Chapter 3
Maganda ang resort na pinuntahan nila. Ang sabi ni Shin ay pagmamay-ari ng Tito ni Grant ang resort na iyon kaya makakadiscount sila. Maraming puno at mga cottages na nakatayo sa gilid ng malaking swimming pool. Asul na asul ang tubig kaya ang mga kasama ay nagtalunan kaagad sa tubig dahil mainit talaga ang panahon.
May mga videoke rin na pwedeng rentahan. Ang maganda lang sa pagsama niyang ito ay wala siyang ginastos kundi pamasahe dahil sagot ng barkada nina Shin lahat.
"Buti pinayagan ka?" ani Shin habang magkatabi silang nakaupo sa cottage.
"Ako pa," pagmamalaki niya.
Napangiti ito.
"Ganda mo diyan sa suot mo," papuri nito sa floral dress na suot niya. Alam niyang namula siya sa sinabi nito.
"Hoy Shin! Mamaya na landi, tulungan mo muna kaming buhatin papunta diyan yung ihawan saka videoke!" tawag ni Clark at Alexis.
"Asan ba si Grant?"
"Nasa banyo nagpapalit, bilis na lika na!"
Napatayo tuloy si Shin.
"Babalik ako, tulungan ko lang ang mga kumag."
"Sige..." nakangiting pagpayag niya.
Nagpicture-picture lang muna siya sa paligid. Si Jerra at Nancy ay panay ang langoy. Natutuwa naman siya at mukhang nawala na ang pagka-ampalaya ni Jerra.
After several shots ay nagvideo siya.
"Jerra! Nancy!" tawag niya sa dalawa.
Kumaway naman ang dalawa nang mapansing nakatutok sa mga ito ang phone.
Iginiya niya ang cellphone sa magandang paligid. Izinoom pa niya para mas kuha ang magagandang halamang nakapalibot.
"Ay kabag!" muntik na niyang mabitawan ang phone dahil nang itutok niya phone sa harap niya ay may nakaupo na pala sa tapat niya.
Si Grant Tyler na hindi niya namalayan ang pagdating. Nakaboard shorts na ito at black shirt na may tatak na batman.
Kuhang-kuha ng screen ng phone niya ang gwapong mukha nito dahil naka zoom in pa nga iyon. Pinindot niya ang stop button.
"Do I look like a bat?" kunot noong tanong nito.
Napalunok siya. Naiintimidate siya sa awra nitong seryoso.
"Ah sorry nagulat lang ako."
Naupo ito sa harap niya at kinalikot ang cellphone.
"Ahm...gusto mo," alok niya nang nahagip na pringles dahil nao-awkward siya sa katahimikan between them.
Bahagya lang itong nagtaas ng tingin saka umiling.
Nagkabit din ito ng airpods sa tainga. Halatang hindi interesadong makipag-interact sa kanya.
Ang suplado naman pala talaga nito, sa loob-loob niya.
Tumayo na lang siya at iniwan ito. Lumapit siya sa gilid ng pool at inilubog ang mga paa.
"Maligo ka na kasi!" ani Nancy nang makita siya.
"Mamaya na!" halos tili niya dahil sinabuyan siya nito.
"Halika na!" hinila na siya ni Jerra at pati si Nancy ay hinila rin ang kabilang kamay niya.
Nalaglag tuloy siya sa swimming pool.
"Kulit niyo talaga!" nakipagsabuyan siya sa dalawa.
"Uy! Nagsuswimming na sila!" ani Alexis na buhat ang videoke at kausong nito si Shin. Si Clark ay bitbit ang ihawan.
Nagulat sila nang tumalon si Clark matapos ilapag ang ihawan.
Nakipagkulitan ang cute na lalaki sa kanila.
Hindi rin nakatiis ang dalawa ni Alexis at Shin dahil tumalon din ang mga ito.
Lumangoy palapit sa kanya si Shin.
"Dun tayo sa malalim," nakangiting yakag nito at hinawakan ang braso niya.
"Ha? Teka hindi ako magaling lumangoy!" kabadong aniya dahil mahigit 6ft ang swimming pool na iyon.
"Akong bahala..."
Wala siyang nagawa kundi mapasunod dito. Pero nang hindi na maabot ng mga paa niya ang flooring ay nataranta na siya.
"Shin wait! Hindi talaga ako marunong lumangoy!" napakapit siya sa balikat nito.
Humarap ito at kinuha ang dalawang kamay niya. Iniyakap nito ang mga iyon sa leeg nito.
Magkaharapan sila ng gwapong mukha nito kaya ang lakas ng rigodon ng puso niya.
"Relax... " malambing na sabi nito at hinapit pa siya sa baywang.
"Uyyyy!" narinig niyang tuksuhan sa di kalayuan, nakatutok na pala sa kanila ang atensiyon ng mga kasama.
Buong araw lang silang lumangoy, kumain at kumanta.
Mas masaya siya dahil hindi tinopak si Jerra. Mukhang tanggap na nitong siya talaga ang gusto ni Shin.
"Huy Grant, ikaw naman ang kumanta. Baka mapanisan ka na ng laway diyan!" kantiyaw ni Clark dito at ibinigay ang microphone.
Tinanggap naman iyon ng lalaki.
"Ano'ng song?" tanong ni Nancy.
"My way..."
"Hoy! Walangya ka, gusto mo bang mabaril tayo dito?" reklamo ni Shin kaya tawanan ang grupo.
Ewan nga ba naman nila kung bakit may nababaril kapag kinakanta iyon.
Akala niya napaka KJ na tao ni Grant pero kalaunan ay nakijoin na rin ito sa kanila. Pero mas madalas nga lang na nakikitawa lang ito kaysa nakikipag-usap. Nakikanta rin. At maganda rin ang tinig nito. Swabe lang at masarap din sa tainga.
Nang sumapit ang gabi ay nagkayayaang mag-inuman.
"Hindi ako pwede baka maamoy ako ng Lola," aniya sa mga kasama.
"Ay bawal ang hindi tatagay, mamamatay!" biro ni Nancy.
"Grabe ka!" palatak niya.
Sa kanilang tatlo ay si Nancy ang medyo daring. Dito sila nakatikim ni Jerra na uminom.
May dalang alak si Alexis na ipinuslit pa nito sa bar na pagmamay-ari ng pamilya nito.
Wala siyang nagawa kundi makiinom. Nagtext na lang siya sa Lola niya na hindi makakauwi dahil hindi pa tapos ang project nila. Bahala na kung masabon siya nito bukas ng umaga.
Napasapo siya sa noo matapos ang ikalawang shot niya.
"Okay ka lang?" bulong ni Shin na nasa tabi niya. Napahagikhik siya dahil nakiliti siya sa mainit na hulab ng hininga nito.
"Yep. O ikaw na Clark!" ipinasa niya dito ang baso.
Habang lumalalim ang gabi ay mas nagiging makulit ang grupo. Napatingin siya kay Grant na tulog nasa isang sulok ng cottage.
"Hina talaga kahit kailan ni Grant!" halakhak ni Alexis.
Siya man ay nahihilo na rin.
"O ako na, hindi na kaya ni Marion 'yan." agaw ni Shin sa baso.
"Ay sana all may taga-salo," hirit ni Jerra na namumungay na ang mga mata sa kalasingan.
"Eh di kung gusto mo ako," hirit ni Alexis kaya pinagtuksuhan nila ang mga ito.
Nang makaramdam na hindi na talaga siya makakatayo ng ayos ay nagpaalam na siyang matutulog na.
Tumayo siya at inalalayan kaagad ni Shin.
Nagrent sila ng cottage na hindi open air. Natural ay bukod ang boys sa girls.
"CR muna ko," aniyang halos papikit-pikit na.
Hapit siya nito sa baywang. At hindi na rin niya alintana kung gaano man sila kalapit ngayon. Pakiramdam niya rin kasi ay matutumba siya kung ilalayo niya ang katawan dito.
"Shin hindi naman dito ang CR?" aniya dahil madilim ang daang tinatahak nila. Patungo na iyon sa likurang bahagi ng resort.
Hindi ito sumagot. Namalayan na lang niyang isinandal siya nito sa isang puno ng niyog.
"Marion, do you want to kiss?"
"Ha?" gulat na tanong niya. Hindi na ito sumagot bagkus ay hinawakan nito ang mukha niya at hinalikan na siya sa labi.
Napamulagat siya. Iyon ang una niyang halik at hindi niya alam kung paano ang gagawin? Pero sigurado siyang hindi naman siya tutol.
"Gayahin mo lang ako," anas nito nang hindi siya tumutugon.
Kahit kinakabahan ay parang hibang na sinunod niya ang sinabi nito. Iginalaw niya ang labi. Ginaya ang ginagawa nito. Mainit ang mga labi ni Shin. At lasang alak kaya pakiramdam niya lalo siyang nalasing. Magaan lang sa simula ang halik nito pero kalaunan ay naging mapusok. Nararamdman na niya ang naglulumikot nitong dila sa loob ng bibig niya.
"Uhhhmmm...." isang ungol ang kumawala sa mga labi niya nang tudyuhin ng dila nito ang dila niya.Kinuha nito ang kanang kamay niya. Inihaplos sa dibdib nito. Naalarma siya nang ibaba pa nito ang kamay sa harapan ng shorts nito. Napapitlag siya nang ipahawak nito ang namumukol na harapan sa kanya.
Naitulak niya ito nang maalala ang Lola niya.
"Marion!" tawag nito nang manakbo siya palayo kahit pa pasuray-suray.
Nagkulong na siya sa cottage at nakita niyang nandoon na sina Jerra at Nancy na pawang mga lasing na walang malay sa ibabaw ng kama.
Sapo niya ang dibdib na inilock ang pintuan. Jusko! Ano ba iyong ginawa nila? Makukurot siya sa singit ng Lola niya kapag nalaman nito kung anumang pinaggagawa niya.
"Kain na po kayo," ani Marion kay Shiela at itinapat sa bibig nito ang kutsarang may lamang pagkain.Hindi ito kumibo bagkus ay nakatitig lang sa kawalan habang nakaupo sa sofa. Napabuntong hininga siya."Kailangan niyo pong kumain kasi hindi bibilis ang recovery niyo kung mahina kayo," kausap pa niya dito saka niya hinawakan ang baba nito para pabukahin ang bibig nito.Naisubo naman niya dito ang pagkain. Surprisingly ay nginuya naman nito iyon. Napangiti siya. Akala niya pati pagnguya ay nakalimutan na nitong gawin. Kunsabagay sabi naman ng Doctor ay nakakaintindi naman ito, iyon nga lang ay nalimitahan ang mobility nito dahil sa aksidente."Iinom pa po kayong gamot kaya dapat medyo madami makain niyo."Nakakatatlong subo palang ito nang marinig niya ang anak niyang umiiyak. Kinuha niya ito sa kuna na nakapwesto rin sa sala at binuhat ang sanggol."Ssshhh..." hele niya dito. Binuksan niya ang blouse para ilabas ang dibdib. Alam niyang gutom na ito. Kaagad naman iyong hinagilap ng b
Chapter 47Nang mailabas ng hospital si Shiela ay nakawheel chair na ito. Mahihirapang makalakad dahil masama ang pagkakabangga dito. Kailangan ng treatment pero saan naman sila kukuha ng pera? Bukod doon ay hindi pa nakikita ang taong nakabundol dito para sana mapapanagot. Idagdag pang naging tulala ito dahil napatama ang ulo sa sementadong sahig. Ang sabi naman ng Doctor ay makakabalik naman ito sa normal at makakapagsalita ulit, depende sa bilis ng recovery.Nang gabing iyon ay tatlo silang nag-usap-usap ni Shin kasama si Chelsea. Nasa kusina sila at magkakaharap na nakaupo sa dining."Chelsea, dapat tulong-tulong tayong mag-alaga kay Mama. Pag wala ako dito sa bahay ikaw ang magbabantay at mag-aalaga kay Mama. Pag wala ka, ako naman ang bahala sa kanya," panimula ni Shin."Eh, kung parehas tayong may lakad na importante?" nakaangat ang kilay na tanong ng maldita."Siyempre ako na yun. Kaya ko naman sigurong alagaan sila ni Shion," nasabi niya."Well good.""Chelsea, ano kaya kung
Palalim na ang tulog ni Marion nang maramdaman niyang may yumakap mula sa likuran niya. Braso ni Shin. Humarap siya dito at niyakap ito. "Ginabi ka yata?" "May tinapos ako sa computer shop na project. May uwi akong siomai, gusto mo?" "Bukas na lang, busog pa ko. Salamat." "Tulog na pala si kulit…" tukoy nito kay Shion na nasa crib. "Oo, di ka na nahintay." Ngumiti ito at hinalikan siya sa labi. Napapikit siya, naramdaman niyang humimas ang kamay nito sa braso niya. "Marion?" "Hmmm?" "I miss you…" anas nito at bumaba ang mga labi nito sa leeg niya. Napalunok siya. Alam niya ang gusto nitong iparating. It’s been two months magmula nang manganak siya. At ngayon lang ulit ito naglambing sa kanya. "Nakalock na ang pinto?" naitanong niya. Natawa ito. "Payag ka?" "Miss na rin kita…" nasabi niya kaya lalo itong nap
Chapter 45 Nakauwi rin sila ni Shin kinaumagahan. Dala-dala na nila si Baby Shion. Masayang-masaya sila ni Shin pero kabaliktaran naman iyon ni Chelsea at ng Mommy Shiela ni Shin. Si Chelsea ni hindi man lang sila sinilip nung manganak siya. Ang mommy naman ni Shin ay nandoon nga pero kibuin-dili naman siya. Ni hindi niya rin nakitaan ng excitement sa bagong silang na apo nito. Pero di bale na at least hindi naman siya inaaway ni Shiela. Mas okay na sa kanya ang silent treatment kaysa sa palagi siyang binubulyawan. "Ang ingay naman niyan! Patahimikin mo nga 'yan!" angil ni Chelsea habang karga niya ang anak na ayaw tumigil sa pagtahan. Sa sala nakapwesto ang anak niya at si Chelsea ay nandoon rin at nakahilata sa sofa, naistorbo sa pagsicellphone dahil sa palahaw ng anak. Araw ng Sabado kaya nasa bahay ang mag-ina. Si Shin ay nagtatrabaho kaya wala ito sa bahay. "K-Kanina ko pa nga ito ipinaghehele, ayaw talaga," kinig ang tinig na sagot niya. Halos maiyak na rin siya dahil pan
Chapter 44Habol ni Marion ang hininga habang pinapairi siya ng Doctor."Isa pa nakikita ko na," muling utos nito."Ahhh! Hah!" halos mapugto na ang hininga niya nang muling umiri.Napaiyak siya sa hirap.Lahat ng pagkakamali niya nagbalik sa utak niya. Kung sana nandito ang Lola niya baka sakaling mas gumaan ang pakiramdam niya. Pero hindi, galit ito sa kanya.Wala na itong pakialam sa kanya. Ganoon ba talaga? Pag nagkamali ka, itataboy ka? Huhusgahan ka? Wala ng karapatang magbago o bumangon man lang sa pagkakadapa?Ito na yata ang pinakamahirap sa pinagdaanan niya. Ang magluwal ng sanggol.Ilang saglit pa ay nakarinig siya ng iyak."Nandito na siya. Lalaki ang anak mo!" anunsiyo ng doktora kaya unti-unti siyang napangiti sa kabila ng hirap na pinagdaanan.Napapikit siya para pakalmahin ang sarili. Hindi na niya namalayan ang mga sumunod na nangyari.~*~*~*~*~"Kamusta si Marion?" tanong kaagad ni Grant nang makita si Shin sa labas ng delivery room. Kasunod nito ang barkada."Nangan
Chapter 43 "Marion, natataranta ko sa’yo, sigurado ka bang hindi pa tayo pupunta ng ospital?" aligaga si Shin nang umagang iyon habang naghahanda sa pagpasok. Akala nila kasi kagabi manganganak na talaga siya kaya pinapara niya ito ng sasakyan, pero nung dumating naman ang tricycle ay nawala na naman ang sakit. "Oo nga, o ngayon o wala naman akong nararamdaman ulit. Ganun naman yata talaga kapag malapit na. Madalas na ang sakit. Saka isa pa, mamaya na ang battle of the bands niyo. Hindi pwedeng hindi ako manunood. Sabi nga ni Alexis baka maging lucky charm niyo ko." "Hay sige na nga, katawan mo naman ‘yan, mas ikaw nakakaalam. Basta tawagan mo ko kung may mararamdaman ka." "Oo, ‘wag ka ng mag-alala." "Sige bye, Love you." "Love you too…" at humalik na siya sa pisngi nito. Pumasok pa rin siya sa trabaho. Iniisip niya sayang ang kikitain. "Hoy sipag mo, hindi ka pa ba manganganak ng lagay na ‘yan?" usisa ng bading na si Krissy habang naglalagay ito sa tabi ng lababo
Chapter 42 Balisa si Marion habang nakahiga. Sumasakit ang tiyan niya. Napatingin siya sa katabing si Shin. Mahimbing ang tulog nito pero siya ay kanina pa alumpihit. Kabuwanan na niya. Sa totoo lang ay ayaw pa niyang manganak dahil wala pa naman silang ganoong pera. Konti nga lang ang gamit na napamili nila para sa bata sa tulong ng kaunting kita nilang pinagsama sa pagtatrabaho nila sa boss na tsekwa. "Marion?" naalimpungatan si Shin dahil naramdaman nito ang paglilikot niya. Napabangon ito at binuksan ang ilaw. "Masakit pa rin?" nag-aalalang tanong nito at napahawak sa tiyan niya. Napangiwi siya. "D-Dumadalas na talaga…" "Itakbo na kaya kita sa ospital?" "Di ko pa naman due date, saka kaya ko pa naman. Sabi ko rin kasi kay boss mag-o-overtime ako. Sayang kita…" Napabuntong hininga ito. "Sigurado ka?" "O-Oo. Sige na tulog na tayo ulit. May exa
Chapter 41 "Palakas ka, ah?" ani Marion kay Shin habang sinusubuan niya ito ng mainit na sopas na nabili niya sa canteen sa ibaba ng ospital. "Oo naman, lalo pa at inaalagaan mo ko." Napangiti siya sa sinabi nito. "Shin, ‘wag ka ulit aangkas ng motor, ah? Takaw disgrasiya lang ‘yan," paalala niya. "Gusto ko kasing makauwi kaagad nun kaya umangkas ako kay Brando. Saka wala talaga sa hinagap ko na madidisgrasiya kami." "Alam ko, pero mas okay na yung nag-iingat. Ano na lang gagawin ko kung hindi ka nakabalik?" nangilid ang mga luhang sabi niya. "Hey…I’m already here so don’t cry," marahan nitong hinagip ang kamay niya at hinalikan pa iyon. "Thankful ako sa itaas na hindi ka niya pinabayaan." Nakangiting tumango ito. "Simba tayo sa Sunday? This is my second life kaya dapat magpasalamat ako sa kanya," yakag nito kaya napangiti rin siya. "Yun lang pala, eh. Sige simba tayo. Paalam tayo sa Mommy mo baka kasi magalit na naman sa’kin yun." "Sana magkasundo na talaga kayo…" "Sana n
Chapter 40 Lalong nagngitngit si Chelsea dahil sa sinabi ni Grant. Malinaw na kay Marion ito kumakampi. At hindi man nito diretsong sabihin ay alam niyang pinagbabantaan siya nito na anumang gawin niya kay Marion ay ito mismo ang makakalaban niya. "Damn that b!tch!" nagtatagis ang mga ngiping maktol niya. Nagmamartsang tumungo siya sa silid nito. Nakapikit si Marion at anyong tulog. Nangangati ang palad niya at gusto niya talaga itong sampalin. Talagang mainit ang dugo niya dito sa babaeng ito. Ipinahamak nito si Shin dahil sa pagiging malandi nito, maaga itong magiging batang ama. Tapos ngayon ay nakuha nito pati ang loob ni Grant! She likes Grant, matagal na. Pero hindi naman siya nito pinag-uukulan ng pansin at mukhang mas lalo siyang walang magiging pag-asa dahil nasa side ito ni Marion. Muntik na siyang mapaatras nang makitang nagmulat ng mga mata