Share

Chapter 4

"Wala ka namang dapat ikahingi ng tawad Jaxon," sagot ko matapos marinig ang paghingi niya ng tawad. Oo, aaminin ko na nagpapakatanga ako sa lalaking ito dahil mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya kahit alam kong parang estranghera kung ituring niya ako. 

"Hindi ka na pwedeng lumabas o makipagkita sa Rusty na 'yon."

"Pero-"

"Makinig ka na lang sa'kin kung ayaw mong humantong sa annulment ang lahat."

Hindi na ako nakasagot pa sa kanya. Ayoko. Ayokong makipaghiwalay sa kanya kahit anong mangyari. Hindi pwedeng humantong ang lahat sa annulment. Titiisin ko na lang ang pagtratong ginagawa niya basta kasama ko siya.

"S-sige kung 'yan ang gusto mo."

Tinalikuran na niya ako at lumabas ng kwarto kaya naman maayos rin akong nakapagpalit ng damit pantulog. Makaraan ang ilang sandali ay muli siyang pumasok sa loob ng kwarto na amoy-alak. Hindi ko alam kung bakit dalawang magkasunod na gabi na siyang naglalasing. Ayoko namang tanungin siya dahil alam kong hindi niya ako sasagutin. He will just give me a cold shoulder. 

Sinundan ko siya ng tingin ng walang pakundangang naghubad siya sa harap ko at itulak ako pahiga sa kama. 

"J-Jaxon."

Not this time. Masakit pa ang ginawa niya sa akin. 

"What?"

"I want to sleep."

"You're not going to sleep. Unless you want me to fvck you up first."

'I want Jaxon pero nakainom ka.' Gusto kong sabihin pero alam kong mag-aaway lang kaming dalawa kapag nagsalita ako.

"Pero kasi-Jaxon!"

Napasigaw ako ng pasabunot niyang hawakan ang buhok ko at mariing halikan.

"I want to fuck you until you beg on me to stop."

"J-Jaxon.."

At hindi na ako nakapalag pa ng magsimula na siyang kumilos sa katawan ko. Hinayaan ko na lamang siya kahit ako ang nagmumukhang kawawa sa aming dalawa. Gusto ko ito. Ang malapit siya sa akin kahit pa tila isa lamang akong estranghero sa kanya. 

Lumipas ang dalawang linggo.

Sa loob ng dalawang linggo ay ganoon pa rin ang trato sa akin ni Jaxon. May mga gabing may nangyayari sa amin na ginusto ko rin. Mahal ko si Jaxon at tawagin niyo na akong masokista at martyr pero lahat gagawin ko para sa kanya matanggap lamang niya ako bilang asawa at bumalik ang dating kami. 

At katulad ng mga nangyayari sa amin tuwing gabi ay nagising na lang ako na wala na siya sa tabi ko kinabukasan. Iniwan ako na parang walang nangyari. Walang paalam.

Maghapon lang akong nasa bahay buong araw at hindi naisipang umalis. Hindi ko alam ngunit may kakaiba sa akin sa nakalipas na ilang araw. Nagbukas lang ako ng Sns account ko at binisita ang f******k account ng asawa ko. May latest post pero hindi sa kanya galing kundi naka-tagged lamang.

                 Margareth Red is with Jaxon Keith.

'On our way to Hongkong! See you after 2 months'

Ayan ang nasa caption. Nakayakap ang babae mula sa likuran ng asawa ko. Nasa airport silang dalawa base na rin sa background ng litrato nila. Kita ko ang nakangiting mukha ni Jaxon habang yakap siya ng Margareth na kasama niya.

 Napakaganda nito at aaminin kong sobra akong nagseselos sa litratong magkasama sila. Kitang-kita ang saya sa mukha ng babae habang nakayakap sa asawa ko. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko sa nakita. 

Hindi pamilyar sa akin ang babae at sa ilang taon namin ni Jaxon bilang mag-asawa ay kilala ko na ang mga babaeng dinadala niya sa bahay. Ngunit ang Margareth na kasama niya sa litrato ay hindi ko pa nakikita kahit kailan.

Dalawang buwan siyang mawawala sa bansa. Dalawang buwang walang Jaxon Dela Vega sa bahay.

I'll keep reaching as far as I can till break of day

I'll keep reaching, the light of my life will find it's way

Kinuha ko agad ang cellphone ko at nang makitang si Arianne ang tumatawag ay agad kong sinagot iyon.

"Arianne napatawag ka?"

"Lhaurize sino 'yung Margareth na nag-tagged ng picture kay Jaxon?"

Nakita na pala nila.

"A whore." Hindi ko mapigilan ang galit ko sa nakitang larawan ni Jaxon at ng malamang ay bagong babae niya.

 

"That bitch!" Inis namang sagot ni Arianne mula sa kabilang linya.

"Hayaan mo na lang muna sila. Kakausapin ko na lang si Jaxon pagbalik niya," sagot ko at saka pinatay na ang tawag.

 Muli kong binalikan ang post at nakita kong may isang comment na galing kay Rusty at Hawk. Dumagdag pa 'yung kay Arianne. Patay na.

Hawk: Who's she kuya Jaxon? And why she's hugging you? 

Rusty: Nice. Happy Family na ba ang sunod niyan Sir? ^_^

Arianne: So who's that bitch? Whore. Alam ba ng babaeng 'yan na may asawa ka Kuya Jaxon? 

Napakagat ako ng labi dahil sa mga comment nila. Ano na lang ang mangyayari kapag nakita ni Jaxon o ng babae yung mga comment nila. Baka sa akin pa magalit si Jaxon o ang babae niya. 

Hindi na lang ako nag-comment pa bagkus ay diretso log-out na.

 Anong mangyayari sa amin sa loob ng dalawang buwan na malayo kami sa isa't isa at may kasama pa siyang ibang babae?

Tumayo ako at akmang lalabas ng kwarto nang bigla akong makaramdam ng hilo.

Hindi pa nga pala ako kumakain ng agahan dahil sa pag-iisip kay Jaxon.

Tweet tweet! Text message!

From: Arianne

hey, let's go out tonight? 

Nang makita ko ang text message ni Arianne ay hindi na ako nag-dalawang isip na mag-reply. Pumayag ako sa imbitasyon niyang lumabas kami mamayang gabi. Wala naman sigurong masama sa bagay na 'yon? Isa pa ay kaibigan ko naman ang makakasama ko sa paglabas at hindi ang kung sino lang. 

Pagsapit ng alas-siyete ng gabi ay nag-ayos na ako ng sarili. Simple lamang ang sinuot ko at walang kahit anong kolorete sa mukha. Sinundo ako ni Arianne sa bahay at hindi ko akalaing kasama pala namin si Rusty. Binati niya ako gano'n din si Hawk na nasa driver's seat. Kay Arianne naman ako tumabi. 

"Where shall we go?" tanong ko kay Arianne habang inaayos ko ang seatbelt. 

"Diyan sa magaling kong kapatid at kay Rusty. Pambihira! Ginamit pala nila ang cellphone ko para lang sendan ka ng message," asar na sagot ni Arianne. Sa halip na mainis din sa ginawa ni Hawk at Rusty ay natawa na lamang ako. Kahit paano ay gusto ko silang pasalamatan sa ginawa nila. Ayokong malungkot sa loob ng bahay habang ang asawa ko ay hayun at nagpapakasaya kasama ng babae niya. 

"Hayaan mo na. Minsan ka lang naman nila inisin, pagbigyan mo na." Natatawang saad ko sa kanya. 

Masaya naman ang naging biyahe namin kahit pa hindi ko alam kung saan kami tutungo. Mahigit isa't kalahating oras din ang byahe namin at nalaman ko na lang kung nasaan kami nang makita ko ang pangalan ng lugar. 

"Dito talaga?" Natatawang tanong ko ng makababa kami ng sasakyan. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o ano. Akala ko naman ay napakalapit ng pupuntahan namin. 

"Welcome to Venice Grand Plazza." Buong pagmamalaking wika ni Hawk sa amin. 

"Isipin niyo na lang na nasa Venice, Italy tayo. Maganda ang lugar sa umaga pero mas maganda kapag ganitong gabi." Napalingon ako kay Rusty na hindi ko inaasahang nakatingin sa akin. Tipid ko siyang nginitian sabay baling sa ibang direksyon.

"Rusty suggested this place. Looks fancy and he's right. Para nga tayong nasa Venice," dagdag na paliwanag pa ni Hawk sa'min. 

"Tara sa loob. Let's eat first then subukan natin na sumakay sa bangka rito." Sumunod kami kay Rusty. Nakakapit sa braso ko si Arianne habang ako naman ay namamangha sa nakikita ko. 

Tama nga si Hawk. Napakaganda ng lugar lalo na kung gabi. 

The place looks so romantic. 

Sa bawat paglingon ko ay pulos mga couple ang nakikita ko.

 Saglit akong napahinto sa paglalakad nang may isang pares 

ng babae at lalaki ang nakasakay sa bangka. Makikita sa kanila na mahal nila ang isa't-isa lalo pa at grabe kung makaalalay ang lalaki sa girlfriend nito habang tumatayo sa bangka.

'Jaxon..' 

Akmang maglalakad na ulit ako nang hindi inaasahang may makabangga ako. Muntikan na akong mawalan ng balanse kung hindi lamang ako nahawakan sa bewang ng kung sino. 

"Hey, careful." Tumingala ako at isang lalaki ang nakita kong nabangga ko. 

"Lhaurize! Ayos ka lang?" Si Arianne na tinulungan ako na makatayo ng maayos. 

"Sorry. Hindi kita napansin."

"It's okay. Hindi ka naman siguro nasaktan sa pagbangga mo sa'kin?" 

"Sebastian?" Mula sa lalaki ay nalipat ang tingin ko kay Rusty. Mukhang kilala niya ang lalaking nabangga ko. 

"Yeah. And Rusty, right?" 

"Oy pare! Long time no see." 

Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa dalawang lalaking mukhang ngayon lang nagkita pagkatapos ng ilang taon. Mayamaya pa ay napabaling sa akin ang atensiyon ng lalaking tinawag na Sebastian. 

"Be careful next time Miss. I'm Sebastian Parker nga pala. And you are?" 

Inilahad ng lalaking nagpakilalang Sebastian Parker ang palad niya sa'kin. Ilang minutong nasa harapan ko ang palad niya bago ko nagawang kunin iyon. 

"Lhaurizeth Dela Vega."

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
nakakatanga talaga ang sobrang pagmamahal pero hindi lahat ng nagmamahal ay handang magpakatanga lalo nat paulit ulit kang nasasaktan
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status