Share

Chapter 02

Author: Author Rain
last update Petsa ng paglalathala: 2026-07-28 21:06:44

-Daisy-

“Pwede ba akong makituloy sa apartment mo ngayong gabi, Rose?” Narinig ko ang bawat salitang iyon mula sa listening device na inilagay ko sa bulsa ng jacket ni Vince bago siya umalis ng office ko.

Siya mismo ang may ideya ng set-up na iyon dahil gusto niyang patunayan na mali ako. Gusto niyang marinig ko mismo mula sa bibig ni Rose kung gaano siya nito kamahal.

Paulit-ulit niyang sinasabi sa akin noon na tatanggapin siya ni Rose kahit mawala ang lahat ng pera niya. At tinatawanan ko lang siya. Dahil kitang-kita ko sa mukha ng girlfriend niya na pera lang ang habol nito sa kanya, pero hindi niya iyon makita. Bonus na lang kay Rose na pogi siya at maganda ang katawan.

Noong mga oras na iyon, nakaupo ako sa loob ng opisina ko. Nakapatong sa ibabaw ng mesa ko ang tambak na dokumentong naghihintay ng pirma ko, pero imbes na magtrabaho, nakasandal lang ako sa upuan at nakatutok sa bawat salitang namamagitan kina Rose at Vince sa listening device na nakasalpak sa tenga ko.

Dahil ang resulta ng maliit na eksperimento na ito ang magdedesisyon kung sino ang mananalo sa aming dalawa.

Kapag iniwan ni Rose si Vince, wala nang dahilan pa para ma-delay ang arranged marriage namin. Matutuloy na rin sa wakas ang pagsasanib pwersa ng Madrigal Industries at Lawrence Group, at lalo pang lalakas ang kapangyarihan ng aming mga pamilya.

Titira kami sa iisang bubong bilang mag-asawa, pero sa papel nga lang dahil hindi naman namin mahal ang isa’t isa.

Napagkasunduan kasi naming magkahiwalay kami ng kuwarto at magkahiwalay din ng buhay. Magpapanggap lang kaming perpektong mag-asawa tuwing bibisita ang aming mga magulang sa bahay.

At kumbinsido akong kapag iniwan talaga si Vince ni Rose dahil sa pagkawala ng pera nito, darating ang araw na matatauhan din siya. Dahil walang lalaking patuloy na mamahalin ang babaeng iniwan siya sa pinakamababang yugto ng buhay niya.

“I’m sorry, Vince...” mahinang sambit ni Rose.

Kahit sa recording pa lang, naririnig ko na ang distansya sa boses ni Rose. At doon pa lang, alam kong talo na si Vince sa pustahan namin.

“I’m sorry, pero hindi ka pwedeng makituloy sa apartment ko. Masyado nang masikip doon, at saka napakaliit lang ng kwarto ko. I mean, baka hindi ka sanay.”

Dahan-dahang sumilay ang isang kuntentong ngiti sa aking mga labi. Mukhang matatalo nga si Vince ah. Ang bilis umayaw ni Rose.

“It’s okay, really,” narinig kong sagot ni Vince. “Kahit saan ako matulog, ayos lang. Isang gabi lang naman. You’re my girlfriend, Rose. Alam kong tutulungan mo ako. Wala na akong ibang mapuntahan, please...”

“Sorry talaga, Vince. Pero hindi talaga kita pwedeng patuluyin sa boarding house ko.” Mas matatag na ang pagtanggi niya sa pagkakataong iyon, dahilan para lalo pang umangat ang sulok ng aking mga labi. “Alam mo sa tingin ko, mas mabuti pa sigurong kalimutan mo na lang ako.”

Nagkaroon ng nakakabinging katahimikan bago muling nagsalita si Rose, at halos mapangisi ako sa pananabik.

“Sa totoo lang, hindi pa ako handa sa isang relasyon. Nahihiya lang akong sabihin sa’yo dati, pero sa tingin ko masyado pa akong bata para sa mga ganitong bagay, kaya mas mabuti pa sigurong tigilan mo na ang pagpunta rito.”

Pinigilan ko ang sarili kong matawa. Napakagandang dahilan. Bilib na talaga ako sa babaeng ito. Ang dami-dami pang sinasabi. Ayaw na lang diretsahin si Vince na ayaw na niya dito dahil wala na siyang pera.

Eh di tama nga ang hinala ko. She’s nothing but a gold-digger b!tch!

Pero hindi naman talaga siya nagsisinungaling dahil bata pa naman talaga siya. I think nineteen years old pa lang siya, kung tama ang pagkakatanda ko. Pero kahit ganoon pa man, hindi ko pa rin maiwasang isipin na pera lang talaga ang habol niya kay Vince simula pa noong una, at napatunayan ko ‘yan ngayon habang nakikinig sa pag-uusap nila.

Bagama’t hindi ko rin naman siya lubusang masisisi dahil ulila na siya at walang ibang maaasahan kundi ang sarili niya lang. Hindi rin siya nakapagtapos ng college, at sa murang edad ay napilitan na siyang magtrabaho para mabuhay ang kanyang sarili.

Marahil, tinuruan lang siya ng buhay na hindi sapat ang pag-ibig para punan ang kumakalam na sikmura. Kaya niya sinagot si Vince.

Pero aaminin ko, matalino si Rose. Pinili niyang makipagrelasyon sa isang bilyonaryo. At mas matalino pa sana siya kung hindi siya naniwala agad na mahirap na si Vince.

Sa totoo lang, kung may taong wala nang silbi sa buhay ko o wala nang maitutulong sa akin, lalo na pagdating sa problema sa pera, malamang iiwanan ko rin siya kagaya ng ginagawa ngayon ni Rose. Pero kung totoong mahal niya si Vince, bakit naman niya ito iiwanan dahil lang nawala ang lahat ng mayroon siya?

Kung ako sa kanya, siyempre mas pipiliin kong maghirap kasama siya. Sasamahan ko siyang harapin ang bawat pagsubok, at sabay kaming babangon kapag naging maayos na ulit ang lahat. Para sa akin, iyon ang tunay na kahulugan ng pagmamahal.

Pero mukhang iba ang pananaw ni Rose. Malamang ay nagpapakapraktikal lang talaga siya. Pero mali pa rin eh. Siguradong magsisisi siya kapag nalaman niyang nagpapanggap lang si Vince na mahirap.

“So you're breaking up with me because I'm already poor?” hindi makapaniwalang tanong ni Vince.

Napangisi ulit ako nang marinig ang tanong ni Vince sa kanya. Nasaan na ang kumpiyansa mo ngayon ha, Vince Lawrence? Nasaan na ang yabang mo? Akala ko ba, mahal na mahal ka ng girlfriend mo? Iyon pala, mahal niya lang ang pera mo.

“I’m sorry, Vince. Let’s break up.” Iyon ang huling mga salitang narinig ko mula kay Rose.

Pagkatapos noon, biglang naputol ang koneksyon.

Marahil ay pinatay na ni Vince ang listening device dahil hindi niya matanggap na narinig ko ang bawat salitang binitiwan ng babaeng ipinaglalaban niya. Mukhang nahiya sa akin ang loko.

Kinabukasan, hindi siya nagpakita sa akin. Hindi rin siya tumawag o kahit isang text message man lang ay wala. Hindi ko naman ito masyadong binigyang-pansin dahil alam kong nasasaktan pa rin siya sa paghihiwalay nila ni Rose.

Siguro ngayon ay nagsisisi na siya kung bakit siya nakipagpustahan sa akin.

Nong mga sumunod na araw, nalaman kong bumalik pa pala si Vince sa bakery at nagtangka ulit kausapin si Rose. Mukhang umaasa siyang makakausap muli niya ito at baka sakaling maayos pa nila ang kanilang relasyon. Siguro ay aamin na si Vince na isang pustahan lang ang lahat at hindi totoong naghihirap siya.

Pero huli na siya dahil nalaman niyang nag-resign na pala si Rose sa trabaho nito at walang nakakaalam kung saan ito nagpunta. Para itong bulang naglaho na lang at walang iniwang bakas. Ni hindi man lang nagsabi kay Vince kung saan ito pupunta.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jhoyen Domingo
..............................
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • When My Husband Chose His Ex   Chapter 315

    -Vanessa-Pagpasok sa loob ng kwarto, agad akong hinalikan ni Blake sa mga labi habang humahaplos ang mga kamay niya sa katawan ko.“God, Vanessa… I really can’t get enough of you. Ano bang pinakain mo sa akin at humaling na humaling ako sa’yo?” bulong ni Blake sa tenga ko habang hinihingal.Anong pinakain ko sa kanya? Di ba yung perlas ko, ilang beses na niyang kinain? Baka yun nga!“You always make me feel alive. Tignan mo oh, ang tigas ko na naman. Just a kiss and I am so fvcking damn hard. Paano mo ‘to nagagawa ha?” tanong niya habang ikinikiskis ang alaga sa puson ko.“Blake…” napaung0l na lang ako sa ginawa niya habang ipinupulupot ang mga braso ko paikot sa leeg niya. “Ganun din naman ako. Parang basa na nga ako eh…”“Really? Can I touch it?” hindi na niya hinintay pa ang sagot ko. Agad niyang ipinasok ang kamay niya sa loob ng panty ko at dinakma ang perlas ko.“Oohh… Blake!” napaliyad ako sa ginawa niya.Pero inilabas niyang muli ang kamay niya at walang pag-aalinlangang dina

  • When My Husband Chose His Ex   Chapter 314

    -Vanessa-“Bayaran mo muna ang lahat ng nagastos ko sa'yo at sa tatay mo bago ka umalis sa bahay ko!”Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko ang mga salitang iyon habang abala ako sa paghahanda ng hapunan. Kahit anong pilit kong ituon ang atensyon ko sa pagluluto, hindi ko pa rin maiwasang maalala ang sinabi ni Blake kanina.Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng ganoon kalaking halaga. Isang milyon na ang ibinayad niya sa club para mabayaran ang utang namin, at hindi ko pa alam kung magkano ang lahat ng nagastos niya sa pagpapagamot kay Tatay. Sigurado akong hindi rin naman maliit ang halagang iyon, lalo na't ilang araw itong namalagi sa ospital, tapos kulang anim na buwan niya itogn pinaalagaan sa isang private nurse.Saan ko naman pupulutin ang perang ipambabayad ko sa kanya?At kung patuloy pa niya akong tutulungan, hindi ba mas lalo lang akong mababaon sa utang sa kanya? Hindi ko naman pwedeng tanggapin na lang nang tanggapin ang tulong niya nang walang iniisip na kapalit. S

  • When My Husband Chose His Ex   Chapter 313

    -Blake-Napalingon ako sa pinto nang bigla itong bumukas at pumasok si Vanessa. Malungkot ang mukha niya at tila may mabigat na bagay na gumugulo sa isip niya.“Blake, puwede ba tayong mag-usap?” tanong niya bago marahang naglakad papalapit sa akin.Napatitig ako sa mukha niya. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba. Para bang may sasabihin siya sa akin na hindi ko magugustuhan.“Blake, gusto ko sanang…”“No, Vanessa!” Agad akong napabangon mula sa pagkakaupo, dahilan upang bahagya siyang mapatalon sa gulat. “Bayaran mo muna ang lahat ng nagastos ko sa'yo at sa tatay mo bago ka umalis sa bahay ko!”Hindi ko na napigilang ilabas ang sama ng loob ko. Sobrang nangingibabaw ang galit sa dibdib ko dahil hindi ko maintindihan ang babaeng ito. Ako ang boyfriend niya, pero mas pinipili pa niyang samahan ang dati niyang nobyo na niloko at iniwan siya!Ano ba ang mayroon sa lalaking iyon at tila handa siyang balikan ang lahat ng sakit na idinulot nito sa kanya? Niloko

  • When My Husband Chose His Ex   Chapter 312

    -Blake-“Now, talk,” utos ko kay Ron habang matalim ko siyang tinititigan.Magkatabi kami ni Vanessa sa mahabang sofa. Nakasandal ako nang bahagya habang nakapatong ang isang braso ko sa sandalan nito, malapit sa likuran ng dalaga. Si Ron naman ay nakaupo sa nag-iisang armchair na nasa tapat namin.Pero kahit na magkakaharap kaming tatlo, para bang wala ako roon sa paningin niya. Kay Vanessa lamang nakatuon ang atensiyon niya, na para bang ako ang bisitang nakikisali sa pribadong pag-uusap nilang dalawa.“Gusto ko sanang makausap nang sarilinan si Isay,” sabi niya. Saglit lang niya akong tinapunan ng tingin bago muling ibinalik ang mga mata kay Vanessa. “Isay, please…”Napatingin ako sa girlfriend ko. Tahimik lamang siyang nakaupo sa tabi ko habang nilalaro ng mga daliri niya ang laylayan ng suot niyang dress. Paminsan-minsan ay bahagya niyang hinihila iyon, na para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya alam kung paano sisimulan.Hindi ko tuloy maiwasang magtaka kung kinakab

  • When My Husband Chose His Ex   Chapter 311

    -Blake-Agad na napalingon sa akin ang dalaga, at si Ron naman ay napayuko. So, nakilala niya ako and he's guilty dahil nagsinungaling siya sa akin!“Blake, siya si Ron…” pakilala niya, pero halatang hindi niya alam kung paano ipagpapatuloy ang sasabihin. Hindi niya masabi na ito ang bayaw niya at dati niyang naging boyfriend.Bahagya akong tumango habang pinag-aaralan ang mukha ng lalaki.Sigurado na ako na siya nga ang lalaking nakita namin sa isla. At kung tama ang hinala ko, marami pa akong kailangang malaman tungkol sa kanya at sa relasyon niya kay Vanessa.“Hindi sasama sa'yo si Vanessa. Ipinagkatiwala na siya sa akin ng tatay niya,” mariin kong sabi.Agad kong inakbayan ang dalaga at hinila siya palapit sa akin upang tuluyan nang mabitawan ni Ron ang kamay niya.Napatingin din sa akin ang lalaki. May bahagyang pagtataka sa mukha niya, ngunit hindi nagtagal ay naging seryoso rin ang ekspresyon nito.“Brod, maraming salamat sa pagtulong mo kay Tatay Arthur at kay Isay,” sabi niy

  • When My Husband Chose His Ex   Chapter 310

    -Blake-Pagkatapos naming kumain, agad na akong nagyayang umuwi.Binayaran ko pa rin ang lahat ng kinain namin kahit hindi naman ako masyadong nag-enjoy. Ilang beses pang sinabi ni Kristina na huwag ko na raw bayaran dahil treat na niya iyon para sa amin, pero nagpumilit pa rin ako. Ayokong magkaroon pa ng dahilan si Bryan para muling yayain si Vanessa para kumain sa restaurant ng ate niya.“Blake, huwag mo nang bayaran. Regalo ko na sa first monthsary niyo ni Vanessa.” giit ni Kristina habang inaabot sa akin ang resibo.“It's fine. It’s our date, so obligasyon kong itreat ang girlfriend ko.” maikli kong sagot.“Pero…”“Kristina, sa susunod na lang na pagpunta ko dito mo ako ilibre,” pabiro kong sabi para hindi na siya makatanggi.Paglabas namin ng restaurant, kapansin-pansin ang lungkot sa mukha ng magkapatid. Parehong nakatanaw sa amin sina Kristina at Bryan na para bang ayaw pa nila kaming paalisin.Maging si Vanessa ay tila biglang natahimik habang naglalakad kami palabas ng rest

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status