LOGIN-Daisy-
“Well...” sabi ko habang nakataas ang isang kilay nang sa wakas ay makita ko siyang nakatayo sa harap ng desk ko kinaumagahan. “Talo ka sa pustahan natin. So, what now, Vince?”
“Yeah... I know,” mahina niyang sagot habang nakayuko at nakapamulsa ang dalawang kamay. Matagal muna siyang nanahimik bago niya ako muling tiningnan at pilit na ngumiti. “Let’s get married, Daisy.”
Napangiti ako nang marinig ang sinabi niya. “As you wish, Vince.”
Makalipas ang dalawang buwan, ikinasal kami sa Manila Cathedral. Isa itong magarbong kasal dahil parehong mayaman ang mga pamilya namin. Lumipat kami sa malaking bahay na ipinagawa niya para sa akin, at doon kami nagsimulang mamuhay bilang mag-asawa.
Napapalibutan ng namumukadkad na daisy ang buong hardin dahil alam niyang iyon ang paborito kong bulaklak. Bukod pa roon, kapangalan ko rin iyon.
After one year, niregaluhan niya ako ng isang mamahaling sasakyang matagal ko nang gustong bilhin, pero palagi kong ipinagpapaliban dahil mas inuuna kong mag-ipon.
At tuwing sasapit ang birthday ko, hindi siya kailanman nakakalimot na umuwi na dala ang paborito kong blueberry cheesecake mula sa bagong pastry shop na madalas niyang ikuwento noon sa akin na kailan lang niya nadiskubre.
Lagi niyang naaalala ang maliliit na bagay na nagpapasaya sa akin, at bawat detalye tungkol sa akin. At bago ko pa namalayan, nahulog na pala ang loob ko sa asawa ko.
Dahil sa mga ipinapakita niyang kabutihan at pagmamahal sa akin para tumibay ang aming relasyon, ang ipinangako kong hindi na ako muli pang iibig pa ay napako. Nagising na lang ako kinabukasan na mahal ko na pala si Vince Lawrence.
Sa paglipas ng panahon, nawalan na rin ng saysay ang usapan naming magkahiwalay ng kuwarto. Isang umaga, nagising na lang kaming magkayakap sa iisang kama, kapwa nakangiti habang magkatitig sa isa't isa.
Mula noon, hindi lang iisang bahay ang pinagsaluhan namin. Pati na rin sa iisang silid. At sa mga panahong iyon, wala nang mas sasaya pa sa akin.
Dalawang taon matapos ang kasal namin, sa wakas ay nabuntis ako. Siyempre, iyon ang pinakamasayang araw ng buhay naming dalawa kaya naman every month kaming nagpapacheck-up para masigurong malusog ang magiging unang anak namin.
Hindi maalis ang ngiti sa mukha ni Vince habang hawak niya ang kamay ko sa buong biyahe papunta sa obstetrician ko. Limang buwan na ang tiyan ko kaya medyo malaki na rin ito.
Excited na siyang mag-isip ng ipapangalan sa baby namin, kung paano namin idedecorate ang nursery room, at kung ano-anong mga gagawin namin paglabas ni baby.
Sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya, lalo akong napupuno ng kaligayahan. Pakiramdam ko noon, ako na ang pinakamaswerteng babae sa buong mundo.
Pero may iba palang plano ang tadhana.
Habang papunta kami sa ospital, isang rumaragasang trak ang biglang bumangga sa sasakyan namin. Nangyari ang lahat sa isang kisapmata, at hindi na ako nakapag-isip pa.
Hindi ko naisip na buntis ako nung mga panahong iyon, at hindi ko na rin naisip ang sarili ko. Ang tanging nasa utak ko lang noon ay ang iligtas si Vince dahil mahal na mahal ko siya at ayoko siyang mawala sa buhay ko.
Agad kong isinangga ang sarili kong katawan upang saluhin ang matinding impact. At sa hindi inaasahang pangyayari, isinakripisyo ko pala ang buhay ng sarili naming anak.
Pagmulat ko ng mga mata ko, flat na ang tiyan ko. Wala na ang anak ko dahil sa katangahan ko.
“No! Please, no! You're lying! Tell me you're lying!” histerikal kong sigaw habang umiiyak at pilit na itinatanggi ang bawat salitang lumalabas sa bibig ng doktor.
“I’m sorry,” malungkot nitong tugon. “Your uterus was also damaged.” At ang sumunod niyang sinabi ang tuluyang dumurog sa puso ko. “Hindi ka na pwedeng magbuntis pa ulit, Mrs. Lawrence. Hindi ka na kailanman magkakaanak.”
“Vince... I can't accept this!” humahagulgol kong saad habang nakabaon ang mukha ko sa dibdib niya. “Sabihin mong nagsisinungaling siya! Please! Hindi ito totoo! Hindi ko ito matatanggap!”
Wala siyang naisagot. Tahimik lang niya akong niyakap ng mahigpit. “He’s telling the truth. But it’s okay. Everything is going to be okay, honey.”
No! Paano niya nasabing okay ang lahat? Okay ba na nawala ang anak namin? Okay lang ba sa kanya na hindi na ako magkakaanak dahil nasira ang uterus ko?
Matapos ang trahedyang iyon, pakiramdam ko ay mas lalo siyang bumait sa akin. Tinupad niya ang pangako niyang mananatili siya sa tabi ko at hinding-hindi niya ako iiwanan.
Mas lalo siyang naging maalaga at ramadam kong mas minahal niya pa akong lalo, dahil siguro iniligtas ko ang buhay niya. Mas naging maunawain din siya, at lahat ng gusto ko ay ibinibigay niya.
Hanggang sa lumipas ulit ang limang taon at natuklasan kong may ibang babae na pala sa buhay niya. At sa lahat pa ng lalandiin niya, si Rose Alajar pa ito. Ang ex niyang iniwan siya noong nagpanggap siyang walang-wala.
Muli akong bumalik sa kasalukuyan, at hawak ko pa rin ang phone ni Vince pagkatapos kong makita ang post na iyon sa s0cial media.
Sa loob ng maraming taon, iisa lang ang password niya, at iyon ay ang wedding anniversary namin. Hindi niya iyon kailanman pinalitan. O iyon ang akala ko, dahil matagal-tagal na rin mula noong huli kong nahawakan ang phone niya.
Maingat kong tinype sa phone niya ang anniversarry ng kasal namin. Pero wrong password ito.
Sandali akong napapikit. Baka nagkamali lang ako ng pindot. Kaya muli ko itong sinubukan. Pero ganoon pa rin ang lumabas. Wrong password.
Parang may karayom na tumusok sa dibdib ko. Kailan pa niya pinalitan ang password niya? At bakit hindi man lang niya ito sinabi sa akin?
Sinubukan ko ulit itype ang birthday niya, tapos ang birthday ko naman. Pero ganoon pa rin, hanggang sa maglock na ang phone niya at ilang minutes pa ulit bago ako pwedeng magtry.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ko siya dahan-dahang nilingon. Mahimbing pa rin ang tulog niya sa tabi ko at pantay na pantay ang kanyang paghinga, at may bahagya pang ngiti sa kanyang mga labi.
Sa itsura niyang iyon, walang sinuman ang mag-aakalang kaya niya akong pagsinungalingan at kaya niya akong lokohin. Napatingin ako sa oras sa phone niya. Alas-onse na ng gabi, pero hindi pa rin ako makatulog.
Maingat kong ibinalik ang phone niya sa tabi ng phone ko sa ibabaw ng nightstand at saka ko ibinaba ang mga paa ko sa malamig na sahig. Matagal muna akong nanatiling nakatayo habang nakatitig kay Vince. Hindi mapigilan ng isip ko ang magtanong.
Paano ako makakahanap ng ebidensiya na niloloko niya ako kung hindi ko man lang mabuksan ang cellphone niya? Hindi ko alam kung kailan niya pinalitan ang kanyang password, at mas lalong hindi ko alam kung ano ang ipinalit niya dito.
-Daisy-Bago kami tuluyang lumabas ng boutique, muli akong nakatanggap ng message mula kay Mr. Torres.Sinabi niyang pumunta na rin daw ako sa venue para i-confirm ang mga detalye dahil matagal na siyang nagpa-reserve roon at bayad na rin ang lugar.Kaya agad kong sinabi kay Vince na dumiretso kami sa Shangri-La Hotel. Pagkarinig nito, agad na kumunot ang noo ng mommy niya.“At ano namang gagawin natin doon, aber?” Hindi ko siya sinagot agad. “Huwag mong sabihing doon ang reception ng kasal niyo!” halos sumigaw siya. “Aba, Daisy! Sumosobra ka na!”Nginitian ko lang siya. “Malalaman natin pagdating natin doon.”Pagdating namin sa Shangri-La Hotel, agad akong pumasok sa loob at kinausap ang isang staff. Ipinaliwanag ko ang pakay ko at sinabi kong may existing reservation na sa pangalan ni Mr. Torres.Sumunod sa akin sina Vince at ang mommy niya. Pero pagdating nila sa entrance, bigla silang hinarang ng guard.“Sorry, sir. Ma’am. Hindi po puwedeng pumasok ang walang reservation.” sabi ni
-Daisy-“Vince, gusto ko ’tong dress na ’to.” Nakangusong yumuko ako at tinignan ang wedding gown na suot ko.Pagkatapos ay pailalim kong tinignan ang mommy niya, na kanina pa halatang hindi natutuwa sa inaasta ko.“Of course, babe.” Hindi man lang pinansin ni Vince ang nanay niya. “Bibilhin natin ’yan.”“Thank you!” Nakakalokong ngumisi ako kay Mrs. Lawrence bago ako sumandal sa balikat ni Vince, at kunwari ay sobrang saya ko dahil mas kinampihan niya ako kaysa sa nanay niya.Kung tutuusin, wala naman talaga akong pakialam kung gaano kamahal ang gown na ito.Ang gusto ko lang ay makita kung hanggang saan ang kaya nilang gawin para sa pekeng kasal na ibibigay nila sa akin.Pagbalik ko sa loob ng dressing room para muling magpalit, hindi nagtagal ay narinig ko ang boses ng mommy ni Vince.“Alam mo ba kung magkano ang halaga ng wedding gown na ’yon, ha, Vince?!” Napangiti ako habang dahan-dahan kong isinara ang pinto at saka nagsimulang magbihis.“Mom, it’s just a wedding gown. Ano bang
-Daisy-“Exactly!” agad na sumabat si Mrs. Lawrence. “Mabuti pa si Rose, alam niya ang tama at mali. Kung sana lang…”“Kung sana lang ano?” tanong ko sa kanya, pero hindi siya sumagot, kaya si Vince ang hinarap ko. “Vince, mukhang gusto ng mommy mo na si Rose na lang daw ang pakasalan mo.” gusto kong mag-away-away sila sa harap ko ngayon din, bilang ganti sa pang-iistorbo nila sa akin.Biglang napalingon si Vince sa kanyang ina.“Mommy, what are you even saying?” Iritableng singhal niya. “At ikaw!” Humarap naman siya kay Rose. “What are you even doing here? Bakit ba kasi sumama ka pa dito ha? Hindi ka naman kasali, di ba? Wala ka bang pasok sa office at palagi kang nakabuntot sa amin?”Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ni Rose at saka napayuko.“Vince, ano ba! Ako ang nagsabi sa kanya na sumama sa akin!” galit na sagot ni Mrs. Lawrence.Napahalukipkip ako. “See? Mas kinakampihan niya pa si Rose kaysa sa akin na manugang niya. Gusto mo, Vince, si Rose na lang ang magsukat ng weddi
-Daisy-Sa gilid ng aking mga mata, nakita kong bigla siyang natigilan. Nawala ang kulay sa mukha niya, at ang hawak niyang plastic ay unti-unting bumitaw sa kanyang mga daliri.Bumagsak iyon sa sahig, pero walang pumansin sa kanya. Maging si Vince ay hindi rin siya nilingon.“Oh…” Pinilit kong pigilan ang ngiti ko at muling tinignan si Vince. “You're so sweet, Vince.” Bahagya kong hinaplos ang kanyang braso. “Totoo ba ang lahat ng sinabi mo?”“Of course!” Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagyakap sa akin at may paghalik pa siya sa tuktok ng ulo ko. “Hindi mo alam kung paano ako nahihirapan nitong mga nakaraang araw dahil wala ka sa tabi ko. I can't lose you, babe. You're my whole life.”Tinapik-tapik ko ang balikat niya. Pero unti-unting nagbago ang ekspresyon ko. Mula sa isang simpleng ngiti, naging seryoso ang mukha ko at tumalim ang mga mata ko.“I believe you, Vince. Loyal na loyal ka sa akin bilang asawa mo. You never cheated on me.” Saglit akong tumingin sa kanya. “At walang i
-Daisy-Pagdating namin sa hospital, saka naman sinabi ng doktor na maaari nang iuwi si Vince. Matapos siyang ma-check at masigurong wala naman siyang malubhang injury mula sa nangyari, agad na ring inayos ng pamilya niya ang kanyang discharge papers.Akala ko, didiretso na kami sa bahay ng mga Lawrence. Pero nagulat ako nang sa halip na doon siya dalhin, inuwi nila si Vince sa bahay namin.At mas lalo akong nagulat nang pagdating namin ay iniwan nila ako roon. Ako raw ang mag-aalaga sa kanya.Seriously? Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis.“Hindi ako maiiwan dito!” Agad akong tumayo mula sa gilid ng kama. “Uuwi na ako!”Hindi ko na hinintay na may sumagot. Dumiretso ako palabas ng kwarto, pero bago ko pa man mahawakan ang doorknob, biglang iniharang ni Vince ang kamay niya sa pinto.“Vince, ano ba?” naiinis na hinampas ko siya sa braso. Wala akong pakialam kung galing man siya sa hospital. Mukha namang mas malakas pa siya sa kalabaw eh.Ano pa bang aasahan ko, eh scripted la
-Daisy-Namula ang mukha niya sa sinabi ko.“Isa pa,” dagdag ko, “hindi ko naman sinabi kay Vince na iligtas niya ako, ah?”Lahat sila ay natulala sa sinabi ko. Walang nakasagot.Bakit? Ginaya ko lang naman ang sinabi niya sa akin noon ah. Na hindi niya naman sinabing iligtas ko siya. So ngayon, ibinabalik ko iyon sa kanila para alam nila ang pakiramdam ko noong sinabi iyon ni Vince sa akin.Akala siguro nila, madali na naman nila akong matatakot o mamanipulahin dahil lang sa nangyari kay Vince. Never!Hindi na ako ang dating Daisy. Hindi na ako basta-basta magpapagamit sa kanila. Hindi na ako basta maniniwala sa mga luha at matatamis na salita nila.Wala nang sinabi pa sina ang mag-asawang Lawrence at Rose. Tumalikod na lamang sila at dumiretso sa kwarto ni Vince.Maya-maya, may dumating na mga pulis upang kunin ang statement ko. Isa-isa kong sinabi ang lahat ng naaalala ko.Kung saan ako nakatayo at kung paano mabilis na lumapit ang sasakyan sa kinaroroonan ko.Kung paano ako hindi







