LOGINTumabi si Ysa sa gilid ng sala, bahagyang napanganga, parang may gustong sabihin ngunit walang lakas ng loob na bigkasin. Sa huli, mahina niyang tinawag ang lalaking nakatayo sa gitna ng silid.
“Papa…”
Sumulyap si Tay Karding sa kanya, isang mabilis at malamig na tingin. Bago naglibot ang mga mata nito sa buong bahay, waring may hinahanap na kulang sa tanawin.
“Nasaan ang kapatid mo?” tanong nito, bahagyang kunot ang noo. “Hindi pa ba umuuwi?” dagdag pa niya.
Bubuka pa lamang ang bibig ni Ysa upang sabihing hindi niya alam nang maunahan siya ni Nay Stella. Abala ito sa pag-aayos ng mga ulam, ngunit ramdam sa tinig ang pagtatanggol.
“Kakatawag ko lang,” sabi nito. “Nagba-basketball pa raw siya kasama ang mga kaklase niya. Katatapos lang at pauwi na.”
Isang mapait na ngisi ang sumilay sa labi ng ama.
“Basketball nang basketball. Hindi naman nagbabasa nang maayos. Walang patutunguhan ang buhay ng batang iyan” pagalit na sabi nito.
Biglang tumigil ang kilos ni Nay Stella. Humarap ito sa asawa, halatang nagpipigil ng inis.
“First year high school pa lang ang bata,” mariin niyang sagot. “Paano mo agad masasabi na wala siyang kinabukasan? Ama ka, paano mo nasasabi ‘yan sa sarili mong anak?”
Hindi na sumagot ang asawa nito. Sa halip, naupo ito sa mesa na ngayo’y puno na ng mainit na ulam. Sumunod sina Nay Stella at Ysa. Ngunit kahit nakahain na ang pagkain, walang gumalaw ng kubyertos.
Hangga’t hindi pa umuuwi si Yohan, kapatid ni Ysa, hindi sila kakain.
Sanay na si Ysa sa ganitong eksena, isang tahimik na paghihintay na parang ritwal. Nakatingin lang siya sa kanin sa harap niya, puti at malamig sa paningin, habang unti-unting bumibigat ang pakiramdam sa dibdib.
“Bakit hindi pa umuuwi si Yohan?” nag-aalalang tanong ni Nay Stella matapos ang ilang sandali. “Baka may nangyaring masama na sa batang iyon?”
“Ano bang mangyayari sa ganyang kalaking bata?” sagot naman ng asawa, ngunit maya-maya’y tila siya rin ay nainip. “Tawagan mo na nga.”
Sa sandaling iyon, biglang bumalik sa alaala ni Ysa ang isang tagpong matagal na niyang ikinukulong sa sulok ng isip.
Senior year niya sa high school noon. Naubos ang allowance niya kaya napilitan siyang umuwi ng weekend para humingi. Malakas ang ulan sa daan, yung tipo ng ulan na tila gustong lunurin ang mundo. Matagal siyang sumilong sa ilalim ng isang lumang bubong hanggang sa humina ang buhos. Pagdating niya sa bahay, basang-basa siya mula ulo hanggang paa, nanginginig sa lamig at hiya.
Pagbukas niya ng pinto, tumambad sa kanya ang eksenang iyon: ang mga magulang niya at ang nakababatang kapatid, kumakain na sa mesa. May init, may tawanan. Para bang wala siya roon.
Walang nagtanong kung okay lang siya. Walang nag-abot ng tuwalya. Walang may pake sa presensya niya.
Casual lang na sinabi ng ina niya, na para bang wala lang.
“Ang lakas kasi ng ulan. Akala namin bukas ka na uuwi.”
Isang oras siyang nahuli noon.
Isang oras na katumbas ng pagkawala ng lugar niya sa hapag.
Tira-tirang pagkain lang ang nakain niya.
Hindi tulad ngayon.
Kay Yohan, kapag mahigit sampung minuto lang na late, tinatawagan agad. Hinihintay pa bago magsimulang kumain. Pinag-aalalaan, na kahit kailan ay hindi sa kaniya nagawa noon.
Habang pinipindot pa lamang ni Nay Stella ang telepono, biglang umalingawngaw ang tunog ng pagbukas ng pinto.
Agad itong tumayo.
“Yohan, umuwi ka rin sa wakas.”
Pumasok ang isang labing-anim na taong gulang na binata, may mukhang nasa pagitan ng kabataan at pagbibinata. Medyo magulo ang buhok na bumabagsak sa noo, bakas ang pagiging pasaway. Bukas ang butones ng uniporme, nakalaylay ang magkabilang gilid na tila wala siyang pakialam sa itsura. Malayong malayo sa personalidad ng kaniyang kapatid na si Ysa.
“Gutom na gutom na ako,” reklamo nito.
Agad na ngumiti si Nay Stella, para bang natunaw ang lahat ng pag-aalala.
“Nagluto ako ng paborito mong tinola.”
Sumimangot si Yohan.
“Matagal na ‘yon. Hindi ko na gusto ‘yan.” Masungit at pagalit na tugon nito.
Sandaling natigilan si Nay Stella bago muling ngumiti.
“Talaga? Ano na ang gusto mo ngayon? Ipagluluto kita sa susunod.”
“Kahit ano,” sagot nito, masungit pa rin.
Napansin niya ang kapatid. Biglang huminto ang tingin niya, malamig at mapanuri.
“Bakit nandito siya?”
Ni hindi man lang binanggit ang pangalan niya.
“Weekend kasi,” sagot ng ina habang marahang itinutulak siya papunta sa kusina. “Umuwi ang ate mo para maghapunan.”
“Maghugas ka na ng kamay. Lalamig ang pagkain.”
Padabog na pumasok si Yohan sa kusina.
Tahimik lamang si Ysa sa buong hapunan. Para siyang multong nakaupo sa gilid ng mesa, nakikita pero hindi pinapansin. Si Nay Stella lang ang abalang-abala sa pagsandok ng ulam para sa kaniyang bunsong anak na si Yohan, tila takot na takot na magutom ito.
Ngunit hindi rin iyon pinahalagahan ng binata.
“May sarili akong kamay,” iritang sabi nito habang umiiwas. “Kaya kong kumuha.”
Napatingin si Tay Karding.
“Pwede bang kumain ka nang maayos?”
Sa pagitan nilang tatlo, lalong parang naging hangin lamang si Ysa.
Hanggang sa may nakain siyang isang piraso ng mamantikang taba.
Biglang kumalat ang mantika sa bibig niya. Sumipa ang sikmura niya.
“—pwee!”
Hindi niya napigilan. Isinuka niya iyon sa sahig.
Sabay-sabay silang tumingin sa kanya.
Tinakpan ni Yohan ang ilong, halatang diring-diri.
Wala nang oras si Ysa para magsalita. Muling kumulo ang sikmura niya. Tumakbo siya papunta sa banyo at isinuka lahat ng kinain niya ngayong gabi, kasama ang matagal na niyang kinikimkim na pait.
“Ano’ng nangyayari?” tanong ng ina, sumunod at marahang tinapik ang likod niya. “May nakain ka bang hindi mo gusto? Bakit nagsusuka ka?” Sunod-sunid na tanong nito.
Namumula ang mga mata ni Ysa. Ramdam niya ang init ng palad ng ina sa kanyang likod.
Bigla niyang naisip—
Ginawa rin kaya ito ng nanay niya noon?
Bago ipanganak si Yohan?
Nanikip ang dibdib niya.
Gusto niyang magsalita. Gusto niyang sabihin ang totoo.
“Ma… I’m pregnant.”
Ngunit bago pa siya makapagsalita, tumayo na si Nay Stella at lumabas, kunot ang noo.
“Kung okay ka na, linisin mo ‘yan,” malamig na sabi nito. “Kung susuka ka lang, bakit hindi mo pa idiretso sa banyo?”
Parang tinamaan ng martilyo ang ulo ni Ysa. Akala niya ay lubos na ang pag-aalala ng kaniyang ina para sa kaniya ngunit lalo lamang siyang nabigo dahil sa inasta nito.
Ngunit sa labas, narinig niya ang mas malambing na boses.
“Yohan, bakit ang unti mong kumain? Marami pa akong hinanda para sa iyo, kumain ka pa.”
“Wala na akong gana,” iritang sagot ng anak niya.
Sumunod ang malamig na boses ng ama.
“Ubusin mo iyang pagkain mo. Wala ng nakahaing pagkain mamaya.”
Nakatingin lamang si Ysa sa pmaliya niya.
Walang nagtanong kung okay lang siya.
Walang nag-abot ng tisyu.
Walang nagbigay ng tubig.
Mag-isang nahihirapan sa loob ng banyo, biglang humagulgol si Ysa.
Hindi na pala siya dapat umasa.
Akala niya, makakahanap siya ng kaunting pag-aalala mula sa pamilya niya.
Pero nakalimutan niyang sa mga ito rin nanggaling ang mga sugat niya.
Sa gitna ng luha, naalala niya ang lalaking parang buwan, malamig ngunit nagbibigay-liwanag.
Professor Elijah… will you help me?
___
Sa kalaliman ng gabi, nakaupo si Elijah sa kanyang study room. Ang malamlam na ilaw ng laptop ang tanging ilaw sa silid. Malamig ang mga mata, mabilis at eksakto ang galaw ng mahahabang daliri sa keyboard.
“Beep—beep.”
Nag-vibrate ang cellphone sa tabi.
Hindi kilalang numero.
“Hello.” Sagot nito sa tumawag.
Tahimik.
Aabutin na sana niya ang end call nang marinig ang pamilyar ngunit nanginginig na boses.
“E-Elijah… Professor Elijah.”
Agad siyang naupo nang tuwid.
“Yes?”
“Ako po ito, si Ysa…”
“Alam ko.”
Huminga siya nang malalim.
“May oras po ba kayo bukas? Can we… talk?”
Hindi na nagtanong pa si Elijah.
“Sige.”
Iyon lamang ang naging usapan ng dalawa dahil agad pinatay ni Ysa ang tawag.
___
Pagpasok niya sa restaurant kinabukasan, agad niyang nakita si Ysa. Maliit, kinakabahan, at tila pasan ang buong mundo.
“Ano ang gusto mong kainin?” tanong niya. Hindi naman sumagot ang babae.
“Dinner,” mariin niyang dagdag. “Eat first. Then talk.”
At sa unang pagkakataon matapos ang mahabang gabi, naramdaman ni Ysa na baka sakali lang, hindi siya nag-iisa.
Iniunat ni Elijah ang kamay at kinuha iyon. Nang mabasa niya ang mga salitang “early pregnancy in the uterus”, bahagyang naningkit ang kanyang mga mata.Maingat na minamasdan ni Ysa ang kanyang reaksiyon. Nang mapansin niyang matagal lang itong nakatitig sa papel at hindi nagsasalita, bigla siyang kinabahan at dali-daling nagpaliwanag.“Professor Elijah, ang batang ito ay sa inyo. Kayo lang po ang lalaking naka-relasyon ko.”Pagkasabi niya nito, hindi niya napigilang mamula ang kanyang mukha.Sa wakas, inalis ng propesor ang tingin mula sa papel at tumingin sa kanya.Kaya pala mula pa sa simula ay halatang kabado siya.Isang dalawampu’t isang taong gulang pa lamang siyang estudyante sa kolehiyo, walang karanasan sa buhay. Natural lang na mataranta at matakot siya nang malaman niyang buntis siya.Tahimik na minura ni Professor Elijah ang sarili. Isa akong hayop. Isang sandaling pagkawala ng kontrol, at nasira niya ang buhay ng isang inosenteng dalaga.Ipinatong niya ang resulta ng pags
Tumabi si Ysa sa gilid ng sala, bahagyang napanganga, parang may gustong sabihin ngunit walang lakas ng loob na bigkasin. Sa huli, mahina niyang tinawag ang lalaking nakatayo sa gitna ng silid.“Papa…”Sumulyap si Tay Karding sa kanya, isang mabilis at malamig na tingin. Bago naglibot ang mga mata nito sa buong bahay, waring may hinahanap na kulang sa tanawin.“Nasaan ang kapatid mo?” tanong nito, bahagyang kunot ang noo. “Hindi pa ba umuuwi?” dagdag pa niya.Bubuka pa lamang ang bibig ni Ysa upang sabihing hindi niya alam nang maunahan siya ni Nay Stella. Abala ito sa pag-aayos ng mga ulam, ngunit ramdam sa tinig ang pagtatanggol.“Kakatawag ko lang,” sabi nito. “Nagba-basketball pa raw siya kasama ang mga kaklase niya. Katatapos lang at pauwi na.”Isang mapait na ngisi ang sumilay sa labi ng ama.“Basketball nang basketball. Hindi naman nagbabasa nang maayos. Walang patutunguhan ang buhay ng batang iyan” pagalit na sabi nito.Biglang tumigil ang kilos ni Nay Stella. Humarap ito sa a
Nagbayad si Ysa sa isang kanyang pagkakamali. Sa sumunod na ilang araw, wala siya sa sarili at para siyang nawalan ng kaluluwa.Hindi pa siya nakapagtatapos ng kolehiyo at alam niyang hinding-hindi niya maaaring ituloy ang pagbubuntis na ito. Ngunit wala siyang lakas ng loob na sabihin sa kanyang mga magulang. Kailangan niya ng pirma ng pamilya para sa operasyon at kailangan din niyang magpahinga pagkatapos nito.Sa unang pagkakataon sa kanyang buhay, nakaramdam siya ng matinding takot at taranta. Maging ang kaibigang si Trish ay napansin na may mali, kaya nag-aalala itong nagtanong."Ysa, anong nangyayari sa iyo?"Namumutla si Ysa at tila laging nakatulala nitong mga nakaraang araw, parang isang ligaw na multo. Mahina siyang umiling."Ayos lang ako.""Ayos lang? Sabihin mo sa akin kung may problema, hahanapan natin ng paraan 'yan," sabi dito ni Trish. Nakita nitong balisa ang kaibigan kaya nag-hesitate siyang itanong, "Dahil ba ito sa nangyari kay Sebastian?"Ang isyu kay Sebastian a
Habang pabalik ng silid-aralan, nasalubong ni Ysa si Sebastian kasama ang ilang kaibigan nito. Si Sebastian ay higit na mas matangkad sa kanila at dahil sa kanyang angking kagwapuhan, madali siyang makilala sa isang tingin pa lamang.Naglakad ang grupo sa harap ni Ysa ng hindi man lang napapansin ang kanyang presensya."Uy, Sebastian hindi ka yata pinuntahan ng 'little follower' mo bago magsimula ang klase?""Siguro narinig niyang may girlfriend ka na, kaya broken hearted siya.""Kahit sa klase ni Propesor Elijah kanina ay parang lutang siya at wala sa sarili. Siguro dahil sa harap niya kayo nakaupo ni Bianca, kaya hindi siya komportable, hahaha!"Habang naririnig ito, napagtanto ni Ysa na ang tinutukoy nilang "little follower" ay walang iba kundi siya.Pareho silang nasa top 10 ng kanilang klase. Dahil gusto niya si Sebastian, madalas niya itong puntahan para mag-aral silang dalawa. Hindi niya akalain na sa paningin ng mga kaibigan nito, isa lang pala siyang sunud-sunuran o buntot.B
Nakaupo si Propesor Elijah sa may tapat ng bintana. Saktong-sakto ang hubog ng kanyang mukha, malamig pero may lambot ang kanyang singkit na mga mata na sadyang nakakaakit. Mapapansin din ang matangos nitong ilong na nagpadagdag sa kanyang kisig. Sa sandaling iyon, tila ba pati ang sikat ng araw sa labas ay mas pinapaboran siya.Napasinghap si Ysa ng makita siya.“Ang gwapo!”Pero agad niyang naisip na hindi ito ang oras para pagpantasyahan ang propesor. Muling bumilis ang tibok ng kanyang puso at kinakabahang nagsalita, “Professor Elijah...”Napayuko siya na tila mayroon siyang nagawang kasalanan pero ang totoo ay sinusubukan lang niyang itago ang kanyang pagkakonsensiya.Kumpara sa kabang nararamdaman ni Ysa, mukhang mas kalmado ang propesor na para bang may mahalaga itong sasabihin. Itinuro niya ang upuan sa harap niya.“Maupo ka.”Hindi nangahas na maupo si Ysa at pilit na ngumiti.“Hindi na po Propesor Elijah, tatayo na lang ako.”Tumayo na rin ang propesor. Mas matangkad siya ka
Paano nga ba itatama ang lahat pagkatapos ng isang one-night stand, lalo na kung nalaman mong ang lalaking iyon ay propesor pala sa sarili mong paaralan?Sa mga sandaling ito, ramdam ni Ysa ang matinding kawalan ng pag-asa.Nang ibaba ng nasasabik na si Trish ang kanyang ulo, nakita niya si Ysa na nakasubsob sa mesa at tila nawalan na ng ganang mabuhay."Ysa, anong nangyayari sa’yo? Bakit para kang pinagsakluban ng langit at lupa?"Kung pwede lang, mas pipiliin na lang ni Ysa na lamunin na lang siya ng lupa."Trish," maluha-luhang sabi ni Ysa, "Tapos na ako. I'm Barbie Q.""Anong problema?" Hindi maintindihan ni Trish ang nangyayari.Sa sandaling iyon, isang malinaw na boses ang narinig mula sa harap."Tahimik."Ang boses na ito ay tumugma sa boses na narinig niya noong gabing iyon. Si Ysa, na umaasa pa ring nagkataon lang ang lahat, ay tuluyan ng nanlumo.Talagang siya nga iyon. Kahit na medyo paos ang boses nito noong gabing iyon, hinding-hindi siya magkakamali sa narinig.Dahil sa







