Share

Kabanata 3

ALAS kwatro na ng hapon kaya medyo busy na ang kalsada nang lumabas sila. Karamihan ng mga tao ay papauwi na galing trabaho ganoon din ang mga estudyante sa paaralan. Dumiretso si Sylvan sa parking area sa harap ng firm kung saan nakapark ang kotse nito. Iba talaga kapag kamag-anak ng boss. Samantalang siya ay sa basement pa ang diretso dahil doon nakapark ang kotse ng mga empleyado.

“Kunin ko lang ang kotse ko sa basement.” Paalam niya rito ngunit sa halip na magsalita ay binuksan nito ang pinto sa passenger seat ng kotse nito.

“Isang sasakyan na lang tayo para hindi mahirap sa pagtravel. Rush hour na kaya mas mahirap kapag dalawang sasakyan pa tayo. Antipolo lang naman site.” wika nito habang hinihintay siyang kumilos.

“Paano ang kotse ko? Paano ako uuwi mamaya at paano ako papasok bukas?”

Sylvan gave her a blank stare. “Get in, Eliana. You’re wasting our time.”

Padabog siyang naglakad at sumakay sa kotse nito. Pagkaupo niya ay agad niyang naamoy ang pabango ni Sylvan sa loob ng kotse. Alam niyang pabango nito ang naamoy niya dahil naamoy niya ito kanina noong nasa pantry sila. Mas lalo niyang naamoy ang pabango ji Sylvan namg sumakay ito sa driver’s seat.

Hindi niya maikakaila na nakaka-turn on ang amoy ng pabango nito. Hindi masakit sa ilong at parang natural lang ang amoy.

“Medyo traffic na kaya baka abutin ng 30 minutes ang biyahe natin.” Anunsiyo nito saka pinaandar ang kotse at nagmaniobra.

“Sige.” Tangi niyang sagot at tinuon ang pansin sa kanilang dinadaanan.

Ang totoo ay iniisip niya kung paano siya uuwi mamaya at kung paano siya papasok bukas. Nasa firm ang kanyang kotse at hindi niya alam kung ihahatid ba siya ni Sylvan mamaya pabalik sa firm o magcocommute siya. Imposibleng ihatid siya pabalik ng lalaki dahil hindi naman siya nito responsibilidad. Pero sa kabilang banda ay ito ang may kasalanan kung bakit naiwan ang kotse niya.

Habang nagtatalo ang kanyang isipan ay nakaramdam siya ng pagkalam ng sikmura. Hindi pa nga pala siya nakakapagmeryenda. At sa mga ganitong pagkakataon ay hindi niya dapat pinapabayaan ang sarili.

“Sylvan, pakihinto ng kotse sa tapat ng coffee shop na ‘yon,” turo niya sa coffee shop na madadaanan nila.

“Huwag mo akong utusan. Hindi mo ako driver.” Pagsusuplado nito.

“Sinabi ko bang driver kita? Kaya nga Sylvan tawag ko ‘di ba? Ihinto mo na lang para walang away. Nagugutom na ako,” aniya na hindi na pinansin ang pagsama ng tingin ng lalaki sa kanya.

Hininto din naman nito ang kotse ngunit bago siya bumaba ay may sinabi ito na kinainis niya.

“Kapag hindi ka nakabalik sa loob ng limang minuto ay iiwan na kita. Bahala ka nang pumunta sa site mag-isa.” Sinamaan niya ito ng tingin pero tinapunan lang siya nito ng blangkong ekspresyon.

Suplado! Mabilis siyang bumaba ng kotse at nagmamadaling pumasok sa coffee shop. Hindi na siya umorder ng kape dahil aabutin pa ‘yon ng Pasko. Bumili na lang siya ng tinapay at tubig. Muntik niya pa awayin ang cashier dahil ang bagal kumilos.

Panay ang lingon niya sa labas ng shop at sa kanyang suot na relo. Baka nga totohanin ng lokong ‘yon ang sinabi nito. Kaya naman niyang magcommute papuntang Antipolo pero nakakapagod ‘yon kaya pagtiyatiyagaan na niyang makasama ang supladong pinsan ng boss niya.

Lakad-takbo ang ginawa niya para makabalik agad sa kotse ni Sylvan. Pagkasakay niya ay pinasibad kaagad nito ang sasakyan dahilan para mahulog ang bote ng tubig na hawak niya.

“Taeng-tae ka na ba? Nagmamadali ka eh!” Naiinis niyang wika saka kinuha ang bote ng tubig sa sahig ng kotse. Kinailangan niya pang yumuko para mahanap kung saan tumilapon ang bote. Nakita niya ito sa may paa ni Sylvan. Tumingin siya rito para tingnan kung aware itong nasa gitna ng dalawa nitong paa ang tubig niya.

Nang mapansing seryoso ito sa pagmamaneho st hindi nakatingin sa kanya ay lakas loob siyang yumuko at kinuha ang bote sa pagitan ng mga paa nito. Hindi sinasadyang lumapat ang braso niya sa binti nito ganoon din ang ulo niya sa bandang baba nito. Alam niyang napaka-awkward ng kanilang posisyon at parang may sariling buhay ang bote ng tubig dahil mas lalo pa itong lumayo.

“Sylvan, pwede bang iusog mo ng kaunti ang binti ko. Hindi ko maabot—ay!” Napatili siya nang biglang apakan nito ang preno dahilan para mapasubsob siya sa dashboard ng kotse.

Bumalik siya sa pagkakaupo na nakasapo sa kanyang noo na tumama sa dashboard. Sinamaan niya ng tingin ang lalaki. Ang sama talaga ng ugali.

Kinuha nito ang bote ng tubig sa may paahan nito at binigay sa kanya. “Here!”

“Salamat!” pasigaw niyang wika saka bumaling sa kabilang direksiyon. Naiinis siya rito.

Kanina pa ito mainit ang dugo sa kanya. Kung gaano kabait ang boss Denisse niya ay siya namang sama ng ugali ng pinsan nito.

“Pwede mo naman kasing ipaabot sa akin ‘yong tubig,” paliwanag pa nito pero hindi niya pinansin.

Kumain siya ng tinapay para kahit papaano ay mawala ang sama ng loob. Hindi na siya umimik pa pagkatapos niyang kumain dahil sa totoo lang naiinis siya sa tuwing magsasalita ang lalaki. Pakiramdam niya ay wala siyang masasabing tama kapag ito ang kausap. Laging ito ang tama at hindi ito magpapatalo.

“Malapit na tayo,” anunsiyo nito.

Tumango lang siya at nanatiling tahimik. Nilaro na lang niya ang hawak na lapis at gumuhit ng kung anu-ano sa kanyang sketch pad. Ginuhit niya ang mga puno na pinapanood niya kung paano nila nilalampasan.

Naexcite at napangiti siya nang makita ang papalubog na araw sa pagitan ng mga puno na kanilang nadadaanan.

“Sylvan, meron ba ditong lugar na pwede nating panoorin ang sunset?” Hindi maalis ang tingin niya sa papalubog na araw kaya hindi niya nakita ang pagtaas ng sulok ng labi ng lalaki.

“Mas makikita mo ang sunset sa site na pupuntahan natin.”

Para siyang bata na agad na niligpit ang mga gamit dahil may magandang lugar na pupuntahan. Tinahak ng kotse ang isang daan na nilinisan para maging mahawan ang lugar. Nakatitiyak siyang nasa sita na sila.

Pagkahinto ng kotse ay agad siyang bumaba dahil tulad ng sinabi ni Sylvan, tanaw na tanaw nga sa lugar ang paglubog ng araw.

“Wow,” bulaslas niya habang yakap ang kanyang sketch pad. “Tingnan mo, ang ganda ng sunset dito.”

Hinila niya ang kamay ni Sylvan na nakasiksik sa bulsa nito patungo sa kinatatayuan niya para ipakita rito ang paglubog ng araw.

“Ang ganda ‘di ba?” Nakatuon ang pansin niya sa paglubog ng araw na hindi niya napansin na sa kanya nakatuon ang mga mata ni Sylvan.

“Yes, it’s beautiful,” tugon nag binata na may ngiti sa labi saka pinagmasdan ang paglubog ng araw.

“Nakagagaan ng pakiramdam na makita ‘yong unti-unting paglubog ng araw,” Eliana uttered, her eyes fixed on the breath-taking view before her.

“I agree. Parang dinadala niya sa paglubog ang lahat ng problema na dala mo.”

“Mahilig ka rin manood ng sunset?” usisa ni Eliana.

Kapwa sila nakatingin sa pagtago ng araw sa likod ng mga bundok at mga puno. Ang mga ngiti sa mga labi nito ay nagpapakita ng kasiyahan na di mapapantayan ng mga sandaling iyon.

“I like the feeling of watching the sun slowly fades into the horizon.”

“Fade? Hindi naman naglalaho ang araw sa tuwing lumulubog ito.”

Sylvan looked at the woman beside him with pure disbelief in his face. Alam naman niyang hindi nawawala ang araw. Hindi siya bobo sa science para di malaman ang bagay na ‘yon.

“Nagpapahinga lang siya dahil may ibang nangangailangan sa kanya sa ibang panig ng ating mundo.” Pagpapatuloy pa nito.

Gusto niya itong pektusan dahil pinagmumukha siya nitong hindi alam ang bagay na iyon ngunit nang makita na seryoso itong nakatingin sa magandang tanawin ay naisip na lang niyang may malalim na kwento sa likod ng mga sinasabi nito.

“Opacarophile.”

“Huh?” Nilingon siya ng dalaga na nagtatanong ang mga mata.

“A person who loves sunset is an opacarophile,” he explained.

“Ngayon ko lang narinig ‘yon.” Amazed na wika ni Eliana. “Ano nga ulit ‘yon? Opa... Opaca.”

Sylvan chuckled as Eliana struggled to utter the word. “Opacarophile,” pag-uulit niya.

“Opaca...rophile. Now, I know.” Eliana giggled in happiness when she successfully uttered the word that best describes her. “Opacarophile ka din ba?” tanong ni Eliana sa binata.

Unti-unti nang dumidilim ang paligid dahil lumubog na ang araw ngunit sapat pa rin ang liwanag para makita niya ang mukha ng binata. Ngayon niya lang ito natitigan ng matagal at hindi maikakaila ang kagwapuhan nitong taglay. Idagdag pa ang matipuno nitong katawan na tiyak niyang bunga ng regular nitong pag-eehersisyo.

“I like sun sets because of the relaxing feeling it gives me. Hindi lang pagsikat ng araw ang sumisimbolo ng bagong simula para sa akin. Sunset gives me chances everyday to make it better the next day. I like watching the sunset over the sea,” Sylvan cleared his throat when Eliana moved closer to his side. The close distance between them distracted him. “What are you doing?”

“Making myself safe.” Mas lalong sumiksik si Eliana sa tagiliran ng binata. May narinig kasi siyang kaluskos sa bandang kanan niya kaya dumikit siya kay Sylvan para kung sakali mang may humila sa kanya ay makakahawak kaagad siya sa binata.

Unti-unti nang dumidilim at nasa medyo liblib silang lugar sa isang bayan sa Antipolo. Hindi siya pamilyar sa lugar kaya natatakot siya. Hindi alam ni Eliana kung anong mga hayop ba ang nasa paligid nila o baka may masasamang tao na pagdiskitahan sila.

“Safe from what?” Naguguluhang tanong ni Sylvan sa dalaga.

“From whatsoever is around us. May kumakaluskos sa banda doon.” Tinuro ni Eliana ang dakong kanan niya kung saan niya narinig ang kaluskos. May matatas na damo pa sa lugar na ‘yon kaya di niya alam kung anobg meron doon.

“Ganyan ka ba kapag bumibisita sa site?” May panunudyo sa tanong ni Sylvan.

Agad namang dinepensahan ni Eliana ang sarili. “Ngayon lang ako bumisita sa site ng gabi, Sylvan. Hindi ako inoobliga ng mga nakakasama kong engineer na bumisita sa site nang gabi.”

“So clearly, this is your first.” May pagmamalaking pahayag ni Sylvan.

“Oo. Dapat may overtime pay ito.”

“Don’t worry, sasabihin ko kay Denisse na bigyan ka ng extra pay dahil dito.” Binalingan ni Sylvan ang tinutukoy ni Eliana na pinanggalingan ng kaluskos. “Baka ‘yong mga trabahador lang ‘yong narinig mo kanina.”

“Stay-in ba sila dito?”

“Oo, magsisimula na kasi ang construction ng vacation house. Sa pagkakaalam ko ay may barracks sila sa di kalayuan.”

“Bakit ito ang napili ninyong site para sa vacation house? May sentimental value ba ang lugar na ito sa family niyo?” Nang sabihin ni Sylvan na may mga trabahador na naroon ay nawala ang takot niya sa lugar.

Nagkaroon siya ng lakas ng loob ng suriin ang lugar. Napakalawak ng lupa na ‘yon. It was a 30 hectare land situated at a higher elevation near the mountain. Nasa mataas na lugar ang lupa kaya tanaw din sa lugar ang city lights pagsapit ng gabi. A perfect view for someone who wants a quiet and peaceful life away from the noisy life in the city.

“Ito ang unang lupa na nabili ni Papa noong magtagumpay ang kompanya nila ni Tita Louisse. Mahalaga ito sa kanila at gusto nila na dito magtitipon-tipon ang aming mga pamilya sa tuwing may okasyon. Kaya gusto nila na maging maayos ang construction ng kanilang DREAM house.”

Sa tuwing naaalala ni Sylvan ang mga pinagdaanan ng kanyang ama para magkaroon sila ng maayos na buhay ay hindi niya mapigilan ang maging proud sa ama.

Mula sa pagiging isang simpleng tagaluto sa karinderya ay naglakas loob ang ama niya magtayo ng sarili nitong kainan. Isang maliit na restaurant ang sinimulan ng kanyang ama at sa tulong ng kanyang Tita Louisse na dating OFW ay napalago niya ito. Hanggang sa makilala sa merkado ang mga luto ng kanyang ama at makapagpatayo ng branch ng kanyang restaurant sa ibang lugar.

Mas nakilala ang restaurant at luto ng kanyang ama hanggang sa pasukin ng ama niya ang paggawa ng mga food products. And that was the start of Adeu Red Food Products at ang Adeu Red Hotel and Restaurants na mayroong branches sa iba’t ibang panig ng bansa. And soon they will have international branches of Adeu Red while the Adeu Red Food Products were already in export to some countries in Asia.

Masasabi niyang yumaman ang kanyang ama dahil sa sipag at diskarte nito sinamahan pa ng suporta ng kanyang Tita Louisse.

“Sylvan?”

Napukaw ng pagkumpas ni Eliana ang diwa ni Sylvan na ilang minuto nang nakatitig sa kawalan dahil sa pagbabalik tanaw sa buhay ng ama nito.

“Bigla kang natahimik.”

“May naalala lang ako,” pag-amin niya sa dalaga.

“Huwag kang mag-alala, sinisiguro ko sa iyo na magiging maganda ang vacation house niyo rito.” Kompiyansang wika ni Eliana.

“I know kaya nga ikaw ang pinili ni Denisse na maging interior architect ng project.”

“Nakakapresure nga eh.”

“Don’t be. We are a team here.” Ngumiti si Sylvan para gumaan ang pakiramdam ni Eliana at hindi ito mapressure sa gagawin nilang project.

Hindi niya alam kung makakatulong ang pagngiti pero ano bang malay niya.

“O-Oo, team tayo.” Nauutal na wika ni Eliana dahil nadistract ito sa pagngiti ni Sylvan na noon lamang jito ginawa mula nang makasalamuha niya ito sa pantry.

Sylvan looked around and noticed that it’s getting really dark. Nang sulyapan niya ang orasan ay mag-aalas siyete na nang gabi.

“We’d better go. It’s getting late,” yaya ni Sylvan sa dalaga.

Simulyap din si Eliana sa suot nitong wrist watch at sumang-ayon kay Sylvan. “Pakibaba na lang ako sa sakayan pabalik sa firm. Kukunin ko pa kasi ang kotse ko doon.”

“Ihahatid na kita.”

Nagulat si Eliana sa pagpresinta ni Sylvan na ihatid siya. Teka, saan ba siya nito ihahatid? Sa sakayan? Sa firm? O sa bahay?

“Ha?” Kunwari ay hindi narinig ni Eliana ang sinabi ni Sylvan para makasiguro kung saan ba siya nito ihahatid.

“Ihahatid na kita, ang sabi ko,” pag-uulit naman ng binata na tila masama pa ang loob dahil inulit nito ang sinabi.

“Naku, ‘wag na. Kaya ko naman bumyahe.” Tanggi ni Eliana kahit deep inside ay nagbubunyi siya dahil ihahatid siya nito.

Bahala na kung saan siya ihatid. Ang mahalaga ay ihahatid siya nito.

“I insist. Get in the car, Eliana. Ihahatid kita.”

Sylvan pressed the car key making the car alarm sound. Binuksan pa nito ang pinto para sa kanya.

“Salamat,” aniya saka sumakay sa kotse.

Nang makasakay si Sylvan sa driver’s seat ay inilagay nito sa GPS ng kotse ang address ni Eliana. Hindi ito napansin ng dalaga dahil may tumawag sa cellphone nito at kung hindi siya nagkakamali ay lalaki ang tumawag. Boyfriend siguro ni Eliana.

Nagmaneho na lamang siya upang maihatid si Eliana na abala sa pagpapaliwanag sa kausap nito sa cellphone. Pinapaliwanag nito kubg bakit nasa labas pa din ito nang ganoong oras ng gabi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status