Share

Kabanata 2

KAGAGALING lang ni Sylvan sa firm na pagmamay-ari ng kanyang pinsan na si Denisse. His father asked him to work together with Denisse for the construction of DREAM House. DREAM stands for De Rueda Enterprise and Mendoza. DREAM House will be the safe haven for the De Rueda's and Mendoza's. Vacation house kung baga.

Si Tita Louisse, ang Mama ni Denisse, ang pinakaclose na kapatid ng Papa niya kaya naman laging suportado nila ang isa't isa. Lalo na ngayon na nagsisimula si Denisse na makilala sa larangan ng arkitektura dahil sa magagandang feedback ng mga clients nito. Naalala niya ang naging usapan nila ni Denisse.

“The DM Firm has been on the run for more than eight years now, Den. I wonder what’s behind the success of your firm except for the fact that you have a lot of connections.” Ang totoo ay hindi ang pag-a-arkitektura ang pangarap ni Denisse. She wanted to be a doctor, but architecture and engineering ran in their blood kaya wala itong choice kung hindi maging arkitekto.

“Well, isa lang ang maisasagot ko sa bagay na ‘yan, kuya Syl.” Pinagsalikop ni Denisse ang mga kamay sa harap nito katapat ng labi nito, ang mga siko ay nasa ibabaw ng office table nito. “I have the most amazing architects in the country, and when I say amazing, they are topnotchers in board exam.”

“Hmm, no wonder. So kanino mo ibibigay ang project para sa ating vacation house. Alam kong hindi ikaw ang architect na makakasama ko kaya make sure na maayos at magaling ang pagbibigyan mo ng project.”

Saglit na nag-isip si Denisse saka ngumiti ng makahulugan sa kanya. Inabot nito sa kanya ang isang folder na kanina pa sa table nito.

“Sa kanya ko ibibigay ang project as per advise na din ng board dahil ang team niya ang pinakamaraming naclose na deals and contracts sa firm for the past eight years. At karamihan ng magandang feedback sa firm ay under ng mga contracts na naclose niya.” Proud na wika ng pinsan niya. Hindi pa man niya nabubuksan ang folder ay mukhang mahusay nga ang architect na tinutukoy ni Denisse.

“Aside from that, top one din siya sa board exam ng architecture. Pinag-aagawan siya ng mga malalaking firm dati pero pinili niya ang firm ko simply because of the salary I offered.” Bumungisngis si Denisse na hindi naman usually nito ginagawa maliban na lang kung may tinatago ito.

“Iyon lang ba talaga ang dahilan kaya niya pinili ang pipitsugin mong firm?” Nagdududa siya sa pinsan dahil sa pagkakakilala niya rito ay marami itong tinatagong lihim.

“Oo naman, kuya. Kung hindi malaki ang offer ko d'yan baka matagal na ‘yan umalis. Kaya nga ginagalingan niya sa bawat project eh.” Denisse avoided his gaze, which is a sign that she’s lying.

“You’re lying, and I will find out why.” He said firmly as he opened the folder.

Pagkakita sa bio-data ng architect ay alam na kaagad niya ang tinatago ni Denisse. The woman in the picture is the same woman who brought chaos to their family.

“Are you sure about this?”

“Uh-hmm.” She nodded with a grin.

“Is this some kind of your revenge?”

“No, kuya! Wala akong ibang rason sa pagbibigay sa kanya ng project. Pinagbotohan yan ng board. That is not my decision.” Inirapan siya ni Denisse.

“Ipapahamak mo ang babaeng ito sa ginagawa mo Denisse.” Nag-aalala siya para sa babaeng nasa larawan. Wala itong kaalam-alam sa mga posibleng mangyari dahil sa project na tinanggap nito.

“Paanong ipapahamak, kuya Syl? Matagal na niyang hinihintay na magkaroon ng big project, eto na ‘yon.”

“Did you tell her what project she’ll be dealing with?”

Umiling si Denisse na mas nagpaalala sa kanya. “Bukas pa niya ime-meet sina Mama at Tito para sa expectations ng client.”

“Ewan ko sa ‘yo, Denisse. Ngayon pa lang sinasabi ko na sa iyo na hindi maganda ang magiging resulta ng ginagawa mo.”

“Wala naman akong ginagawa, kuya.” Muli itong tumawa na kinainis niya.

Umalis na lamang siya para di na tuluyang mainis sa pinsan. Dala ang folder ay nilisan niya ang firm.

Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit siya naiinis kay Denisse. All he knows is that he needs to do something to protect that woman kahit pa minsan nitong ginulo ang pamilya nila.

Travelling alone in his car, Sylvan stopped on the side of the road to watch the sun slowly meet the horizon. There is something on the sunset that makes him feel happy and satisfied. Nasa loob lamang siya ng kotse at pinagmamasdan ang paglubog ng araw nang may kotse na huminto sa unahan niya.

Hindi niya inaasahan ang lumabas mula sa kotse. Iyon ang babaeng nasa folder at ang arkitekto na makakasama niya sa pagpaplano ng kanilang vacation house.

Sumandal ang babae sa pinto ng kotse paharap sa papalubog na araw. Sa unti-unting pagdilim ng paligid ay siya namang pagliwanag ng mga ngiti ng babae.

She’s beautiful. Sigaw ng isip niya.

No wonder she brought chaos to their family. She was like Helen of Troy. A beauty that could launch a thousand ships.

Pinilig niya ang ulo. Ano ba itong naiisip niya? Bago pa man siya mawala sa pag-iisip ay nilisan na niya ang lugar kahit hindi pa tuluyang lumulubog ang araw.

TULAD nga ng inaasahan ni Eliana, pagkauwi na pagkauwi niya galing trabaho ay tumawag agad ang Mama niya kasama pa ang kanyang ama.

“Eli, sinabi ko na sa Papa mo na magkakaboyfriend ka na,” bungad kaagad ng Mama niya nang sagutin niya ang tawag nito.

“Ma! Big project pa lang po ang meron ako, hindi pa boyfriend. Ang advance niyo naman po masyado,” reklami niya habang naghahain ng pagkain para sa sarili.

Living independently taught her how to do things efficiently. Kapag marami silang projects ay hindi na siya nakakapagluto para sa sarili kaya naman umoorder na lang siya sa restaurant na nadadaanan niya. Hindi iyon praktikal pero wala naman siyang choice dahil may mga inuuwi siyang trabaho minsan. Katulad ngayon na may big project sila at ang client nila ay isang kilalang tao. Kailangan niyang mag-search ng tungkol sa client nila para makagawa siya ng design plan na pwede niyang ipresent bukas kapag nameet niya ito.

“Ganoon na din ‘yon, Eli, kasi sabi mo kaninang umaga kapag nakakuha ka ng big project ay magboboyfriend ka na.”

Hindi na siya nakipagdiskusyon sa mga magulang. Naka-video call sila kaya nakikita niya ang mga magulang ganoon din ang mga ito.

“Eli, umorder ka na naman ng mga pagkain ano?” tanong ng kanyang ama.

Nakita siguro ng Papa niya na sinalin niya sa plato ang pagkain mula sa paper box.

“Opo, Pa. Wala na po kasi akong time magluto.”

“Yan ang sinasabi ko kaya dapat ikaw ay nagboboyfriend na para may magluto para sa iyo.”

Mahina siyang tumawa sa sinabi ng ama. “Eh di sana ay chef na lang ang hanapin ko at hindi boyfriend, Pa.”

“Pwede naman na chef ang maging boyfriend mo.”

“Naku, ‘wag na nga ang boyfriend na ‘yan ang pag-usapan natin. Kumain na po kayo?” tanong niya sa mga ito.

“Hindi pa, ‘nak. Nagluluto pa lang ang kaibigan ni Elaine.”

Napakunot ang noo niya. “Kaibigan ni Elaine? Sino po? Si Nicole?”

Si Nicole lang kasi ang kilala niya na kaibigan ni Elaine na dinadala nito sa bahay. Ito lang naman kasi ang best friend ni Elaine na pinagkakatiwalaan nito.

“Hindi si Nicole.” Ang Papa niya ang sumagot dahil umalis ang mama niya at hindi niya alam kung saan pumunta. “Sandali at ipapakita ko sa iyo.”

Gumalaw ang video na tila naglalakad ang may hawak nito. Nakita niya ang ibang bahagi ng kanilang bahay habang naglalakad ang kanyang Papa dala ang tablet na gamit ng mga ito kapag nakikipag-video call sa kanya. Bigla niyang na-miss ang buhay sa probinsiya. Kailan kaya siya ulit makakauwi sa kanila?

Huminto ang paglalakad ng Papa niya nang marating ang kusina ng bahay nila. Iniharap ng Papa niya ang video sa harap ng kanilang gas stove kung saan may isang lalaki na nakatalikod at nakasuot ng apron habang nagluluto.

Natutop niya ang bibig nang makilala ang lalaki. Agad niyang nilunok ang pagkain na nasa bibig para makapagsalita ng maayos.

“Papa, nariyan po ba si Elaine?” tanong niya.

“Oo, narito ‘nak. Nasa kwarto niya at nagbibihis.” Muli niyang nakita ang mukha ng ama sa video habang nasa background naman nito ang Mama niya na kausap ang lalaking kilala niya.

“Papa, baba ko po muna ang tawag. May kakausapin lang po ako.”

Hindi na niya hinintay na sumagot ang ama dahil pinatay niya agad ang tawag para tawagan naman si Elaine. Ang loko niyang kapatid ay may kalokohang ginawa.

“Elaine!” bungad niya nang sagutin ng kapatid ang video call niya.

“Oh, napatawag ka, ate Eli.” Painosente pa ang kapatid niyang ito. Nagsusuklay ito sa harap ng salamin sa kwarto nila sa bahay. Magkasama sila sa kwarto ni Elaine ngunit dahil nasa Maynila siya ay ito lamang ang umuokupa ng kwarto.

“Umamin ka sa akin, Elaine. Anong ginagawa ng may-ari ng hospital na pinagtatrabahuhan mo sa bahay natin?”

Gulat na napatingin sa gawi niya ang kapatid.

“Paano mo nalaman, ate?” Bakas ang kaba sa mukha ng kapatid niya. Akala siguro nito ay hindi niya malalaman.

“Sinabi sa akin nina Mama at Papa. Now answer my question, Elaine. Are you sleeping with that guy?”

“Si ate naman, sleeping kaagad? Di ba pwede na nanliligaw pa lang?” Medyo nakahinga siya na maluwag sa sagot ng kapatid.

“Ang alam nina Mama ay boyfriend mo na ang lalakig ‘yon tapos dinadala mo pa d’yan sa bahay.”

“Wala naman ako balak na dalhin dito sa bahay si Noah. Kaso mapilit ang manliligaw ko kaya ayon pinagluluto niya kami ng hapunan. Inggit ka ‘no?” Heto na naman ang kapatid niya, inaasar na naman siya dahil wala siyang boyfriend o manliligaw.

“Tigilan mo ako, Elaine. Hindi ako nagmamadali sa pagboboyfriend saka baka nakakalimutan mo na hindi ka pwedeng magpakilala ng boyfriend kina Mama at Papa hangga’t hindi ako nagpapakilala ng boyfriend sa kanila.” Biglang sumimangot ang kapatid niya.

“Bilisan mo naman magboyfriend, ate. Gustong-gusto ko nang sagutin si Noah eh!” Naiinis na wika ni Elaine.

Tinawanan niya ang kapatid saka pinatay ang tawag. Naiiling na lang siyang nagpatuloy sa pagkain. Sigurado siyang hindi na siya kukulitin ng Mama niya na magboyfriend dahil naroon si Elaine at ang manliligaw nitong si Noah.

Pagkatapos kumain ay naglinis lang siya sa kusina saka nagshower bago siya humarap sa kanyang laptop paea magtrabaho.

KINAUMAGAHAN ay nag-video call muli ang Mama niya at nagkwento ng tungkol kay Noah at Elaine. Mula sa bahay hanggang sa pagpasok niya sa trabaho ay kausap niya ang ina at napunta na naman ang kanilang usapan sa tanong ng mama niya na...

“Ikaw, Eli, kailan ka magdadala ng manliligaw dito sa bahay?”

“Ma, gusto niyo bang dalhin ko sa bahay ang manliligaw ko na hiwalay sa asawa at may isang anak?” biro niya sa ina.

“Susmaryosep, Eliana! Huwag na huwag mong madadala rito ang lalaking ‘yan!” Tulad ng inaasahan ko ay nag-iba kaagad ang mood ng Mama niya.

“Kaya huwag niyo akong mamadaliin, Mama dahil baka maling tao ang maipakilala ko sa inyo.”

“Oh siya sige, hindi na ako mangungulit pero sana naman ay huwag dumating ang birthday mo na single ka pa rin.”

“Titingnan ko kung may mahahanap akong matinong lalaki sa loob ng dalawang buwan, Ma.” Dalawang buwan na lang kasi ay 29th birthday na niya.

Nakasanayan niya na umuwi sa kanila tuwing birthday niya para magcelebrate kasama ang pamilya. Sa tuwing umuuwi siya ay laging boyfriend ang hanap ng pamilya sa kanya. Paano pa siya makakahanap ng boyfriend ngayong magiging abala na siya sa malaking project.

Pagdating sa opisina ay agad siyang sinalubong ng team. Lahat sila ay hindi makapaniwala na sa kanila binigay ang big project ng firm para sa taong iyon.

“Architect, narinig ko na special ang project na ito.” Si Pau na lumapit pa sa tabi niya para sabihin ‘yon.

“Saan mo naman nasagap ang balita na ‘yan, Pau?” Si Chelsea na blooming na blooming at hindi halatang galing sa hang-over kahapon.

“Hindi mo ba narinig kay Sir Mark kanina? Espesyal daw sa pamilya ni Madam Denisse ang project na ito.”

Napaisip siya sa sinabi ni Pau. Matagal na niyang naiisip na may koneksyon ang CEO nila na si Denisse sa ex niya na si Alvi dahil parehong Mendoza ang last name nila.

Pero mukhang imposible naman dahil kung may kaugnayan niya ang dalawa, sana hindi na siya tinanggap ng CEO sa firm. Pinanatag niya ang loob niya.

“Eli,” tawag sa kanya ni Mark.

Napansin niya na nangangalumata ito at mukhang hindi nakatulog ng maayos. Gusot din ang buhok nito. Medyo naguilty naman siya dahil sa ginawa rito kahapon.

“Nine o’clock daw ang dating ng client. Sa conference na natin sila hintayin.” Pagkasabi noon ay bumalik sa opisina nito si Mark.

Hindi na nito hinintay na magsalita siya na hindi nakaligtas sa kanyang mga kasama.

“Anong nangyari kay sir Mark? Parang may iba?” Nakakunot ang noo na tanong ni Liam, ang assistant designer ni Pau.

“Oo nga,” sang-ayon naman ni Pau. “Actually , kahapon pa siya ganyan. Parang hindi masaya na nakakuha tayo ng malaking project.”

Agad naman niyang pinagtanggol ang kanilang project manager dahil alam niyang kasalanan niya kung bakit ito nagkaganoon.

“Baka may problema lang si Mark sa bahay. Alam niyo naman na nasa proseso sila ng annulment ng asawa niya ‘di ba?” Tumango ang kanyang mga kasama na tila nauunawaan ang sinasabi niya. “Unawain na lang natin si Mark. Hindi naman nakakaapekto sa trabaho ang kinikilos niya.”

“Oo nga naman. Sana lang ay maayos pa nilang mag-asawa ang lahat. Kawawa naman si Myka.”

Sang-ayon siya sa sinabi ni Chelsea ngunit hindi na siya umimik. Nagtungo na lang siya sa kanyang opisina at inihanda ang mga kailangan para sa meeting nila with client. Alas siete pa lang naman ng umaga, mahaba pa ang time niya para magprepare.

Nagtungo siya sandali sa pantry para magtimpla ng kape. Hindi na siya nakapagkape sa bahay kanina dahil kausap niya ang kanyang Mama. Hindi kompleto ang umaga niya kapag walang kape.

Nagtitimpla siya ng kanyang kape nang may tumabi sa kanya at kumuha ng tasa din nito. Akala niya ay si Pau ang tumabi sa kanya pero nagulat siya dahil hindi niya kilala ang lalaki.

“Excuse me,” pukaw niya rito. “Bago ka rito?”

Hindi siya pinansin ng lalaki at patuloy lang ito sa pagtimpla ng kape. Alam niyang bago lang ito sa firm dahil hindi nito alam kung nasaan ang mga kutsara. Kaya naman kumuha siya ng kutsara sa isa sa mga drawer at binigay sa lalaki.

“Alam mo ba kung anong room ang pinapasok mo, sir?” tanong niya sabay higop sa kanyang bagong timpla na kape. Balak niya pa kumuha ng biscuits pero nakaharang sa cupboard ang lalaki. Mamaya na lang siya kukuha kapag umalis na ito.

“Ikaw ba? Alam mo ba kung ano ang pinapasok mo, Miss?” Sinulyapan lang siya ng lalaki saka umalis dala ang kape nito.

Siya naman ay naiwang nagtataka sa sinabi ng lalaki. Binalik lang kasi nito ang tanong niya rito.

“Of course, alam ko ang pinapasok ko. Dito kaya ako nagtatrabaho,” aniya kahit wala na ang lalaking kausap kanina.

Kumuha na lang siya ng biscuits saka bumalik sa kanyang opisina. Nadatnan niya roon si Mark na mas maayos na hitsura kumpara kanina.

“Good morning.” Masaya niyang bati rito bago niya nilapag ang kape at tinapay sa coffee table.

“Good morning.” Ganting bati nito na nakapako ang tingin files na binabasa. “Eto ‘yong background information ng client mamaya. Sa iyo ko na ipapaubaya dahil may importante akong meeting sa aking lawyer mamayang 9 am. Sinabi ko na din sa team na tulungan ka kahit na alam kong kaya mo naman.”

Nilapag ni Mark sa office table niya ng folder na binabasa kanina.

“Mother and uncle ng ating CEO ang client natin at makakasama mo sa project ang architectural engineer na pinsan ni Madam Denisse. Bale kayo ang magtutulungan para sa project na ito.”

Tumango siya kay Mark na hindi makatingin sa kanha ng diretso. “Ako na ang bahala sa client natin, Mark. Take your time to fix your family.”

Pagkasabi niya noon ay tiningnan siya ng masama ji Mark. Kinabahan siya dahil ganoon din ang tingin nito sa kanya noong nagpumilit ito na sagutin niya.

“Wala nang aayusin, Eli. Matagal nang sira ang pamilya ko!” Malalaki at mabibigat na hakbang ang ginawa ni Mark papalabas ng kanyang opisina.

Naiwan siyang tulala sa nilabasan nitong pinto. Hindi siya matatauhan kung hindi pumasok si Pau dala ang laptop nito.

“Bakit hindi na naman maipinta ang mukha ni Sir Mark?” Umupo si Pau sa couch at nilapag ang laptop sa coffee table kung saan naroon ang kape at biscuit niya.

“Family problem,” tanging tugon niya saka umupo.

Kinuha niya ang file na iniwan ni Mark at binasa iyon habang nagkakape. Maya-maya ay si Chelsea naman ang dumating sa office niya dala ang laptop nito. Gumawa sila ng sample plan base sa profile ng kanilang client just in case na kailanganin nila mamaya.

When 9 am strikes the clock, excited ang lahat habang hinihintay sa conference room ang kanilang client. Bigatin ang client nila dahil family ito ng kanilang CEO kaya dapat nilang galingan.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng conference room at iniluwa ang lalaking nakasabay niya sa pantry kanina kasama ang isang babae at lalaki. Mas lalo silang kinabahan dahil kasama din sa meeting ang kajilang CEO. Kung hindi siya nagkakamali ay ito na ang mga client nila. Sabay-sabay silang tumayo at binati ang mga ito.

“Good morning po,” magkakapanabay nilang wika.

Ngumiti sa kanila ang ginang ngunit napako ang tingin nito sa kanya. Ganoon din ang ginoo na bakas ang pagkagulat sa mukha habang ang kanilang CEO ay nakangiti lamang sa kanila.

Sa isip niya ay baka hindi lang makapaniwala ang mga ito na babae ang magiging architect nila. Si Pau at Chelsea nag-asikaso sa kanilang client habang siya ay inihanda na ang kakailanganing presentation. Hinanda na din niya ang kanyang sketch pad para sa mga gustong plano ng clients nila.

“Shall we all have our seats?” wika ng kanilang CEO na si Denisse.

Nauna nilang paupuin ang mga client saka sila umupo.

“Bago tayo magsimula sa meeting, I would like to introduce the engineer that will be your partner in this project.” Proud na tiningnan ni Denisse ang katabi nitong lalaki. “This is Engineer Sylvan De Rueda, my cousin, and he will be the engineer of this project.”

Unahon sa kinauupuan nito ang lalaki at isa-isa silang kinamayan. Mukhang mabait naman pala ito pero iba ito sa lalaking nakasama niya sa pantry.

Nang tumapat ito sa kanya ay hinintay pa nito na ilahad niya ang kanyang kamay bago ito nakipagkamay. Bahagya siyang nagulat nang pisilin nito ang palad niya pero hindi na lang niya pinansin dahil parang normal na rito ang pagpisil sa kamay ng iba.

“It’s nice to meet you all, and I hope that we can make this project great cause this project means a lot to our family.” Anunsiyo nang lalaki na sinang-ayunan ng lahat.

Nagpatuloy ang meeting tulad nang normal na pakikipagmetmeting nila sa kliyente. Inalam nila ang lahat ng expectations ng client habang pinagtutulungan nila na makapagcome up sa sketch ng at 3D design ng vacation house na gusto ng client.

Since first meeting pa lang ito, hindi pa sila makakapagpresent ng finished plan at 3D pero may idea na sila sa gustong mangyari ng client.

The meeting took five hours bago natapos at nadiscuss naman nila ang lahat. Natuwa ang team nila dahil mukhang satisfied sa mga suggestions and ideas nila ang client. Ganoon din ang kanilang CEO.

“No wonder ang team ninyo ang pinili ng board para sa project na ito, lahat kayo ay mahuhusay sa field ninyo.” Puri sa kanila ng kanilang CEO.

“Maraming salamat po, Madam. Makakaasa po kayo na masusunod po ang lahat ng gusto ninyo at magging isa po sa magagandang vacation house sa bansa ang DREAM House,” aniya.

Walang pagsidlan ang kaligayahan niya dahil sa una niyang big project sa walong taon niyang pagtatrabaho sa firm.

“Aasahan namin ‘yan.” Tumingin sa kanya ang ginang. “Mahalaga sa aming pamilya ito dahil ito ang magiging tahanan namin.”

“Wala kayong dapat alalahanin, Tita Louisse, dahil mukhang mahuhusay ang team na ito. Nakikita ko ang kanilang dedikasyon sa kanilang trabaho kaya sigurado akong hindi nila kayo bibiguin.” Sa limang oras na pagmemeeting nila ay ngayon lang may sinabi na sang-ayon sa team nila si Sylvan.

“Dapat lang, Sylvan, dahil mahalaga sa atin ang vacation house na ito. Hindi lang pamilya ng Tita Louisse mo at pamilya natin ang makikinabang dito kung hindi ang future generations ng De Rueda at Mendoza.” Tumikhim ang ginoo. “Para ito sa magiging pamilya mo, Sylvan.”

Natuon lahat ng pansin sa kanilang partner engineer na hindi agad nakaimik sa sinabi ng ama nito.

“Pa, wala pa sa isip ko ang bagay na ‘yan.” Kakamot-kamot sa ulo na wika nito.

Natuwa naman siya sa reaksyon nito kaya napangiti siya. Pareho ang mga magulang nila na pinepressure sila sa pag-aasawa.

“Kailan papasok sa isip mo ang pag-aasawa, Sylvan? Kapag hindi na namin kaya ng Mama mo magbuhat ng apo? Dapat nga sa mga panahong ito nag-aalaga na kami ng apo.” Nakikita niya sa ama ni Sylvan ang kanyang ama na sabik sa apo.

Hindi niya napigilan ang matawa ng mahina. Hindi naman niya inaasahan na hindi pala nakaligtas ang pagtawa niya kay Sylvan dahil tumingin ito sa kanya. Kaya pati ang iba ay napatingin din sa kanya.

“May nakakatawa ba, Eli?” Si Pau ang nagtanong.

Nakatingin sa kanya si Mr. De Rueda at Mrs. Mendoza. Ganoon din si Denisse at Sylvan.

“Natawa lang po ako dahil parehong pareho po sa mga sinasabi ng Papa ko ang sinabi ninyo kay Engineer, Sir." Tukoy niya kay Sylvan. "Ganyan na ganyan din po ang linya nila sa tuwing tatawag po sa akin at mangangamusta.” Magalang niyang sagot sa ginoo na nakatingin sa kanya.

“Wala ka pa rin bang asawa, Miss Jamilla?” tanong ng ina ni Denisse.

“Wala po. Career po muna bago ang bagay na ‘yon.”

“How about boyfriend?” Ang ama ni Sylvan naman ang nagtanong.

“Wala rin po.” Nahihiya niyang pag-amin sa mga ito.

“Never kang nagka-boyfriend?” This time it’s Denisse putting her in a hot seat.

“Nagka-boyfriend naman po pero matagal na po. College pa po ako n’on.” Kahit nahihiya ay nagawa pa rin niyang maging honest sa mga ito dahil unang-una ay kliyente niya ang mga ito at isa sa mga ito ang nagpapasahod sa kanya.

“Bakit kayo naghiwalay?” Muling tanong ng ginang.

Tila nakahalata naman ang kanyang mga kasama na nilalagay siya sa hot seat ng mga kliyente ngunit hindi naman magawa ng mga ito na sumingit dahil naroon ang boss nila.

“Nagkaproblema po kami.” Napayuko siya nang maalala si Alvi.

Hindi niya ginusto ang lahat. Kinailangan niyang pumili at hindi si Alvi ang dapat niyang piliin nang mga panahon na iyon. But God knows how much she loved that guy. Ilang taon na din naman ang lumipas at nakamove on na siya. Masaya na siya sa kinahinatnam ng desisyon niya noon.

“What happened to the guy?” Habol na tanong ng ginang.

“Wala na po ako naging balita sa kanya after po namin makapagtapos ng college. Ang alam ko po ay nagtungo siya sa ibang bansa.” Iyon lang talaga ang alam niya tungkol kay Alvi after nila maghiwalay.

“Paano kung bumalik ang lalaking iyon sa buhay mo?” It was Denisse asking her.

Hindi siya agad nakasagot sa tanong dahil kahit siya ay hindi alam ang isasagot rito. Hindi iyon sumagi sa isip niya dahil alam niyang hindi na babalik pa si Alvi. Hindi na siya umaasa na babalik ito.

“I think that’s enough, Den.” Sylvan saved her from her cousin’s question. “Hindi na related sa vacation house ang mga tanong ninyo.”

Sylvan gave a warning look to the three of his family before looking at her.

“Pasensiya na sa mga tanong nila. Medyo na-overwhelmed lang siguro sila dahil pareho ang situation mo sa situation ko, right Pa? Tita Louisse? Den?” Inisa-isa nitong tingnan ang ama, tiyahin at pinsan nito na tumango lang saka tumingin sa kanya.

Nagpaalam na ang mga ito pagkatapos nilang ma-finalize ang magiging outcome ng vacation house. Bumalik na din sa kani-kanilang pwesto ang team niya para simulan ang mga binigay niyang task sa mga ito.

Siya naman ay naiwan sa conference room kasama si Sylvan para mapag-usapan ang plano na gagwin nila sa vacation house.

“Alam mo ba talaga ang pinapasok mo, Eliana?”

Napahinto siya sa ginagawa sa kanyang laptop at tiningnan ang lalaking nakaupo sa kabilang side ng long table. Seryoso itong nakatingin sa kanya habang pinaglalaruan ng kamay ang isang lapis.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Wala ka talagang alam sa pinasok mo.” Sagot nito sa sariling tanog saka umahon sa kinauupuan at naglakad para umalis.

“Sylvan,” tawag niya rito. “Akala ko ba pag-uusapan natin ang plano ng vacation house ninyo?”

“Let’s first visit the site.”

“Ngayon na?” Sinulyapan niya ang digital clock na nakahang sa dingding ng conference room. “Off ko na sa trabaho in 30 minutes. Pwede bang bukas na lang?”

“Do you want to finish this project immediately, Eliana?”

“Oo naman.” Agad niyang sagot.

“Then pack up your things, and we will go to the site.”

Wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod dahil para din naman iyon sa ginagawa nilang project. Inayos niya ang mga gamit habang si Sylvan ay nakatayo lang sa may pinto ng conference room.

Dumaan pa siya sa kanyang opisina para kunin ang kanyang bag at iba pang gamit. Mukhang mag-oover time siya ngayon ah. Kung para naman sa ekonomiya, bakit hindi ‘di ba?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status