Share

Chapter 10

February’s POV 

“Hoy, saan ka pupunta at bihis na bihis ka?” tanong ni Isaac na pinanliliitan ako ng mga mata. 

Napatikhim naman ako at sinamaan siya ng mga mata dahil halatang ipapahamak nanaman ako nito. 

“Magsisimba,” sabi ko at napaiwas ng tingin. 

“Bihis na bihis?” tanong niya na akala mo detective na kailangan alam ang lahat. 

“At akala ko ba ang kasama mo ay ang Lola mo?” tanong pa niya sa akin na tila hindi naniniwala. 

“Magsisimba ako sa bayan!” sabi ko na tinulak siya sa dibdib. Natatawa lang naman siyang nailing sa akin. 

“Oh? Kasama mo si Sapphire?” tanong niya sa akin. Itatanggi ko pa sana kaya lang ay mukhang si Sapphire ang tinitignan niya ngayon. 

“Good morning...” bati nito sa amin. 

“Maganda umaga, Lods, ingat sa date niyo,” sabi pa niya kaya agad ko siyang kinurot sa tagiliran. 

“Magtigil ka nga, Isaac," bulong ko sa kanya kaya tinawanan ako ng kupal. 

Napailing na lang ako at nagsimula ng maglakad paalis. Inirapan ko muna siya. 

Totoong magsisimba talaga kami ni Sapphire at ngayon ko rin siya ipapasiyal tulad ng usapan naming dalawa. Nagpaalam naman ako kina Lola, pumayag naman ang mga ito kaya ayos lang. 

Napasulyap naman ako kay Sapphire, kahit ano atang suot nito’y talaga namang bumabagay sa kanya. Napansin niya naman ang titig ko kaya nag-iwas na lang ako ng tingin. 

Mayamaya ay dumating na ang kotse niya. Nadala na ata noong nakaraan kaya pinauwi na ito. 

“Thank you, Kuya," sabi niya sa driver at ibinigay sa kanya ang kotse. 

“Thanks,” sambit ko nang pagbuksan niya ako ng pinto. Ngumiti lang ito sa akin. Hindi ko naman maipagkakaila na gwapo talaga ito kapag nakangiti. 

“Alam mo ba, we used to climb that tree noong bata kami tapos nalaglag si Isaac kaya ang ending pare-parehas kaming napagalitan. Isang linggo ata akong hindi pinalaro ni Tatang noon," natatawa kong kwento sa kanya na tinuro ang isang puno. 

Kinagat ko naman agad ang daliri ko na pinanturo dahil baka manuno. 

“Knowing you? You probably throw tantrums that time," natatawa niyang sambit na nakikinig sa mga kwento ko. 

“Medyo, syempre sino bang hindi mainggit lalo na’t nakikita mong naglalaro ang mga kalaro mo? Isang linggo rin kaming hindi bati ni Isaac no’n," sabi ko pa na nakangiti habang kinukwento ‘yon. Tinignan ko naman siya nang hindi siya nagsalita. Wala na ang ngiti mula sa mga labi nito ngunit nang makitang nakatingin ako sa kaniya ay nginitian niya ako. 

“You know what? Sa lahat ata ng kwento mo, hindi pwedeng hindi kasama si Isaac,” natatawang saad niya sa akin. Napaisip naman tuloy ako sa sinabi niya. Well, sa lahat ata ng event sa buhay ko, kasama ko si Isaac. Nginitian ko na lang si Sapphire. 

Mayamaya lang ay nakarating na rin naman kasi sa simbahan. Katulad ng nakasanayan niya, pinagbuksan ulit ako nito ng pinto, gentleman talaga. 

Parang gusto ko naman biglang magtago nang makita ko kung sino ang sasalubong sa amin. Humakbang ako paatras at nagkunwaring hindi ko kasama si Sapphire. 

“Good morning po, La...” bati ni Sapphire sa Donyang nasa tapat namin ngayon. Dahil nahiya naman ako na hindi ito batiin, binati ko na rin ito at ngumiti na lang. 

“Magandang umaga ho,” sambit ko sa kanilang dalawa ni Donya Ligaya at nag-iwas ng tingin. 

“Magandang umaga rin, Hija,” bati nito sa akin. 

Nakita ko naman ang pagtaas ng kilay ni Donya Ligaya sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay hinuhusgahan na ako nito. 

“Febi!” nakangiting tawag ni Piolo. 

“Hey.” Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na nakita ko ang mga ito dito o ano. 

“Halina kayo’t pumasok na tayo sa loob, magsisimula na ang misa," sabi ni Donya Emilya. Hindi naman ako gumalaw sa kinatatayuan ko dahil pakiramdam ko hindi ako makakapagsimba ng maayos kung sasama ako sa mga ito. 

Maski rin naman si Sapphire ay nanatili lang sa tabi ko. 

“Apo, tumabi na kayo sa amin," sabi ni Donya Emilya at ngumiti pa sa kanyang apo. 

“Hindi na po, Lola,” sabi ni Sapphire sa Donya. Nakita ko naman ang dismaya sa mukha nito kaya kinalabit ko si Sapphire na tumabi na lang sa kanila. 

“But you looked uncomfortable...” bulong niya sa akin. 

“Ayos lang ‘yon," sabi ko at ngumiti sa kanya. 

“Fine...” bulong niya at tumango sa akin. 

Nang makapasok kami ay hindi pa naman nagsisimula ang misa. Pumwesto sila sa unahan, binati naman agad ang mga ito ng makakapangyarihan sa lugar na ito. Laking pasasalamat ko naman nang makitang wala ng pwesto sa harap kaya umupo na lang kami sa pangalawang row. 

Parehas lang kaming tahimik ni Sapphire habang ang matatanda sa harap namin ay nagbabatian pa. Patango-tango lang si Sapphire kapag pinapakilala siya sa mga ito. 

“Oh, February, nandito ka pala," nakangiting sambit no’ng anak ni Mayor na si Felix. Nginitian ko lang ito. Nakita ko naman ang pagtingin sa amin ni Donya Ligaya at Donya Emilya. Bumulong pa si Donya Ligaya dito na hindi ko rin naman narinig. 

Hindi ko na lang ‘yon pinansin at nanahimik na lang dito sa pwesto. Hindi naman nagtagal ay nagsimula rin ang misa. Parehas lang kaming tahimik ni Sapphire hanggang sa matapos ito. 

“Mauna na po kami, Lola...” sabi ni Sapphire nang makalabas na kami ng simbahan. 

“Ganoon ba, Hijo? Baka gusto niyo muna pumunta sa hacienda?” tanong ni Donya Emilya, nilingon pa ako nito. Hindi ko naman alam ang dapat na gawin kaya nanatili lang akong tahimik sa isang tabi. 

“Hindi na po, Lola, may lakad din po kasi kami." Nginitian pa ni Sapphire ang matanda. 

“Sinasabi ko na sa'yo, Emilya, ingatan mo ang apo mo sa mga makakamandag na ahas sa tabi,” nakangising saad ni Donya Ligaya. Hindi ba dapat si Donya Emilya ang mag-ingat? Napangisi naman ako sa naiisip. Agad ko ‘yong inalis sa aking isipan. 

Napakunot naman ang noo ni Donya Emilya at ni Sapphire samantalang malademonyong ngumisi naman si Donya Ligaya. 

"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ni Sapphire na nakasimangot na. 

"Wala naman, Hijo." Sinamahan niya pa 'yon ng tawa.

“Aalis na po kami," seryoso na saad ni Sapphire ngayon. 

“Sige, Apo, mag-iingat kayo,” nakangiting sambit ni Donya Emilya. 

“Mag-ingat ka, Zeal,” sabi naman ni Donya Ligaya na tila ba may pinapahiwatig. Napatikhim naman ako dahil doon. Napailing na lang si Sapphire at hinila na ako paalis dito. 

“Should we eat first?” tanong niya sa akin. Pinakita ko naman ang dala kong bag sa kanya. May sarili akong pagkain, baka mamaya kasi ay magyaya ito bigla, madagdagan pa ang utang ko sa kanya. 

“May baon ako,” natatawa kong saad sa kanya. 

“Huwag kang mag-alala, mayroon din namang para sa'yo,” natatawa kong saad. 

“Ano ‘yan picnic?” naiiling niyang tanong at napatawa pa nang makitang may lunch box akong dala. 

“Kaya pala ang laki-laki niyang bag mo,” natatawa niyang saad sa akin. 

“May alam akong lugar na pwede nating pagkainan!”vnakangiti kong saad sa kanya. Tinuro ko naman ang way patungo roon. 

“I-park mo diyan, aakyat tayo,” sabi ko dahil bundok ang sinasabi kong ito. 

Hindi naman siya nag-alinlangan na sundin ako. Hinila ko naman na siya ng makababa kami. Mabuti na lang talaga ay hindi ako nagbestida kung hindi ay nilipad na ito sa sobrang hangin. 

“Bago pa ata tayo makadating ay gutom na gutom na tayo," sabi niya sa akin habang patuloy lang din sa paglalakad. 

“Malay mo binubudol lang pala kita," natatawa kong saad habang patuloy lang sa pag-akyat. Imbis na ako ang alalayan nito ay ako mismo ang umaalalay sa kanya. 

“May nambubudol bang nagsasabi?” tanong niya. 

“Hindi mo sinabing hiking pala ‘to edi sana nagrubber ako," reklamo niya dahil ang tagal naming naglalakad. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy pa rin sa paglalakad. 

Mayamaya, nakarating kami sa dulo kung saan makikita ang magandang view mula sa baba. Mabuti na lang ay mahangin at hindi naman gaanong mainit. 

Makikita ang berdeng kapaligiran, maririnig ang huni ng nga ibon habang ang ulap ay siyang nagpapaganda sa tanawin. Asul na asul. 

Nilapag ko ang mga pagkain na dala ko. Umupo naman sa tabi ko si Sapphire. Nagkwentuhan lang kami habang pinakapikita ko ang lugar sa kaniya. 

Madalas akong nandito kapag pinanghihinaan na ng loob sa mga bagay bagay. Para bang nahihikayat ako nitong magpatuloy. I always admire how beautiful the place is. 

“I used to go here when I’m feeling down but ended up going here when there’s something to celebrate. Now, I’m here to let you see my paradise,” nakangiti kong saad sa kanya. Napatingin naman siya sa akin dahil dito. 

“Siguro sa iba, normal lang na tanawin ito but for me? This place always calm me,” sabi ko habang nakangiti. 

“Does Isaac know this place?” tanong ni Sapphire sa akin. Umiling naman ako. Ang chismosong ‘yon paniguradong magdadala ng mga kaklase namin dito. 

“Then why did you bring me here?” tanong niya sa akin. 

“Well, ang sabi mo dalhin kita sa mga magagandang lugar dito, hindi ba?” nakangiti kong tanong sa kaniya. 

“I already know this place though...” natatawa niyang saad. Napakunot naman ako ng noo at tinignan siya. Nagkibit lang naman siya ng balikat at ngumiti sa akin. 

Nabago naman ang usapan nakin ngunit nanatili pa rin kami dito, dinadama ang paligid. Nagpapahinga na kami ngayon. Ibabalik ko na sana ang lunch box sa bag ngunit agad akong natigilan nang makita ang speaker ko. 

“Let’s play some music,” sabi niya na kinuha ang speaker sa akin. 

“You know what? The first time I came here, I saw someone dancing.” Halos mabilaukan naman ako sa sariling laway dahil dito. 

“And this speaker looks familiar," mahinang bulong niya pa. Para naman akong nawalan ng dugo sa mukha dahil sa kanya. 

“Huwag mong sabihing ikaw ‘yon?” May naglalarong ngisi mula sa mga labi nito na tila ba alam niyang ako talaga iyon. Napatikhim naman ako at nag-iwas ng tingin sa kanya dahil dito. 

“Can you dance for me?” tanong niya na tila alam na marunong akong sumaway. Hindi naman ako nahihiya sa talento ko ngunit nakakahiya naman kung napanood pala ako nitong sumayaw noon. 

“Stalker!” sabi ko sa kanya at nginiwian siya. 

“I’m not! I just accidently saw you dancing that time. You’re amazing that’s why I kept on watching," natatawa niyang saad. Pinamulahan naman ako ng mukha dahil doon. 

Sinimulan niya namang magpatugtog, hindi ko mapigilang igalaw ang paa ko at sumabay sa beat ng kanta. 

“Come on, dance for me, Febi," natatawa niyang saad. Napakagat naman ako sa ibabang labi nang kaunti na lang ay mapipilit na ako nito. Mayamaya ay tuluyan na akong naakit ng musika at sumayaw sa gitna ng arawan. Sanay na sanay lang ako na ang mga ibon ang tagapanood ko, but now, someone is watching me. 

He looked amaze habang nakatingin sa akin. Napapalakpak pa siya ng matapos ang kanta. Nagulat naman ako nang sumayaw din siya, hindi ko mapigilang mamangha habang pinagmamasdan siya. 

“Woah...” bulong ko sa sarili. Inaya niya naman akong sumayaw ulit kaya ‘yon ang ginawa ko. Napangiti na lang ako nang makarami ata kaming kanta at sayaw lang kami ng sayaw na dalawa. 

“That was amazing!” natatawa niyang saad at nakipag-up here pa sa akin. 

Napangiti naman ako habang nakatingin sa kaniya. Parehas naman kaming hinihingal na dalawa. Inabutan niya ako ng tubig at iniabot pa ang panyo niya sa akin. 

“Thanks!” sambit ko na tinaggap ito. Nginitian niya lang ako at uminom din sa pinag-inuman ko. 

Parehas naman kaming napatingin sa speaker nang ang kaninang masiglang awitin ay napalitan ng romantic song. 

Napatingin naman ako kay Sapphire nang maglahad siya ng kamay sa akin. 

“May I have this dance, Miss?” nakangiti niyang sambit sa akin. 

“Nababaliw ka na ba, Sapphire?” natatawa kong tanong na hindi tinatanggap ang kamay nito. 

“Come on, Febi, dance with me," nakangiti niyang saad na hindi pa rin inaalis ang kamay sa tapat ko. Napatikhim naman ako dahil dito. Tinitigan ko muna ang kamay niya bago nag-aalinlangan na tinggap iyon. 

Nakangiti lang siya sa akin, hindi ko maiwasang mapatitig sa esmeraldang mga mata nito na nakatingin sa kulay kayumangging mga mata ko. 

Hinapit niya naman ang baywang ko habang sumasabay sa ritmo ng musika. Nagsayaw lang kami habang ang background namin ay ang mga punong nasa paligid, ang maulap na kalangitan habang pinapanood ng mga ibong nagliliparan sa himpapawid. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status