Beranda / Romance / When Her Eyes Blazed, He Held Her Close / KABANATA 5: Dalawang Pulang Guhit

Share

KABANATA 5: Dalawang Pulang Guhit

Penulis: kaekaewr
last update Terakhir Diperbarui: 2026-01-13 18:07:45

Nagbayad si Ysa sa isang kanyang pagkakamali. Sa sumunod na ilang araw, wala siya sa sarili at para siyang nawalan ng kaluluwa.

Hindi pa siya nakapagtatapos ng kolehiyo at alam niyang hinding-hindi niya maaaring ituloy ang pagbubuntis na ito. Ngunit wala siyang lakas ng loob na sabihin sa kanyang mga magulang. Kailangan niya ng pirma ng pamilya para sa operasyon at kailangan din niyang magpahinga pagkatapos nito.

Sa unang pagkakataon sa kanyang buhay, nakaramdam siya ng matinding takot at taranta. Maging ang kaibigang si Trish ay napansin na may mali, kaya nag-aalala itong nagtanong.

"Ysa, anong nangyayari sa iyo?"

Namumutla si Ysa at tila laging nakatulala nitong mga nakaraang araw, parang isang ligaw na multo. Mahina siyang umiling.

"Ayos lang ako."

"Ayos lang? Sabihin mo sa akin kung may problema, hahanapan natin ng paraan 'yan," sabi dito ni Trish. Nakita nitong balisa ang kaibigan kaya nag-hesitate siyang itanong, "Dahil ba ito sa nangyari kay Sebastian?"

Ang isyu kay Sebastian ay wala kay Ysa ngayon. Pero dahil estudyante pa lang din si Trish, alam niya na kung sasabihin niya ang totoo, madadamay lang ito sa kanyang problema.

Pilit siyang ngumiti.

"Talagang ayos lang ako, huwag kang mag-alala."

Dahil hindi naman kumikibo si Ysa, hindi na siya pinilit nito at sinubukan na lang ibahin ang usapan.

"Ang huling klase natin ay anatomy kay Propesor Elijah. Halika na, agahan nating kumuha ng magandang upuan."

Biglang namutla si Ysa sa narinig nito.

"Puwede bang hindi na lang ako pumasok?"

"Hindi maaari! Alam mo namang napakahigpit ni Propesor Elijah . Nagtatawag siya ng pangalan bawat klase. Kahit medyo strikto siya, wala pang nangahas na mag-cutting sa klase niya."

Oo, si Ysa ang unang gustong gumawa noon. Pero wala siyang lakas ng loob. Dalawang taon na siyang hindi lumiliban sa klase at ngayon pa na kilala na siya ng propesor, kung magpapapirma lang siya kay Trish, para na rin niyang isinubo ang sarili sa bibig ng tigre.

Bago magsimula ang klase, dali-dali na silang pumunta sa classroom nila. At kasamaang-palad, nakakuha pa sila ng upuan sa harapan.

"Trish, bakit hindi na lang tayo sa likod? May bakante pa roon," pakiusap ni Ysa.

Dahil sa nangyari sa kanila at sa kanyang pagbubuntis, hindi na niya alam kung paano haharapin si ang propesor .

"Naku, ang ganda na ng pwestong ito!" sagot ni Trish habang umuupo.

"Eto ang magandang pwesto, kitang-kita mo nang malapitan ang kagwapuhan ni Propesor Elijah."

Gusto sana ni Ysa na lumipat sa likod pero nang lumingon siya, occupied na ang mga upuan doon. Wala siyang nagawa kundi ang magtiis at maupo na lang.

Maya-maya pa ay tumunog na ang bell. Bahagyang nagtago si Ysa sa likod ng kanyang kaibigan at sinusubukang magtago.

Tulad ng dati, napakagwapo ni Elijah habang naglalakad papasok ng classroom. Mahahaba ang binti, matangkad at payat. Suot niya ang isang khaki trench coat at ang kanyang mga mata at kilay ay tila iginuhit sa perpeksyon. Kalmado ang kanyang ekspresyon.

Sa pagdating niya, tumahimik ang buong silid.

Unti-unti siyang nagmasid at inilibot ang tingin sa mga estudyante.

"Magsimula na tayo."

Sa pagkakataong ito, hindi na nagpa-distract si Ysa. Itinala niya ang lahat ng mahahalagang punto ng lecture ni Propesor Elijah habang ang kanyang mga mata ay hindi namamalayang sumusunod sa bawat galaw ng lalaki.

Para sa kanya ang propesor sa kanyang harapan ang pinaka-kaakit-akit na taong nakilala niya—kalmado, matalino, at misteryoso. Ang paraan niya ng pagtuturo ay napakahusay; ang mga komplikadong paksa ay nagagawa niyang simple at madaling intindihin. Lahat ay nakatutok sa kanya.

Habang nakikinig nang mabuti si Ysa, biglang tumingin sa gilid ang propesor. Nagtama muli ang kanilang mga mata nang hindi inaasahan.

Biglang nabuhayan ang buong katawan ni Ysa sa kaba at mabilis niyang ibinaba ang kanyang tingin. Naisip niya bigla: Ano kaya ang mararamdaman ng propesor kung malaman niyang buntis ako?

Siya ang ama ng bata. Dapat ba niyang sabihin ito?

Napakagat siya ng kanyang labi dahil sa naiisip nito. Ayaw na niya talagang magkaroon pa ng kinalaman sa lalaking ito.

Sa wakas, nang tumunog ang bell pagkatapos ng klase, pinatay ni Propesor Elijah ang PPT at nagsalita.

"Pagkatapos ng klase, kung may hindi kayo naintindihan ay maaari kayong magtanong sa akin."

"Propesor, ako po!"

"May tanong din po ako!"

Agad na pinalibutan ito ng ilang estudyante. Habang sumasagot sa mga tanong, nasulyapan niya ang isang anino sa unang hanay na mabilis na binitbit ang bag at kumaripas ng takbo palabas—na tila ba may halimaw na humahabol sa kanya.

Dalawang beses na silang nagkita sa campus nitong mga nakaraang araw. Sa tuwing makikita siya nito mula sa malayo, para itong natatarantang ibon na agad na nag-iiba ng landas para lang iwasan siya.

Chineck ni Elijah ang student file nito.

Sa edad na 21, dalawang taon na itong consistent sa attendance, pasok sa top ten ng batch, at palaging iskolar. Sa madaling salita, isa siyang mabuting estudyante sa mata ng mga guro.

Ibinaba ni Elijah ang kanyang tingin at nagpatuloy sa pagsagot sa mga estudyante.

Hindi madalas umuwi si Ysa tuwing weekend pero dahil sa mga huling pangyayari na nagpabalisa sa kanya, naghanap siya ng kapanatagan sa kanilang tahanan. Umuwi siya noong Biyernes ng gabi.

Pagkabukas pa lang ng pinto, sumalubong na sa kanya ang bango ng niluluto. Narinig niya ang boses ng kanyang ina na si Nay Stella mula sa kusina.

"Andyan na ba si Ysa? Sandali lang, tatapusin ko lang itong sinangag."

Ibinaba niya ang kanyang bag at pumunta sa pintuan ng kusina.

"Nay, ako po ito."

Lumingon ang kanyang ina sa kanya habang hawak ang sandok.

"Bakit ka napauwi?"

"Weekend po bukas," sagot ni Ysa.

Kumunot ang noo ng kanyang ina.

"Sabi ko sa iyo, magsabi ka kung uuwi ka para makapagluto ako ng pagkain mo."

"Nagsabi po ako kahapon."

"Talaga?" sagot ng kanyang ina.

"Nakalimutan ko na. Sino ba namang nagsusulat ng ganyan araw-araw? Tutal hindi ka naman laging nandito."

Hindi na sumagot si Ysa.

Naalala niya ang mga magulang ni Trish na sila pa ang tumatawag bago mag-weekend para yayain ang anak na umuwi para maghapunan.

"Ano pang tinatayo-tayo mo dyan? Ilabas mo na itong mga ulam tapos tawagan mo ang tatay mo. Sabihin mong bumili na lang siya ng kanin sa labas," utos ng ina.

"Opo," mabilis na naghugas ng kamay si Ysa at inihanda ang hapag bago tinawagan ang tatay niya.

Maya-maya ay dumating na ang kanyang tatay bitbit ang isang lunch box. Habang naghuhubad ng sapatos, nagrereklamo na ito.

"Hindi kasi nagsasabi kung uuwi. Ang mahal na ng kanin sa labas ngayon. Sa halip na makatipid ay mas lalo lang naging magstos".

"Lahat na lang nagmamahalan, pero ang sahod mo hindi tumataas," aniya ng kanyang ina habang kinukuha ang lunch box.

"Ano ba namang klaseng lunch box ito? Buti malinis ang supot, ilipat mo na lang dito."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • When Her Eyes Blazed, He Held Her Close   KABANATA 82: Distansyang Halos Wala Na

    Hindi inaasahan ni Ysa na ang mga kaswal niyang salita, na para bang itinapon lamang sa hangin ay sasagutin ni Elijah nang ganoon kaseryoso.Sa mundo, maraming tao ang sanay tumingin sa iba na parang manonood lamang. Nakatingin sa entablado, pumapalakpak sa galing ng iba, ngunit hindi nakikita ang sariling liwanag. Madalas, mas malinaw pa sa kanila ang kagandahan ng iba kaysa sa sarili nilang kakayahan. Hindi rin naiiba si Ysa.Hindi niya kailanman naisip na espesyal siya.Para sa kanya, siya ay tahimik. Minsan, tinatawag na suplada. Madalas ay nakayuko sa libro. Wala halos alam kundi magbasa, magsulat, at manahimik.Noong panahong pinili ni Sebastian si Bianca, may parte sa puso niyang nagtanong.“May kulang ba sa akin?”“Mas maganda ba si Bianca? Mas mabait? Mas kaaya-aya?”Nang mga panahong iyon, kahit si Trish ay minsang nagsabi nang pabiro, “Ysa, you should at least try to smile more. You look too unapproachable.”At si Bianca, sa isang pagkakataon, ay tila nagbulong sa hangin, “

  • When Her Eyes Blazed, He Held Her Close   KABANATA 81: Matang Hindi Mapanghusga

    Sa sala na nababalutan ng malambot na dilaw na liwanag, nakahiga pa rin si Ysa sa ibabaw ng carpet. Nakatingin siya sa kisame, ngunit tila wala naman talaga siyang nakikita. Parang hindi pa siya lubos na nakakabalik sa sarili matapos ang sunod-sunod na halik ni Elijah.Ang hangin sa paligid ay tila mas mainit kaysa kanina. O baka siya lamang ang mainit. Ang mukha, ang leeg, pati ang dulo ng mga tainga.Mula sa kusina, lumabas ang isang matangkad na pigura. May hawak itong baso ng tubig at dahan-dahang naglakad palapit sa kanya.Sa ilalim ng ilaw, mas luminaw ang anyo ni Ysa. Makinis ang balat na tila perlas, maliit ang ilong, at ang malalambot na labi ay bahagyang makintab. Mapula pa ang paligid ng mga ito, parang pinintahan ng marahang kulay-rosas.Alam ni Elijah kung bakit.Siya ang may gawa niyon.Palagi siyang kalmado. Palaging kontrolado. Ngunit kanina, para bang may pumutol sa huling hibla ng pagpipigil niya. Ilang beses niya itong hinalikan, marahan sa simula, halos nagtatanong

  • When Her Eyes Blazed, He Held Her Close   KABANATA 80: Pag-amin

    Sa isang malinaw at maayos na tono, agad niyang ibinaba ang tawag matapos magsalita.Namanhid ang anit ni Ysa.Napaka-kilala ng boses ni Elijah. Kahit sino na minsang nakarinig nito ay tiyak na makikilala iyon. Malalim, kalmado, at may likas na awtoridad. Hindi ba’t sa simpleng pagsagot pa lamang niya sa telepono ay para na rin nilang ibinunyag ang relasyon nila?Sa kabilang linya, tulala si Sebastian habang nakatitig sa screen ng kanyang telepono. Parang hindi pa siya nakakausad mula sa sandaling iyon.“Did I just hear… Professor Elijah?” bulong niya sa sarili, halos hindi makapaniwala.Magulo ang isip niya.Samantala, hindi pinansin ni Elijah ang gulat sa mukha ni Ysa. Kalmado niyang isinilent ang cellphone at inilapag iyon sa mesa, parang walang anumang kakaibang nangyari.Sa mga susunod na sandali, ayaw na niyang may manggambala pa.Pagkatapos ay muli niyang itinuon ang tingin kay Ysa.Nakatitig pa rin ito sa kanya, tila hindi pa lubos na nakakaahon sa nangyari. Namumuo ang damdam

  • When Her Eyes Blazed, He Held Her Close   KABANATA 79: She's Not Available

    Napansin ni Ysa na tila may kakaiba kay Elijah habang kumakain sila.Sa unang tingin, maayos naman ito. Tuwid ang upo, tahimik, at gaya ng dati ay kontrolado ang bawat kilos. Ngunit habang tumatagal, may bahagyang pagbabago sa anyo nito na hindi niya maipaliwanag.Ang dati nitong maputing balat, malamig at halos tila marmol ay bahagyang namumula ngayon. Para itong puting bato na tinamaan ng manipis na liwanag, may nakatagong init sa ilalim ng makinis na ibabaw. Ang mga tainga nito ay may mapusyaw na kulay rosas, at maging ang gilid ng leeg ay tila may apoy na gumagapang pataas.Ilang ulit siyang napatingin dito.Sa huli, hindi na niya napigilan ang sarili.“Professor Elijah… ayos ka lang ba?”Kalmado ang mukha ni Elijah nang tumingala ito. Ngunit nang magsalita, may kakaibang gaspang ang boses, bahagyang paos, mas mababa kaysa karaniwan.“Ayos lang.”Hindi siya nakumbinsi.May kung anong hindi maipaliwanag na kaba ang umakyat sa dibdib niya. Kusang umangat ang kamay niya upang dampian

  • When Her Eyes Blazed, He Held Her Close   KABANATA 78: Unaware

    Halos mamula nang todo ang mukha ni Ysa, na para bang bulkan na kahit ano mag oras ay handa nang pumutok.“Hindi ganong klaseng tao si Professor Elijah,” depensa niya. Mahina ang boses, ngunit mariin ang paninindigan. Para niya iyong ipinagtatanggol hindi lamang sa kaibigan kundi pati sa sarili.Umiling si Trish, sabay taas ng kilay at pag-krus ng mga braso.“No, no, no, Ysa,” sabi niya, tila eksperto sa paksa. “You don’t understand men. Kahit gentleman si Professor Elijah, he still has desires. Tao lang din siya. Otherwise, paano nagkaroon ng baby sa tiyan mo? You two are one in mind.”“……”Parang biglang lumamig ang hangin sa paligid ni Ysa.Kinabahan siya, hindi dahil sa sinabi ng kaibigan, kundi dahil sa alaala na kusang sumingit sa isip niya.Ilang buwan na ang lumipas.Ngunit malinaw pa rin sa kanya ang unang gabing nagtagpo sila ni Elijah.Ibang-iba ito noon. Hindi ito ang mahinahon, kontrolado, at laging may malinaw na lohika sa bawat salita. Noong gabing iyon, mabigat ang tin

  • When Her Eyes Blazed, He Held Her Close   KABANATA 76: Lamig na Iniiwasan

    “Anong problema?”Bahagyang gulat ang tinig ni Ysa habang nakatingin kay Professor Elijah na nakatayo sa harapan niya.Sa ilalim ng puting ilaw ng kisame, mas lalong luminaw ang hubog ng kanyang mukha. Ngunit ang mga mata nitong karaniwang banayad at kalmado ay tila mas maitim ngayon, mas malalim. May kung anong hindi mabasa roon, isang bagay na hindi niya maipaliwanag ngunit malinaw na may ibig sabihin.Bago pa tuluyang maunawaan ni Ysa ang titig na iyon, nagsalita na si Elijah.“Sa palagay ko,” mahinahon niyang wika, “hindi mahalaga kung maayos man o hindi ang heater sa silid na ito.”Bahagyang nakataas ang manggas ng kanyang kaliwang braso, at sa ilalim ng liwanag ay kitang-kita ang maputi at makinis niyang pulso. Ang mahahaba at maayos niyang mga daliri ay hawak ang remote control na kanina lamang ay nasa kamay ni Ysa.Napakurap ang dalaga.“Kung sabay-sabay nating bubuksan ang heater sa iba’t ibang silid,” dugtong niya, “tataas ang bayarin sa kuryente. Kapag ipinanganak ang anak

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status