Share

When My Husband Chose His Ex
When My Husband Chose His Ex
Author: Author Rain

Chapter 01

Author: Author Rain
last update publish date: 2026-07-28 21:00:34

-Daisy-

Nahuli kong may ibang babae ang asawa ko.

Isang gabi habang nakahiga ako sa kama at nag-i-scroll sa s0cial media, may isang post na biglang nakakuha ng atensyon ko. Larawan iyon ng isang napakagarang mansyon. Sa sandaling makita ko iyon, may kakaibang kaba na biglang namuo sa dibdib ko.

Halos kapareho iyon ng mansyon na tinitirhan namin ni Vince ngayon. Parehong disenyo ng bahay at gate. Pati ang fountain sa harap ay iisa lang din ang style.

Hindi ko maipaliwanag kung bakit, pero bigla akong kinutuban. Lumakas ang pagtibok ng puso ko habang nag-iscroll pababa upang basahin ang mga komento.

Ang unang bumungad sa akin ay mula sa isang account na may username na honey17.

"Iisa lang ang alam kong may mansyong ganito, at iyon ay kay Mr. Vince Lawrence, CEO ng Lawrence Group. Kanino kaya itong mansion na ginaya ang bahay niya?"

Napakunot ang noo ko. Makalipas ang ilang segundo, may sumagot sa comment niya.

"Baka iisa lang ang architect nila. But take a look at the garden. Sa mansyon ni Mr. Lawrence, puro daisy ang nakatanim dahil iyon ang paboritong bulaklak ng asawa niya at saka kapangalan niya din ito. Pero sa bagong mansyon, puro rose naman ang nakapalibot."

Rose.

Nanigas ang mga daliri ko sa pagkakahawak sa cellphone ko, at ramdam kong lalo pang bumilis ang pagtibok ng puso ko, hindi ko alam kung dahil sa takot o sa kaba. Dahan-dahan kong nilingon ang lalaking mahimbing na natutulog sa tabi ko.

Si Vince Lawrence. Ang asawa ko ng pitong taon.

Nitong mga nakaraang linggo, halos araw-araw siyang ginagabi ng uwi. Dati, sabay kaming umaalis sa opisina at sabay din kaming naghahapunan. Nanonood pa kami ng pelikula bago matulog. Minsan pa nga, inaabot kami ng madaling-araw sa pag-uusap.

Pero nitong mga huli, hindi ko napapansing unti-unti na siyang nagbabago. Halos gabi-gabi niyang sinasabing may meeting siya sa labas ng kumpanya. Kung minsan, alas dos o alas tres na ng madaling-araw bago siya makauwi. Kapag tinatanong ko siya kung saan siya galing, yayakapin niya ako ng mahigpit at iisa lang palagi ang sagot niya. "The clients wanted drinks after the meeting. I couldn't refuse. We'd lose the project if I offended them."

At lagi ko naman siyang pinaniniwalaan dahil nagtitiwala ako sa kanya. Hindi ko kailanman kinuwestiyon ang mga salita niya.

Pero ngayon, matapos kong mabasa ang mga komentong iyon at matapos kong muling makita ang pangalang Rose, isang masamang kutob ang unti-unting gumapang sa puso ko.

Dahil Rose ang pangalan ng ex-girlfriend niya, ang babaeng iniwan siya noon dahil naniwala itong wala na siyang pera at mahirap na lang siya. Ang babaeng minsan niyang sinabi sa akin na matagal na niyang kinalimutan at hinding-hindi na magiging hadlang pa sa pagmamahalan naming dalawa.

Biglang bumigat ang paghinga ko. Dahan-dahan kong ibinaba ang cellphone ko sa ibabaw ng nightstand bago ko inabot ang phone ni Vince sa tabi niya at habang tinatype ko ang password niya para mabuksan ito, naalala ko kung paano nagsimula ang relasyon namin pitong taon na ang nakararaan.

“Pustahan tayo, Vince.” Napasandal ako sa aking swivel chair habang may mapanuksong ngiti sa sulok ng aking mga labi. “Sigurado akong iiwanan ka ni Rose sa oras na malaman niyang wala ka nang pera.”

Iyon ang sinabi ko sa kanya noong malaman kong may ibang babae sa buhay niya. Bagama’t mali ang tawaging “ibang babae” si Rose, dahil hindi naman talaga siya kabit dahil siya ang tunay na girlfriend ni Vince. At sa teknikal na usapan, wala pa kaming relasyon ni Vince noon.

Hindi kami. Walang kami, pero magiging asawa ko na siya dahil in two months ay nakatakda na kaming ikasal.

Pero kahit malapit na kaming ikasal ay ayaw pa rin niyang hiwalayan si Rose Alajar, ang simpleng bakery girl na buong araw na nagbebenta ng tinapay at pastries sa maliit na panaderya sa bayan.

Arranged marriage ang sa amin ni Vince. Matagal nang napagkasunduan ng mga magulang namin ang kasalang iyon bago pa man kami nagkaroon ng pagkakataong magdesisyon para sa sarili namin. Ngunit hindi ito kasalang bunga ng pag-ibig. Isa lamang itong business alliance na magsasanib pwersa sa kapangyarihan ng Madrigal Industries at Lawrence Group.

At sa totoo lang, wala akong pakialam kay Vince Lawrence.

Hindi ko siya minahal. Ni hindi ako nagkaroon ng crush sa kanya, at kahit minsan ay hindi niya nagawang pabilisin ang tibok ng puso ko. Hindi rin ako namumula sa tuwing nagtatama ang aming mga mata. Dahil para sa akin, lahat ng nabanggit ko ay malinaw na senyales ng pag-ibig. At wala akong maramdaman ni isa sa mga iyon.

Oo, guwapo siya. Sobrang guwapo. Matangkad, maganda ang pangangatawan na kagaya ng mga nakikita sa mga cover ng men’s fashion magazine. At kung sakaling nakalimutan kong banggitin, napakayaman din niya. Pero may isang problema. May girlfriend nga siya.

Bago ako pumayag na magpakasal, sinabi ko na sa kanya dati pa na hiwalayan muna niya ang girlfriend niya, na sa hinuha ko’y wala namang ibang habol kundi ang pera niya. Pero matigas ang ulo ni Vince at tumanggi siyang gawin iyon, kaya hinamon ko siya ng isang pustahan.

“Deal,” sagot naman niya sa hamon ko ng wala ni kahit katiting na pag-aalinlangan. Umaapaw pa sa yabang ang kumpiyansa sa kanyang boses na akala mo ay mananalo siya sa akin. “At sisiguraduhin kong ako ang mananalo sa pustahan nating ito dahil mahal na mahal ako ni Rose, Daisy. Mahal na mahal.”

Simple lang naman ang rules sa pustahan namin.

Magpapanggap siya na mahirap at magsusuot ng lumang damit. Pupunta siya sa bakery ni Rose gamit ang luma niyang sedan sa halip na isa sa mga mamahalin niyang sasakyan. Sasabihin niyang nalugi ang Lawrence Group at naubos ang kayamanan ng pamilya nila dahil hindi nila nabayaran ang kanilang mga utang sa bangko at sa mga tao. May isang empleyado din na nagdispalko ng malaking pera kaya naubos ang pondo nila.

Pati ang bahay ng mga magulang niya ay nakasanla na din. At wala na siyang matutuluyan sa gabing iyon. Wala ding ibang makakatulong sa kanya kung hindi si Rose na lamang dahil tinalikuran na siya ng kanyang mga mayayamang kaibigan.

Kapag nanatili si Rose sa tabi niya, ibig sabihin ay mahal talaga siya nito. Pero kapag iniwan siya nito, ako ang mananalo. Ikakasal kami at tuluyan na niyang kakalimutan si Rose.

Pero kapag natalo ako, ikakasal pa rin naman kami pero gagawin niyang kabit ang girlfriend niya. Pero hindi naman ako papayag nun. Sinong matinong babae ang papayag na may side chick ang asawa nila?

Kahit legal kaming magiging mag-asawa, ako ang lalabas na kabit dahil ako ang hindi niya mahal. Mas mabuti pang hindi na lang matuloy ang kasal namin kung ganoon din lang naman ang gagawin niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jhoyen Domingo
OOHHH ANOTHER MANIPULATED STORY!!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • When My Husband Chose His Ex   Chapter 315

    -Vanessa-Pagpasok sa loob ng kwarto, agad akong hinalikan ni Blake sa mga labi habang humahaplos ang mga kamay niya sa katawan ko.“God, Vanessa… I really can’t get enough of you. Ano bang pinakain mo sa akin at humaling na humaling ako sa’yo?” bulong ni Blake sa tenga ko habang hinihingal.Anong pinakain ko sa kanya? Di ba yung perlas ko, ilang beses na niyang kinain? Baka yun nga!“You always make me feel alive. Tignan mo oh, ang tigas ko na naman. Just a kiss and I am so fvcking damn hard. Paano mo ‘to nagagawa ha?” tanong niya habang ikinikiskis ang alaga sa puson ko.“Blake…” napaung0l na lang ako sa ginawa niya habang ipinupulupot ang mga braso ko paikot sa leeg niya. “Ganun din naman ako. Parang basa na nga ako eh…”“Really? Can I touch it?” hindi na niya hinintay pa ang sagot ko. Agad niyang ipinasok ang kamay niya sa loob ng panty ko at dinakma ang perlas ko.“Oohh… Blake!” napaliyad ako sa ginawa niya.Pero inilabas niyang muli ang kamay niya at walang pag-aalinlangang dina

  • When My Husband Chose His Ex   Chapter 314

    -Vanessa-“Bayaran mo muna ang lahat ng nagastos ko sa'yo at sa tatay mo bago ka umalis sa bahay ko!”Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko ang mga salitang iyon habang abala ako sa paghahanda ng hapunan. Kahit anong pilit kong ituon ang atensyon ko sa pagluluto, hindi ko pa rin maiwasang maalala ang sinabi ni Blake kanina.Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng ganoon kalaking halaga. Isang milyon na ang ibinayad niya sa club para mabayaran ang utang namin, at hindi ko pa alam kung magkano ang lahat ng nagastos niya sa pagpapagamot kay Tatay. Sigurado akong hindi rin naman maliit ang halagang iyon, lalo na't ilang araw itong namalagi sa ospital, tapos kulang anim na buwan niya itogn pinaalagaan sa isang private nurse.Saan ko naman pupulutin ang perang ipambabayad ko sa kanya?At kung patuloy pa niya akong tutulungan, hindi ba mas lalo lang akong mababaon sa utang sa kanya? Hindi ko naman pwedeng tanggapin na lang nang tanggapin ang tulong niya nang walang iniisip na kapalit. S

  • When My Husband Chose His Ex   Chapter 313

    -Blake-Napalingon ako sa pinto nang bigla itong bumukas at pumasok si Vanessa. Malungkot ang mukha niya at tila may mabigat na bagay na gumugulo sa isip niya.“Blake, puwede ba tayong mag-usap?” tanong niya bago marahang naglakad papalapit sa akin.Napatitig ako sa mukha niya. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba. Para bang may sasabihin siya sa akin na hindi ko magugustuhan.“Blake, gusto ko sanang…”“No, Vanessa!” Agad akong napabangon mula sa pagkakaupo, dahilan upang bahagya siyang mapatalon sa gulat. “Bayaran mo muna ang lahat ng nagastos ko sa'yo at sa tatay mo bago ka umalis sa bahay ko!”Hindi ko na napigilang ilabas ang sama ng loob ko. Sobrang nangingibabaw ang galit sa dibdib ko dahil hindi ko maintindihan ang babaeng ito. Ako ang boyfriend niya, pero mas pinipili pa niyang samahan ang dati niyang nobyo na niloko at iniwan siya!Ano ba ang mayroon sa lalaking iyon at tila handa siyang balikan ang lahat ng sakit na idinulot nito sa kanya? Niloko

  • When My Husband Chose His Ex   Chapter 312

    -Blake-“Now, talk,” utos ko kay Ron habang matalim ko siyang tinititigan.Magkatabi kami ni Vanessa sa mahabang sofa. Nakasandal ako nang bahagya habang nakapatong ang isang braso ko sa sandalan nito, malapit sa likuran ng dalaga. Si Ron naman ay nakaupo sa nag-iisang armchair na nasa tapat namin.Pero kahit na magkakaharap kaming tatlo, para bang wala ako roon sa paningin niya. Kay Vanessa lamang nakatuon ang atensiyon niya, na para bang ako ang bisitang nakikisali sa pribadong pag-uusap nilang dalawa.“Gusto ko sanang makausap nang sarilinan si Isay,” sabi niya. Saglit lang niya akong tinapunan ng tingin bago muling ibinalik ang mga mata kay Vanessa. “Isay, please…”Napatingin ako sa girlfriend ko. Tahimik lamang siyang nakaupo sa tabi ko habang nilalaro ng mga daliri niya ang laylayan ng suot niyang dress. Paminsan-minsan ay bahagya niyang hinihila iyon, na para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya alam kung paano sisimulan.Hindi ko tuloy maiwasang magtaka kung kinakab

  • When My Husband Chose His Ex   Chapter 311

    -Blake-Agad na napalingon sa akin ang dalaga, at si Ron naman ay napayuko. So, nakilala niya ako and he's guilty dahil nagsinungaling siya sa akin!“Blake, siya si Ron…” pakilala niya, pero halatang hindi niya alam kung paano ipagpapatuloy ang sasabihin. Hindi niya masabi na ito ang bayaw niya at dati niyang naging boyfriend.Bahagya akong tumango habang pinag-aaralan ang mukha ng lalaki.Sigurado na ako na siya nga ang lalaking nakita namin sa isla. At kung tama ang hinala ko, marami pa akong kailangang malaman tungkol sa kanya at sa relasyon niya kay Vanessa.“Hindi sasama sa'yo si Vanessa. Ipinagkatiwala na siya sa akin ng tatay niya,” mariin kong sabi.Agad kong inakbayan ang dalaga at hinila siya palapit sa akin upang tuluyan nang mabitawan ni Ron ang kamay niya.Napatingin din sa akin ang lalaki. May bahagyang pagtataka sa mukha niya, ngunit hindi nagtagal ay naging seryoso rin ang ekspresyon nito.“Brod, maraming salamat sa pagtulong mo kay Tatay Arthur at kay Isay,” sabi niy

  • When My Husband Chose His Ex   Chapter 310

    -Blake-Pagkatapos naming kumain, agad na akong nagyayang umuwi.Binayaran ko pa rin ang lahat ng kinain namin kahit hindi naman ako masyadong nag-enjoy. Ilang beses pang sinabi ni Kristina na huwag ko na raw bayaran dahil treat na niya iyon para sa amin, pero nagpumilit pa rin ako. Ayokong magkaroon pa ng dahilan si Bryan para muling yayain si Vanessa para kumain sa restaurant ng ate niya.“Blake, huwag mo nang bayaran. Regalo ko na sa first monthsary niyo ni Vanessa.” giit ni Kristina habang inaabot sa akin ang resibo.“It's fine. It’s our date, so obligasyon kong itreat ang girlfriend ko.” maikli kong sagot.“Pero…”“Kristina, sa susunod na lang na pagpunta ko dito mo ako ilibre,” pabiro kong sabi para hindi na siya makatanggi.Paglabas namin ng restaurant, kapansin-pansin ang lungkot sa mukha ng magkapatid. Parehong nakatanaw sa amin sina Kristina at Bryan na para bang ayaw pa nila kaming paalisin.Maging si Vanessa ay tila biglang natahimik habang naglalakad kami palabas ng rest

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status