Share

Chapter 22

Chapter 22

Kahit saklot ng takot ay pumunta pa rin si Marion sa bahay ng Lola niya nang makapasok si Shin sa eskwelahan. Umabsent na lang muna siya dahil tingin niya hindi rin siya makakapagconcentrate sa klase dahil sa nangyari sa kanya.

Umaasa siyang kapag nagmakaawa siya dito ay baka sakaling tanggapin siya nito ulit. Umaasa siyang hindi siya matitiis nito kahit na napakalaki ng kasalanan niya. Tingin niya sasadyain ng mag-inang Shiela at Chelsea na pahirapan siya.

Napabuga siya ng hangin nang makarating siya sa tapat ng pintuan nila.

Marahan siyang kumatok.

"Lola...Lola...Si Marion po ito, Lola, kailangan ko po kayong makausap," sabi niya kahit na hindi niya alam kung pagbubuksan ba siya nito.

Nagsimula na namang mangilid ang mga luha niya. Gustong-gusto na niya talagang bumalik dito. Mahal niya si Shin pero ayaw naman niyang palagi itong napapagalitan dahil sa kanya.

Nakailang katok siya bago bumukas ang pintuan.

"Lola!" kahit hilam na siya sa luha ay nagliwanag ang mukha niya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status