Share

Chapter 21

Chapter 21

"Ilang taon ka ng Ineng? At ano'ng pangalan mo?" tanong ni Yaya Sela nang makapasok siya sa maid quarters kung saan siya parang pusang itinapon doon ng Mommy ni Shin. Si Yaya Sela ang tila mayordoma ng mga Dela Vega dahil ito ang pinakamatagal ng nagseserbisyo sa pamilya.

"Marion po. Fifteen na po ako," kiming sagot niya.

"Kinse? Aba'y kaya pala pagkabata mo pa tingnan? Bakit naman pumasok kang katulong dito? Hindi ka ba nag-aaral?" usisa ni Gunding, ang cook at halos all around din sa bahay.

Ngayon lang niya nakausap ang mga ito dahil kapag patakas naman kasi siyang pumupunta sa bahay ng mga Dela Vega ay tinitiyak ni Shin na walang tao sa paligid bago siya papasukin.

"N-Nag-aaral naman po."

"Oh, eh, bakit ka nga pumasok dito? Wala ka na bang mga magulang?" usisa pa rin nito.

"Gusto ko lang pong makatulong sa'min..." pagdadahilan na lang niya.

"Wala ka bang dalang gamit?" tanong naman ni Yaya Sela.

Oo nga pala, wala siyang kahit na ano'ng nabitbit maliban sa sarili niya.

"D
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status