Share

Chapter 10

Author: Miss Elle
last update publish date: 2026-08-09 13:24:08

Nakatingin lang si Raveia sa kanyang Prosecco drinks habang pinapaikot-ikot ang kanyang baso.

Hindi niya alam kung bakit, saan o paano nagsimula ang lahat. Ang alam niya lang, nasa sistema niya na si Alex. Hindi bilang karibal kay Ranier, kung hindi higit pa roon. Hindi niya ito nakikita bilang isang lalaki na lalaki rin ang hanap, kung hindi isang lalaki.

Opposite séx, a partner, a boyfriend—

Mabilis niyang kinumpas ang kamay na para burahin ang nasa isip.

"Seriously, Ravi, what's wrong with y
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • When You Love Again   Chapter 18

    MATAMANG pinagmamasdan ni Raveia ang photo album niya simula pagkabata. Iyon ay ang album na sila lang ni Ranier ang nasa frame—mga larawan kung saan nanalo siya ng mga parangal sa ballet contest. Mabigat ang puso niya ngayon. She felt like she was slowly saying goodbye to these feelings she had all her life, as if it was all a lie—a dream she needed to wake up to.Kanina nang dumating si Ranier, para siyang maamong tupa sa harap ng lion. Madilim ang mukha nito at kita sa mga mata nito ang galit. Kahit alam niya na ang dahilan ng ikinagagalit nito, hindi niya pa rin maiwasang masaktan.Pinaubaya niya lang agad si Alex dito at walang lingon-likod na iniwan ang dalawa.Naramdaman na lamang niya na sunod-sunod na ang pagpatak ng luha niya.“Congrats, Ravi! Your first heartbreak.” Natawa siya nang pagak. All of the realizations, jealousy, and pent up frustration burst out na para bang ngayon lang nag-sink in sa kanya ang lahat.Naninikip ang dibdib niya. Parang tinutusok ang puso niya a

  • When You Love Again   Chapter 17

    "RAVI, PAHIRAM muna ng phone mo."Nasa salas sila ng kanilang bahay at abala sa pag-scroll sa kanyang social media account si Raveia nang magsalita sa likod niya ang Uncle Brix niya.Napanguso siya."Why? This is my private property.""I'll just make a little modification on your phone," sabi ni Brix at umupo sa harap niya. "After what happened to your brother, I can't just sit still and hope that it won't happen again."She sighed.Tama ang uncle niya. Kahit alam niya sa sarili niya na wala naman siyang kaaway at tinatapakang tao, it is better to be cautious than sorry."But Uncle..." she said, hesitating to give the phone."Don't worry, wala akong bubuksan na kahit anong app sa phone mo.""Pinky swear?""Of course. I know how scary you women are when it comes to private matters." Napangiwi pa ito na tila may naalala. Binigay niya na rito ang phone. Mukha namang gusto ng uncle niya na panatag siya dahil sa harap niya pa nito kinalikot ang phone."Uncle, hindi ka ba magtatanong kung

  • When You Love Again   Chapter 16

    TAHIMIK ANG paligid. Tanging maririnig lang ay ang pag-ihip ng hangin.Nakahinga nang maluwag si Raveia. Pakiwari niya ay nakaligtas siya sa masamang balak ng mga lalaki ngunit nanatili lang sarado ang mata niya. Natatakot siya na kapag minulat niya ang mata ay nasa kalagitnaan pala siya ng pananamantala sa kanya ng mga hayóp na lalaki. Mas mabuti pa dito sa dilim."Ravi?"Tama, dito na lang ako. Here, I can hear Alex' soft voice. We're safe here.Napangiti siya nang mapait. Nagi-guilty siya. Hindi niya alam kung paano pa haharapin si Alex ngayon, lalong lalo na si Ranier. Tiyak niya na galit ito sa kanya lalo’t nilagay niya sa kapahamakan ang boyfriend nito na tahimik lang sanang naghihintay sa meet-up place ng mga ito.Mas gugustuhin niya pang ma-comatose ngayon kaysa ang harapin ang galit ng dalawa."Ravi, kung gising ka na, bumangon ka na riyan. Hindi 'yong naka-smile ka lang. Baliw ka rin kahit tulog."Biglang kumibot ang muscles niya sa mata, at tila may bahagyang pagpitik pa s

  • When You Love Again   Chapter 15

    MABILIS lang nahamig ni Jet ang sarili at walang pakundangan na sinugod ng suntok si Alex. Si Raveia ang napangiwi sa sakit dahil sa nakita. May dugo pa na lumabas sa bibig ng binata.“Alex!” sigaw niya.Hindi niya alam kung makakatulong iyon pero bigla na lang umayos ng tindig si Alex. He positioned himself in front of Jet. He was ready to give him an uppercut, but Jet was faster. Jet kicked his not fully healed leg.“That’s cheating, you jerk!” asik niya kay Jet.Natikom niya ang bibig nang tapunan siya ng matalim na tingin ni Jet.“You’re next, Raveia. Maghintay ka diyan.” He then gestured to his underlings. And in just a split second, hawak ulit siya ng mga ito.“Baliw ka talaga, Raveia Cruz!” sigaw sa kanya ni Alex na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakatayo sa sakit sa paa. “Bitawan niyo ‘ko, sampalin ko lang ‘yang lalaking iyan!” sigaw niya sa mga lalaki. Sinubukan niya ring magpumiglas ngunit hindi siya pinakawalan ng mga ito.Jet scoffed. “I’m not here to witness you loveb

  • When You Love Again   Chapter 14

    RAVEIA paced back and forth, trying to figure out whether everything was just a simple misunderstanding or it was just her imagination. First, Alex — he had no reason to be at the university during that time because he had everything he could use to study in his house. He had all the books related to their course piled up on his sofa.Then there is Ranier. He should be in his company working.“Does it mean na noon pa—”Noon pa may nangyayari sa dalawa? Kaya ba walang girlfriend si Ranier ay dahil boyfriend ang mayroon ito? Hindi lang nito pinapaalam sa lahat dahil umaasa ang Imperial family rito bilang nag-iisang tagapagmana ay magbibigay ito ng marami pang tagapagmana na magtutuloy ng henerasyon para sa Imperial?“Well, too bad…” The Imperial family ends with Ranier.Bigla ay nanghina siya sa mga realisasyon na ito. Akala niya ay kilalang kilala niya na si Ranier, ngunit hindi pa pala. Napaluhod na lamang siya sa sahig, puno ng awa sa sarili.How could she let someone like him take

  • When You Love Again   Chapter 13

    “SO…” pabitin na hayag ni Kira, isa sa mga classmate ni Raveia. Nangalumbaba pa ito sa harap niya.Ilang saglit pa ay napalibutan na siya ng iba pang kaklase. “Ano nang status niyo ni Alex? Is it official na ba?”“We saw those flowers left on your table. Was it from him? Hindi namin nakita kung sino ang nag-iiwan eh.”Of course, hindi talaga! Hindi magpapahuli ang isang professor na nililigawan ang estudyante niya. Sagot niya sa isip niya.Katatapos lang ng second subject nila at bakante sila hanggang lunch time. Nilibot niya ang tingin at walang bakas ni Alex sa paligid.Muli niyang binaling ang atensyon sa mga ito. She doesn’t remember being this close with her female classmates, but it’s good to have them around too.Napangiti siya. Ngunit iba yata ang naging epekto ng ngiti niya sa mga ito. Tila mga sinilaban ng apoy ang bunganga ng mga ito at napuno ng tili ang buong classroom.Bigla ay nairita siya.Ok, it’s not that good to have them around!Wala pa nga siyang sinasabi. Anong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status