Chapter 2
Naghanap sila ng mauupuan. Mas lalo siyang kinilig dahil bitbit nito ang tray.''Marion!'' tawag ni Nancy nang madaanan ang table ng mga ito.
Kumaway siya dito at napansin niyang nakasimangot naman si Jerra.
Lalong naging ampalaya.
"Doon muna ko ha?" paalam niya sa kaibigan.
"Basta mamaya kwento ka ha?" ngingisi-ngising ani Nancy.
Natatawang tumango na lang siya dahil sa pagiging Marites nito.
"Dito ka," tinapik ni Shin ang bakanteng upuan sa tabi nito kaya naupo nga siya.
Tinulungan niya itong maglapag ng mga pagkain sa mesa.
"Masarap ba?" tanong pa nito nung kumakain na sila.
"Oo, favorite ko to. Bakit nga pala nagyaya kang kumain?"
"Wala naman, ayaw mo ba kong kasama?"
"Hindi, ah. Nagtataka lang, kasi madami naman tayong classmate na babae, I mean hindi naman tayo close, eh."
"Pero pwede namang maging close di ba?" nakangiting tanong nito.
"O-Oo naman. Yun lang pala, eh. Thank you ulit dito."
"Welcome. Manonood pala ako ng play, ikaw si Cinderella di ba?" tanong pa nito.
"Thank you. Kaya lang nagalit sa akin sister mo kasi hindi siya yung lead," naalala niyang sabihin.
Ahead sa kanila ng isang taon ang kapatid nitong si Chelsea. Kasama niya ito sa drama club at talaga namang nainis ito sa kanya ng todo dahil sa kanya nga napunta ang role kahit na mas senior pa ito sa kanya.
Kung minsan, nararamdaman niyang tinutotoo nga nito ang sabunot at sampal sa kanya dahil ang step sister na character ang nakuha nito.
"Don't mind her. Brat lang 'yun. Saka ilang beses na rin naman siyang naging star ng drama club. Baka naumay na sa kanya kaya pinalitan siya. Something new."
"Uhm Shin...thank you pala sa pagfollow mo sa'kin ah?"
"Wala 'yun. Galing mo talaga kagabi sa steps na 'yun. Alam mo sa totoo lang kagabi ko lang narealize na maganda ka pala talaga."
Kunwaring umirap siya. Pero kinilig siya dahil sa sinabi nitong maganda siya.
"Bakit dati ba hindi?"
"Cute ka na dati pa. Kaso parang Nene, ang laki kasi ng itinangkad mo ngayon. Pumuti ka rin kaya mas kapansin-pansin ka."
Natawa siya.
"Kasi naman simula nung pandemic hindi na halos makalabas ang mga tao. Sa bahay lang. Saka pinagbabawalan na rin ako ng Lola ko na lumabas-labas kasi nga dalaga na raw ako. Mahirap na. Ikaw rin naman lalo kang pumogi at pang-basketball player na 'yang height mo kahit 15 ka palang din."
"Talaga? Gwapo ko?"
"As if naman hindi mo alam 'yun? Popular kaya kayo nina Grant dito sa school."
"Eh, isa ka ba naman sa mga fan ko?" pabiro nitong tanong.
"Oo..." pag-amin niya.
"Means crush mo ko?"
"Ay walang akong sinabing ganyan..." tumatahip ang dibdib na sabi niya.
Nako-conscious siya sa titig nito.
"Ako, crush kita."
Nabitiwan niya ang kutsara sa walang gatol na pag-amin nito.
"S-Seryoso ka ba?"
"Oo naman. Kaya nga kita niyaya, eh. Saka may itatanong din sana ako, eh."
"Ano 'yun?"
"May boyfriend ka na ba?"
Mas lalo siyang nataranta sa tanong nito.
"W-Wala pa."
"Pwedeng maging boyfriend mo?"
Shucks! Halos malaglag na siya sa kinauupuan sa confessions nito.
"Agad?"
"Liligawan kita kung nabibilisan ka," nakangiting sagot nito.
Natameme siya.
Totoo bang nangyayari 'to? Parang kailan lang hanggang tanaw lang siya dito.
"Magagalit ang Lola ko. Hindi pa raw ako pwedeng makipagboyfriend, eh."
"Pero kung ikaw lang ang tatanungin? Gusto mo ba kong maging boyfriend mo?"
"Uhm...gusto."
Ang lawak ng ngiti nito sa sagot niya."Eh, di liligawan na kita."
Grabe ang tili ni Nancy nang magkwento siya sa mga ito habang nakatambay sila sa gilid ng stage ng gym.
Pare-pareho silang member ng drama club. At breaktime nila kaya nakakapagtsikahan sila.
"Hoy Nancy ang ingay mo naman!" saway ni Jerra.
"Ikaw naman ang bitter mo! Selos ka lang, eh," pairap na ani Nancy.
"Shut up! Magsama nga kayo!" galit na sabi nito at akmang tatalikod na ito pero pinigil niya.
"Galit ka ba?" hindi niya naiwasang itanong.
"Oo! Alam mo naman crush ko si Shin."
"At alam mo rin na crush ko siya di ba? Kung nagkabaliktad ba tayo ng sitwasyon na ikaw ang liligawan niya? Iiwas ka ba kasi alam mong magsiselos din ako?" panunubok niya. At hindi ito nakasagot.
"Di ba hindi rin? 'Wag ka ng magalit," pakiusap niya dito.
"Oo nga naman! Para lalaki lang, eh. Kung hindi na pwede si Shin, eh, di sa ibang member ka na lang. Like Grant. Ang gwapo-gwapo rin kaya niya! Iyon nga lang aloof, effort ka lalo para pansinin ka niya," suggest ni Nancy.
"Ewan ko sa inyo," inis pa ring sabi nito at tinalikuran na sila.
"Hay naku, 'wag mo ng pansinin 'yang si sungit, wala naman siyang magagawa kung nagayuma mo si Shin sa galing mong magsayaw!"
"Sira!" natawa siya sa biro nito.
Nahabol na lang niya ng tingin si Jerra. May ugali talaga ito na ayaw nadadaig. Very competitive kasing tao. Hindi na rin naman siya nagtataka dahil napepressured ito sa expectations ng mga magulang nito na parehong magaling na abogado. May sariling law firm ang mga ito kaya angat din sa buhay. Siya naman ay simple lang ang buhay kung ikukumpara dito. Likas lang din siyang matalino kaya nagkaroon siya ng scholarship at malaki ang discount sa tuition kaya siya nakapasok sa private school na iyon.
Ang kaibigan din niyang si Nancy ay may kaya rin dahil sa dami ng baka at baboy na alaga sa malaking lupain ng mga ito.
Pero nalulungkot din siya kung hindi maaalis ang sama ng loob sa kanya ni Jerra. Kaibigan niya ito. Pero ano'ng magagawa niya? Malakas din ang tawag ng puso niyang mapalapit kay Shin.
Nang araw na iyon ay chatmates na sila.
Nang mag-weekend ay nagyaya si Shin na mag-outing sila, kasama ang barkada nito. Pwede rin daw niyang isama ang mga friends niya.
Pinilit pa nila ni Nancy si Jerra na sumama.
At sa huli ay napapayag din naman nila.
Kailangan na lang niyang mapapayag ang Lola niya.
"Sige na La, need naming tapusin ang project namin, eh. Kasama ko naman sina Nancy at Jerra," pangungumbinsi niya sa matanda. Kasama na ang pang-uuto. Alam niyang hindi siya papayagan nitong mag-outing. O yung lakwatsa lang ang dahilan kaya siya lalabas.
Kung minsan nasasakal na talaga siya sa pagkaistrikto nito kaya umaabot sa puntong nakakapagsinungaling na siya. Tulad ngayon.
"Sigurado ka bang project 'yan?" tanong nito habang nakaupo sa tungga-tungga at naggagantsilyo.
"Opo! Peksman!" iniangat pa niya ang kanang kamay.
"O siya, sige. Basta uuwi ka bago mag-alas otso ng gabi ha?"
"Yes! Thank you Lola!"
Overnight ang usapan nila ni Shin pero bahala na. At least pinayagan na siya.
"Kain na po kayo," ani Marion kay Shiela at itinapat sa bibig nito ang kutsarang may lamang pagkain.Hindi ito kumibo bagkus ay nakatitig lang sa kawalan habang nakaupo sa sofa. Napabuntong hininga siya."Kailangan niyo pong kumain kasi hindi bibilis ang recovery niyo kung mahina kayo," kausap pa niya dito saka niya hinawakan ang baba nito para pabukahin ang bibig nito.Naisubo naman niya dito ang pagkain. Surprisingly ay nginuya naman nito iyon. Napangiti siya. Akala niya pati pagnguya ay nakalimutan na nitong gawin. Kunsabagay sabi naman ng Doctor ay nakakaintindi naman ito, iyon nga lang ay nalimitahan ang mobility nito dahil sa aksidente."Iinom pa po kayong gamot kaya dapat medyo madami makain niyo."Nakakatatlong subo palang ito nang marinig niya ang anak niyang umiiyak. Kinuha niya ito sa kuna na nakapwesto rin sa sala at binuhat ang sanggol."Ssshhh..." hele niya dito. Binuksan niya ang blouse para ilabas ang dibdib. Alam niyang gutom na ito. Kaagad naman iyong hinagilap ng b
Chapter 47Nang mailabas ng hospital si Shiela ay nakawheel chair na ito. Mahihirapang makalakad dahil masama ang pagkakabangga dito. Kailangan ng treatment pero saan naman sila kukuha ng pera? Bukod doon ay hindi pa nakikita ang taong nakabundol dito para sana mapapanagot. Idagdag pang naging tulala ito dahil napatama ang ulo sa sementadong sahig. Ang sabi naman ng Doctor ay makakabalik naman ito sa normal at makakapagsalita ulit, depende sa bilis ng recovery.Nang gabing iyon ay tatlo silang nag-usap-usap ni Shin kasama si Chelsea. Nasa kusina sila at magkakaharap na nakaupo sa dining."Chelsea, dapat tulong-tulong tayong mag-alaga kay Mama. Pag wala ako dito sa bahay ikaw ang magbabantay at mag-aalaga kay Mama. Pag wala ka, ako naman ang bahala sa kanya," panimula ni Shin."Eh, kung parehas tayong may lakad na importante?" nakaangat ang kilay na tanong ng maldita."Siyempre ako na yun. Kaya ko naman sigurong alagaan sila ni Shion," nasabi niya."Well good.""Chelsea, ano kaya kung
Palalim na ang tulog ni Marion nang maramdaman niyang may yumakap mula sa likuran niya. Braso ni Shin. Humarap siya dito at niyakap ito. "Ginabi ka yata?" "May tinapos ako sa computer shop na project. May uwi akong siomai, gusto mo?" "Bukas na lang, busog pa ko. Salamat." "Tulog na pala si kulit…" tukoy nito kay Shion na nasa crib. "Oo, di ka na nahintay." Ngumiti ito at hinalikan siya sa labi. Napapikit siya, naramdaman niyang humimas ang kamay nito sa braso niya. "Marion?" "Hmmm?" "I miss you…" anas nito at bumaba ang mga labi nito sa leeg niya. Napalunok siya. Alam niya ang gusto nitong iparating. It’s been two months magmula nang manganak siya. At ngayon lang ulit ito naglambing sa kanya. "Nakalock na ang pinto?" naitanong niya. Natawa ito. "Payag ka?" "Miss na rin kita…" nasabi niya kaya lalo itong nap
Chapter 45 Nakauwi rin sila ni Shin kinaumagahan. Dala-dala na nila si Baby Shion. Masayang-masaya sila ni Shin pero kabaliktaran naman iyon ni Chelsea at ng Mommy Shiela ni Shin. Si Chelsea ni hindi man lang sila sinilip nung manganak siya. Ang mommy naman ni Shin ay nandoon nga pero kibuin-dili naman siya. Ni hindi niya rin nakitaan ng excitement sa bagong silang na apo nito. Pero di bale na at least hindi naman siya inaaway ni Shiela. Mas okay na sa kanya ang silent treatment kaysa sa palagi siyang binubulyawan. "Ang ingay naman niyan! Patahimikin mo nga 'yan!" angil ni Chelsea habang karga niya ang anak na ayaw tumigil sa pagtahan. Sa sala nakapwesto ang anak niya at si Chelsea ay nandoon rin at nakahilata sa sofa, naistorbo sa pagsicellphone dahil sa palahaw ng anak. Araw ng Sabado kaya nasa bahay ang mag-ina. Si Shin ay nagtatrabaho kaya wala ito sa bahay. "K-Kanina ko pa nga ito ipinaghehele, ayaw talaga," kinig ang tinig na sagot niya. Halos maiyak na rin siya dahil pan
Chapter 44Habol ni Marion ang hininga habang pinapairi siya ng Doctor."Isa pa nakikita ko na," muling utos nito."Ahhh! Hah!" halos mapugto na ang hininga niya nang muling umiri.Napaiyak siya sa hirap.Lahat ng pagkakamali niya nagbalik sa utak niya. Kung sana nandito ang Lola niya baka sakaling mas gumaan ang pakiramdam niya. Pero hindi, galit ito sa kanya.Wala na itong pakialam sa kanya. Ganoon ba talaga? Pag nagkamali ka, itataboy ka? Huhusgahan ka? Wala ng karapatang magbago o bumangon man lang sa pagkakadapa?Ito na yata ang pinakamahirap sa pinagdaanan niya. Ang magluwal ng sanggol.Ilang saglit pa ay nakarinig siya ng iyak."Nandito na siya. Lalaki ang anak mo!" anunsiyo ng doktora kaya unti-unti siyang napangiti sa kabila ng hirap na pinagdaanan.Napapikit siya para pakalmahin ang sarili. Hindi na niya namalayan ang mga sumunod na nangyari.~*~*~*~*~"Kamusta si Marion?" tanong kaagad ni Grant nang makita si Shin sa labas ng delivery room. Kasunod nito ang barkada."Nangan
Chapter 43 "Marion, natataranta ko sa’yo, sigurado ka bang hindi pa tayo pupunta ng ospital?" aligaga si Shin nang umagang iyon habang naghahanda sa pagpasok. Akala nila kasi kagabi manganganak na talaga siya kaya pinapara niya ito ng sasakyan, pero nung dumating naman ang tricycle ay nawala na naman ang sakit. "Oo nga, o ngayon o wala naman akong nararamdaman ulit. Ganun naman yata talaga kapag malapit na. Madalas na ang sakit. Saka isa pa, mamaya na ang battle of the bands niyo. Hindi pwedeng hindi ako manunood. Sabi nga ni Alexis baka maging lucky charm niyo ko." "Hay sige na nga, katawan mo naman ‘yan, mas ikaw nakakaalam. Basta tawagan mo ko kung may mararamdaman ka." "Oo, ‘wag ka ng mag-alala." "Sige bye, Love you." "Love you too…" at humalik na siya sa pisngi nito. Pumasok pa rin siya sa trabaho. Iniisip niya sayang ang kikitain. "Hoy sipag mo, hindi ka pa ba manganganak ng lagay na ‘yan?" usisa ng bading na si Krissy habang naglalagay ito sa tabi ng lababo