Mag-log inNakapikit lamang si Raveia. Hinihintay ang pagdampi ng pinakaaasam-asam na matamis na halik mula kay Ranier. Ngunit bawat segundo na lumilipas ay tila isang oras na tagal na paghihintay. Hanggang sa naramdaman niya na lamang ang paglapat ng noo ng binata sa kanya. Naramdaman din niya ang mainit na hininga nito sa kanyang mukha. Muli siyang napalunok. Ito na iyon, ito na iyon!Paulit-ulit na tili sa likod ng isip niya.Nagi-imagine na siya kung ano ang susunod niyang gagawin sa sandaling maglapat ang kanilang mga labi. Will I bite his lower lip or upper lip? Oh, I remembered! It's more seductive if I just lick his lips and French kiss him.Her naughty thoughts vanished in a second when she heard an unpleasant voice."Ravi?" Alex asked, concerned in his voice.Nanatili lamang siyang nakapikit kahit pa ramdam niya kung gaano kabilis lumayo sa kanya si Ranier. Unti-unti na rin niyang binabawian ng buhay sa isip niya ang pangahas na si Alex.If it wasn't for you, Ranier and I already ha
NAKALUHOD si Ranier sa harap ni Alex, habang ang huli ay nakatingala. Kitang kita sa leeg at braso nito ang naglalabasan na mga ugat. Namumula na rin ang pawisang balat nito kahit pa sobrang lamig ng binubuga ng aircon. Malalim na rin ang hininga ng binata, at paminsan-minsan pang nagpapakawala ng mga impit na ungol.Nahigit ni Raveia ang hininga sa eksenang nasasaksihan. Nahulog niya rin ang dalang pagkain. Natapon pa sa carpet ang mga inumin.“Anong ginagawa niyo, mga hayop kayo!”Dito na lumingon si Ranier. Nagtataka pa ito sa inasal niya.Dali-dali rin itong lumapit sa kanya hindi para pakalmahin siya kung hindi ayusin ang mga nahulog nitong pagkain.“What’s wrong with you?” asik nito sa kanya. Agad siya nitong tinalikuran at tinungo ang kusina, dala ang pagkain.Bago pa tuluyang pumatak ang luha niya ay napatingin siya kay Alex.Wala na ang benda nito sa paa. Biglang nag-sink in sa kanya ang ginagawa ng mga ito kanina. Parang gusto niya na lang lamunin ng lupa ngayon. Nakakahiya
“WHAT HAPPENED?” takang tanong ng mommy niya kay Raveia.Para siyang nasa hot seat now that she was in between these men—Ranier and Alex—with the drama-like scene of “ang pinag-aagawan na babae.” Bukod sa napagigitnaan ay tila bugbog sarado rin si Alex kay Ranier dahil sa benda nito sa braso, at may saklay pa sa tabi nito.Anyone who could see them would think na ang haba ng buhok niya, but no!Ayaw niya lang talaga na magkatabi si Alex at Ranier sa iisang upuan, kahit pa ang haba ng sofa nila sa bahay. “I’m sorry about this, Tita Ellyna. Ihahatid ko na sana si Ravi pauwi, pero nagtalo lang kami sa—well, it’s confidential, pero—““Confidential? When did things between you and Ravi become confidential, Ranier?” matigas na tanong ng daddy. Bakas sa mukha nito na hindi nito nagustuhan ang sinasabi ng binata.“Tito John, I didn’t mean it that way! Fu—god!” Napahilamos na lamang sa kanyang mukha si Ranier nang lalong dumilim ang mukha ni John. “Ravi, come on! Tell your parents that it’s y
ILANG BESES NANG sinuri ng doctor ang paa at binti ni Raveia ayon na rin sa kagustuhan ni Ranier. Napapagod na nga siya sa paulit-ulit na check-up, pero pare-pareho lang naman ang resulta. Napapakamot na lang din sa kani-kanilang mga ulo ang attending physician at nurse sa gilid.“Look, Ranier, I’m totally fine—““Maybe their facilities here are not in good condition. Paanong ok ka lang, eh ang lakas ng iyak mo kanina. For sure, you broke a toe. Paano ka na niyan makakabalik sa pag-ballet kung napilayan ka?” puno ng pag-aalalang sabi ni Ranier. Hinila na rin siya nito patayo.“T-Teka, sa’n tayo pupunta?”“Sa ibang ospital.”Palihim siyang napaismid. This hospital was her father’s hospital. Gusto niya sanang batukan ngayon si Ranier for doubting the facility, pero parte ng isip niya ang natutuwa.All his attention was hers. Ibang-iba sa atensyon na binibigay nito sa loob ng klase. Bigla ay may kiliti na humaplos sa puso niya. Umaasa siya na ito na ang simula ng pagbabago ng tingin sa
Uwian na at naisipan ni Raveia na maglakad muna bago magpasundo sa daddy niya. Kahit lumipas na ang ilang oras matapos ng sagutan nila ni Ranier, hindi pa rin siya makapaniwala na pinag-isipan siya ng gano’n ng lalaki. Pwede naman siya nitong i-reject in a nice way, hindi iyong ipapahiya siya sa harap ng maraming tao. Nagsisimula na tuloy siyang mag-isip na hindi worth it ang lalaking iyon. “Too much believing in fairytale stories,” inis na bulong niya sa sarili.Bakit ba kasi may living proof ng ‘age doesn’t matter’ kind of love story? At mga magulang niya pa talaga?Malamang na maniniwala talaga siya at ipu-pursue niya ang nararamdaman niya.At isa pa, sinong hindi mahuhumaling kay Ranier? He had the looks every woman her age would drool over! Sa mukha pa lang — he had monolid eyes, and red lips na animo’y hindi nakaranas ng paninigarilyo. Matangos din ang ilong nito na bumagay sa parisukat na jawline nito. May matulis na k-nine din ito na lalong nagpapaguwapo rito kapag ngumingi
Panay lang ang pindot ni Raveia sa camera niya, at hindi tinitingnan kung maganda ang kuha niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya nakaka-move on sa ginawa ni Ranier three days ago.Hindi naman siya pinagalitan ng parents niya. In fact, her mom was kind of supportive if ever she happened to have a real boyfriend, while his dad wanted to meet the guy before she could say yes and make it official.Pero…Hindi iyon ang inaalala niya!Naiinis siya dahil ang low key na nga ng mga galawan niya, napansin pa rin iyon ni Ranier. And he just shut her up by saying he’s her big brother and she was nothing but a naïve little sister to him!Hindi ba pwedeng tingnan siya nito bilang babae? She’s old enough to be his girlfriend! Dapat nga, matuwa ito dahil may isang Raveia Cruz na hindi siya sinusukuan.Tapos sa nakalipas na araw, hindi na siya masyadong pinapansin ni Ranier. She had no choice but to grab his attention sa paraan na napaka-childish. It’s either mapansin siya nito dahil magaling siya







