Tumigil kami sa isang restaurant hindi kalayuan sa office. Naunang bumaba si Jaxon habang kasunod ako. Bumati sa amin ang waitress pagpasok namin sa loob. Nakasunod lamang ako sa kanya hanggang sa makahanap siya ng table. Sa may bandang dulo kami pumwesto malapit sa glass wall. Tanaw namin ang paroo't paritong mga tao ngunit hindi naman nila kami nakikita mula sa loob. Napatingin na lang ako sa kanya nang ipaghila ako nito ng upuan.
"T-thanks." Nauutal na wika ko. May lumapit na waiter sa amin kaya si Jaxon na ang nakipag-usap dito at nagbigay ng order naming pareho. Pagkaalis ng waiter ay nakangiting humarap sa akin si Jaxon.
"Mukhang ang lalim ng iniisip mo," aniya kaya napaangat ako ng tingin at sinalubong ang mga mata niya. Umiwas agad ako ng tingin upang hindi niya makita ang pag-aalala sa mga mata ko. Hindi ko kayang alisin sa isip ang mga nangyayari sa amin ngayon. "Lhaurize, kung may problema ka pwede mong sabihin sa'k"S-salamat sa paghatid." Iniiwas ko ang tingin kay Jaxon pagkatapos ay mabilis na bumaba ng sasakyan. Hindi na ako nag-abalang tingnan ang reaksyon niya. Diretso lamang ang tingin ko habang naglalakad patungo sa gate. Pipindutin ko na sana ang doorbell nang maramdaman kong may humawak sa braso ko. Mabilis akong napalingon at nakita si Jaxon. May bahid ng pag-aalala ang mga mata niya nang matitigan ko ito. At iyon ang bagay na hindi ko nakita sa kanya three years ago. "Jaxon," bigkas ko sa pangalan niya. Tipid siyang ngumiti at kinagulat ko ng mag-doorbell siya. "Jaxon! Anong ginagawa mo?" Tarantang tanong ko sa kanya. Kung may binabalak man siya ay hindi ko alam kung ano. Nasa loob ng bahay si Sebastian at ang kambal. Hindi pwedeng makita nila si Jaxon. Malamang na magtatanong sila sa akin kung anong ginagawa nito kasama ko. "Lhaurize?" Sabay kaming napalingon ni Jaxon nang bumukas ang gate. Lumabas si Sebastian at kasama nito
"Malik is allergic on peanuts?"Naibagsak ko ang hawak kong kutsara matapos ang tanong na iyon ni Jaxon. Hindi agad ako nakapagsalita kaya hinayaan kong si Sebastian ang sumagot para sa akin. Dali-dali ko namang pinulot ang kutsarang nasa sahig bago tumayo at kumuha muli ng panibago."Yeah. He is allergic on peanuts," dinig kong sagot ni Sebastian kay Jaxon. Pagbalik ko sa pwesto ko ay nakatingin si Jaxon kay Malik pagkatapos ay lumipat ang tingin nito kay Margaux. Kung ano man ang tumatakbo sa isip ni Jaxon sa mga oras na ito ay wala akong ideya. Nagpalipat-lipat ng tingin si Jaxon sa dalawang bata bago natuon ang pansin kay Margaux."How about you Margaux? You're not allergic on peanuts?" tanong niya sa anak ko. Nakangiting tumango si Margaux sa kanya habang pilit nitong inaabot ang bowl na pinaglalagyan ng ulam. Takang sinundan ko ng tingin ang ginawa niyang paglagay ng pagkain sa plato ng sarili niyang ama.
"I love you. I still do.. Lhaurize."I kept silent for about a minute. Kumalas ako mula sa pagkakayakap ni Jaxon bago tumingala at salubungin ang mga mata niya. Ayokong umasa ngunit nakikita ko ang isang bagay na hindi ko nakita noon sa tuwing pagmamasdan ko siya mula sa malayo."Mahal kita. Mahal pa rin kita. At kahit ilang beses mong ipaulit sa akin iyon ay hindi ako mag-aalinlangang sabihin iyon sa harap mo."Mahal niya ako? Kailan pa? Minsan ko nang pinangarap na mangyari ang bagay na iyon ngunit ayokong maniwala sa mga oras na ito. Ilang beses kong inasam na marinig mula sa kanya ang salitang iyon ngunit sa pagkakataon at sitwasyon ngayon ay hindi ko alam ang pwedeng maramdaman."Naguguluhan ka lang, Jaxon." Umiwas ako ng tingin sa kanya at humakbang paatras."I'm always sure when it comes to you.""Sigurado ka sa sinasabi mo?" Pagak akong
"Good morning Miss Lhaurize!" Masayang pagbati sa akin ng security guard sa entrance ng LSJDV Publishing pagdating ko sa opisina kinabukasan. Ngumiti lamang ako bago inabot ang kapeng madalas kong binibili para rito at isang banana bread. "Coffee for you Kuya Ernest," wika ko at tuwang-tuwa namang tinanggap iyon ni Kuya Ernest. Siya ang nagsisilbing security guard ng kumpanya sa loob ng ilang taon. Pinipilit na nga namin siya noon na ilipat na sa itaas at doon na lang magbantay ngunit mas gusto raw niya na nasa labas siya at maraming nakikitang sasakyan. Pangarap daw niya kasi na magkaroon ng magarang sasakyan na hindi natupad dahil sa trabahong meron siya. Bukod pa doon ay siya ang nagpapa-aral sa mga apo niya kaya kailangang magtrabaho ng maayos. "Thank you Miss Lhaurize! Sinasanay niyo ho ako na may kape kayong dala tuwing umaga." "Ayos lang po iyon. See you po ulit mamaya." Nagpaalam na ako
WARNING: This chapter contains of some matured scenes. Inshort Rated 18.»»»"Everything will fall into its place. Everything will be fine, hon. I love you. Always remember that."Nanatili kaming magkayakap ni Jaxon ng mga ilang minuto bago ako kusang kumalas sa pagkakayakap niya. Tumingala ako at tipid na ngumiti dito. Alam kong naweirduhan siya sa inasal ko ngunit hinayaan ko lamang iyon.Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko hanggang sa lumapat iyon sa pisngi niya saka marahang hinaplos iyon. Puno man ng pagtataka sa mukha niya ay wala naman siyang sinabi sa akin. Mahal ko siya. Matagal ko nang inamin iyon sa sarili ko at hindi nawala ang pagmamahal na iyon kahit pa ilang taon na ang lumipas. Siguro ay nagpahinga lang ang puso ko para sa kanya pero hindi iyon nawala. Hanggang ngayon ay siya pa rin ang laman ng puso ko. Si Jaxon Dela Vega pa rin pagkatapos ng tatlong taon.
"See you tomorrow Miss Lhaurize.""Okay. Ingat pauwi!""Miss Lhaurize, naipadala ko na po sa email niyo ang letter ni Bianca. She needs your approval para sa layout nung isang libro na ilalabas next week.""Okay, I'll check it tomorrow morning ha?""Okay po Miss Lhaurize. Anyway, ingat po pauwi.""I will. Thank you."Isa-isang naglabasan ang mga kasamahan ko sa opisina at nagpaalam sa akin. Alas sais pasado na ng hapon at tapos na ang trabaho ko para sa araw na iyon. Maayos ko ng iniligpit ang gamit ko at isinalansan ang mga iyon sa ilalim ng drawer bago kinuha ang bag at sinukbit sa balikat ko. Ngunit nanatili ang isang magazine sa ibabaw ng desk.Akmang papatayin ko na ang switch ng ilaw nang biglang magsara ang pinto ng opisina. Only to find out that it was Jaxon who closed the glass door."Lhaurize," pagtawag niya sa pangalan ko. Nang
"Okay ka lang?"Gulat akong napalingon matapos marinig ang tanong na iyon. Hindi ko namalayang nakarating na ako sa opisina na laman ng isip ang MMS na pinadala sa akin kagabi. Hindi ako halos nakatulog buong magdamag sa sobrang pag-iisip at pag-aalala.Si Jaxon at Sebastian naman ngayon ang balak na gawing panakot sa akin. Noong una ay ang mga anak ko at ngayon..."Ms. Santillan, come to my office at exactly 9 am." Nasundan ko ng tingin ang papalayong bulto ni Jaxon. Lumingon ako sa mga kasamahan ko at kita ko ang pagpigil nila ng ngiti habang nakasunod din ang tingin nila rito.Tatlong taon.Sa loob ng tatlong taon ay tahimik ang naging buhay namin ng mga bata. Ngunit simula nang bumalik si Jaxon sa buhay namin ay doon nagsimula ang mga pananakot sa akin."Lhaurize, pumunta ka na sa office ni Sir Jaxon. 8:55 na."Napatingin ako kay Raiko na hawak a
"Sigurado kang ayos ka lang dito?""Yes. Don't worry about me."Nagising ako matapos maulinigan na tila may mga nag-uusap. Bumangon ako at inilibot ang paningin sa kabuuan ng maliit na kwarto at nakitang wala na si Jaxon doon. Saglit kong inayos ang sarili ko bago lumabas ngunit napahinto ako nang makita ang sekretarya ni Jaxon habang kausap ito. Umangat ang kilay ko matapos makitang tila hinaplos nito ang kanang pisngi ng asawa ko."Jaxon.." mahinang tawag ko ngunit sapat para makuha ko ang atensiyon niya. Lumingon siya sa akin saka mabilis na lumapit at hinawakan ang magkabilang balikat ko."Nakatulog ka ba nang maayos?"Tumango ako bilang tugon. Samantala, napatingin ako sa sekretarya nito na hindi ko mawari kung anong emosyon ang naglalaro sa magandang mukha nito. Nakatingin lamang siya sa aming mag-asawa ngunit agad ding nag-iwas ng tingin nang lumingon si Jaxon sa kanya.