Share

Chapter Five-The Tenderness of Zeus

"Ano ba naman yan Hera? Ang bobo mo sa lahat ng puwede mong makalimutan iyong mga damit pa talaga."

Napakamot na lang ng ulo si Hera sa kabaliwang nagawa niya.

"Hera!"sigaw ni Zeus sa kabilang side ng pinto na sinabayan pa nito nang pagkalampag ng pinto.

"Bakit ba?"sigaw din ni Hera pabalik kay Zeus.

"Bubuksan mo ba ang pinto o wawasakin ko ito?"

"Bawal,hindi ko puwede gawin iyon,"mahinang sambit ni Hera na halos pabulong na.

Natahimik naman si Zeus pero saglit lang.

"Wala akong pakialam,kailangan kong gumamit ng bathroom."

"Bahala na nga,"pabulong na sambit ni Hera sa sarili.

Sinuot niya ang bathrob at binalot ang napakahabang buhok sa towel. Nilakasan niya ang loob na lumabas ng iyon lang ang suot at walang kahit ano sa loob ng roba.

Pagkalabas ni Hera sa bathroom ay natulala si Zeus at namula ito.Habang si Hera naman ay dirediretso lang sa paglalakad papunta sa closet. Ilang sandali pa ay narinig na niya ang pagsara ng pinto ng banyo. Nakahinga naman ng maluwag si Hera. Dinampot niya ang isang simpleng blouse at short. When she got dressed, she took the cellphone and opened the messenger. She chat her bestfriend Athena.

Babaita

Bakit?

?Kamusta ka na,bestfriend

Ito maganda pa din,kamusta lovelife mo?

!Wala

Ang hina mo naman bestfriend,ang bagal mo.

!Wala akong balak kaya tigilan mo ako,lukaret

Ang dami kong tawa promise.

!Bahala ka nga diyan

Why? Don’t you find him attractive?

!No

By the way,saan ang date niyo today?

!In your dream

Seryoso nga?

.Patola ka pa din kahit kailan

He ask me kung ano daw ba ang mga

gusto mo,kung ano daw mas prefer

na pinapasyalan.

Hay naku,kababasa mo yan ng mga

Love story online at nang mga gawa

.ni Ate Francine

Tinanong niya talaga ako bestfriend,

I think na fall na siya sa ganda mo.

.Tigilan mo ako Athena,walang ganon

In denial ka pa.

.I’m not

Chat you later,magpaparank-up pa

ako sa MLBB.

!Addict

Seen

Ibinababa ni Hera ang cellphone niya at tinungo ang coffee table kung saan nakapatong ang kanyang laptop. Umupo siya sa harap nito at bubuksan na sana ito ngunit napalingon siya sa bumukas na pinto ng bathroom. Lumabas ang roon ang bagong ligo na si Zeus. He’s wearing a plain white shirt na humahapit ng kaunti sa katawan nito kaya bakat na bakat ang abs nito at camouflage cargo short. Hera smelled the aprodisiac scent of Zeus. Hindi maiwasan ni Hera na samyuhin ang amoy na iyon.

Tila naengkanto si Hera na sinusundan ng tingin si Zeus.

Ang bango-bango naman ng lalaki  na ito. In fairness nakakaturn on ang kabanguhan niya. I love that kind of scent pa naman,iyong parang may vanilla scent with masculine scent. Grabe ang bango niya talaga. Naku,nakakatakot na ito.Parang hindi na ako ito. Kailan pa ako naging ganito ng dahil lang sa naamoy kung mabango.

“Magbihis ka at aalis tayo,”sambit ni Zeus.

“Ano?”

“Magpantalon ka at magdala ka nang jacket at malamig sa pupuntahan natin.”

“Okay,pero saan naman tayo pupunta?”

“Breakfast,”maikling sagot ni Zeus.

Tumayo na si Hera para magpalit ng pantalon at kumuha na lang siya ng isang gray na cardigan. Nagsuot din siya ng plain na rubbershoes. Inayos niya sandali ang kanyang maliit na sling bag. Inilagay niya ang kanyang cellphone,wallet,hankerchief, and ponytail doon. Hindi pa kasi tuyo ang kanyang kulot na mahabang buhok kaya hindi pa niya itinatali.

“Let’s go?”yaya ni Zeus.

“Let’s go.”

Habang naglalakad sila patungong elevator ay nakasalabong nila ang ilan sa mga kaibigan ni Zeus. Hindi kasama sila Val at Ash.Kumaway ang mga ito at lumapit sa kanila.

“May date kayo ngayon?”tanong ng singkit at maliit sa grupo.

“And so?”sagot ni Zeus.

“Sungit naman nito,”sambit ng kaibigan ni Zeus.

“Baka puwede naman kami sumabit sa inyo?”tanong naman ng isang matangkad na moreno.

“Asungot ka talaga.”sabi naman ng isang tisoy na matangkad.

“Hindi kayo puwedeng sumama,”sabi naman ng isang boses babae na nang gagaling sa likod nila Zeus.

“Oh come on Val,ang kj mo talaga,”sabi naman ni Ash.

“Bakit?Pag nag date ba tayo papayag kang sumama ang mga asungot na iyan?”tanong ni Val.

“Siyempre,hindi!”

“Alis na kami,baka nagugutom na ang reyna ko,”singit ni Zeus sa mga nagkukulitang kaibigan. Hinawakan nito ang kamay ni Hera at hinila na ito papunta sa elevator.

Nang nasa harap na sila ng elevator at hinihintay ang pagbubukas ng pinto ng elevator ay napatingin si Zeus kay Hera na abala sa paggamit na cellphone. Tinitigan niya ito.

Napakaganda niya kahit na simple lang ang suot niya.Sana magustuhan niya sa pagdadalhan ko sa kanya para makabawi ako sa ginawa ko kahapon at kanina. Hindi ko alam pero sobra talaga akong nababahala pagtahimik siya. Para siyang isang balon na sobrang lalim at pag nasa taas ka ay hindi mo makikita ang tubig nito sa loob. Nakakachallenge at nakakatakot at the same time. Para siyang sira na hindi maintindihan ang sarili. Alam niyang na amaze talaga siya sa mabilis na pagbabago ng mood nito at mga kinikilos. Parang isang actress na napakagaling umarte.

Bumalik na lamang siya nang tingin sa harap ng elevator at ilang sandali pa ay bumukas na ito. Hinawakan niya sa may siko si Hera at inalalayan ito papasok ng elevator. Habang si Hera naman ay abala pa din sa pag scroll sa cellphone.

Pagdating nila sa parking lot ay hindi na hinintay pa ni Hera na ipagbukas siya ni Zeus.Dali-dali niyang binuksan ang pinto ng kotse nang marinig niya ang pagunlock ni Zeus nito. Napailing naman si Zeus sa ginawa ni Hera. Pumunta na din siya sa may driver’s seat.

“Saan tayo kakain?”tanong ni Hera.

“Gutom ka na?”

“Nagtatanong lang.”

“Bakit ba kanina ka pa nakatutok diyan sa cellphone mo?”

“Wala kasing pumapasok sa utak ko ngayon at dahil doon hindi ko pa din nadadagdagan ang story  na ginagawa ko.”

“Okay lang iyan.”

“It’s not okay,pag nag babackread ko sa mga chapters na natapos ko na ay feeling parang may kulang, parang hindi siya convincing.”

“Kung okay lang sa iyo,maari ko bang basahin iyon?”

“Bakit?”

“Malay mo makatulong ako sa iyo,”

“Tutulungan mo ako?”

“Why not?”

“Talaga?Salamat,”sambit ni Hera na may ngiti.

“Mamaya ka na magpasalamat pag natulungan na kita.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status