Share

Chapter 5

"How's their food? Mukhang mauubos mo na yata ang inorder mo." Tumigil ako sa akmang pagsubo ng marinig ang sinabi ni Sebastian. Nilingon ko siya pagkatapos ay kiming nginitian. Paalis na sana siya kanina nang mabangga ko kaya lang ay hindi inaasahang nagkita sila ni Rusty. Sa huli ay inaya na lamang siya nila Arianne na sumama sa amin. Akala ko nga no'ng una ay hihindian niya ang imbitasyon ngunit mabilis pa sa alas-kwatrong pumayag siya.  

"Masarap yung pagkain nila," sagot ko pagkatapos ay itinuloy na iyon. Ngumiti ito sa akin pagkatapos ay inabot ang isang plato ng Crab dish. Kinuha ko naman iyon at naglagay sa plato ko at inilapag sa lamesa pagkatapos ay inabot din niya sa akin ang isang hot sauce. 

"Thank you," pasasalamat ko at tumango naman siya. 

"Taste good," sagot ni Arianne na katabi ni Rusty sa upuan. 

"Good to know."  

"You love seafood dishes?" tanong pa sa akin ni Sebastian. Sasagot na sana ako nang maunahan ako ni Rusty.

"Yes. She loves seafood. Kaya karamihan sa mga in-order ko ay mga paborito ni Lhaurize." 

Nagkatinginan kami ni Arianne bago nalipat ang atensiyon namin kay Rusty. Malapad ang pagkakangiti niya habang nakatingin kay Sebastian. He has this grin on his face while looking at Sebastian. Ipinagtaka ko naman ang sinabing iyon ni Rusty. Bukod sa hindi ako ganoon kahilig sa seafoods ay hindi rin naman mga paborito ko ang nasa lamesa namin ngayon. 

"I see." Iyon na lang ang tanging nasabi ni Sebastian bago lumingon sa akin at tipid na ngumiti. 

"Eat well," dagdag pa niya bago nagpunas ng bibig. 

"Anyway, thanks for the food but I need to go. May importante pa akong aasikasuhin."

 Tumayo na si Sebastian at hindi naman sinasadyang napatingin ako kay Rusty na hindi ko malaman kung natutuwa ba siya na aalis na si Sebastian o ano. Nakita ko rin ang pasimpleng pag-ngisi niya. Inaamin kong may kakaibang kilabot akong naramdaman sa mga inaasal ngayon ni Rusty. O baka pakiramdam ko lang. 

"Aalis ka na agad? Marami pang pagkain, pare." 

"Thanks but I really need to go-" 

"Can you take me home Sebastian?" 

Alam kong kahit ako ay nagulat sa biglaan kong pagtayo at pag-insist na magpahatid kay Sebastian pauwi. Napatingin sa akin si Arianne at Hawk samantalang kitang-kita ko ang paghigpit ng hawak ni Rusty sa gamit niyang tinidor.

"Sigurado ka Lhaurize?" tanong sa akin ni Rusty. Napalunok ako bago marahang tumango. 

"Ayos lang naman sa inyong mauna na ako? Medyo nahihilo rin kasi ako," pagsisinungaling ko. May pag-alala sa mukha ni Arianne ng tumayo siya at akmang aalalayan ako. 

"Hindi ba nakakahiya sa'yo?" may alinlangang tanong ni Hawk kay Sebastian. Akala ko ay tatanggi ito ngunit naramdaman ko ang maingat na paghawak ni Sebastian sa may bandang siko ko. 

"It's alright. Ako na ang maghahatid sa kanya."

"Thank you Sebastian."

"Just call me Seb. Masyadong mahaba kapag Sebastian," pagbibiro pa niya. Nagtawanan kami bago dumako ang paningin ko kay Rusty. This time ay hindi na kilabot ang naramdaman ko kundi kaba. Kaba dahil sa kakaibang tingin niya sa akin. Hindi siya napapansin nila Arianne dahil na kay Sebastian ang atensiyon nila. 

"Pwede na ba tayong umalis?" tanong ko. Napatingin sa akin si Sebastian ng may pagtataka sa mukha. Sa huli ay nagpaalam na siya kina Arianne ganun din ako. Kabado man ngunit pilit kong pinasigla ang boses ko habang nagpapaalam kay Rusty. Tinanguhan lamang niya si Sebastian habang kakaibang ngiti ang ibinalik sa akin ni Rusty. 

"Tara na," pag-aya ko at nagpatiuna nang naglakad kay Sebastian. Sa pagmamadali kong makalayo sa table namin ay halos maunahan ko na si Sebastian na nakasunod sa akin.

"Bakit para yatang may humahabol sa'yo? Ayos ka lang ba?" 

Huminto ako sa paglalakad hanggang sa mapantayan na niya ako. Ilang beses akong napalunok at pinaypayan ang sarili ko maalis lamang ang kabang nararamdaman ko pa rin hanggang ngayon nang dahil sa kinikilos ni Rusty. 

"Pasensiya na sa abala. Ayos lang kung hindi mo na ako ihatid. I mean, kaya ko namang umuwi mag-isa kaso-"

"It's because of Rusty, right?" 

Napatingin ako kay Sebastian at hindi na nag-alinlangan pang  tumango. 

"Ito lang ang unang beses na nakaramdam ako ng kaba."

"Ngayon alam ko na kung bakit kanina ka pa hindi mapakali sa table natin." 

Wala akong naramdamang kaba o takot habang kausap ko si Sebastian.  Magkasabay kaming naglalakad sa may parking lot kung nasaan ang sasakyan niya. Hindi na rin ako nagdalawang-isip pang ikuwento sa kanya ang mga napansin ko. Mataman siyang nakinig hanggang sa matapos ako.

"I think he likes you. He didn't mind if you are already married." 

Sa halip na matakot ulit ay natawa na lamang ako. Sa halos ilang minuto naming kasama si Sebastian ay nalaman niyang kasal na ako. Dahil iisang mundo lang ang ginagalawan nila ni Jaxon ay kilala niya ang asawa ko. Pareho silang Engineer at minsan nang naging magkatrabaho sa isang project. Kung hindi ako nagkakamali ay bago pa kami ikinasal noon ni Jaxon at bago rin nagtayo ng sariling kumpanya ang asawa ko and that was a years ago. 

"I'm sorry for him." 

"Well, let's see what he is going to do next."

"Bigla naman akong kinabahan diyan." 

"Relax. Tell your husband about Rusty. He knows what to do." 

Hindi na lamang ako sumagot pa. Wala si Jaxon ngayon sa Pilipinas at kahit pa sabihin ko sa kanya ang tungkol kay Rusty ay wala rin naman siyang pakialam.

Nakarating kami sa parking lot at huminto sa isang itim na BMW car.  

"Get in the car." 

Agad naman akong pumasok sa loob ng sasakyan at umupo sa tabi ng driver's seat. Sumunod si Sebastian at ini-start na ang makina ng sasakyan. Tahimik naming binaybay ang daan at hindi rin naiwasang ma-stuck sa traffic lalo na at gabi.

"Gusto mo bang dumaan muna sa drive thru? Baka gutumin ka mamaya." Mayamaya pa ay tanong sa akin ni Sebastian. Naka-green ang stoplight kung kaya't malaya kaming nakakapag-usap. 

"Hindi na siguro. Gusto ko na ring magpahinga pag-uwi. Masyado akong napagod ngayon," sagot ko sa kanya.  Lumingon siya sa akin at saka tumango. 

"Sige. Ididiretso na kita sa bahay niyo." 

"Salamat Seb."

"Welcome." 

Mahigit isa't kalahating oras din ang lumipas bago kami nakarating sa subdivision na tinitirhan namin ni Jaxon. Nang huminto ang sasakyan ay bumaba na rin ako. 

"Maraming salamat ulit Seb." 

"Not a problem. Anyway, I'm glad to meet such a beautiful woman like you."

"Ako rin naman." 

"So.. I've to go but can I have your number? If it's fine with you." 

Natawa ako kay Sebastian na tila batang nahihiya habang hinihingi ang cellphone number ko. Binigay ko naman iyon at 

para makasigurado siya ay tinawagan pa niya ang numerong binigay ko.

"It's my number."

"Sabi ko nga. Thank you." 

"Sige. Thanks for tonight Seb. Ingat sa pag-drive."

"I will." 

Saglit ko pang hinintay na makaalis si Sebastian bago pumasok sa loob ng gate. Naglakad ako patungo sa pinto at akmang ipapasok ang susi sa keyhole ngunit hindi ito nakalock. Imposibleng mabuksan ito lalo na at kakaiba ang susi ng bahay namin unless nandito si Jaxon na mayroong duplicate ng susi. 

Tuluyan ko nang binuksan ang pinto at tumambad sa akin ang madilim na loob ng bahay ngunit ang first floor lamang ang walang ilaw dahil bukas ang mga ilaw sa second floor. 

'Jaxon.' 

Magkahalong kaba at saya ang naramdaman ko ng mga oras na iyon. Akala ko ay dalawang buwan siyang mawawala sa bansa. Mabilis akong pumanhik sa hagdan at patakbong tinungo ang kwarto ng asawa ko. 

May ngiti sa labing binuksan ko ang pinto at masiglang tinawag ang pangalan niya.

"Jaxon- what are you doing here?"

It is not Jaxon. It was Rusty. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status