabalik ng silid-aralan, nasalubong ni Ysa si Sebastian kasama ang ilang kaibigan nito. Si Sebastian ay higit na mas matangkad sa kanila at dahil sa kanyang angking kagwapuhan, madali siyang makilala sa isang tingin pa lamang.

Naglakad ang grupo sa harap ni Ysa ng hindi man lang napapansin ang kanyang presensya.

"Uy, Sebastian hindi ka yata pinuntahan ng 'little follower' mo bago magsimula ang klase?"

"Siguro narinig niyang may girlfriend ka na, kaya broken hearted siya."

"Kahit sa klase ni Propesor Elijah kanina ay parang lutang siya at wala sa sarili. Siguro dahil sa harap niya kayo nakaupo ni Bianca, kaya hindi siya komportable, hahaha!"

Habang naririnig ito, napagtanto ni Ysa na ang tinutukoy nilang "little follower" ay walang iba kundi siya.

Pareho silang nasa top 10 ng kanilang klase. Dahil gusto niya si Sebastian, madalas niya itong puntahan para mag-aral silang dalawa. Hindi niya akalain na sa paningin ng mga kaibigan nito, isa lang pala siyang sunud-sunuran o buntot.

Biglang nakaramdam ng pait si Ysa.

Ang pakikitungo ng mga kaibigan ni Sebastian ay repleksyon ng sarili nitong saloobin. Naisip niya baka ganoon din ang tingin nito sa kanya.

Pero tuwing inaanyayahan niya ito, hindi naman tumatanggi ang lalaki. Masaya pa nga silang nag-uusap kapag sila ay nag-aaral tungkol sa mga aralin nila. Dahil dito, nagkaroon ng ilusyon si Ysa na may pag-asa siya.

Sa pagkakataong ito, narinig niyang nagsalita si Sebastian.

"Sa susunod, huwag niyo na siyang babanggitin sa harap ni Bianca, baka magtampo na naman siya."

"Alam ko, alam ko," sagot ng kaibigan niya.

"Ngayong si Bianca na ang tunay mong girlfriend."

"Kung ako ang tatanungin, napakaswerte mo. May maganda kang girlfriend na gaya ni Bianca tapos may tagahanga ka pang gaya ni Ysa. Pwede mo naman silang tanggapin pareho."

"Tumigil ka nga, huwag kang magsalita ng kung anu-ano. Kaibigan lang ang tingin ko kay Ysa."

"Kaibigan lang ang tingin mo sa kanya, pero siya, gusto kang maging boyfriend."

"Hoy, sa tingin niyo ba gusto pa rin ni Ysa si Sebastian? Mula sa lantad na paghanga baka naging secret love na lang 'yan habang naghihintay na mag-break kayo."

"Paano kung hindi sila mag-break ni Sebastian?"

"Kung hindi sila mag-break, eh 'di sayang ang buhay niya sa kakahintay. Hinding-hindi siya makakapag-asawa, hahahaha!"

"Akala mo naman nasa TV series tayo."

"O, pustahan tayo, ilang taon mananatiling single si Ysa para kay Sebastian?"

"Isang taon? Dalawang taon? Limang taon?"

Sumingit naman ang lalaki sa kanilang usapan.

"Sige na, tama na yan at huwag na kayong gumawa ng gulo."

Pagkasabi niyon, bahagyang umangat ang gilid ng kanyang labi at bakas sa mukha ang pagiging proud. Para sa kanila, isang karangalan ang magkaroon ng babaeng handang maging single ng maraming taon para sa isang lalaki.

Unti-unting lumayo ang kanilang mga anino. Si Ysa, na nakatayo lang sa kanyang pwesto ay hindi namalayang nakakuyom na pala ang kanyang mga kamao.

Hindi na masamang malaman ang tunay na kulay ng isang tao sa ganitong paraan.

Buong araw na balisa si Ysa. Una, dahil nalaman niyang ang lalaking nakatalik niya ay isang propesor sa paaralan at pangalawa, dahil sa tuluyang pagkadurog ng nararamdaman niya matapos marinig ang usapan ni Sebastian at ng mga kaibigan nito.

Pagkatapos ng klase, nakiusap siya kay Trish na dalhin na ang kanyang mga libro sa dormitoryo dahil kailangan na niyang pumasok sa trabaho sa isang milk tea shop.

"Mula nung nag-college tayo, araw-araw ka na lang nagtatrabaho. Hindi ka na nakakapag-aral sa gabi, pero nasa top 10 ka pa rin ng klase. Hangang-hanga talaga ako sa 'yo," sabi ni Trish habang pinapanood siyang mag-impake.

"Wala akong magagawa, kailangan kong kumita para sa mga gastusin ko."

Maraming taon ng magkaibigan ang dalawa, kaya alam ni Trish ang sitwasyon ng pamilya niYsa.

"Ang mga magulang mo talaga... napakabuti ng anak nila pero parang wala silang pakialam, samantalang 'yung kapatid mong lalaki ay parang putik na hindi maiahon sa hirap."

Matapos itong sabihin, naramdaman ni Trish na parang pinapagalitan niya ang pamilya nito, kaya agad siyang bumawi.

"Pasensya na Ysa, mabilis lang talaga akong magsalita."

Ngumiti si ito sa kanya.

"Ayos lang, alam kong para sa kabutihan ko ang sinasabi mo. Paubos na ang oras ko, mauuna na ako."

Pagkasabi niyon, lumabas na siya ng gate ng paaralan bitbit ang kanyang backpack.

Mahigit isang taon na siyang naglalakad mula sa gate hanggang sa milk tea shop. Ginagamit niya ang oras ng gabi na dapat sana ay para sa pag-aaral para magtrabaho. At kapag ang lahat ay mahimbing na ang tulog, ang maliit na ilaw sa kanyang kama ay nananatiling bukas hanggang hatinggabi.

Sabi ng iba, napakadali lang para sa kanya ang makakuha ng scholarship pero siya lang ang nakakaalam kung gaano kahirap ang pinagdaanan niya.

Pagdating sa milk tea shop, nagpalit agad si Ysa ang uniporme at pinalitan ang kanyang kasamahan sa day shift.

Bagama’t part-time lang ito, mahigit isang taon na siya rito kaya itinuturing na siyang parang regular na empleyado. Hindi masyadong abala ang shop kapag gabi, kaya nagpaalam muna siya sa mga kasamahan para pumunta sa banyo.

Nang tumayo siya mula sa pagkakaupo, biglang nag-ikot ang kanyang paningin. Agad siyang kumapit sa pader para alalayan ang sarili habang mabilis na tumitibok ang kanyang puso sa kaba.

Sa isang iglap, may pumasok na nakakatakot na hinala sa isip ni Ysa.

Hindi pa siya dinadatnan ng regla ngayong buwan!!

Imposible, talagang imposible.

Malinaw ang alaala ni Ysa na gumamit ng condom si Elijah noong gabing iyon kung hindi ay hindi siya papayag.

Nasira ba iyon?

Hindi mapakali si Ysa kaya pagkatapos ng trabaho ay pumunta siya sa botika para bumili ng pregnancy test. Hindi siya nangahas na bumili malapit sa paaralan kaya sumakay siya ng taxi papunta sa isang botika na may lima o anim na kilometro ang layo.

Hawak ang pregnancy test, nanginginig ang mga kamay nito. Habang naghihintay ng resulta, nakaupo siya sa banyo, magkadikit ang mga kamay, at taimtim na nagdarasal.

"Diyos ko, sana ay huwag naman."

"Hinding-hindi ko na uulitin, parang awa niyo na, huwag niyo itong gawin sa akin."

"Diyos ko, basbasan niyo po ako... Tulungan niyo po ako..."

Tinawag na ni Ysa ang lahat ng diyos mula Silangan hanggang Kanluran. Bahagyang nakapikit ang kanyang mga mata sa takot na tumingin.

Nang makita niya ang dalawang pulang guhit sa pregnancy test, gumuho ang mundo niya.

Tapos na. Tapos na talaga siya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • When Her Eyes Blazed, He Held Her Close   KABANATA 7: Unang Hakbang

    Iniunat ni Elijah ang kamay at kinuha iyon. Nang mabasa niya ang mga salitang “early pregnancy in the uterus”, bahagyang naningkit ang kanyang mga mata.Maingat na minamasdan ni Ysa ang kanyang reaksiyon. Nang mapansin niyang matagal lang itong nakatitig sa papel at hindi nagsasalita, bigla siyang kinabahan at dali-daling nagpaliwanag.“Professor Elijah, ang batang ito ay sa inyo. Kayo lang po ang lalaking naka-relasyon ko.”Pagkasabi niya nito, hindi niya napigilang mamula ang kanyang mukha.Sa wakas, inalis ng propesor ang tingin mula sa papel at tumingin sa kanya.Kaya pala mula pa sa simula ay halatang kabado siya.Isang dalawampu’t isang taong gulang pa lamang siyang estudyante sa kolehiyo, walang karanasan sa buhay. Natural lang na mataranta at matakot siya nang malaman niyang buntis siya.Tahimik na minura ni Professor Elijah ang sarili. Isa akong hayop. Isang sandaling pagkawala ng kontrol, at nasira niya ang buhay ng isang inosenteng dalaga.Ipinatong niya ang resulta ng pags

  • When Her Eyes Blazed, He Held Her Close   KABANATA 6: Baka Sakali

    Tumabi si Ysa sa gilid ng sala, bahagyang napanganga, parang may gustong sabihin ngunit walang lakas ng loob na bigkasin. Sa huli, mahina niyang tinawag ang lalaking nakatayo sa gitna ng silid.“Papa…”Sumulyap si Tay Karding sa kanya, isang mabilis at malamig na tingin. Bago naglibot ang mga mata nito sa buong bahay, waring may hinahanap na kulang sa tanawin.“Nasaan ang kapatid mo?” tanong nito, bahagyang kunot ang noo. “Hindi pa ba umuuwi?” dagdag pa niya.Bubuka pa lamang ang bibig ni Ysa upang sabihing hindi niya alam nang maunahan siya ni Nay Stella. Abala ito sa pag-aayos ng mga ulam, ngunit ramdam sa tinig ang pagtatanggol.“Kakatawag ko lang,” sabi nito. “Nagba-basketball pa raw siya kasama ang mga kaklase niya. Katatapos lang at pauwi na.”Isang mapait na ngisi ang sumilay sa labi ng ama.“Basketball nang basketball. Hindi naman nagbabasa nang maayos. Walang patutunguhan ang buhay ng batang iyan” pagalit na sabi nito.Biglang tumigil ang kilos ni Nay Stella. Humarap ito sa a

  • When Her Eyes Blazed, He Held Her Close   KABANATA 5: Dalawang Pulang Guhit

    Nagbayad si Ysa sa isang kanyang pagkakamali. Sa sumunod na ilang araw, wala siya sa sarili at para siyang nawalan ng kaluluwa.Hindi pa siya nakapagtatapos ng kolehiyo at alam niyang hinding-hindi niya maaaring ituloy ang pagbubuntis na ito. Ngunit wala siyang lakas ng loob na sabihin sa kanyang mga magulang. Kailangan niya ng pirma ng pamilya para sa operasyon at kailangan din niyang magpahinga pagkatapos nito.Sa unang pagkakataon sa kanyang buhay, nakaramdam siya ng matinding takot at taranta. Maging ang kaibigang si Trish ay napansin na may mali, kaya nag-aalala itong nagtanong."Ysa, anong nangyayari sa iyo?"Namumutla si Ysa at tila laging nakatulala nitong mga nakaraang araw, parang isang ligaw na multo. Mahina siyang umiling."Ayos lang ako.""Ayos lang? Sabihin mo sa akin kung may problema, hahanapan natin ng paraan 'yan," sabi dito ni Trish. Nakita nitong balisa ang kaibigan kaya nag-hesitate siyang itanong, "Dahil ba ito sa nangyari kay Sebastian?"Ang isyu kay Sebastian a

  • When Her Eyes Blazed, He Held Her Close   KABANATA 4: Hindi Ako ang Pinili

    Habang pabalik ng silid-aralan, nasalubong ni Ysa si Sebastian kasama ang ilang kaibigan nito. Si Sebastian ay higit na mas matangkad sa kanila at dahil sa kanyang angking kagwapuhan, madali siyang makilala sa isang tingin pa lamang.Naglakad ang grupo sa harap ni Ysa ng hindi man lang napapansin ang kanyang presensya."Uy, Sebastian hindi ka yata pinuntahan ng 'little follower' mo bago magsimula ang klase?""Siguro narinig niyang may girlfriend ka na, kaya broken hearted siya.""Kahit sa klase ni Propesor Elijah kanina ay parang lutang siya at wala sa sarili. Siguro dahil sa harap niya kayo nakaupo ni Bianca, kaya hindi siya komportable, hahaha!"Habang naririnig ito, napagtanto ni Ysa na ang tinutukoy nilang "little follower" ay walang iba kundi siya.Pareho silang nasa top 10 ng kanilang klase. Dahil gusto niya si Sebastian, madalas niya itong puntahan para mag-aral silang dalawa. Hindi niya akalain na sa paningin ng mga kaibigan nito, isa lang pala siyang sunud-sunuran o buntot.B

  • When Her Eyes Blazed, He Held Her Close   KABANATA 3: Nahuli sa Isang Nunal

    Nakaupo si Propesor Elijah sa may tapat ng bintana. Saktong-sakto ang hubog ng kanyang mukha, malamig pero may lambot ang kanyang singkit na mga mata na sadyang nakakaakit. Mapapansin din ang matangos nitong ilong na nagpadagdag sa kanyang kisig. Sa sandaling iyon, tila ba pati ang sikat ng araw sa labas ay mas pinapaboran siya.Napasinghap si Ysa ng makita siya.“Ang gwapo!”Pero agad niyang naisip na hindi ito ang oras para pagpantasyahan ang propesor. Muling bumilis ang tibok ng kanyang puso at kinakabahang nagsalita, “Professor Elijah...”Napayuko siya na tila mayroon siyang nagawang kasalanan pero ang totoo ay sinusubukan lang niyang itago ang kanyang pagkakonsensiya.Kumpara sa kabang nararamdaman ni Ysa, mukhang mas kalmado ang propesor na para bang may mahalaga itong sasabihin. Itinuro niya ang upuan sa harap niya.“Maupo ka.”Hindi nangahas na maupo si Ysa at pilit na ngumiti.“Hindi na po Propesor Elijah, tatayo na lang ako.”Tumayo na rin ang propesor. Mas matangkad siya ka

  • When Her Eyes Blazed, He Held Her Close   KABANATA 2: Ang Lalaking Hindi Ko Dapat Makilala

    Paano nga ba itatama ang lahat pagkatapos ng isang one-night stand, lalo na kung nalaman mong ang lalaking iyon ay propesor pala sa sarili mong paaralan?Sa mga sandaling ito, ramdam ni Ysa ang matinding kawalan ng pag-asa.Nang ibaba ng nasasabik na si Trish ang kanyang ulo, nakita niya si Ysa na nakasubsob sa mesa at tila nawalan na ng ganang mabuhay."Ysa, anong nangyayari sa’yo? Bakit para kang pinagsakluban ng langit at lupa?"Kung pwede lang, mas pipiliin na lang ni Ysa na lamunin na lang siya ng lupa."Trish," maluha-luhang sabi ni Ysa, "Tapos na ako. I'm Barbie Q.""Anong problema?" Hindi maintindihan ni Trish ang nangyayari.Sa sandaling iyon, isang malinaw na boses ang narinig mula sa harap."Tahimik."Ang boses na ito ay tumugma sa boses na narinig niya noong gabing iyon. Si Ysa, na umaasa pa ring nagkataon lang ang lahat, ay tuluyan ng nanlumo.Talagang siya nga iyon. Kahit na medyo paos ang boses nito noong gabing iyon, hinding-hindi siya magkakamali sa narinig.Dahil sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status