February’s POV
“Good morning, Febi!” Halos mapatalon ako sa gulat nang may sumigaw sa tenga ko.
Hindi ko naman maiwasang matawa nang makita ko si Sapphire na nakabike na rin ngayon.
“Good morning,” bati ko rin sa kanya at ngumiti.
“Mamamalengke ka? Ang dami-dami mong stock, hindi ba?” tanong ko sa kaniya na nakakunot ang noo.
“Yeah, but you promise to teach me what to buy,” sabi niya at ngumiti ng malapad. If I know gusto lang talaga nitong mamasyal. Ikaw ba naman kasing nakatengga lang buong araw.
Sa bayan kami ngayon mamamalengkeng dalawa dahil parehas naman kaming may bike.
“Let’s go,” sabi niya na malapad pa rin ang ngiti. Hindi ko tuloy mapigilang mahawa sa ngiti nito. Habang nagbabike ay binabati kami ng mga kapit bahay. Binabati lang din naman namin ito pabalik
February’s POV“Kuya Zeal, galingan mo!” nakangiting sambit ni Cali kay Sapphire na siyang susubok sa palosebo.Pista ng baryo namin ngayon kaya naman may mga palaro ang punong baranggay dito mismo sa lugar namin dahil nga malawak din ang bukirin.“Aba, Cali, paano naman ako?” natatawang tanong ni Kaloy na siyang maglalaro rin.“Oo nga, akala ko ba close tayo, Cali?” tanong naman sa kaniya ni Peter na siya namang nasa isang bamboo.Napanguso lang si Cali dahil dito at hindi alam ang sasabihin sa mga ito na pinagkakaguluhan ang suporta niya. Napatawa na lang ako ng mahina at ginulo ang buhok ni Cali.“Are you sure you can do it?” tanong ko kay Sapphire.“I think so? I don’t know. I’ll try...” sabi niya na nginitian ako. Paano ba naman kasi ay pinilit lang siya ng
February’s POV“Where are you going?” tanong ni Sapphire nang makita akong naglalakad patungo sa daan.“Mag-eenroll,” sagot ko naman sa kanya. Aayusin ko na lang naman iyon, dito lang din kasi ako sa amin magcocollege. Hindi pa naman kasi kaya sa mga mamahaling school sa manila saka kahit maging scholar pa ako ay ayaw ko rin naman na mahiwalay kina Lola at Lolo. Atleast dito, makakatulong pa ako kahit paano.“Let’s go, samahan na kita, I wanted to buy siopao. Kanina pa ako nakakakain,” sabi niya sa akin. Pinanliitan ko naman siya ng mga mata. Kung alam ko lang ay gusto lang talaga nitong sumama. Napakibit na lang ako ng balikat at sumunod sa kanya.Nandito ngayon ang kotse niya, galing ata ito sa Manila. Mukhang pinauwi ata siya ng magulang niya. Malapit na rin naman siyang umalis dito sa amin dahil malapit na ang pasukan nila.Medy
February’s POV“Aba, ako ba ang makikipagdate? I’m asking you,” natatawa kong sambit sa kanya pagkatpos ng mahabang katahimikan naming dalawa.“Nah... ayaw,” sabi niya at napanguso.“Yeah, it’s okay, hindi naman kita pipilitin, alam ko naman na ‘yan din ang isasagot mo,” natatawa kong saad at napailing pa. Tinignan niya lang naman ako. Nginitian ko na lang siya.Parehas naman kaming dalawa na naglalakad lang dito sa likuran nila. Mukhang nahihiya rin naman silang kausapin si Sapphire dahil kapag sumasagot ito sa kanila ay tila gusto na agad na tapusin ang usapan.“Pre, napanood ko ‘yong laro niyo noong nakaraan, ang galing mo!” sabi ni Kian sa kaniya.“Oh… thanks.” Parang wala itong kagana ganang sumagot sa kanila kaya siniko ko siya. Kinunutan niya naman ako ng n
February’s POV“Boo!” Panggugulat ko kay Sapphire na nagdidilig sa mga halaman niya ngayon. Ni hindi man siya nagulat tila alam niya na nasa likod niya ako ngayon.“Wow, grabe, nagulat ako,” sarkastikong sambit niya. Napatawa na lang ako ng mahina at naupo na sa upuan niya.“Inaalagaan mo pa, iiwan mo rin naman,” natatawa kong sambit sa kanya. Tinignan niya naman ako at pinagtaasan ng kilay. Natatawa lang naman akong umiling sa kanya.Aalis na rin ito ngayon. Mamayang hapon. Pinagpapabukas pa nga ng mga kapitbahay namin kaya lang ay bukas na ang klase nito. Napalapit na rin siya sa mga kapitbahay namin kaya mahirap hirap ding bitawan.Namitas naman siya sa mga tanim niya ng pipino. Halos araw-araw na niya itong kinakain at mukhang hindi pa rin nagsasawa ang mokong.“Balutin mo na lang kaya at dalhin sa manila,&r
February’s POV“Hoy!” Nagulat ako nang bigla na lang sumigaw sa may tenga ko si Isaac. Agad ko naman siyang binatukan ng dahil dito.“Epal ka,” inis kong sambit sa kanya. Tinawanan lang ako nito at napasilip pa sa tinitipa ko. Inilayo ko naman ‘yon sa kaniya at pinatay na ang phone nang maisend ko ang text kay Sapphire.“Hina mo naman, text lang sainyo? Tinatawagan pa ako niyan,” sabi niya pa sa akin. Napairap naman ako sa kanya.“Pakihanap paki ko?” nakataas ang kilay na sambit ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako.“Akala ko ba ayaw mo ng textmate dahil sayang ang oras, ha?” tanong niya pa sa akin habang kumukuha sa fries na binili ko.Hindi naman ako nagsalita nang makitang may text na na galing kay Sapphire.Sapphire:I’m done with my cla
February’s POV“Akala ko ba bibisita ka sa mga kaibigan mo?” tanong ko nang makasakay na ako sa kotse niya.“Sinungaling,” natatawa ko pang saad habang sinusuot ang seatbelt ko.“Why? I’ll visit Isaac and my friends here,” sabi niya pa.“Aba, kaya pala binabaan mo ako,” sabi ko na pinanliitan pa siya ng mga mata.“Well, I’m driving. What do you think should I do?” sabi niya na iniaabot ang pagkain na mukhang kabibili niya lang.“Kanina ka pa ba?” hindi ko maiwasang itanong.“Hmm, hindi naman,” sagot naman nito.“I thought you’re not going this week?” tanong ko sa kanya habang nagmamaneho siya.“Bakit? Ayaw mo ba akong makita, ha?” tanong niya na pinanliliitan ako ng m
February’s POVNang makarating na kami malapit sa ilog. Pinark na ni Isaac ang kotse ni Sapphire, sa parking-an dito. Laking pasasalamat naman namin na nakarating kami ng buhay.Nagsibabaan na rin naman kami at napatingin sa paligid. Hindi kami madalas dito pero magaganda ang tanawin dito at talaga namang nakakarelax.Asul na asul ang kulay ng tubig sapagkat inaalagaan at hindi hinahayaan ng nga tagarito na tapunan na lang ito ng mga kalat. Ginawa rin kasi itong tourist spot sa lugar namin kaya talaga namang hindi nila hinahayaan na masira.“Picture tayo!” nakangiting sambit ni Ana Marie na hinila pa sa tabi niya si Sapphire. Hindi ko tuloy maiwasang mapairap dahil sa kanya.“Febi, kuhanan mo naman kami ng litrato,” sabi pa niya sa akin. Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng ito.Pinigilan ko naman ang magalit at pinigilan ang sar
February’s POV“Bakit parang pinagsakluban naman ng langit at lupa ‘yang mga mukha niyo?” natatawang saad ni Isaac sa aming dalawa ni Sapphire. Nakabusangot kasi ito at hindi ko makausap ng maayos.Napanguso na lang ako at tinignan siya ngunit hindi niya ako magawang tignan.“Hindi ka pa ba lulusong, Febi? Pupwede naman kitang palitan diyan,” sabi ni Isaac sa akin.Gusto kong makaiwas sa ganitong atmospera sa pagitan naming dalawa pero mayroon talagang part sa akin na ayaw kong umalis sa tabi nito.“Hindi na, patapos na rin naman,” sabi ko na lang dahil ayaw ko namang iwanan si Sapphire.“Masarap ba ‘yan? Patikim nga,” sabi ni Isaac na ngumanga pa, hinihintay na subuan ko. Susubuan ko na sana siya kaya lang ay nauna na si Sapphire at sinusok niya pa sa mismong bunganga ni Isaac.